XIX

A/N: Ten comments for the last chapter.

PS: Happy Birthday to me. Enjoy my gift to all of you x

The starry sky sparkles
So does my tearful eyes
As I recall your painful goodbye
And no promise of hi

Waiting seems painful
For a heart still hopeful
But as the sky changes—
A lone tear crashes

But never doubt me
Because I love thee
And the sky will witness
Our future kisses

--Sorry. I'm not that good at this. But I hope it makes your smile, no matter how cheesy it is.

P.S.: I love you. Come back soon.

Once again, I smiled and closed his letter. Ilang beses ko nang nabasa 'yon at halos kabisado ko na ang bawat letra, pero hindi parin ako nagsasawang basahin 'yun araw-araw. 'Yun nalang kasi ang tanging bagay na nagpapaalala sa'kin kay Prince, e. Sa isang taon na hindi kami nagkita, 'yun ang tumulong sa'kin para hindi ko siya mamiss masyado.

Yes, it's been a year. Isang taon na ako dito sa New York at tapos na ang expansion ng Clishique. Opening na namin in two weeks pero bukas ay uuwi ako ng Pinas. Binyag na kasi ng anak ni Jasmine kaya kailangan ko nang umuwi, tapos babalik din agad ako ng New York kasama si Ari. Susunod nalang daw sina Jasmine at Erella dahil kailangan pang tapusin 'yung ibang ongoing projects namin.

The year wasn't easy—sobrang hirap ng dinanas ko dahil sa sobrang layo ko. Wala akong balita tungkol kay Prince at kahit kailan ay hindi kami nag-usap o nagkita man lang. Dalawang beses siyang pumunta sa New York para sa trabaho pero hindi nagtagpo ang landas naming dalawa. It wasn't intentional, at aaminin kong hinangad ko na sana makita ko siya kahit mula sa malayo lang. Pero wala, e. Hindi pa ata 'yun ang tamang panahon.

Kahit mahirap ang mawalay sakanya ng sobrang tagal, hindi ko p'wedeng ipagkaila na maganda ang naging epekto non sa'kin. Ngayon masasabi ko na na okay na ako. Hindi na ako dependent sakanya at nakaya ko nang unahin ang sarili ko. Now I can give him everything but still have something left for me.

I've learned. I've grown. I've become stronger.

And I'm ready to go back home where my heart is.

=•=

"Belle, hindi p'wedeng absent o late ka," sabi ni Jasmine habang hinehele si baby Pia. Her daughter, Sophia Len, is such a cute baby. Chubby pa kasi ang lakas kumain at lagi nalang tumatawa. Hindi din siya maiyakin at laging kalmado kahit hindi niya kilala 'yung bumubuhat sakanya. Maliban nalang daw kay Derick, mismong ama niya, dahil lagi daw umiiyak si Pia kapag binubuhat siya ni Derick.

"Hindi ko naman kasalanan. Na-delay 'yung flight ko dahil umuulan," depensa ko at pinakita ang labas ng airport. Umuulan na naman kasi ng malakas dito sa New York, kahit sinabing 10% chance of rain lang daw.

Sumimangot si Jasmine. "Walang kwenta talaga 'yang weather app na 'yan."

Natawa nalang ako. "Ano ka ba, okay lang. Alas-tres pa naman 'yung binyag, mga alas-nueve ng umaga ako makakadating."

Tumango siya. "Saan ka didiretso?"

"Sa apartment natin sa Makati," sagot ko at inayos 'yung earphone ko. "Mas malapit na kasi 'yun dito sa airport at doon sa venue. Sa makalawa nalang ako uuwi sa bahay."

Ngumiti si Jasmine ng nakakaloko. "Ay, maso-sorpresa ka talaga doon sa Makati."

"Bakit naman? May welcoming party ba?" Sumimangot ako. Sinabi ko na sakanila noon na ayokong magpa-party pa sila. Hindi naman ganon ka-big deal, e. "Jas, I told you no."

Nagpaikot siya ng mata. "Walang party, babae ka. May panahon pa ba ako doon e hands-on ako sa binyag ng dalagitang ito," aniya at hinalikan si Pia sa pisngi.

I smiled. "Sabagay. So ano 'yung surprise?"

Inirapan niya ako. "Kung 'di ka lang talaga CEO, naisip ko nang tanga ka."

"Ang harsh mo naman."

"Huwag mo kasing itanong, surprise nga."

"Sige na nga." Huminga ako ng malalim at nakitang tumigil na ang ulan at naghahanda na silang magpa-board. "Jas, boarding na."

"Finally! Ang tagal ha."

Natawa ako. "See you in a bit, Jas."

"See you, Belle. Ingat ka! Kitakits mamaya."

Nagpaalam na ako at pinatay ang phone ko. Kinapa ko muna ang sulat ni Prince sa'kin bago ako tumayo at nakipila na para maka-board na ako. Buti nalang at first class seat ang na-book ni Gabby para sa'kin. Hindi hassle.

