XIV

Manhattan, New York 2015

Business Ball XIX

Nakayuko akong sumunod kina Prince papasok sa venue ng annual Business Ball. Nakita kong may mga photographers na pumansin sa'kin at may nagtanong kung bakit 'di na ako ang date ni Prince pero ngumiti lang ako at diretsong naglakad. Hindi na ako pumila para ma-introduce dahil hindi naman kailangan. Dumiretso nalang ako sa table kung saan kami in-assign ni Madame Heigns.

Nauna ako doon at agad umupo. Hinintay kong ma-introduce sina Prince at ang kanyang date para sa gabing ito. Siguro kung hindi nag-insist si Madame Heigns na imbitahan ako ay wala ako ngayon dito. Hindi naman kasi ako ang date, e—iba na. Hindi ko din alam kung bakit, pero may hinala na ako. Ayoko lang paniwalaan.

Habang naghihintay, umikot ang paningin ko at malumay na napangiti ako nang makita ang mga damit ng mga tao. Isa sa trademark ng Business Ball ay ang papalit-palit na theme nito at may dress code pa. Kung noon ay talagang magd-dress up ka, mas simple lang ngayon. Floral.

All around me, people wore flowers. At aaminin kong sobrang ganda ng iba't ibang mga bulaklak na ginawang design. Nagmukha tuloy botanical garder ang venue sa dami ng halaman. Ang ganda.

Ang romantic.

"—Prince Eaton Kingsley and his date for tonight, the lovely Miss Andrea Williams."

Agad akong napatingin sa grand staircase at ramdam ko agad ang kirot habang pinapanood ko silang bumaba. Kahit ayoko ay aaminin kong ang ganda nilang tignan na magkasama. A very attractive couple. Latina si Andrea pero nanaig parin ang dugong Amerikano niya dahil sa azul niyang mga mata. Pero 'yung kutis niya ay kutis Latina talaga. Walang duda.

"Miss Roxas!"

Napatingin ako sa tabi ko at agad ngumiti nang mamataan si Mr. Ellis, isa sa mga kilalang restaurant magnates sa buong mundo. "Mr. Ellis, what a pleasure."

"Pleasure is all mine," mabilis niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. Humalik siya don ng mabilis bago tumabi sa akin. Bumaling siya sa kinaroroonan nina Prince na may kausap na. "What a shock. You're not his date for tonight?"

Pinaalala pa talaga!

Pilit na ngumiti ako at marahan na umiling. "No... Unfortunately not."

Natawa si Mr. Ellis. "Unfortunately for him, that is," pagtama niya sa'kin tsaka ako hinarap. "But for the rest of the single men in this room, it is quite fortunate. We can finally ask you for a dance that you deprived us with last year at San Francisco."

Kahit nanlumo ako ay napangiti parin ako. "Of course, Mr. Ellis."

Tumawa siya at kita ko agad ang wrinkles sa mata niya. Halatang mahilig siyang tumawa at masiyahin siyang tao. May kaedaran na rin si Mr. Ellis. Siguro nasa early 50's na siya pero halata ding may lakas pa siya. At talaga namang nakakabata 'yung pagiging palabiro niya, isa sa mga rason siguro kung bakit ang daming gustong makipag-kaibigan sakanya.

"Mr. Ellis."

Nanigas ako nang marinig ang matigas na boses ni Prince sa likuran ko pero hindi ako lumingon. Nanatili akong tuwid na nakaupo.

"Ah! Mr. Kingsley, how do yo do?" saad ni Mr. Ellis at tumayo para batiin si Prince.

"Quite alright. And you?"

Ngumiti si Mr. Ellis. "Fantastic! Miss Belle here kept me company while I waited for my wife to come back. Bless her kind soul, this young lady of yours."

Possessive pronoun talaga? Sumimangot ako.

Tipid na tumawa si Prince. "Well, then I must apologize. I need Miss Belle's attention."

Mabilis akong tumingala sakanya at nanlalaki ang mata kong tinignan ko siya. Tama ba 'yung narinig ko?

"Whatever for?"

Ngumiti si Prince pero halatang peke. "Madame Heigns have been looking for her."

Tumango-tango si Mr. Ellis. "Aw, the madame. Of course of course!" Humarap siya sa'kin. "Save me a dance, yes?"

"Of course, Mr. Ellis," mabilis kong sagot at tumayo na.

