VI

Nakapalabing hinintay kong mag-print 'yung rules na pinapa-laminate ni Prince sa akin. Nandito parin ako sa office niya kasi may printer at laminating machine naman siya. Nang matapos na ay tinignan ko.

Grabe talaga. Hindi parin ako makapaniwala na ganyan 'yung rules ko. Ipapakita ko 'yan mamaya kay Papa at alam kong pagtatawanan niya ako. Mas lalo na si Jasmine. It's so amusing kasi mas strict pa siya kesa kay Papa. Like seriously, he listed all the possible relationships I could have with a guy. Kung hindi lang siya snob, iisipin ko nang possessive siya sa'kin.

"Are you done?" tanong niya.

Kinuha ko 'yung papel at lumapit sakanya. Inabot ko sakanya 'yun at kita kong natuwa siya sa nabasa niya. "Sir, kailangan po ba talaga nyan?" Applicable po ba sainyo 'yan?

"Yes," sagot niya tapos tinignan ako. "Now who did you say your crush was?"

"Hindi ko po sinabi."

"Then tell me who. Now."

Tinikom ko ang bibig ko at hindi siya tinignan. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na siya o huwag nalang. Pero kapag hindi ko naman sasabihin sakanya 'yung nararamdaman ko, para ano pa't nagsa-sakripisyo ako ng ganito para sakanya, diba? Huminga ako ng malalim at pilit kinakalma ang excited kong puso. Kumalma ka!

"Miss Roxas, we do not have all day."

Napakamot ako ng batok. "Sir, bakit po ba kailangan niyong malaman? Outside na po 'yun ng trabaho ko."

Sa uri ng tingin niya sa'kin ay medyo nailang ako. Halatang mas naiinis na kasi siya sa'kin, e. "Tell me," utos niya.

Napapikit ako. "Promise niyo pong hindi niyo ako ifa-fire?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Why would I fire you?"

I chewed on my lip before releasing a sigh. Bahala na... "Kayo po."

"What about me?"

Napalabi ako at sinalubong ang nagtatakang tingin niya. Pakapalan na 'to ng mukha. "Sir Prince, kayo po 'yung crush ko. Ikaw 'yung gusto ko."

Wala kang maririnig pagkatapos ng sinabi ko at gumala-gala ang tingin ko. Hindi ko siya masalubong ng tingin dahil sobrang nahihiya ako. Hindi ko alam kung saan ko kinuha 'yung lakas ng loob ko na sabihin 'yun sakanya, pero alam ko sa sarili kong hindi ako nagsisisi. Baka nga mas magsisi pa ako kapag hindi ko sinabi sakanya ang totoo, e. Kung may natutunan man ako kay Papa, kapag may gusto ka, kailangan mong sabihin at gawin ang lahat para makamit mo 'yun. Kahit magmukha kang tanga, gawin mo parin ang lahat para makuha mo 'yun.

And that's what I'm doing right now.

"Sir... Magsalita ka naman po..."

"You are not my type," blankong saad niya at ramdam ko agad ang pagbagsak ng tyan ko.

Nag-init ang pisngi ko. "Sir?"

Tinuon niya ang atensyon niya sa laptop niya. "You are not my type. Keep those rules in mind, Miss Roxas. Get out."

Gusto ko sanang magsalita, pero biglang nablanko ang utak ko at walang salitang lumabas sa bibig ko. Naramdaman ko ang pagiinit ng mga mata ko at alam kong paiyak na ako. Shit, did I just experience my first heartbreak?

"Out, Miss Roxas."

Nanginginig na kinuha ko mula sakanya 'yung laminated rules tapos ay dahan-dahan akong tumalikod. Nang maisara ko 'yung pinto sa likod ko ay pumikit ako. Hinayaan kong tumulo ang isang luha tapos pinunasan ko agad 'yun. Ang sakit pala na sabihin sa'yo ng taong mahal mo na ayaw niya sa'yo. Gosh. My stomach is churning!

