XII
A/N: The next update will be posted on Monday! Sorry for the long wait. Hope you guys understand!
Toronto, Canada 2013
Business Ball XVI
"Is everything set?" blankong tanong ni Prince sa driver na na-hire niya dito sa Toronto. Hindi parin ako makapaniwala na sa unang linggo ko sakanya ay may international trip na agad kaming dalawa. And take note, kaming dalawa lang! Wala si Mina kasi hindi pa naaayos ang passport niya.
"Yes, sir. Your suite is ready," sambit ng driver at lumabas na ng kotse para pagbuksan kami ng pinto.
Habang nakaharap sa cellphone niya ay sinabi niya sa'king, "We will share a suite. It has two rooms, anyway."
Pinigilan kong hindi mapatili sa sinabi niya. Hindi talaga ako nagsisisi na nag-apply ako para maging secretary niya. Kahit malaking downgrade 'yon para sa'kin, who cares. I'm with the man of my dreams and I'm about to share a suite with him!
"Let's go."
Lumabas na siya at mabilis na sumunod sakanya. Nauna na ako sa front desk para mag-check in habang siya naman ay tutok na tutok padin sa cellphone niya. Napasimangot ako pero hindi nalang pinansin. Kilala siya dahil sa pagiging workaholic niya at siguro isa 'yon sa mga gusto ko sakanya dahil alam ko kung gaano kahirap ang mag-handle ng isang negosyo. Lalo pa't worldwide na ang negosyo nila—they're currently ruling over Asia right now.
"Sir," sabi ko at inabot sakanya ang key card niya. Kinuha niya 'yon mula sa'kin at dahil don ay nahawakan ko ulit ang kamay niya. He stared at me. "Tara na po?" ani ko at ngumiti ng malawak sakanya.
Tumango lang siya bilang sagot at pumasok na kami ng elevator. May dalawa pang tao sa loob kasama ang isang bata kaya naman magkalapit kami ni Prince kahit papano. Sa 12th floor kami kaya medyo matagal din kami sa loob dahil maraming tumataas at tumitigil-tigil din.
"I hate elevators," angal ni Prince nang makalabas na kami at naglalakad na papunta sa suite namin. Oh gosh. Saying those two words together gave me butterflies! Imagine nalang in a couple of years—honeymoon suite.
"Sir, hindi naman ganon—"
"Prince," pagtama niya sa'kin. "Outside of work, it's Prince."
Kinagat ko ang labi ko at tumango. "Prince."
"Belle!"
Napakurap ako at tumingin kay Jas. "Y-yeah?"
"Distracted ka," sambit niya.
Napakamot ako ng ulo. "Sorry. Ano ulit 'yun?"
"The Andres wedding, babe," nakangiting sabi ni Ari at binigyan ako ng hot chocolate. With marshmallows, of course. "Bakit ka ba distracted? Kanina ka pa lumilitaw."
I blinked. "Really?"
"Uh-huh," sagot ni Jasmine. Tinaasan niya ako ng kilay. "Iniisip mo na naman ba 'yung nangyari sainyo ni Prince?"
Namumulang ngumiti ako ng malawak nang ipaalala nila 'yung nangyari kagabi. Of course, the first thing I did last night was to call my friends and share the news. As expected, lahat sila ay hindi naniwala sa kwento ko kaya kinausap ko pa 'yung head sa CCTV room para ibigay 'yung clip na 'yon sa'kin. Nakakahiya but it was so damn worth it. Lalo na nung hindi makapag-salita si Jasmine sa sobrang gulat. Even I blushed crimson when I watched it. Hindi ko kasi na-realize na napaka-heated pala ng make out session namin. I was too distracted during the kiss.
"Sabi na e," natatawang sabi ni Jas. "Ikaw talaga, Belle. Adik ka na sa gagong 'yun."
Napangisi nalang ako at napakindat sa sinabi niya. I didn't bother denying it. Totoo naman—aside from the fact na gago siya. He may be the coldest man I've ever met, but inside he is one possessive and sweet beast. Once again, I was bombarder by memories from years ago, sa unang Business Ball namin.
The greek outfit Erella made for me was amazing. It was decent enough but showed off my body in an enticing way. Paniguradong magugustuhan ito ni Prince. Paano ba namang hindi? My legs were pretty much on display. Talagang bibilhan ko ng bag si Erella bilang thank you ko!
"Belle, we have to go."
"Wait lang." Kinuha ko 'yung purse ko sa isang gilid at huminga ng malalim bago buksan ang pinto ko. Nakita kong kakatok sana si Prince at kunot na kunot na ang noo niya pero natigil siya nang makita ako. Nakita kong bumaba ang tingin niya at tinignan ako mula ulo hanggang sa paa. Nang magtama ang tingin namin ay ngumiti ako ng malawak. "Okay lang, Prince?"