Nagpasalamat siya at sinabing hahanapin na ang asawa niya kaya naiwan kami ni Prince sa table. Gusto kong tanungin kung bakit hindi niya kasama 'yung date niya pero hindi na niya ako pinagbigyan ng pagkakataon at mahina na akong hinila papunta sa pwesto ni Madame Heigns.

Humigpit ang hawak niya sa'kin. "Aray.."

"No one else but Mr. Ellis," galit na bulong niya sa'kin kaya natigilan ako. "No other man but him—and me. Are we clear?"

"Y-y-yes, sir."

"Prince," pagtama niya.

Napalunok ako. "Prince."

"Say it," marahas niyang utos.

"No one else, Prince."

"Perfect. Now smile."

=•=

Saturday morning ay maaga akong gumising. It was 5AM, for goodness' sake! Wala naman akong pasok at mamaya pa ako pupunta sa airport para sunduin si Prince. Kaya imbes na humiga lang sa kama, pumunta nalang ako sa built-in gym namin para gumamit ng treadmill. Matagal na din akong 'di nakakapag-workout at ramdam ko na ang pagiging unhealthy.

Hinarap ko ang salamin sa gym at hinawakan ang balakang ko. Ngumuso ako at pinisil ang namumuong bilbil ko. Paano ko naman maaakit si Prince kung ganito ang katawan ko? Compared sa fiancé niya kuno ay para akong balyena. So I spent an hour inside the gym. Hindi naman ako nag-work out, tumakbo lang ako kasi baka hindi pa kayanin ng katawan ko kapag binigla ko. Slow and steady nalang muna.

Nang matapos ako, naligo nalang ako at nagpalit ng simpleng jeans at long-sleeve blouse. Baka ano pa maipintas ni Prince sa suot ko, mabwisit na naman 'yon sa'kin. Miss ko pa naman ang lalaking 'yon. Ito na ata ang pinaka-mahabang panahon na hindi ko siya nakita, kasi tama naman 'yung sinabi ni papa na nakakagulat talagang nag-day off siya—paano pa 'yung isang linggo na wala siya?

Habang nagmamaneho papunta sa airport gamit 'yung Honda Civic namin ng barkada, napagtanto ko na kung hindi ko makaya ang isang linggo na wala siya, paano pa ang buong buhay ko? Ayokong mabuhay na wala siya. Ang tanga ko na siguro, pero mahal na mahal ko kasi ang masungit na 'yon, e.

Paano ba naman kasi, tuwing sinusungitan ako sa mga damit ko o sa ibang lalaki, imbes na mainis ako ay mas lalo lang akong kinikilig. Ano'ng logic doon?

But then... It's love. Kailan pa ba nagka-logic ang love?

Quarter to twelve na nung makarating ako makahanap ng parking space. Agad akong pumunta sa domestic arrivals para maghintay.

Jasmine: Where are you? Airport na?

Belle: Yes. Why?

Jasmine: Diretso ka kina Erella after, OK? Dumating na si Bruce.

Belle: Akala ko ba sa bakery ni aunty cassy?

Jasmine: Change of plans. Kicked out na si Gracie and Cassie.

Belle: FINALLY. Ok! See you there.

"Belle."

Gulat na napatingala ako at nakita ko agad si Prince sa harapan ko. Halatang inip na siya pero lumawak ang pagkakangiti ko. He's here! "Prince! Kanina ka pa?"

Tumango siya at inirapan ako. "If you weren't so busy with your phone, you would've seen me."

Napahawak ako sa batok ko. "Sorry. Uh..."

"Phone," saad niya at nilahad ang kamay niya.

Bumuntong-hininga ako at binigay sakanya ang phone ko. Bago pa niya tanungin kung ano ang password ko ay sinabi ko na. Hindi niya ako tinignan pero naglakad na siya. Inabot ko 'yung isang luggage niya para ako na ang humila at tinignan niya ako. "Isa lang naman."

Hindi na siya sumagot sa sinabi ko. "Where's your car?"

"Malapit lang. Dito," ani ko at nauna nang naglakad papunta sa kung saan ako nag-park. Nagbayad pa nga ako ng extra para malapit lang, e. Alam ko namang mainipin 'tong si Prince.

"Bruce," biglang sabi niya habang inaayos ko 'yung mga bag niya sa likod.

"Huh?"

Tinaas niya ang phone ko. "I remember a Bruce from years ago."

Tumango ako at lumapit sakanya. "Si Bruce 'yung kaibigan namin na cousin ni Erella."