Hindi ko gets. Ano ba ang kulang sa'kin? Alam ko naman na maganda ako, nagmana ako kay Mama. Matalino din ako, nagmana ako kay Papa. I'm sexy and toned all over with all the times I spend inside my private gym. Mabait din naman ako at hindi maarte. But why am I not his type? Ano ba ang type niya?

Ano ba ang kulang?

"Belle?" Tumingala ako at nakita ko agad si Mina na mabilis akong dinaluhan. Shocked parin ako at wala akong nagawa o nasabi. "Belle, ano'ng nangyari sa'yo? Namumutla ka!"

Napailing ako. "I'm fine," mahinang sambit ko pero alam kong hindi niya ako pinaniwalaan. Pumikit ako at sinubukang 'di maiyak. Ayoko. Hindi ako iiyak. This is only the first real try. Kapag nag-break down ako, suko na. Pero hindi pa. Huwag muna. Kaya pa.

"Sigurado ka ba? P'wede kitang samahan sa clinic," presenta niya at nakangiting tumanggi nalang ako. Nag-aalala parin siya. "Belle, ang putla mo talaga. Kumain ka na ba?"

"Oo," sagot ko at tumayo na ng maayos. "Okay lang ako, promise. Medyo nagulat lang ako ni sir kanina."

Nagdududa parin ang tingin niya pero tumango din siya. "Sige na nga, papabayaan na kita. Pero kapag masama pakiramdam mo, sabihan mo agad ako ah? Papauwiin kita."

I smiled gratefully at her. "Promise 'yan, Mina. Tatawagan agad kita."

"O'sige, balik na ako sa desk ko. Huwag mong i-stress sarili mo!"

Tumango nalang ako tapos naglakad sa desk ko. Nakasimangot na umupo ako at tinitigan 'yung rules ko. Kung tutuusin, hindi ko naman kailangang sundin 'to. Wala naman 'to sa kontrata, at mas lalong wala siyang karapatan na diktahan ako. Pero sino naman ang niloko ko, diba? Ako mismo ang nagbibigay sakanya ng karapatan na pagbawalan ako. Ganun ako katanga. I am under his every command, and yet he has no idea of his power over me. Over my heart.

Oh, Pag-Ibig, why you so masama?

=•=

Akala ko chance ko na 'yung shopping spree namin para mapalapit sakanya, mali pala ako. Siguro mistake na sinabi ko sakanya kahapon na gusto ko siya kasi mas naging mailap na siya sa'kin. Hindi na niya ako tinitignan na para bang pinagnanasahan niya ako at hindi na niya ako hinahawakan nang parang noong naki-Business Ball kami this year. Pero hindi ba dapat ine-expect na niya 'yun? Hindi ba halata sa San Francisco na gusto ko siya?

Obviously, siya ang namili ng mga damit ko. Karamihan ay slacks ang mga pinipili niya pero nakalusot din ako sa dalawang mahahabang skirt na masikip naman kaya sexy parin tignan. Pero nakakainis lang kasi nagmumukha akong madre sa mga tops ko. Kung hindi long-sleeves, halos maging turle neck na. Karamihan sa mga top ko hindi pa ine-expose ang collarbone ko, e. At marami din ang umaabot sa siko ko. Walang tank top style, at wala ding sleeveless. Pati mga heels ko hindi tumataas ng five inches. May dalawa pa ngang flats na binili, e! Kaloka.

At ang pinakamalala, kahit ilang beses ko siyang kausapin tungkol sa mga mas personal na bagay, iniiwas niya ang topic at laging bumabalik sa negosyo o sa mga damit na binibili namin.

Kung hindi ko lang siya mahal, kanina ko pa inuntog sakanya 'yung mga sapatos na binili niya. Pero sayang naman ang mukha niya kaya pinapabayaan ko nalang.

Dalawang oras din kaming nag-shopping, at walang kahit isang porsyentong progress ang nangyari sa'ming dalawa. Kaya naman sobrang nagsisisi ako sa sinabi ko kahapon at sana tumahimik nalang ako. Sana 'di ko nalang sinabi na gusto ko siya, kasi ngayon, mas malamig na ang trato niya sa'kin.

