III

Laway mo, Belle!

Napapikit ako ng mariin tapos ay napalunok. Ang tagal ko nang nagka-crush sakanya pero hanggang ngayon ay nanghihina parin ang tugod ko tuwing nakikita ko siya. At mas lalo pa ata akong mai-in love sakanya dahil mas g'wapo siya kapag naka-three piece suit siya. Ang sexy niya!

"So you did get the job."

Nanginginig na tumayo ako. "Y-yes, Sir. I'm Belle Roxas."

Tumango siya. "I know, you introduced yourself last week." Tumingin siya kay Mina, 'yung secretary ng Papa niya kaya natitigan ko ang side angle niya. Wala ba siyang pangit na angle? "Mina, is she briefed? I need her to start ASAP."

Tinignan ako saglit ni Mina. "Yes, Mr. Kingsley. She's briefed and ready. She was trained last Tuesday."

"How long?" Hindi ko alam ang ginagawa niya pero halatang nasa cellphone niya ang atensyon niya. Sinubukan kong silipin at nakita kong nagbabasa siya ng emails niya.

"Four days," sagot ni Mina tapos ay nginitian ako. "She's qualified, Sir. May experience siya."

Napatingala si Prince at wala sa mood na tumingin sa'kin. "What's your work experience, Miss Roxas?"

"Um—ELITES po," sagot ko. Sa sobrang kaba ko ay ramdam kong namamawis na ako. I'm not good at faking confidence, unlike Jasmine na natural na sakanya 'yun. Project confidence, she would say. Pumikit ako at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"ELITES?" Tumaas ang kilay niya. "Interesting. I had a meeting with the CEO last week."

Yeah, I'm his daughter. "T-talaga po? They're a good company."

"They better be." Mapait na napangiwi siya at biglang gusto kong depensahan ang ELITES. "I invested a lot of money. If they meet my standards, a partnership would be made."

Of course, alam ko na ang nangyaring usapan dahil na-kwento sa'kin ni Papa. Dahilan din 'yun kung bakit mas madalas na siyang nasa basement—para siguraduhing gagana ang mga gagawin niyang proyekto. A partnership with Royal ICON may change our lives completely.

"Miss Roxas," tawag niya sa'kin. "Get settled. Then in my office. Five minutes." Pagkatapos nun ay walang sabing nilagpasan na niya ang table ko at pumasok sa office niya.

Napatingin ako kay Mina. "Hindi naman pala siya ganun ka-terror, e."

"Bago ka lang kasi," aniya tapos ay tumayo sa harapan ko sa kabilang gilid ng lamesa. "At sinabi din ni Mr. Kingsley—'yung father niya ha—na kapag mawalan na naman siya ng secretary ay ide-delay niya 'yung pagbigay ng kumpanya kay Sir Prince."

Nanlaki ang mata ko at naupo ako. "So ibig sabihin nun stuck siya sa'kin?"

"Oo," sagot niya at halos tumalon ang puso ko. "Kaya din kita pinili kasi parang overqualified ka pa nga para sa posisyon, e. UCLA ba naman ang Masters mo!"

Namula ako at umiwas ng tingin. "Maganda kasi 'tong trabaho na 'to," palusot ko nalang. Pero totoo naman dahil maraming benefits tapos mataas pa ang sahod. Not that I need it, pero maganda talaga ang trabaho'ng ito.

"Tama ka naman d'yan," sabi ni Mina tapos ay ngumiti. "Mauna na ako, Belle. Kapag may kailangan ka i-dial mo lang ang 3 tapos line ko agad 'yun. Bilisan mo din at ayaw ni Sir Prince sa late. Knock first!"

"Salamat!" Pinanood ko siyang sumakay na muna sa elevator bago ko kinuha ang clipboard at tumungo sa pintuan ni Sir Prince. Kumatok ako at nang papasukin niya ako at sinunod ko. Nakita ko na ang office niya noong Friday kaya hindi na ako namangha pa. Pero noong una kong nakita ay talagang napanganga ako dahil sa dami ng original paintings niya. Paniguradong matutuwa si Ariel kapag nakita niya ang office ni Prince.

"Miss Roxas, sit down."

Medyo nagulat pa ako sa tono ng boses niya pero walang sabing naupo ako sa kabilang gilid ng desk niya. Abala siya sa pagta-type kaya naman hinanda ko na muna 'yung clipboard. Sinulat ko ang date tapos ay hinintay siyang magsalita.

"Do you have a passport, Miss Roxas?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya pero tumango din ako. "Yes, Sir." Magba-bakasyon ba tayo? Honeymoon?

"Good. Book our tickets to Toronto. We'll be there for three days, and on the third day we leave."

Toronto? Baka pupunta siya sa Business Ball! Ang alam ko kasi, doon ang napiling venue ng Business Ball this year, e. Of course, I was invited to go pero I flat out refused dahil ayoko namang mabuko agad ako. Besides, the Business Ball was just an excuse for businessmen and women to meet and make deals, not really for the charity—as cruel as it sounds.

"Yes, sir." I scribbled it down on my paper. Baka makalimutan ko pa.

"First class seats, Miss Roxas. Before you book it, confirm with Reggie if my plane is really unavailable," sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Sino po si Reggie?" tanong ko. Hindi ko naman kasi siya kilala at ngayon ko lang narinig ang pangalan niya.