Mas lalo siyang sumimangot. "It's short."
Napakurap ako. "Ha?"
"It's short, Belle."
Bumagsak ang balikat ko. "Pero..."
"Let's go."
Tinalikuran na niya ako at naramdaman ko nalang na napaawang ang labi ko. Hindi man lang niya ako pupuriin? Hindi ako vain, pero alam kong ang ganda ko ngayong gabing 'to. Nag-effort talaga ako sa make-up at buhok ko!
"Come on. And I want you close to me."
Kahit nagtatampo ako na hindi niya ako pinuri ay kinilig parin ako. Di bale, isip ko at sumunod na sakanya. Kasama ko naman siya buong gabi, e.
Bumaba na kami ng hotel at habang nasa elevator kami ay nakikita kong napapasulyap siya sa legs ko kaya kinagat ko ang labi ko at ginalaw-galaw ang legs ko para asarin siya. Umiwas siya ng tingin at napairap sa kawalan kaya mas lalong ginanahan ako.
Pati sa kotse na nirentahan niya ay nakasimangot siya. Narinig ko pa nga siyang magmura kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana para 'di niya makita 'yung ngiti ko. Seeing him distraught like this is even better than a compliment, kasi halatang apektado siya sa suot ko.
"Stay close," muli niyang sabi nang makalabas na kami ng kotse. Maraming paparazzi sa gilid kaya naman sinadya kong dumikit kay Prince. Para naman makita sa tabloids o sa internet man lang na ako ang date niya—not some model, but me.
Pagpasok namin sa venue ay agad kaming sinalubong ni Madame Heigns. Bumeso siya kay Prince bago tumingin sa'kin. "Oh, how lovely! Who is she Mr. Kingsley?"
Hinawakan ako sa braso ni Prince at mahinang hinila sa harap niya. "Madame Heigns, this is Belle Roxas. My secretary."
Napasimangot ako na sinabi niya 'yon pero hindi ko na pinahalata at nilahad na ang kamay ko para batiin si Madame Heigns—one of the most influential women in the business world today. "Hello, Madame."
"Such beauty!"
Nagulat ako nang hilain niya ako at bumeso siya sa'kin pero ngumiti nalang ako. I forgot that the French were touchy people at talagang mahilig sila sa mga beso.
"So she is not your date?" tanong niya tapos ay tumingin kay Prince. Maski ako ay hinintay ang sagot niya.
Umiling siya at nanlumo agad ako. "No."
"What a pity," sabi ni Madame at na-amuse ako sa accent niya. "For you, that is."
Bahagyang tumaas ang mga kilay ko sa sinabi niya.
Ngumiti siya ng malawak. "If you are here—single and available—you should meet my grandson! Oh, such a lovely man!"
"No," matalim na sabi ni Prince at humigpit ang hawak niya sa braso ko.
Tumaas ang kilay ni Madame. "No?"
"No." Kita kong naiinis na siya dahil sa pagtiim-labi niya at sa malamig na tingin niya sa'kin. "She's with me."
"But—" Nanlaki ang mata ni Madame. "You said she was not your date?"
Pilit na ngumiti si Prince habang ako ay hindi parin nakakapagsalita. Naguguluhan din kasi ako. Kanina sabi niya, hindi niya ako date—tapos biglang babawiin ganon?
"She's here as my secretary." Tumango si Prince tapos binalingan ako at pinanlakihan ng mata. "But she is far from single."
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya, lalo na nang magkatitigan kami pero umiwas siya ng tingin nung tumikhim si Madame Heigns, habang ako ay parang estatwa parin sa tabi niya.
"Oh!" Mas nanlaki ang mata ni Madame tapos gumuhit ang malawak na ngiti sa labi niya. "Splendid! Then I shall see you both on the dancefloor?"
Pagkatapos sumang-ayon ni Prince ay nagpaalam nadin si Madame Heigns para batiin ang ibang bisita. Wala sa sariling sumunod nalang ako kay Prince nang lakarin niya ang papunta sa table namin. Hindi ko alam kung may malapit bang hospital dito, pero sana meron dahil pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko.
"By my side, Belle," inis na sabi ni Prince habang naglalakad kami. "Here and nowhere else. Understand?"
Suminghap ako. "Y-yes, Prince."
"—liw na siya. Nakangiti na parang ewan."
"Kadiri talaga ang ma-in love."
"Jasmine, papunta ka na doon."
"Of course not, bi. I don't want to look like Belle over here. Muntanga siya."