Pinag-krus niya ang mga braso niya. "And you're off to meet him?"

Oh crap. "H-hindi naman. Buong barkada 'yung andon."

Ginulat niya ako nang hilain niya ako papalapit sakanya at isandal sa kotse. Inipit niya ako doon at namula ako nang maramdaman ang mainit niyang katawan sa'kin. Napasinghap ako nang yumuko siya at naramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. "Belle."

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang bewang niya. "Y-yeah?"

"Akin ka, Belle."

Nanginginig na nagpakawala ako ng hininga. Hindi ko alam kung paano itatago 'yung kilig na naramdaman ko nang sabihin niya 'yun. Sabi na, e. May konti siyang nararamdaman para sa'kin! Inangkin pa talaga ako—pero wala naman akong angal doon. At nag-Tagalog talaga siya! Mas lalo talaga akong nai-in love sakanya 'pag nagta-Tagalog siya.

"Did you hear me?" asik niya. He cupped my jaw.

Tumango ako. "Yes," singhap ko. "I-I'm yours."

Next thing I know, he was kissing me. Mabilis na pumikit ako at mas kumapit sa bewang niya. Halos ma-suffocate na ako dahil mas inipit niya ako.

"Open your mouth," utos niya na sinunod ko naman agad. Naramdaman ko ang dila niya at halos mahulog na ako sa panginginig ng tuhod ko. Hinila niya ako papalapit sakanya at napasinghap ako ng napunta sa dibdib ko ang kamay niya at mabilis niya 'yong pinisil.

Napaungol ako sa ginawa at ramdam ko na saglit siyang napangisi. Mas lumapit ako sakanya at hindi ko na napansin na nasa loob na ng blouse ko 'yung kamay niya. Napamulat ako at kinakabahang tumingin sa paligid.

Gosh, nasa parking lot kami!

"Prince... Baka may makakita..."

"Shut up," he hissed and grabbed my jaw again. Bumalik sa labi ko ang mga labi niya at hindi na ako umangal pa ulit.

Bahala na kung mag makakita. Mabuti nga 'yon e para i-chismis nila at malaman ng lahat na sakanya ako. And damn, I'm making out with him again! Hindi na bale kung mapahiya ako o ano ang masabi ng tao, susulitin ko 'to.

Pinakawalan niya ang labi ko at napunta na naman sa leeg ko ang mga labi niya. Hinihingal na ako at nanghihina na kaya mas kumapit ako sa bewang niya. Dahan-dahan ang ginawa niyang paghalik-halik sa leeg ko. Muli akong napaungol nang pagtuunan niya ng pansin ang collarbone ko bago siya mabagal na lumayo sa'kin.

Habang ako ay hinihingal, siya naman ay nakatitig lang sa'kin at malalim lang na humihinga. "Oh... Wow."

Lumapit siya sa'kin at kinuha ang susi sa kamay ko. "Get in. I'm driving. We have a lot to talk about."

Suminghap ako at sinubukang pakalmahin ang puso ko. Talagang nilagay ko pa sa dibdib ko 'yung kamay ko at namula ako nang maalala na napunta doon ang kamay niya kanina. Napatingin ako sakanya at nakita kong nakataas ang kilay niya. Tumikhim ako. Siguro naman, hindi na siya maghahanap ng iba? Paniguradong na-feel niya na malaki ang boobs ko—mas malaki sa mga ka-date niya noon at mas lalong mas malaki kesa sa boobs ni Cecilia.

"Cecilia Mendez!" singhap ko bigla.

Kumunot ang noo niya tapos napailing. "Get in."

Maang ko siyang pinanood na umikot para pumunta sa driver's side at mabilis akong pumasok. Binaba ko 'yung salamin at nakita kong pulang-pula ang labi ko at namumula pa ako. Halatang nagulantang ako sa halik. Inayos ko ang sarili ko habang siya naman ay nakatingin lang sa'kin pagkatapos paandarin 'yung sasakyan. "Bakit?"

"Stop fixing yourself."

Nanlaki ang mata ko. "Hindi p'wede! Baka mahalata ng mga kaibigan ko. Malakas pa naman ang radar nila."

Inis na bumuntong-hininga siya at nagsimula nang magmaneho. Ang dami talagang problema ng lalaking 'to. Pero kahit kunot na kunot na ang noo niya, ang g'wapo parin niya.

"Bakit, Prince?"