The beast was slowly killing me—again.

=•=

Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Prince o ano, pero pagkatapos kong sabihin sakanya na may gusto ako sakanya ay sunod-sunod na ang pakikipag-date niya. Ang masaklap pa, ako mismo ang nagbu-book ng table nila sa mga kilalang restaurant. Kung hindi lang ako professional ay baka sa carinderia ko na sila pinapapunta. Pero hindi ko ginawa kasi ayokong masisante ako. Itong trabaho na nga lang ang tanging paraan para makalapit ako sakanya, sasayangin ko pa ba?

"Pang-ilan na 'yan?" usisa ni Mina nang sumara ang elevator kung saan sumakay sina Prince at ang kanyang date for today. Take note, today lang.

Napasimangot ako. "Pang-anim na. Grabe din siya. Ano 'to, three girls a week ang peg niya?" In a span of two weeks, pang-anim na kasi niya 'yung babae kanina. Hindi ko naman alam ang nakikita niya sa mga babaeng 'yun kasi mas maganda naman ako, mas maputi, halatang mas matalino, at mas malaki naman ang boobs ko kesa sakanilang lahat! Mas matangkad nga lang ang iba sakanila, pero hindi naman ako pandak. At ang nakakainis pa, lahat sila kung manamit ay labas kaluluwa na. Samantalang ako halos pang-madre ang bihis sa pagka-strikto niya sa'kin. Paano ko naman siya maaakit kung naka slacks lang ako?

Natawa si Mina. "Magagalit na naman si sir Rey 'pag nalaman niyang nambababae na naman 'yang si sir Prince."

"Bakit naman?" Alam kong may pagka-dictator si sir Rey, pero pagdating lang naman 'yun sa negosyo niya. Mabait siyang boss, actually. Wala kang masamang maririnig tungkol sakanya, pero dapat talaga na maganda at satisfactory ang mga ginagawa mo, kundi makakatikim ka ng malakas na sigaw mula kay sir Rey.

"Ayaw kasi ni sir Rey na kaliwa't kanan ang babae ni sir Prince. Gusto na nga niyang mag-settle down si sir, e," kwento niya sa'kin at nakinig ako. "Pero alam mo naman ang mga tulad ni sir Prince—mga bachelors. Ine-enjoy ang single and young life nila. Habulin si sir, kaya paniguradong ayaw pa niyang maging one woman man."

Napatango ako sa sinabi tapos napasimangot din. Medyo na-disappoint ako sa sinabi niya kasi ibig sabihin nun hindi pa naghahanap si Prince ng pang-matagalan na babae. And I will not allow myself to stoop any lower than a long-term girlfriend with rights. Hindi ako 'yung tipo na "one hit wonder" kasi alam ko ang pakinabang ko. I am a diamond—not a worthless rock.

"Tara na, Belle. Gutom na ako," aya ni Mina at inayos ko na ang gamit ko at sumunod sakanya. Nakaugalian na kasi namin na magsabay sa pagkain ng lunch, isa ding dahilan kung bakit mas naging close na kami ni Mina. Kaso hindi ko pa nasasabi sakanya na may nararamdaman ako para sa boss namin. Ayoko pang ipaalam sa iba maliban nalang sa mga taong talagang close sa'kin. Speaking of which...

My phone vibrated at agad kong sinagot ang tawag ni Erella. "Bi?"

"Belle, lunch break mo ba?"

"Yes. Bakit? May problema ba?" Isa ding nagpapahirap sa stwasyon ay 'yung pagiging CEO ko sa Clishique. Pero hindi ko pinapabayaan ang kumpanya naming magkakaibigan. Kaya mabilis kong tinatapos ang mga trabaho ko dito sa Royal ICON ng maaga para magawa ko 'yung paperworks para sa Clishique. Buti nalang hands-on si Ari sa pagiging COO kasi siya ang representative ng kumpanya sa mga meetings, meaning I don't have to be there all the time.

"No, walang problema. Was just wondering if you can take the day off sa Saturday?"