Napakurap-kurap ako nang marinig ang pangalan ko. Inirapan ko si Jasmine na ngumisi lang sa'kin. Napailing nalang ako sakanila at hinarap si Ari. "Okay na ba 'yung ibang workers natin?"
Tumango siya. "Yup. Pero reminder lang na one week before ng kasal nila may shoot tayo for a magazine cover."
Lahat kami ay napangiwi pero alam naming wala na kaming magagawa. Kung gusto naming i-promote ang Clishique, kailangan naming gawin ang magazine na 'yon. Kahit na ayaw na ayaw namin sa mga ganong klaseng publicity. Buti pa si Erella, sanay na sa mga ganon; si Jasmine naman hindi siya mahiyain at kadalasan ay walang hiya 'yan kaya kayang-kaya niya. Kami lang talaga ni Ari ang hindi mahilig sa mga ganon. Which is one reason why we had to hire Miss Swanepoel, dahil ayaw ni Ari na maging muse namin.
"I'm honestly excited for this wedding," sabi ni Erella tapos nakangiting sumandal sa inuupuan niyang couch.
"Ako din," sabi ko.
"Wait!" biglang sigaw ni Ari kaya lahat kami napatingin sakanya. She faced me. "Does that mean na kayo na ni Prince?"
Napangiti ako sa tanong niya pero agad din 'yun napawi. "Hindi ko alam, e. Sabi naman niya hindi niya ako type."
Jasmine snorted. "Honey, even I know that a hot kiss means you are definitely his type."
"But," singit ni Erella tapos tumingin sa'kin, "he did say na kailangan niya ng isang babaeng maraming connections."
"Belle has that," Ari said with a frown. "She has a lot of it."
"Pero hindi naman alam ni Prince 'yun."
Erella's right. 'Yun na lang ba ang rason kung bakit hindi niya ako tuluyang magustuhan? Dahil akala niya secretary lang ako? Ibig sabihin ba nun, na kapag sinabi ko sakanya kung sino talaga ako, may posibilidad nang maging kami? Or will I ruin it all because of my lie?
"Belle."
"Yeah, Jas?"
"Bakit hindi mo nalang sabihin sakanya?"
"Sasabihin ko din naman, e. Bago ako umalis sa trabaho."
"Why not sooner?" tanong ni Erella.
"Why not now?" dagdag ni Ari.
Napayuko ako. "Why now?"
"Belle..."
Huminga ako ng malalim at pinigilan ang sarili ko sa pag-iyak. "Look, kapag sinabi ko sakanya may chance na kamumuhian niya ako. At lahat ng efforts ko sa nakaraang tatlong taon mawawala lahat. Ayoko 'yun. I would rather accept the fact na hindi kami p'wede kesa 'yung habang buhay niya akong kamumuhian. I don't want to lose him yet."
Ari, being the sweetest, came to hug me. "Oh, Belle. You won't lose him if you tell him the truth."
"She's right," sabi ni Jasmine at tumango. "Magagalit siya sa una, pero maiintindihan din naman niya eventually. If love"—she faked a gag—"was the reason you did this, maiintindihan niya 'yun balang araw."
Natawa si Erella. "Kailangan talagang nasusuka, Jasmine?"
Pinagkibit-balikat nalang 'yun ni Jas at humarap sa'kin. "It's not gonna be the end of the world, Belle. Sabihin mo lang sakanya ang totoo—but do it while you're naked."
"Jasmine!" nae-eskandalong sabi ni Ari kaya natawa kaming lahat kasi namumula na siya.
Again, Jas shrugged. "Just saying. Mas mataas 'yung chances na mapatawad ka agad niya 'pag hubad ka."
Napailing nalang si Ari habang ako naman ay natawa lang din kasama ni Erella.
"'Yun ba ginawa ni Derick sa'yo?"
Tumaas ang kilay ni Jas. "Sino may sabing in love ako sakanya? Hindi 'no."
"Sabi mo, e.."
"Oh, damnit," asik ni Jasmine at tumayo. "Just go get your man before it's too late, Belle. Besides, malapit nang malaman ng buong mundo kung sino ang CEO ng Clishique. Mas maganda nang malaman niya sa'yo kesa sa news pa niya makita."
Tumango ako dahil alam kong tama siya. 'Yun din naman ang pananaw ko pero aaminin kong natatakot parin talaga ako. Sa apat na taon na magkasama kami ni Prince, professional siya sa'kin—kahit may mga times na kung umasta siya ay paring kami. Pero ni kailanman ay wala siyang sinabi na magugustuhan niya ako. Heck, the guy straight out said na hindi ako ng type niya. Of course, he kissed me later on, pero andon parin 'yung fact na hindi siya nagpahiwatig na p'wedeng may mamagitan sa'ming dalawa. Paano 'yun?
