XVII

A/N: Chapter 17 out of 20.

PS: Next update is on Monday.

Nauna akong nagising at pagdilat na pagdilat ko ay agad akong napangiwi sa sakit ng katawan ko. Tinaas ko ang braso ko at nakita kong namumuo na ang ibang pasa ko dahil sa mahigpit na hawak sa'kin ni Prince kagabi. Nang maalala ko ang nangyari ay napapikit ako ng mariin at mahinang hinampas ang noo ko.

Ano'ng nangyari sa move on drama mo?

Napairap ako. May move on pa akong nalalaman, isang halik lang niya sa'kin bumigay na agad ako. Minsan talaga umiiral masyado ang pagkatanga ko, e. Hindi pala minsan—palagi pala.

Bumuntong-hininga nalang ako at tinignan si Prince na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Gaya ng dati, unti-unti na naman bumibilis ang tibok ng puso ko at imbes na labanan ko ito ay ngumiti nalang ako. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayon, pero isa lang ang hindi mababago: ang desisyon kong umalis.

Yes, gaga parin ako. Mahal ko parin siya.
Pero nangako ako sa sarili ko na tama na ang pagiging tanga ko sakanya at sarili ko naman na ang uunahin ko. And that means committing myself to Clishique. Kung dati si Prince ang priority ko, ang sentro ng buhay ko; ngayon ay hindi na. Hindi na p'wede.

Kahit masakit ang katawan, pinilit kong umupo ng maayos. Sinuklay ko ang buhok niya minsan tapos lakas-loob na hinalikan ang noo niya. Kinuha ko robe ko sa gilid at pumunta ng banyo para mag-ayos man lang. Buti nalang at ang naituro kong k'warto kagabi ay 'yung kwarto ko. Pero mas nagpapasalamat ako na hindi siya nagtaka kung bakit apat ang kwarto dito sa apartment.

Nang harapin ko ang salamin, tinanggal ko ang robe at tinignan ang kabuuan ng katawan ko. Kinagat ko ang labi ko nang makitang ang daming pasa sa buong katawan ko. Aaminin ko din naman kasi na maliban sa isang beses na naging malambing si Prince, 'yung ibang tatlong beses na ginising niya ako ay mabilisan at sa iba't ibang posisyon ay mahigpit akong hinawakan ni Prince. Never letting go.

Winaksi ko ang iniisip ko at nagmumog nalang tsaka lumabas. Tulog parin siya kaya dumiretso ako sa sala kung saan nagkalat ang mga damit namin. Namula ako nang mapatingin sa pinto kung saan niya ako unang inangkin at hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Nang makita ko ang polo niya ay tinanggal ko agad ang sinuot kong damit kanina para isuot nalang 'yun. Tinupi ko 'yung sleeves nun at nilagay na sa washing machine 'yung iba.

Habang pinapa-init ko 'yung mantika, pumunta ako sa room ni Jas para kumuha ng sweatpants at shirt na siguradong naiwan ni Derick dito. Nilagay ko 'yun sa kwarto ko at bago ko pa matignan si Prince ay agad na akong lumabas nang mag-ring ang phone mo. Kinuha ko 'yun mula sa sala at dumiretso sa kitchen para magluto ng omelette.

"Hello?"

"What time is your flight again?" tanong ni Ari sa kabilang linya.

"It's at 6PM. Why? Pupunta ba kayo?"

"No, e. Sabi naman namin sa'yo we should've had a despedida last night," nagtatampong sabi ni Ari pero natawa nalang ako. Wala akong sinabi dahil ayokong may pagsisihan when it comes to last night. Dahil kung may pagkakataon akong gawin ulit ang lahat ng nagawa ko kagabi, walang dudang uulitin ko. "Anyway, ako na kumausap kay Bruce. He'll be the one to pick you up sa airport sa New York. It's a good thing talaga na na-transfer na siya sa branch nila doon."