"Stop fixing yourself, Belle. Let your friends and that damn Bruce know you've been kissed. Thoroughly by me."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Wala akong maisip kundi 'yung paulit-ulit niyang pinapaalala sa'kin na hindi ako ang type niya.

Now I know....

May something siya sa'kin! Meron!

Lumaki ang pagkakangisi ko at hinarap ko siya. "Akala ko ba hindi mo ako type?"

"You're not my type," kumpirma niya pero imbes na masaktan ako sa sinabi niya, naramdaman ko ang mga paruparu sa tyan ko.

"Hmm... Sabi mo, e." Umayos ako ng upo at napasimangot nang makitang na-traffic na kami. "Prince, can I have my phone back?"

"What for?" wala sa mood na tanong niya at sumandal sa bintana.

Bigla akong nanlumo dahil halatang pagod siya. Hindi ko alam kung saan siya galing at kung ano ang ginawa niya doon, pero halata na hindi naging bakasyon ang dahilan ng pagkawala niya ng isang linggo. Ano kaya ginawa niya doon? At saan?

"Prince..."

"What?" masungit niyang tanong. Ang sungit talaga. Pero matagal ko nang napagtanto na ganyan na talaga siya magsalita.

Napalunok ako. "F-fiancé mo ba talaga siya?"

Tumango siya at agad bumagsak ang mga balikat ko. Nakita kong napatingin siya sa'kin pero mabilis din siyang umiwas ng tingin. "She's the type of girl I'm looking for," paliwanag niya kaya nagpakawala ako ng hininga. "She will be an asset to my company."

Tumingala ako at sumandal sa headrest. Nakapikit na tinanong ko siya. "Is that... 'Yun ba ang tipo mo sa isang babae?"

Tumikhim siya pero hindi ako lumingon. "I need to do my part and spread the company."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil nag-iisip na ako ng game plan. Kailangan kong makahanap ng paraan para matigil na ang kahibangan ni Prince. Halata naman na may nararamdaman siya sa'kin, e—hindi lang ako sigurado kung ano 'yun, pero meron. At dahil sa kagustuhan niyang palaguin ang kumpanya nila, tinutulak niya ako palayo.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang pakasalan si Cecilia. Kaya naman ni Prince na mag-branch out sa U.S. kahit wala ang tulong ng mga Mendez, e. Pero mas matatagalan nga lang dahil wala siyang malaking connection, pero maaabot parin naman niya 'yun. Siya pa? Ang dali niyang nasakop ang Asia.

Sana lang ma-realize din niya 'yon.

"Belle..."

I sighed. Umupo ako ng maayos at tumingin sa labas ng bintana. "Hm?"

Again, tumikhim siya. "Is my schedule done?"

Tumango ako at hindi parin siya tinignan. "Hectic ka sa week na 'to dahil siniksik ko lahat ng meetings mo this week at sa susunod na linggo din. Pero lahat naman 'yon na-set para sila ang pumunta sa office kaya hindi mo kailangang bumyahe. Tapos 'yung mga ka—"

"Look at me!" biglang sigaw niya kaya gulat akong napatingin sakanya. Mahigpit ang hawak niya sa manubela at kita kong galit ang mukha niya. Grabe 'to! "Look at me when I'm talking to you, Belle. I don't care how pissed you are at me. You look at me all the time!"

Tahimik na tumango ako. Hindi ba niya alam na hindi niya 'yun kailangan sabihin? Sobra pa nga ata ang paninitig ko sakanya. Tignan mo tuloy, nahulog ako ng sobra. "Sorry, Prince."

Huminga siya ng malalim at tumingin sa'kin nang mapatigil ulit kami dahil sa traffic. "Are you pissed at me, Belle? For being engaged?"

Namula ako. Ano'ng kinain nito at biglang dumaldal? Masungit parin sa'kin pero pinapakilig na ako ng sobra! Jusko. Hindi na talaga ako normal. Sinusungitan na kinikilig pa. "H-hindi," sagot ko at totoo 'yon. Naintindihan ko naman kasi e kasi alam ko kung gaano kalaki ang expectations sakanya ng mga tao. Sana lang sa ibang paraan niya 'yun makamit—hindi 'yung magpapakasal pa siya sa iba. "Wala naman akong karapatan na mainis. O magselos man lang."

He stared at me. "You still like me?" parang 'di makapaniwalang tanong niya sa'kin.

