Kabanata 9: Frustration
Dahil sa ibinigay ni Ma'am Laureen na assignment sa amin ay nanatili kaming apat sa classroom para naman mapag-usapan na namin ang gagawin.
Ganito naman talaga sa Tereshle Academy. Nasa Zhepria pa lamang ako ay alam ko na ang pamamalakad ng Academy. They sent students to a specific mission. Ang mission na ito ay nagbabase sa rank o grupo na nabibilangan mo sa loob ng Academy. Pagsuccessful ang mission mo, of course, you will given a reward for that. It's either money or anything base sa napagkasunduan. Mostly, they sent students from the group of Tienda. Pero sabi pa nga ni Ma'am Laureen, abala ang Tienda ngayon kaya napunta sa mga Shenda ang assignment na ito.
"Tayo lang ba ang Shenda sa Academy?" bigla kong tanong na nagpatigil sa tatlo.
Kanina pa kasing seryoso ang mga ito. They kept on analyzing the things and informations given by Ma'am Laureen. She said that it might help us kaya agad tinutukan ng tatlo ang mga iyon. At ako, bilang bagong miyembro ng grupo, ay nakaupo lamang at pinagmamasdan ang mga seryosong itsura nila.
Tiningnan muna ako ni Sydney bago sagutin ang naging tanong ko.
"This school year, yes. Tayong apat lang," sagot nito sabay baling muli sa papel na ibinigay sa amin kanina. Hindi na ito muling umimik, maging ang dalawang lalaki.
Tumango-tango na lang ako bilang tugon sa sinabi niya. Napanguso ako. I wonder kung gaano kalakas ang mga naunang Shendra bago kami. Lahat ng estudyanteng nakakagraduate sa Tereshle Academy ay deretso sila sa council society ng Kingdom of Tereshle. In other words, malalakas ang mga nasa council. Pag-makagraduate ka na sa Academy, it only means you're powerful enough to be a part of the council society at ang posisyon mo doon ay nakabase syempre sa lakas ng attributes mo.
"Mga estudyante lang ang alam kong maglalakas loob na pumunta sa library nang ganoong oras."
Napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita si Joseph. Nakapamewang na ito at umayos nang pagkakatayo.
"Tama ka. And a reckless one," ani Sydney. "I wonder kung ano ang pakay nila sa library? They can borrow a book any time they want. As if naman pagbabawalan sila ng librarian. Fools."
Napatango muli ako. Iyan din ang nasa isip ko simula noong gabing iyon. Ano ang pakay nila sa lugar? Library is full of shitty books kaya impossibleng libro lang ang pakay nila. There must be something inside the libraby. Something they badly want.
"Ang tanong, ilan at sinu-sino sila?"
I froze when he speak. Nakatingin siya sa akin habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. "And they're not just an ordinary students, I can say. Sa tapang at lakas loob nilang gawin ang bagay na iyon, I know may ibubuga ang mga iyon," dagdag pa nito habang di inaalis ang tingin sa akin. Damn this guy! Alam niya talagang nasa lugar ako noong mga panahong iyon!
Matalim ko siyang tinitigan, ganoon din siya. Kung pwede lang hampasin ko siya, malamang kanina ko pa iyon ginawa.
Patience, Athea. Patience!
Walang mangyayari sa amin kung mag-aaway kami ni Sean. I better think fast before we turn this meeting a disaster one. Mahirap na.
"Tatlo."
Napatigil sila Joseph at Sydney noong magsalita ako. Nakatingin pa rin ako kay Sean. I swear, I saw him smirked at me.
Napataas ang isang kilay ko dito. Oh, great! Minsan talaga masarap ding magwala! I really need to calm myself here. Baka di ko matansya ang isang ito! He really wanted me to tell them what I already knew!
Fine. Fine. Fine!
"Tatlong estudyante ang nasa library noong gabing iyon," I coldly said without breaking Sean's stare.
"Really?" seryosong tanong ni Sean sa akin. Nagtaas din ito ng kilay sa akin at hinarap ako nang maayos.
"Yes," sagot ko dito.
Katahimikan. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. After a few seconds, natigilan ako dahil biglang may naisip ako habang pinagmamasdan ang tatlo.
No way! Hindi naman siguro tama itong nasa isip ko? Napailing ako sa kanya, sa kanila. Bakit biglang naging ganito sa Sean? Don't tell me pinaghihinalaan talaga ako ng bugok na ito? The hell with him!
I glared at him, deadly.
He smirked. Again!
I sighed, defeated.