I smiled and transferred the omelette to another place. Pinatay ko na ang stove at sumandal sa island. "Thank God for small miracles talaga, e."

"Hmm... You sound different, Belle."

Mas lumawak ang ngiti ko. "What do you mean, my dearest Ari?"

"I don't know," sabi niya at nai-imagine kong salubong na ang kilay niya. "You just sound really really happy this morning. Ganyan ka ba ka-excited pumunta ng New York?"

I bit my lip when I saw Prince walking out of my room, only wearing the sweatpants I got him. Inaayos niya at sinusuklay ang buhok niya habang ako naman ay parang baliw na tumititig lang sakanya. At kahit nung tumingala siya at sinalubong ang tingin ko ay hindi ako umiwas ng tingin. Mas lalo lang akong napangiti nang kumindat siya sa'kin and for the first time in forever, Prince smiled at me boyishly.

Pinanood ko siyang lumapit nang hindi natatanggal ang ngiti niya sa labi habang ako naman ay maang parin na sinusundan siya ng tingin hanggang sa mapunta siya sa harapan ko.

Binuka niya ang bibig niya at dinilaan ang labi ko bago ako halikan ng marahan. Nang humiwalay siya ay napunta agad sa butones ng polo niya na suot ko 'yung kamay niya. "Who's that?" bulong niya at tinuro ang phone ko.

Napakurap ako at natandaan na kausap ko pala si Ari. Tinalikuran ko si Prince para kausapin si Ari pero naramdaman kong pumaikot sa bewang ko ang mga braso niya. "Hello, Ari?"

"Belle! Kanina pa ako nagsasalita! What got you so distracted anyway?"

Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko. Huwag nalang, baka malaman pa ni Jasmine. "Nothing, nothing. Dadaan ako sa Metro mamaya para i-meet si Jas, then I'm off."

Naramdaman kong napunta sa buhok ko ang matangos na ilong ni Prince at tulad kagabi ay napaisip ako kung ano ba ang nangyari kay Prince at andito siya ngayon? Kasama ko at umaakto na parang may namamagitan sa'min?

"—I'll see you later then. Bye, Belle! I love you ha! Don't forget."

Napangiti ako at umikot para harapin si Prince. Napahawak ako sa tenga niya at tumitig ako sa mga mata niyang nakatingin na sa'kin. "I love you, too," malumay na sabi ko at nakita kong napangiti si Prince. Tinapos ko na ang tawag at nilagay sa counter 'yung phone ko. "Good morning," bati ko sakanya.

"Best morning," bulong niya at yumuko na naman para halikan ako. Ninamnam ko 'yun at pinikit ang mata ko hanggang sa maghiwalay na kami.

I don't care what happened to him, o kung ano man ang dahilan ng pagpunta niya dito; pero alam kong susulitin ko 'to dahil baka hindi na maulit muli. Make the moment last.

Lakas-loob na niyakap ko siya at mahigpit niyang sinukli ang yakap ko. Hubad ang taas na bahagi ng katawan niya kaya ramdam ko ang init ng balat niya at nang itapat ko ang tenga ko sa dibdib niya ay narinig ko ang mabilis na tibok ng puso nito. Just like mine.

Dumilat ako at agad napatingin sa orasan. Nanlaki ang mata ko at napalayo ako kay Prince nang makitang maga-alas once na ng umaga. Hindi pa ako tapos mag-empake!

"What's wrong?" nakasimangot na tanong niya at sinundan ako.

Naglakad ako papunta sa dining table at inakay siyang umupo doon. Sumunod naman siya. Mabilis na pinagsilbihan ko siya at kita kong sumusunod sa'kin ang tingin niya. Hindi ko na 'yun pinansin dahil may kailangan pa akong gawin. Baka ma-late ako mamaya.

Nang maayos ko na ang breakfast niya ay aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko para pigilan ako. "Bakit? May kulang ba?"