Tumingala si sir Prince at tinignan ako na para bang naiinis siya. Umiwas ako ng tingin dahil biglang kinabahan ako. "Mina told me you were briefed and ready. And yet here you are, telling me you do not have any idea who Reggie is?" Sa tono ng boses niya, medyo nanlamig ako. Alam kong magagalit na siya at napatalon ako nang sumigaw siya. "Get out of my office and look for Mina! Know everything before coming back! You understand?!"

Napalunok ako para pigilan ang luhang gustong tumulo at unti-unti akong tumango. "Y-yes, sir," nanginginig na sagot ko at mabilis na lumabas ng office niya. Pagkasara ko ng pinto ay agad akong sumandal doon. Jusko, 'yun pala ang ibig sabihin ni Mina kanina. Terror nga siya, pero grabe naman. Agad-agad talaga? Wala pa akong isang oras sa trabaho, nasigawan na agad ako. Paano nalang kapag nagtagal na?

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Ginusto mo 'to, Belle, kaya panindigan mo na. Wala nang bawian 'to. Hinayaan ko munang mawala na ang luha sa mga mata ko bago ako pumunta sa table ko. Umupo ako at agad dinial ang line 3.

"Hello, Mina speaking, secretary of—"

"Mina," putol ko sa sinabi niya.

"Oh! Belle, napatawag ka? Trouble agad?"

Napalabi ako. "Oo, e. Sino ba si Reggie? Nagalit siya kasi 'di ko siya kilala."

"Ahhh. Si Reggie ba? Siya 'yung private pilot niya. Ano ba pinapatanong ni sir?"

May private pilot siya? Wow! Tumikhim ako. "I-confirm daw tungkol sa plane."

"Sige, sige. Ako na tatawag kay Reggie tapos i-email ko nalang sa'yo 'yung response niya, ha?"

"Thank you, Mina." Without her, baka fired na agad ako. Kung bakit ba kasi hindi ko kilala si Reggie, e. "Laking tulong talaga nito."

"Wala 'yun. Masasanay ka rin sa lahat," aniya tapos narinig ko ang intercom niya sa kabilang linya. "Belle, mauna na ako. Tinatawag na ako ni sir Rey."

"Sige, salamat ulit," sambit ko at nang nagpaalam na siya ay binaba ko nadin ang telepono. Pumunta nalang ako sa website ng Philippine Airlines para mag-book ng tickets namin ni sir. Baka mamaya sigawan na naman niya ako. Pero okay lang, at least magkatabi kami sa airplane!

=•=

"Kumusta naman ang first day mo?" tanong ni Papa nung umupo ako sa table kung saan siya nagsusulat. As usual, nandito ako sa basement kasama siya. Pero nasa bandang office niya kami kung saan may glass walls na nagse-separate sa laboratory niya. 'Yun din ang dahilan kung bakit hindi masyadong mabaho dito.

Nagkibit-balikat ako. "Okay lang naman po, Pa. Napagalitan po agad ako kanina, e. Hindi ko kasi kilala 'yung pilot niya."

Natawa si Papa. "Umiyak ka ba?"

"Muntik na po," sagot ko at napangiti. Kilala talaga ako ni Papa. "Tapos pupunta nga po pala kami sa Toronto, Pa. Para doon sa Business Ball."

Tumango si Papa. "Naimbitahan din tayo, pero hindi ako makakapunta. Uuwi ako ng probinsya."

"Bakit po?" Nami-miss ko nadin naman ang Ilocos Norte, ang probinsya namin.

"Natatandaan mo pa ba si Raulo?"

Tumango ako. Si kuya Raulo 'yung isang tricycle driver na laging naghahatid-sundo sa'kin. Madalas libre pa kasi hindi naman kami mayaman noon. Sobrang bait ni kuya Raulo. "Opo, Pa. Bakit po? May nangyari ba sakanya?"

"Wala naman," sagot ni Papa at tumayo tsaka lumapit sa may printer. "Pero magi-isang taon na kasi 'yung pangatlo niya. Ninong ako."

Napangiti ako. "Bibili po ako ng gift para sa baby niya, Pa. Iabot mo nalang para sa'kin."

"Sure," sagot ni Papa tapos hinarap ako. "May damit ka na ba para doon sa Business Ball na 'yun, anak?"

"Magpapagawa nalang ako kay Erella, Pa. Mas maganda naman designs niya kesa sa ibang designers," sabi ko at tumayo na sa pagkakaupo ko. "Panhik na po ako, Pa. Maaga pa ako bukas."

"Goodnight, Anabelle," aniya at lumapit ako para yakapin siya. "Hindi ka na baby. In love ka na nga oh."

Natawa ako. "Papa, in love lang naman. Baby padin ako."

"Asus. Baka nga ikaw na ang magka-baby, e," biro niya kaya natatawang humiwalay ako sakanya.

"Sige ka, kapag 'yan nagkatotoo ewan ko nalang," sabi ko at humalik sa pisngi niya. "Night, Pa."

"Bye, Belle," sabi niya at umalis na ako ng office niya. Nilagpasan ko muna ang ibang inventions niya at nakangiting umalis ako ng basement. I'm so proud of my dad, ang layo na ng narating niya. At ang dami na niyang napatunayan sa mga taong pinagtawanan siya, pero mas madami siyang napatunayan sa sarili niya. If mom was here, she'd share the same sentiments that I have.

I sighed. I missed my mom.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top