Napangiwi ako, hindi dahil tinanong niya 'yun kundi dahil wala talaga siyang alam. Sabi na e, maliban sa pagsabi ko sakanya noon na crush ko siya, wala na akong ginawang ibang paraan para iparamdam sakanya na gusto ko nga siya. Mabuti nalang din talaga at magqui-quit na ako sa trabaho ko bilang sekretarya niya. Baka mas effective kung mag-apply akong girlfriend niya. Mas maganda 'yon.

"Belle, stop spacing out!" asik niya sa'kin kaya napakurap ako. Humingi ako ng tawad pero hindi niya 'yon pinansin at ginulo ang buhok niya gamit ang kamay niya. Tumingin siya sa'kin. "Answer my question."

"Huh?" pagtataka ko. Nang irapan niya ako ay na-gets ko. "Ah! 'Yon!"

"Yes," inip na sabi niya. "So what? Yes?"

Tinaasan ko siya ng kilay sa pagiging excited niya. May crush 'to sa'kin, pustahan!

Dahan-dahan akong tumango. "Yes. I still do."

Gumalaw ang gilid ng labi niya pero bago pa siya mapangiti ay humarap na siya sa harapan at nagmaneho na. "Good," tanging sabi niya.

Napangiti ako. "Hindi mo sasabihing hindi ako ang type mo?"

"You already know that."

Ang sungit talaga! Pero okay lang 'yan. Kahit nagsusungit 'yan ngayon, nagpapasalamat padin ako kasi kinakausap niya ako. Ganyan kasi si Prince, e. May dalawang mood lang 'yan: Hot or cold. No in between. Minsan kung pakiligin ako parang hobby niya—at alam kong alam niya ang ginagawa niya—pero mas madalas ay strictly professional kaming dalawa. Hindi lumalagpas sa borderline.

Napatingin ulit ako sakanya at walang hiya akong tumitig. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakanya nitong mga nakaraang araw, pero kung ano man ang dahilan ng pagiging malambing niya sa'kin, sa paghalik-halik at paghawak-hawak niya sa'kin, thank you nalang doon at sana maulit muli. Dahil sa mga panahon na gusto ko nang sumuko sakanya, 'yung mga ganitong eksena ang nagiging dahilan kung bakit pinipili kong manatili sakanya. Hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa saya na dala ng mga panahong ito.

"Stop staring," utos niya.

Pinilit kong sumimangot pero hindi ko nagawa kaya umiwas nalang ako ng tingin. "Mhm."

He tsk-ed. "You crazy girl."

Crazy for you.

=•=

Dinala niya ako sa isang restaurant na medyo pamilyar sakanya. Por La Amor. Kumunot ang noo ko nang tignan ang interior ng buong restaurant. Pamilyar talaga.

"Belle. Let's go."

Sumunod ako kay Prince at nakita kong sa isang private room kami papunta at bago kami makapasok ay nakita ko ang isang picture fram sa wall. Isn't that...? I gasped. "Derick!"

Nakita kong napatigil si Prince pati narin 'yung waitress at sabay silang napatingin sa'kin. Nakasimangot na naman si Prince sa'kin.

"What?" inip niyang tanong.

"Ah.. Derick. H-he owns this place..." utal na sabi ko.

Ngumiti 'yung waitress. "Yes, ma'am. Si sir Derick po ang may-ari nito. Kilala niyo po pala siya?"

Tumango ako. "Kaibigan ko si Jasmine."

"Ah, si ma'am Jas," sambit niya.

"Can we go now?" Kahit kailan talaga, hindi marunong maghintay 'tong si Prince.

Hindi na kami sumagot nang waitress at pinapasok na kami sa private room. Nagulat pa ako nang may complimentary drinks and snacks na doon. Sosyal nga naman.

Nang maka-order na kami ni Prince, agad umalis 'yunh waitress at naiwan kaming dalawa. Tumingin ako sakanya at agad napunta sa labi niya ang mga mata ko. Naramdaman ko agad ang pamumula ng mukha ko nang maalala 'yung nangyari kanina sa airport, pero imbes na mahiya ay mas napangisi lamang ako. Tama si Jas, dapat noon ko pa inakit 'tong si Prince. Sinubukan ko naman, pero hindi ko sinagad. Ngayon.... Ngayon gagawin ko na ang lahat para makuha siya. Mas determinado na ako ngayon dahil may kompetisyon na ako. At hindi ako papayag na ako ang uuwing talunan.