Napangiti ako. "I wouldn't miss it for the world, ano ka ba! I'll be there." Sa Sabado na kasi ang first anniversary ng Clishique at magse-celebrate ang barkada sa bahay nina Jasmine. Si tito Manuel, ang papa niya, daw kasi ang magpapahanda para sa'min. Of course, pupunta ang mga taong close sa amin. Even Jake is invited kasi naka-vibes niya agad si Ari noon, which in turn made Jas and Erella like him.

"Belle, tara na," tawag ni Mina mula sa elevator at agad akong lumapit doon.

"Bi, I'll call you later. Pero andon ako sa Saturday," sabi ko.

"Okay, Belle. Mag-ingat ka! I'll see you soon," aniya at nagpaalam nadin.

I pocketed my phone at hinarap si Mina. "Gusto mo bang sumubok tayo sa ibang carinderia?"

"Sige. Medyo nakakasawa nadin sa cafeteria!" angal niya at natawa naman ako. Lately kasi sa cafeteria na kami kumakain kasi sobrang busy. Wala kaming time para lumabas pa. Kaso ngayon madami kaming natapos kaya mas maluwag ang lunch break namin.

"Buti nalang marami tayong natapos kanina," saad ko at sabay kaming lumabas nang bumukas ang elevator.

Tumango si Mina. "Buti nalang madami kang alam sa business." Kunot-noong hinarap niya ako. "Alam mo, sa sobrang galing mo dapat mas mataas ang posisyon mo. Bakit hindi ka mag-apply for promotion? Maganda naman ang record mo, e."

Kasi gusto kong makasama si Prince. I smiled to myself. It's funny how much potential I'm wasting for this—for him. But then again, I wanted this—wanted him. Konting sakripisyo lang naman. Walang nawawala sa'kin. "Hindi na muna. Okay na ako sa posisyon ko tsaka baka magka-tsunami dito kapag hindi na ako ang secretary ni sir."

"Tama ka nga naman," aniya tapos mahinang napangiti. "Nakakalungkot nga lang na next week na magre-retire si sir Rey. Pero the good news is that mas magkakasama na tayo."

Nagsalubong ang kilay ko. "Teka. Talaga?"

"Oo. Masyado kasing mabigat ang load ng CEO and President kaya kailangan ng dalawang secretary," paliwanag niya habang naglalakad kami papunta sa pinakamalapit na carinderia. "Pero ikaw ang head secretary. Parang ako ang secretary mo."

Nanlaki ang mata ko. "Bakit? Mas matagal ka na kaya dito."

She waved me off. "Oo nga. Pero alam naman kasi ni sir Rey na hindi ako magtatagal dito. Mape-petition na ako ni mama mga next year. Parang temporary nalang 'to, e ikaw permanent ka na."

Permanent? I looked away. Maybe. "So iiwan mo na ako dito, ganun?" biro ko.

Natawa si Mina. "Kaya mo naman, e. Buti nga ang taas ng patience mo kay sir Prince."

"Madali namang sakyan ang mood niya," depensa ko at napangiti ako nang makita 'yung Alivia's Karinderita na sign.

"Sus. Ikaw lang pwedeng gumawa nun. Kaya walang girlfriend si sir, e. Kasi walang nakakasabay sakanya," aniya.

Mahinang napangiti ako at umiwas ng tingin. "O baka naman hindi niya lang type 'yung taong handang sumabay sakanya."

Tinignan ako ni Mina. "Ang lalim naman ata ng hugot mo?"

Napailing ako. "Wala, wala. Gutom lang 'to."

"Ahh, okay."

Nang makaupo na kami at nakabili na kami ng pagkain ay nagulat ako nang tumawa bigla si Mina. "Bakit?"

"Alam mo, honest ako a. Kaya ko 'to sasabihin sa'yo. Pero huwag kang ma-offend," aniya.

Kumunot ang noo ko. "Ano 'yun?"

Natawa ulit siya. "Because for a moment kanina, akala ko ini-imply mo na may gusto ka kay sit Prince. Nakakatawa diba? Sorry."

Natigilan ako. Bull's eye.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top