Nang makapag-ayos na ako sa upuan ko ay agad akong napangiti. I don't know what will greet me when I get home. Ni hindi ko alam kung may babalikan pa ba ako o kung tuluyan ko nang nawala si Prince, pero masaya parin ako na makakauwi na ako. At kahit ano man ang mangyari pag-uwi ko, tatanggapin ko.

I mean, I can't expect everything to stay the same. That would be selfish of me. All I can do is hope.

Hope that he kept his promise and waited.

=•=

Gabby is the best secretary ever. Well, secretary siya ni papa pero kahit na—the best parin siya.

Pagdating ko sa Pinas ay wala na akong problema pa maliban nalang sa traffic. Lahat ng sundo ko ay maayos na at na-text din niya sa'kin na pag-uwi ko sa apartment sa Makati ay may nakahanda nang pagkain doon. Buti nalang dahil hindi ko alam kung may lakas pa akong magluto o kung ano pa man.

The apartment changed a lot. Dahil nga sa may anak na si Jasmine, na-baby proof na ang buong apartment dahil baka may mga panahon na dumito din sila. Nakita ko nga na marami nading mga laruan at may crib pa sa kwarto ni Jasmine kaya napangiti nalang ako. Hindi ko parin ma-imagine na nanay na 'yung dating pinaka-masungit sa'ming lahat. Akalain mo nga naman. Inunahan pa si Erella sa pagpapakasal.

Nakita kong may pagkain na talaga sa mesa at bibigyan ko talaga ng bonus si Gabby dahil Mang Inasal 'yung in-order niya. Wala naman kasing Mang Inasal doon sa New York kaya talagang na-miss ko 'yon.

Habang pinapainit ko 'yung pagkain, tinext ko ang mga kaibigan ko na nasa apartment na ako at didiretso nalang ako sa simbahan mamaya. Magpapahinga lang muna ako saglit.

Jasmine: Ok. Yung regalo mo ha.

Nagpaikot ako ng mata at hindi na sumagot. Kung umakto naman si Jasmine parang hindi mayaman. Nag-charge nalang ako at nagsimula nang kumain.

Kumusta na kaya siya?

Napasimangot ako. Isang taon din na wala akong balita sakanya, pero kagagawan ko din naman 'yon dahil pinagbawalan ko ang mga kaibigan ko na mag-kwento. Lalo na si Ari na halatang naging close na ni Prince. Ayoko na magkaroon ng dahilan para umuwi agad ako.

May girlfriend na kaya 'yon?

Natigilan ako pero agad ding napailing. Hindi. Imposible 'yon. Si Prince pa e ubod sa kasungitan ang lalaking 'yon at sobrang mailap sa babae kapag gusto niya. Kahit nga noong may mga dine-date siya ay halos hindi naman niya lingunin o tapunan ng tingin 'yung mga babae. Sigurado ako...

But just to be sure....

Tumayo ako at lumapit sa phone ko na nagcha-charge parin tsaka 'yun binuksan. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay na-search ko na ang "Prince Kingsley girlfriend" sa Safari at kagat-labi kong hinintay na mag-load iyon.

Mukha ko ang unang bumungad kaya nanlaki ang mata ko pero pinagpatuloy ko ang pag-scroll ko. Meron pang isang collage ng picture ko at katabi nun ay picture ni Cecilia Mendez. Napangiwi ako at pinindot 'yun para basahin 'yung article. Malamang ito 'yung intriga noon na tinanong sa'kin sa Business Ball.

I rolled my eyes when I saw the author was Kenna Velasco. Hindi ko alam na hanggang ngayon pala ay nagsusulat parin siya ng headlines, kahit na halos mga walang kwenta at wala namang sense ang mga pinagsusulat niya. Halata din na hanggang ngayon ay bitter parin siya sa'kin, bruhang 'to.

Simula kasi noong isama ako ni Prince na bilang date niya sa pangalawang Business Ball naming dalawa ay hindi na ako nagustuhan ni Kenna. Siguro kung hindi lang na-blackmail ni Jasmine 'yung may-ari ng newspaper na pinagtra-trabahuan ni Kenna ay noon palang nalaman na ni Prince 'yung sikreto ko. Kakaiba din ang obsession ni Kenna kay Prince. At least ako hindi ako nakakasakit; siya naman halos sirain na ang reputasyon ko.

Napailing nalang ako at binasa 'yung article. As expected, pang-basura nga at puro chismis. Walang solid evidence at wala ding reliable source—sinabi lang na "unknown source" daw—at ako pa ang ginawang masama. Kaya pala ganon ang tanong nung isang reporter last year sa'kin dahil pinaparating ni Kenna na nilandi ko si Prince at nagpabuntis kuno kaya daw hindi natuloy 'yung kasal.

Okay, nilandi ko nga si Prince—pero that was before I found out about Cecilia. Nang malaman kong ikakasal na siya ay umiwas na ako, pero siya 'tong lumandi sa'kin. Hinalay pa nga niya ako, e.

Ginusto mo, Belle!

