VIII
A/N: Two comments for the next update.
Ang hirap itago ng kilig, lalo na't nasa tabi ko lang 'yung dahilan ng paruparu sa tyan ko. Hindi din nakakatulong na kanina pa ako inaasar ng mga kaibigan ko gamit ng mga nakakalokong tingin nila. I never pegged any of them to tease me this much at naiinis ako na hindi ko sila mapagsabihan dahil baka makahalata si Prince.
Speaking of the man, talagang sobrang higpit niya. He practically isolated the two of us at pinili niya 'yung table na malayo sa lahat pero malapit sa buffet table. Kanina ko pa gustong makisali sa sayawan at kantahan pero tuwing tatayo ako ay iniirapan niya ako. Seryoso, ba't pa siya sumama kung uupo lang din naman siya sa isang tabi?
"Prince..." tawag ko sakanya at lumabi.
"No," agad niyang sagot bago pa ako makapagpaalam sakanya. Mas lalo akong sumimangot. "It's getting late. We should go."
Nanlaki ang mata ko at tinignan ko ang phone ko. "P-pero wala pa ngang nine!"
"Your point is?" tanong niya at blanko akong tinignan. Mas napasimangot ako.
"Fine. Kukuha lang ako ng pagkain," sabi ko at tumayo na. "May gusto ka ba doon?"
He stared at me for a while before shaking his head. Naglakad na ako papalayo pero ramdam ko padin ang tingin niya sa'kin. Imbes na mainis sa inaasal niya ay kinilig nalang ako. Bakit pa ako magdwe-dwell sa nakakainis na nangyayari kung meron namang mas magandang ganap, diba?
Habang kumukuha ako ng fried chicken ay namataan ko si Jasmine na papalapit sa'kin. Hinintay ko siyang makalapit sa'kin bago sumulyap kay Prince na mukha namang hindi iritado. I faced Jasmine again.
"Hello, Belle," bati niya at tinignan ng mabilis si Prince bago tumingin sa'kin. "Is your guard dog too much?"
Natatawang napailing ako. "Truth be told, I'm quite fine with it. At least I get to spend some time with him alone." Gosh, it felt nice to speak in English again. Kapag kasi nasa paligid ako ni Prince ay puro Tagalog lang ako para hindi niya mahalata ang pagiging mayaman ko. Mahirap na, baka magtaka pa siya.
"I can tell," aniya tapos ay kumuha ng chicken wing. "Tito Emil has been waiting to approach you. Pero ayaw niyang makahalata din si Prince."
Napangiwi ako. "Tell him to come with Jake. They can talk about business and all. But knowing Jake, baka ipahamak na naman niya ako in one way or another."
Jasmine chuckled. "I swear, that guy has a crush on Ari. It's so obvious!"
Nanlaki ang mata ko at na-excite ako. "Really? That sounds cool! Imagine if they start dating—heck, we'll plan the wedding!"
Jasmine snickered. "But you know our friend. She's too hell bent on Salodares to even give any other guy a second glance," sabi niya at napairap sa kawalan. It was no secret na overprotective talaga si Jas sa amin—but even more kay Ari, the baby of the group. Kaya noong pinaalam sa'min ni Ari na may not-so-relationship relationship sila ni Erik Salodares, Jas became even more protective. "Anyway. We'll just drop by your house mamaya. Sinabihan ko na si tito Emil and he's fine with it. Jake is coming and so is Bruce. Good with that?"
Tumango ako. "Tell papa na ipa-ready 'yung alcohol cabinet. Pretty sure we're all getting drunk tonight."
Tumawa si Jasmine at bumeso. "Will do. Go to Prince. Halatang naiinis na."
"He has a permanent scowl, don't worry," biro ko pero alam naming dalawa na may pagka-seryoso din ako. Bihira lang na ngumiti si Prince—at kung ngumiti man siya ay peke pa.
"I'll see you," paalam ni Jasmine at sabay na kaming naghiwalay.