Napailing siya. "Hindi mo ba ako sasamahan?"

Medyo nagulantang pa ako dahil nag-Tagalog siya pero ngumiti nalang ako. "I need to pack my stuff. Hindi pa ako tapos mag-empake."

Kumunot ang noo niya. "You're... leaving?"

Dahan-dahan na tumango ako at sumandal sa mesa para tignan siya. For the first time—ang daming first times!—ako 'yung nakayuko at siya 'yung nakatingala sa'kin. "My flight leaves at 6PM. Pupunta ako ng New York."

Nanlaki ang mata niya at nagulat ako nang bigla siyang tumayo at pabalik-balik na naglakad sa harapan ko. Tumigil siya at hinarap ako. "Why? Why are you leaving?"

Pinag-krus ko ang mga braso ko. "Kailangan, e. Magb-branch out na ang Clishique sa NYC."

Sinabunutan niya ang sarili niya kaya mabilis na kinuha ko ang kamay niya. Kinagat niya ang labi niya habang nakatingin sa mga kamay namin bago ako tiningala. "I forgot. You're the elusive CEO of Clishique."

Nahihiyang tumango ako. "Yeah. Ako 'yun."

"A business princess," mahinang sabi niya. "No wonder you're so close to the other princesses." Binitawan niya ang kamay ko at huminga ng malalim tapos ay tumawa ng mapakla. "I can't believe I didn't see it. The signs were there."

Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya kaya nanatili nalang akong tahimik. Nagsasayang ako ng oras pero gusto kong makausap si Prince at ipaintindi din sakanya kung bakit ako nagsinungaling. Kagabi ko pa sana ginawa pero.... na-distract kami. Pero ngayon hindi na p'wedeng magkaroon ng distractions.

"Why didn't you just tell me, Belle?" tanong niya at kita ko ang frustrations sa mga mata niya habang nakatingin siya sa'kin. Bumagsak ang mga balikat ko sa klase ng tingin na binigay niya. He looks so.... down. "It would've made things so much easier for us."

"Prince... intindihin mo din naman ako," sabi ko at umupo sa inuupuan niya kanina. Tiningala ko siya. "Ever since lumago ang negosyo ni papa, lahat nalang ng tao na ayaw akong lapitan noon ay biglang gusto na akong maging kaibigan. I spent years as a child trying to be friends with other kids who are far beyond my station, pero lahat sila tinalikuran ako." Yumuko ako at nagpunas ng luha. "Bata palang ako, nakapasok na ako sa isang private school through scholarship. Hindi pa nadi-discover si papa noon kaya mahirap pa kami. Everyday for seven years nilayuan ako dahil mahirap ako. Dahil hindi bago ang sapatos o bag ko. Dahil cheap lahat ng notebook ko. Dahil hindi ako mayaman."

The memories came rushing in. Noong mga taon na na-bully ako dahil hindi ko kayang makipagsabayan sa mga luho nila sa buhay. Hindi ko naman 'yon ginusto, e; gusto ko lang naman na magkaroon ng kaibigan noon pero dahil sa kinagisnan kong mundo ay walang gustong makipagkaibigan sa'kin. Tumulo na naman ang luha ko.

"It was so hard for me, Prince. Mag-isa akong anak at magkaroon lang ng kahit isang kaibigan 'yung hiningi ko pero hindi 'yun natupad." I wiped my tear then a smile formed in my lips. Nakita kong lumuhod si Prince sa harap ko at hinawakan niya ang kamay ko. "Freshman year, a whole year bago nagsimulang gumanda ang buhay namin ni papa, I entered Levine High School at doon ko nakilala ang mga kaibigan ko noon. Kahit pinagtatawanan ako ng iba dahil hindi pa ako naka-uniform sa unang araw dahil nga wala kaming pambili, Jasmine Cortez went to me and talked to me in front of everyone. Sumunod si Ari na may dalang extrang uniform para sa'kin tapos si Belle na inaya akong sumama sakanila. They were my first friends."