"Just ask me," wala sa mood na sabi niya at sumandal sa inuupuan niya. Tumitig ako sa mga braso niya nang pinag-krus niya ito at kahit nung tumikhim siya at hindi ako nahihiyang ipaglandakan na naaakit ako.

Hindi ko alam kung saan nanggaling 'tong new-found confidence ko, pero hinala ko ay dahil 'yun sa mapusok niyang halik kanina. Kung ganon lang din naman ang paraan para mapasakin siya, aba talagang ako pa mismo ang hahalay sakanya.

"Belle, we don't have all day."

"Alam ko." Tumikhim ako at umayos ng upo. "So... She really is your fiancé."

Tumaas ang kilay niya pero walang imik siyang tumango. "Yes, she is."

"K-kailan pa?" tanong ko at pinaglaruan 'yung bread na nasa harapan ko.

"Two weeks ago."

Nanlaki ang mata ko. "H-ha? Pero..."

"It's fixed, Belle. What do you expect?" tamad na sabi niya tapos huminga siya ng malalim.

"Si sir Rey ba?"

Tumango ulit siya. "He decides who I marry."

"That's unfair!" angal ko at kita kong nagulat siya sa inasal ko. Namula ako pero hindi ko 'yun pinansin. "Dapat ikaw 'yung mamili ng gusto mong makasama, hindi siya. It's your life!"

"It was a deal, Belle," sabi niya sa tono na para bang bata ang kinakausap niya. Napasimangot ako pero hindi niya ako hinayaang magsalita. "Look, I am not obliged to explain anything to you."

Umiwas ako ng tingin at uminom ng tubig.

"However..." Tumingin ako sakanya. "I feel like I should."

Napalunok ako sa intensidad ng tingin niya at nanginginig na binaba ko 'yung baso ko. "Ba-bakit?" May nararamdaman ka ba para sa'kin? 'Yun ba?

"I don't know." Nagkibit-balikat siya nang hindi inaalis ang tingin niya sa'kin. "I just... Fuck, I don't know."

"Dahil ba... alam mong gusto kita?"

He stared at me. "Maybe."

"Prince..."

He sighed. "Yes?"

Huminga ako ng malalim at sinabi sa sarili na kaya ko 'to. It's now or never, Belle.

"May nararamdaman ka ba para sa'kin?"

Matagal siyang hindi sumagot. Nakatitig lang siya sa'kin at kahit naiilang ako ay binalik ko ang tingin niya. Umiwas lang ako ng tingin nang kumatok ang waitress at binaba na 'yung mga order namin sa lamesa. Pero kahit noong nagpasalamat ako sa waitress ay ramdam ko ang titig ni Prince sa'kin.

Bago ko sinalubong ang tingin niya, sinubukan kong i-handa ang sarili ko. Ilang beses na niyang sinabi na hindi ako ang type niya, kaya hindi ko alam kung bakit nagpakatanga pa ako at tinanong 'yun sakanya.

But he kissed you!

He kissed me, yes. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay may feelings na siya sa'kin, e. May mga tao nga na kung makipag-one night stand parang kilala 'yung katalik nila—halik pa kaya? Siguro.... Siguro... I sighed. Wala. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Nakakabaliw si Prince!

"Belle."

"Hm?"

"Look at me."

Tumingala ako at ginawa ang inutos niya sa'kin. "Bakit?"

"I don't know."

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

Iritableng sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. "I don't know what I feel towards you," pag-amin niya. Tumigil ang puso ko ng isang segunda bago ito bumilis sa pagtibok. Hindi ako naka-react. "But I do know one thing: I can't have you."

"Of course you can..." mahinang sambit ko. Nag-init na ang mga mata ko dahil sa sobrang tuwa. Hindi man niya maamin o madiretso sa'kin 'yung nararamdaman niya, sapat na sa'kin na meron. May foundation na.

Umiling siya. "I don't want to destroy you..."

"Prince, hindi 'yun posible." Bakit ba hindi nalang niya ako angkinin? Sakanya na ako. Siya nalang ang kulang.

Nakita kong tumigas ang ekspresyon niya sa mukha. Tumayo siya at nagulat ako nang lumuhod siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang baba ko ng malumay bago niya diniin ang hawak niya don. Napangiwi ako pero hindi ako lumayo sakanya.

"Belle," he rasped out. "I will ruin you. Stay away from me."