Pagkaupo ko sa tabi ni Prince ay agad niyang tinanong kung ano ang pinag-usapan namin ni Jasmine. "Oh, it's about a weekend getaway," sagot ko. Hindi 'yun ang pinag-usapan namin, pero totoo namang may getaway kami soon. I think it's in two weeks or so. Wala namang problema kasi nakapag-request off na ako at weekend naman 'yun, e. Wala masyadong trabaho.
Tumaas ang kilay ni Prince. "Details."
Napabuntong-hininga ako. He really likes control—gusto niya alam at kontrolado niya ang lahat. Kaya siguro siya tinatawag ng mga tao na isang "perfectionist" dahil ganun talaga ang ugali niya. He wants to know every single detail dahil ayaw niyang naso-sorpresa. "In two weeks, actually. Nakapag-request off na ako."
Inirapan niya ako. "And I wasn't informed because...?"
I blinked. "Um, a-akala ko hindi na kailangan. Sabi ni Mina hindi naman kailangang sabihin sa'yo kasi ayaw mo daw na maistorbo sa ganung bagay."
Napailing siya. "Well, that's unfortunate for you, Belle. I want to know everything you do, you understand me? Every morning, you come to my office and give me coffee. When you leave for lunch, you knock on my door and let me know. When you leave for the day, you tell me. When you take a damn day off, you ask for my permission."
Sa gitna palang ng sinasabi niya ay nalaglag na ang panga ko at wala na akong masabi pa. Kung hindi niya sinabing hindi niya ako type ay iisipin kong gusto na niya talaga ako. No man is that possessive over someone na hindi niya type. But then again, I don't want to fool myself. Maybe this is just a part of his controlling nature. Maybe. Maybe not. But still... "Prince, hindi ba't sobra naman na 'yan?"
"No," sambit niya at tumayo na. He eyed the chicken on my plate before sighing. "Finish that, Belle, then come look for me."
Hindi na ako sumagot at pinanood nalang siyang lumakad papalayo sa'kin. Bagsak-balikat na tinapos ko nalang 'yung pagkain ko kahit wala na akong gana. I feel power slowly drifting away from me, pero I find myself okay with it. Dahil alam ko sa sarili ko na ito ang gusto ko. The more of me I give to him, the more of me he has. And the amazing part is I don't have to offer myself to him because he is willingly taking it all. He can take all of me. I'm completely and undoubtedly his.
Nang matapos na ako ay hinanap ko na siya. I saw him with papa and Jake. Alam ko na agad na negosyo ang pinag-uusapan nila dahil sa seryoso nilang usapan. Pero nang tumabi ako kay Prince ay agad siyang napatingin sa'kin. Ngumiti ako sakanya bago hinarap sina papa. "Hello, Mr. Farrajo, Mr. Andrews," bati ko at nakipag-kamay sakanilang dalawa. Kita ko agad na natatawa na si Jake kaya pasimple ko siyang pinanlakihan ng mata.
"Ah, the beautiful Miss Roxas," asar niya at alam kong sinadya niyang bigyan ng diin 'yung ginagamit kong last name ngayon. Maski si papa ay natatawa pero tinapik niya sa balikat si Jake para pigilan ito.
"Mr. Andrew," sabi ko at pekeng ngumiti sakanya.
Nagulat ako nang tumikhim si Prince at naramdaman ko ang palad niya sa likod ko. Namula ako at umiwas ng tingin. Kinikilig na talaga ako! At nakakahiya pa kasi sa mismong harap ni papa ako kinikilig.
"I need to cut this short," asik ni Prince at napansin kong masungit na naman ang tono niya. Nagkatinginan kami ni Jake at kumindat siya sa'kin. Nakita 'yun ni Prince at pumaikot ang braso niya sa likod ko at napunta ang kamay niya sa bewang ko. Hinigpitan niya 'yun at mas lalong namula ako nang maramdaman ko ang pagkakalapat ng gilid ng mga katawan namin.
"Okay, Mr. Kingsley," sabi ni papa tapos ay nagkamayan ulit silang lahat.