"Alam mo, Belle," sabi ni Erella tapos umakbay sa'kin. "Your best course of action now? Be a Jasmine."
"Huy, ano'ng ibig sabihin niyan?" angal ni Jas.
Ngumiti si Erella. "It means it's time to be frank and just get on with it. Better now than later, my dear friend. Stop waiting for the right time, ika nga nila. Make the time right."
=•=
"Madame is looking," saad ni Prince at biglaan nalang akong hinila. Nanlaki ang mata ko at agad kong hinila pababa 'yung dress ko. Napangiwi siya sa'kin. "Why must you wear something so short?"
Namula ako. "Prince, pati ba dito counted 'yung rules ko?"
Napairap siya sa kawalan. "No."
Ngumiti ako ng malawak at mahinang hinila siya papunta sa dancefloor. Nakita kong tinuro kami ni Madame sa mga kasama niya na agad tumingin sa'min. Ngumiti ako sakanila bago ko hinarap si Prince. Nagulat pa nga ako dahil nakatitig pala siya sa'kin. Ramdam ko agad ang pagdoble ng tibok ng puso ko sa titig niya. His eyes were so alluring. "Prince.."
"The only exception," mahina pero seryoso niyang sambit at inabot ang kamay ko. Maigi naman akong lumapit sakanya kaya tinaasan niya ako ng kilay pero hindi siya nagsalita.
Kinagat ko ang labi ko at pasimpleng mas lumapit sakanya. Kung napansin niya man, hindi siya umangal o tinulak ako palayo kaya sinagad ko na. The only exception kaya susulitin ko na.
"Belle."
Nanghina ang tuhod ko sa boses niya at sa klase ng tingin na binigay niya sa'kin. He is definitely attracted to me—I hope. "Y-yeah?"
Humigpit ang hawak niya saglit sa bewang ko bago ko naramdaman na bumaba 'yon sa balakang ko. Tumikhim siya. "You look good."
Napasinghap ako. "G-good?"
Umiling siya. "Beautiful."
=•=
San Francisco, California 2014
Business Ball XVII
"I see Miss Belle is once again your date," ang pangbati sa'min ni Madame Heigns. "And your dress is quite lovely! Fitting!"
"Thank you, Madame," sabi ko at napahigpit ang kapit ko sa braso ni Prince. Ngumiti ako ng mas malawak dahil sa sobrang tensyonado niya ay mas tumitigas ang muscles niya. Tapos nakahawak pa ako!
"You two look ravishing! I love it," puri niya muli bago siya humiwalay sa'min para batiin 'yung iba niyang guests.
Like last year, nauna si Prince at sumunod nalang ako sa kung saan man siya pupunta. Nagulat ako nang itulak niya palayo ang kamay ko sa braso niya pero bumalik din ang ngiti ko nang hapitin niya ako sa bewang.
"This year, when someone asks, you're my date."
Napangiti ako at tumango. Last year kasi, sinabi namin na hindi ako ang date niya, kaya naman hindi siya naka-angal nang isayaw ako ng ibang lalaki. Of course, hindi ako ganun natuwa dahil siya ang gusto kong kasayaw, pero hindi din ako na-disappoint dahil kitang-kita ko ang pagkainis niya tuwing may kasayaw ako. Kung hindi 'yun selos, ewan ko nalang.
"Saan tayo?" tanong ko nang makita hindi kami papunta sa mga tables.
"To dance."
Nanlaki ang mata ko pati nadin ang ngisi ko. "Talaga?"
"Don't get too excited," nagtitimping sabi niya. "Better me than them."
Possessive beast! As always.
"Better you than them, Prince."
"Good girl."
That night, siya lang ang sinayaw ko at ako lang ang sinayaw niya—maliban kay Madame Heigns. Isa 'yun sa pinakamagandang gabi sa buong buhay ko, pero nawasak din nung bumalik na kami ng Pilipinas. I felt like Cinderella—oh, the irony of it—dahil isang gabi lang ang kasiyahan ko at nawasak agad. Lalo na't 'yun na ang huling Business Ball na ako ang date niya, the next year iba na. 'Yung isang modelo na. That was the year na sinabi niya sa'king hindi ako ang type niya, na lahat ng actions niya ay strictly professional at walang malisya.
Pero kagabi—God, what happened last night was not professional. That kiss screamed lust, not business. Kaya kahit pagnanasa lang ang nararamdaman niya sa'kin, tatanggapin ko. I will build on that emotion and maybe, eventually, it will turn into love.
May pag-asa pa.
Kuya Kim, don't fail me ha!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top