"Pero—"

"I did it once," sabi niya. Saglit kong nakita ang kalungkutan sa mga mata niya pero nawala agad 'yon. "I can do it again. Stay away."

Hindi ko alam kung nababaliw na ba siya. Sinasabi niyang layuan ko siya pero siya 'tong ayaw akong pakawalan. Hindi din naman ako nagre-reklamo, pero nakakainis lang siya. Ang sarap sapukin sa ulo.

"Prince, ako nalang. T-tutal hindi mo naman siya gusto, diba? Business deal lang naman 'yon, e..."

Bahala na kung nagmumukha akong desperada, kung kailangan na lumuhod ako gagawin ko para lang sakanya. Para ako nalang 'yung piliin niya. Para ako nalang 'yung pakasalan niya.

Para ako nalang.

Suminghap siya at binitawan ako. Tumayo siya tapos lumayo sa'kin. Hindi pa nakuntento at talagang tinalikuran pa ako. "No, Belle."

"Bakit hindi?" angal ko at tumayo nadin. "Halata naman na may nararamdaman ka para sa'kin, e. Kahit katiting lang 'yun, kahit pagnanasa lang 'yun—ang importante ay meron!" Tumaas-baba ang dibdib ko at tinanong ko ang sarili ko kung tama ba 'tong ginagawa ko. I mean, for years of silence, then I'm spilling the beans? Shit.

"Shut up, Belle."

"Hindi mo naman siya mahal, e. At alam kong hindi mo din ako mahal, pero alam kong may gusto ka sa'kin."

Tumawa siya ng mapakla at hinarap ako. "How can you be so sure?"

Nagdalawang-isip ako pero tinatagan ko ang sarili ko. Pagkakataon ko na ito para sabihin sakanya ang nararamdaman ko. At hindi niya ako tinutulak palayo, so that's a sign. Kinakausap niya ako—that's fucking progress.

"Hinalikan mo ako—"

"I can kiss any girl the same way," bored na sabi niya at aaminin kong nasaktan ako sa sinabi niya.

Ano'ng gusto niyang iparating? Na tulad lang ako ng ibang babae niya, ganon ba? Na wala lang para sakanya 'yung mga halik na 'yon?

Napasinghap ako at agad pinunasan ang nakawalang luha. H-hindi puwede... "Prince.." That kiss meant everything to me. Dahil sa halik na 'yon noong nakaraang linggo ay nabuhay ang pag-asa ko. Dahil sa halik na 'yon, mas naging determinado ako sakanya kasi akala ko... akala ko meron.

"I brought you here because I felt that I needed to explain to you. I don't know why," sabi niya at mas nanakit ang dibdib ko dahil sa tono niya na para bang ka-business partner niya ako. Na para bang business proposal ang sinasabi niya. "But I did what my gut told me to do. And now I'm done."

"Pero—"

"You like me," putol niya sa'kin. "You never stopped, did you?"

Tahimik na umiling ako at napahigpit ang hawak ko sa shirt ko. Kinagat ko ang labi ko dahil kanina ko pa gusto humagulgol. Ang sakit sakit na ng pakiramdam ko.

"Then it's time to stop, Belle. You are beautiful. And I will admit to you that at one point in time, I wanted you." Tumingala ako dahil sa gulat pero walang emosyon ang mga mata niya.

Cold.

Dark.

Empty.

Just like the way the world painted him to be.

"But when you told me you liked me—" Napailing siya sa sarili niya. "I knew I had to raise the boundaries. You're my secretary and you had to remain that way. And that's what you will always be to me."

Tinakpan ko ang bibig ko. I choked on a sob. Ang sakit pala...

"It's better this way, Belle. I don't want to ruin another heart—another person."

Another?

"So I'm asking you to stop. Get rid of your feelings for me. I don't know what you see in me, but turn blind towards it. I know that you believe I am not a beast—I heard you and Mina before."

Lumapit siya sa'kin pero hindi ako gumalaw sa kinaroroonan ko. Wala akong lakas.

"But, Belle—what they said is right. I'm a beast. I was called one for a reason. So stay away."

Gusto kong magsalita. Gusto kong sabihin na p'wedeng ako nalang, na malaki ang p'wede kong maitulong sa kumpanya nila dahil kahit papano ay marami din naman ako kakilala.

Pero isang tingin palang sa mga mata niya ay nawala sa'kin ang laban ko. My will to fight left me.

So I did what cowards do best.

I ran.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top