"Let's go, Belle," sabi niya at hindi pinansin si Jake. Hinila nalang niya ako papalabas ng mansion nina Jas at tahimik na hinintay namin ang driver niya. Tiningala ko siya at kita kong naiinis na naman siya. Ayoko nga lang magsalita kasi nakapulipot padin ang braso niya sa'kin at pahigpit nang pahigpit ang hawak niya kaya mas napapalapit ako sakanya. Wala na atang hangin sa pagitan namin, e.
Pero hindi din ako nakatiis. "Prince... Okay ka lang ba?"
Hindi siya sumagot. Pinagbuksan niya lang ako ng pintuan nang pumarada na si kuya Eric sa harap namin at inakay akong pumasok. Mabilis siyang sumunod at tulad ng kanina ay magkalapit na naman kaming dalawa. "To her place, Eric."
Tumango si kuya Eric. "Saan po, sir?"
"Tell him," utos niya nang hindi nakatingin sa'kin.
Huminga ako ng malalim at binigay ang address ng dating apartment naming magbabarkada. Binili na kasi namin 'yun at kung minsan ay doon kami umuuwi kapag lumalabas kami. Sa Makati kasi 'yun at sa Makati kami madalas lumabas at maginuman kaya sa apartment nalang kami. Mas malapit kasi at hindi delikado.
Tahimik kaming lahat sa sasakyan at halos marinig ko na ang paghinga namin lahat. Sinulyapan ko si Prince at kita kong salubong na naman ang kilay niya at nakanguso siya—nag-iisip siya. Ito na ata ang unang pagkakataon na hindi siya nakatingin sa phone niya at alam ko agad na hindi negosyo ang iniisip niya. Mas tumaas ang kuryusidad ko dahil don. Ano ba ang bumabagabag sakanya?
Pagdating namin sa harap ng apartment ng barkada ko ay bumaba siya at hinintay na makalabas din ako. Hinanap ko ang susi sa purse ko. Kasama kasi nun ang susi din sa bahay namin at ng Honda Civic na nasa garahe dito. Spare car namin ng barkada 'yun at 'yun ang gagamitin ko mamaya pag-uwi ko.
"Thank you," mahinang sabi ko dahil sobrang tahimik ng paligid.
Tumango siya. "Belle."
"Yeah?"
Nagtagpo ang tingin namin at napalunok ako. "You are not my type."
Bumagsak agad ang balikat ko at umiwas ako ng tingin. "Alam ko. S-sinabi mo na sa'kin 'yan, Prince."
"Then engrave it in your mind," seryosong saad niya at hindi ako nakapag-react. Paano ko ba susundin ang gusto niya, kung ang gusto ko ay hindi siya sundin? "You are nothing more than my secretary. You are gorgeous—" Tiningala ko siya. "but you are not beneficial to me or to my company. I'm telling you this now because I don't want to string you along. I will be strict with you, because you are one of my most efficient secretaries. I need efficiency."
You are not beneficial to me or to my company. Nag-init ang mata ko. Kung alam mo lang... Kung alam mo lang na isa ako sa mga business princesses. If only you knew I am an heiress. I can be one of the most beneficial people to you... Gusto kong sabihin, pero hindi ko magawa. Speechless ako masyado.
"Are we clear, Belle?"
Yumuko ako. "Crystal clear."
That night, when he left, agad akong sumakay sa kotse at nagmaneho papunta sa bahay. Sinubukan kong huwag maiyak dahil ayokong ma-aksidente. I want a clear vision.
Clear.
Napapikit ako saglit at mas inapakan ang gas pedal. I arrived just when Bruce pulled up at agad ko siyang niyakap. Nagtataka man ay niyakap din niya ako at humagulgol agad ako. Hindi ako nagsalita, tahimik din siya. When the girls arrived with Jake, no words were spoken. Nauna lang pumasok si Jasmine gamit ang susi ko at binuhat ako ni Bruce. We headed straight to the lounge room and Jas walked towards the alcohol cabinet. Erella set the glasses and Ari sat beside me, holding my hand.
Jasmine gave me a glass of Patron—one of the strongest and hardest drink.
That night, I got drunk.
That night, I got my heart broken.
That night, I got... nothing.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top