Natahimik ako saglit nang punasan ni Prince ang mga luha ko pero napangiti nalang siya nang hindi tumigil na umagos mula sa mga mata ko. I chuckled and wiped. Then failed.

"When my father got discovered and ELITES was born, tumaas na ako sa social ladder. Dahil nabibili ko na ang mga gamit na mas mahal pa kesa sa nabibili ng iba, people started to talk to me. Pero lahat sila may ulterior motive," pahinang-pahina na sabi ko at tumingin kay Prince. "The same thing happened to the other three, kaya simula noon sinumpa na namin na hindi na kami magpapa-uto. We'll keep the circle tight and not let anyone else in. We didn't other people to take advantage of us."

Nakita kong napayuko si Prince. "Is that what you think of me, Belle?" Tumaas ulit ang tingin niya at napasinghap ako nang makita ang lungkot doon. "Akala mo ba... Ganon din ang gagawin ko sa'yo?"

"At first, no," sagot ko at napailing pa. "I-I was actually glad na dahil sa pangalan ko, makikilala kita. Kaya ako sumama noon sa first meeting ng ELITES sainyo."

Tumango siya nang maalala ang araw na 'yon. "You weren't lost, were you?"

"I mean, I couldn't find the bathroom," sabi ko at mahinang napangiti siya. "But then I found you—or you found me, actually. At noong kinausap mo ako at hindi mo ako nakilala, naisip ko na baka 'yun na 'yung pagkakataon ko para makita mo ako bilang ako, not as your business partner's daughter. Kaya ako nag-apply bilang secretary mo."

"And then you fell in love with me," bulong niya at namula naman ako. Gusto kong sabihin na mahal ko na siya dati pa, high school pa, pero pinigilan ko ang sarili ko dahil nakakahiya naman kung ganon. Nagmukha pa akong stalker.

Hinaplos ko ang pisngi niya. "Gusto kong aminin sa'yo noon na may connections din ako, na p'wede akong maging asset sa kumpanya mo. Pero hindi ko nagawa."

"Why not?"

"Kasi natakot ako," piyok na boses na sabi ko. "Natakot ako na baka magalit ka sa'kin at kamuhian mo ako. Na patalsikin mo ako sa buhay mo at ayoko nun, Prince. Kahit secretary mo lang, sapat na sa'kin sa mga panahon na 'yun hanggang sa mas nahulog ako sa'yo. Hanggang sa hinangad ko na sana makita mo na ako—hindi lang bilang secretary mo."

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya at hinalikan 'yon. "I did, Belle. I do."

"Pero hindi mo sinabi."

Hindi siya umimik agad. He sighed. "I had to do it for the company, Belle."

"Kaya mo namang gawin 'yon, e," kumbinsi ko sakanya. "Kaya mo. You learned from the GOAT, remember?"

He smiled faintly and then completely sat down on the floor. Hawak padin niya ang mga kamay ko at doon siya tumingin imbes na sa'kin. "I admit, mali ako," sabi niya at nakinig lang ako. Kahit sa loob-loob ko ay mag-hyperventilate na ako sa pagta-Tagalog niya. Chill ka lang, Belle. "I've wanted to expand the business ever since the moment I learned the ropes of it when I was younger. Ginawa kong buhay ang negosyo namin. It became the center of my life that other people fell into the background." Huminga siya ng malalim at tumingin sa'kin. "Belle. Do you remember when I told you I didn't want to ruin another person?"

Tumango ako. Lahat ng nangyari sa araw na 'yun ay naka-imprinta na sa utak ko. Hinding-hindi ko na makakalimutan 'yon.

"Well..." Tumikhim siya. "That other person was my sister, Agatha."

Nanlaki ang mata ko. "M-may kapatid ka?"

"She died—" Mabilis niyang sabi at napaubo ulit. "She died years ago. Because of me."