Nga naman. Napailing nalang ulit ako sa sarili at ni-lock na 'yung phone ko. Babalik na sana ako sa pagkain ko nang makarinig ako ng ingay sa labas ng apartment. Parang tuta.

Paglabas ko, tama nga ako. May tuta nga sa harap mismo ng pintuan ng apartment. Yumuko ako at medyo nagdalawang isip dahil baka kagatin niya ako pero nang lumapit siya sa'kin at tumalon-talon ay hindi ko na natiis. Nang yumuko ako ay agad tumalon 'yung tuta kaya gulat na binuhat ko ito. Kailangan ko pang iiwas ang mukha ko dahil gusto ata akong dilaan sa mukha.

"Aw, hi cutie. Where's your owner?" I cooed.

The little pup barked, pero hindi ako natakot kasi hindi pa naman ganon nakakatakot. It was actually a really cute bark.

Tumingin ako sa hallway para makita kung nakasunod ba 'yung owner niya pero wala naman kaya naisipan kong pumasok nalang. I was about to close my door when I heard footsteps at gumalaw 'yung tuta sa bisig ko. Maybe that's his owner.

So I leaned on my door frame and played with the pup. An energetic one at halatang malambing dahil kanina pa sinusubukan na halikan ako. In the dog world, I know kisses are licks. I giggled when the pup pressed his nose to mine. Ang cute ng aso!

"Cher—ry...."

Natigilan ako at agad tumingala. What the...

"You're back..." Napatingin siya sa aso na hawak ko at napataad ang kilay ko. "And you have my Cherry."

I choked. "This is your dog?" And he named his dog Cherry?

Dahan-dahan na tumango si Prince. "You're back, Belle. Since when?"

Gumalaw-galaw si Cherry at agad ko siyang binitawan at pinanood namin ni Prince na pumasok sa apartment 'yung tuta. Napataas ang kilay ko at napatingin kay Prince. I still can't believe he's finally in front of me, after one year of isolation from him. Andito siya. Sa apartment at—

Kumunot ang noo ko. "Wait. Bakit ka andito?"

Napahawak siya sa batok niya at nahihiyang umiwas siya ng tingin. Tumaas ang dalawang kilay ko sa pagkabigla pero mas nagulat ako sa sinagot niya. "I moved in. I'm your neighbor."

Nalaglag ang panga ko. "H-ha?"

He sighed loudly. "Your friends wouldn't tell me anything, kahit Ari tells me you're fine every once in a while." Ngumiti siya ng malungkot sa akin. "I just missed you so much, so I bought the apartment across from yours. Dito na ako tumira."

"B-bakit?"

Lumapit siya at agad bumilis ang tibok ng puso ko. This time, when he smiled, it was genuine and filled with... with love. "You know."

Pinag-krus ko ang mga braso ko. "I know?"

"Can I hug you, my Belle?"

Oh my gosh... My knees weakened. The same question he asked me before I left.

Tinitigan ko siya at ngumiti siya ng malawak sa'kin. That boyish yet seductive smile. "Of course, Prince."

He did'n't waste a single second. Agad niya akong hinapit at niyakap ng mahigpit. I wound my arms around his neck and hugged him back. At noong halikan niya ang leeg ko ay natawa ako habang may luhang tumulo. I closed my eyes and relished in his hug, his warm embrace, in his tight hold.

"Fuck, I missed you," saad niya at mas lalo akong napaiyak nang marinig ko na medo pumiyok ang boses niya.

"I missed you, too. So much."

Dahan-dahan na lumayo siya at kahit ayoko pa ay umatras din ako. Nagpunas agad ako ng luha at tinignan siya, para lang makita na nakatitig na pala siya sa'kin. I smiled at him and he gave me a soft smile.

"I like your hair," mahinang sambit niya.

I touched my hair. I cut it to my shoulders. "Thanks. Took lots of guts," sabi ko tapos napatingin sa loob ng apartment ko. Tumikhim ako. "Would you like to come in? Kumakain lang ako."

He nodded. "I just have to grab Cherry's food."

Tumango ako. "Okay," I grinned. "Okay."

He leaned in and kissed the tip of my nose. "I'll be right back, my Belle."

"Hurry."

Ngumisi siya at tumalikod na para buksan ang pinto ng apartment niya. Hindi parin ako makapaniwala na dyan na siya nakatira ngayon. Sa arte niya at sa sobrang pagka-high maintenance niya, sa isang maliit na apartment siya tumira?

And all for me. I bit my lip and smiled. Gosh, kinikilig talaga ako. He did these things for me.

"And Belle?"

Tumingala ako. "Yeah?"

He winked at me. "I love you," he mouthed.

Ngumiti nalang ako at sinara na ang pinto. I didn't lock it but I leaned back on it, sighing loudly. I am still the love-sick puppy I was before—and maybe that's one thing I'm glad that didn't change.

Speaking of puppies... "Cherry!"

I grinned when the pup barked. I love this pup already. But I love her owner much more.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top