Napasinghap ako at mabilis na tumabi sakanya sa sahig. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Ano'ng nangyari, Prince?"

"There was another company that was willing to merge with us," simula niya at napangiwi ako sa lamig ng boses niya. Nakatingin siya sa malayo at alam kong inaalala niya ang mga nangyari. "Pero hindi pumayag si dad because they wanted Agatha in exchange. An arranged marriage." Yumuko siya at nilaro ang mga daliri ko habang tahimik na nag-iisip. Naghintay ako hanggang magsalita siya ulit. "But me—Fuck, I wanted that merge. So I talked to Agatha and tried to convince her. Sinubukan ko and—" Napalunok si Prince. "My sister loved me so much she agreed."

Napasinghap ako nang makitang may tumulong luha sa mga mata niya at agad kong pinunasan 'yon. I've never seen him so... weak. Vulnerable.

Human.

"What happened?" bulong ko. Halatang matagal na niya itong kinikimkim kaya gusto kong ilabas niya lahat. Di bale na kung hindi ko matapos ang pagi-empake dahil p'wede naman akong bumili sa New York. But this... I won't trade this for anything.

"She went to him. Para sabihing pumapayag na siya sa kasunduan, but—"

Prince let go of me and broke down.

Naestatwa ako at pinanood lang siya na humikbi at umiyak. Unti-unting nadudurog ang puso ko dahil 'yung lalaking akala ko ay walang kahit katiting ng emosyon ay sobrang hina sa harapan ko ngayon dahil sa nararamdaman niya. Prince was hurting.

Prince is hurting.

Dinaluhan ko siya at inalo pero tinulak lang niya ako palayo. Akala ko sisinghalan niya ako pero nagulat ako nang punasan niya ang mga luha niya at hinarap ako. Galit na ngayon ang mga mata niya.

"The bastard raped her," galit na asik niya.

Nanlaki ang mata ko at hindi ako nakaimik.

"He fucking raped her, Belle. Walang nagawa ang ate ko. He was too strong and she was so tiny and was so slim. She—she didn't stand a chance," hirap na hirap na sabi niya. "The fucking twit caught it on video. And sent it to my dad and I. Pinanood namin, Belle, at wala kaming nagawa."

"Prince..." Hinila ko siya at niyakap pero hindi siya tumigil. Hinayaan ko siya.

"He kept her for months at hindi namin alam kung asan sila. We tried to contact all our connections but it wasn't enough. She was with him for a whole year, Belle."

Napapikit ako at pilit winawaksi sa isipan ko ang babaeng sinasabi ni Prince. Ayokong isipin kung ano ang pinagdaanan niya sa isang taon na 'yon at pinagdasal ko nalang na kung asan man siya, payapa na sana siya.

Humikbi ulit si Prince. "He sent us one last video. Three men. They all used my sister at once."

Pumikit nalang ako at pinigilan ang pag-iyak. Pero tahimik na tumulo ang mga luha ko dahil kahit kailan, wala dapat makaranas nun. Not anyone. Never.

"Then they killed her," bulong ni Prince at mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sakanya. "And that's when we found them. My sister was dead—and the goons were burned alive."

Suminghap ako ng marinig ang malamig niyang tono nung sabihin niya 'yun. Ibig sabihin...?

"Yes, Belle," sagot niya sa tahimik na tanong ko at lumayo ng konti. "I'm a beast. I killed those bastards and watched them suffer. Pero kahit na ano'ng gawin ko, hinding-hindi ako makakabawi sa kapatid ko. My dad hated me. But we went past that. Until I swore to him."

Yumuko siya sa hiya at alam kong dito na papasok ang nangyari nitong mga nakaraang linggo. Hinanda ko ang sarili ko.

"I promised my dad na papakasalan ko kahit sino—basta siya ang mamili, wala na akong pakialam. I felt like I owed him that," aniya at tumingin sa'kin. "That's why even when I wanted to have you so much, I restrained myself. Because I made a vow."

Tumango ako. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit niya 'yun ginawa at kung bakit niya 'yun gagawin. It was to sate his guilt. Para maramdaman niya na nakabawi siya sa yumaong kapatid niya dahil sarili niya ang pinagbibintangan niya. It was unfair to me dahil wala naman akong ginawa para madamay, pero napagtanto ko din na ito siya bago pa ako pumasok sa buhay niya.

My beast has been broken for a very long time. At kahit ngayon ay hindi pa niya natatanggap ang mga nangyari. It shocked me to think na hindi ako natatakot sakanya, with the knowledge that he had committed murder. Pero hindi ko magawang magka-negatibong pakiramdam sakanya. His faults, his flaws, and his fears did not make me love him less.

In fact, it me made love him more. At gusto kong samahan siya, tulungan siya... But I know to myself that I can't. I've heard his side and now know his story—but it doesn't change the fact that I'm still broken inside.

How can I help a man heal, when I was still bruised?

Magsasalita na sana ako para sabihing naiintindihan ko siya pero inunahan niya ako. Desperadong hinawakan niya ang mga kamay ko at pilit akong pinapatingin sakanya.

"But, Belle—" Napalunok siya. "I'm ready to break my vow. I want to break my vow because I want you. Gusto kong maging akin ka dahil sa dalawang linggo na wala ka sa buhay ko, nawala ako. I felt the same feeling of helplessness with my sister years ago at ayoko nang maramdaman ulit 'yun. I need you with me. Please have me back, Belle."

Music to my ears.

Namasa ulit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Dahil ang tagal ko nang hinintay na marinig 'yun mula sakanya at ang tagal ko nading hinintay na akuin niya ako.

Pero...

I sighed. There's always a but.

Hinaplos ko ang pisngi niya. "Kailangan kong umalis, Prince."

Umiling-iling siya at magpro-protesta sana nang halikan ko siya ng mariin sa labi. Nang humiwalay ako, hindi ko na pinunasan 'yung mga luha ko.

I smiled at him. "Four years na ikaw ang inuna ko. Maraming beses na tinalikuran ko ang Clishique para sa'yo. Pero hindi ko na kayang gawin 'yun ngayon. My friends—the ones who stuck by me from the very beginning—are giving me their trust on this and I can't let them down. Not again," malumay at mahinang sabi ko habang hinahaplos parin ang pisngi niya. "I know you need me, and it breaks me to think na iiwan kitang ganito. Pero kung mananatili ako, magkakasakitan lang tayo. Mas lalo lang tayo masisira. And I don't want that."

Pumikit siya. "Belle... Please..."

"Ako naman, Prince," piyok na sabi ko at pilit na ngumiti ulit. "Hayaan mo naman ako na mahalin 'yung sarili ko muna. Let me put me first this time. Kahit ngayon lang. And when I'm completely whole as an individual again, I'll come back to you. I'll run straight to your arms."

Fuck moving on. I love this man—this broken and beautiful man.

"Y-you're asking me... to let you go."

"But I'm not asking you to set me free," kontra ko sakanya. "I'm just asking you to let me heal—alone. And let me do things for myself and for the people I love. Allow me to put you second, kahit saglit lang. And while I'm away, try to slay your demons. Try to make peace with your heart and your mind. Ayusin muna natin ang mga sarili natin, Prince. Let me go."0

Mabilis na hinila niya ako papalapit sakanya at niyakap ng mahigpit. "This is gonna be hard for me, Belle. But I'll do it."

Ngumiti ako at niyakap siya pabalik. "Thank you, Prince."

"But please—please. Come back to me when you're ready." Mahinang tinulak niya ako at tinignan sa mata. "Come back to me when you're whole—because then I could be whole."

It wasn't the words I was dying to hear.

But it meant the same to me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top