Tell them everything, Althea. Bago ka pa mawalan ng ulirat at masugod mo itong si Sean.
"I heard them," panimula ko. Mukhang naging interesado ang dalawa kaya naman tutok na tutok sila sa akin. Binitawan nila ang mga hawak na papel at hinarap ako na rin ako nang maayos.
"It was three in the morning when my senses became alert. It was really unusual for me. I can shut down my senses whenever I want to. But that night, I woke up because of the sound of their footsteps. And I knew at the very moment, something was wrong."
Tahimik ang tatlo habang nakikinig sa kwento ko. Maging si Sean ay nawala na ang ngisi at seryosong nakikinig sa akin.
"Three different footsteps, so, I assumed that it came from three different persons. And I was right. I followed the footsteps then it lead me to the library."
"May nakilala ka ba sa kanila?" biglang tanong ni Sydney sa akin.
Umiling lang ako. Totoo naman, wala akong nakitang mukha sa tatlo. Medyo malayo pa ako sa kanila noong mag-alarm ang security alarms ng library at magsidatingan ang mga guards at iilang faculties ng academy.
"If I have your ability, I'm sure I would know," baling ko kay Sydney na inirapan lang ako.
"Well, you're right but I won't risked my safety just to know who the hell they are," sambit ko dito.
Umirap itong muli sa akin.
"So, tatlo sila. Paano natin maiidentify sila? Sean?" tanong ni Joseph sa taong kanina pa nakatingin sa akin at walang imik na si Sean.
"Tell us, I know you know something aside from the fact na tatlong estudyante ang naroon noong gabing iyon," naghahamong wika ni Sean sa akin. Natigilan ako. Sean. Sean. Sean! Ano pa ba ang gustong mong sabihin ko?
Agad namang napatingin muli ang dalawa sa amin, sa akin. Ang mga mata nila ay puno ng kuryusidad. Napailing ako. Hindi nila ako nilabuyan kaya naman ay napapikit na lamang ako.
This is hella frustrating! That's it! I'm so done with him. Nakakaasar na siya!
Biglang nag-iba ang pressure sa loob ng classroom. Maging ang dalawa ay naramdaman iyon. I can feel my energy on my bare hands.
"Whooa! Easy, Althea. Ayaw kong madetention dahil lang sa pagkasira ng room na ito," naiiling na wika ni Joseph sa akin.
Kalmado pa rin si Sean. Di alintana ang pressure na nanggagaling sa akin. Asshole!
"Calm down yourself, Althea. At ikaw naman Sean, alam mong may pagkainitin ang ulo ng babaeng to! Stop it. Kanina ka pa," pagalit na sabat ni Sydney.
"What? I'm just asking her," painosenteng sambit pa nitong si Sean.
"Iba ang nagtatanong sa nanghuhusga, Sean," malamig na turan ko na nagpatigil sa tatlo.
They looked shocked. My hands are trembling. I've already felt this feeling. Noon. I need to calm my fucking self. I took a deep breathe bago tumayo.
"Isa sa kanila ay nagngangalang Sebastian. Ang isa naman ay isang fire attributer. Ang isa ay di ko alam. I never heard him speak kaya di ko maidentify kong ano siya."
Natigil ako sa pagsasalita. Maging sila ay walang masabi.
"I gotta go. I need to fucking release this fucking frustration of mine. Just call me if you want something," mariing kong wika sabay talikod sa kanila. I fucking hate him!
Di pa ako nakakalabas ng classroom noong tawagin ako ni Sydney.
"Althea, wait!"
Tumigil ako sa paglalakad ngunit di ako lumingon sa kanila.
"You won't, uhmm, leave us, right?" nag-aalangang tanong nito sa akin. Kahit hindi ko maintindihan ang nais niyang iparating sa akin ay sinagot ko na lamang ito.
"I won't," ani ko at lumabas na sa silid.
Humahangos ako nang tumigil na sa pag-eensayo.
Pagkalabas ko sa classroom kanina ay deretso agad ako sa training room. Akala ko pa naman ay training free ako today but I was wrong. Salamat sa taong nag-ngangalang Sean Miller at nandito ako ngayon sa loob ng silid na ito!
Napailing na lang ako noong makita ko ang mga galos sa kamay ko. Mukhang nailabas ko na ang frustration ko sa taong iyon, sumobra nga lang. Napahawak ako sa kamay ko at bahagyang napadaing sa hapdi dahil sa galos nito.
I sighed.
This is nothing. Mas masahol pa dito ang naranasan ko noong mga panahong di ko makontrol ang overflowing wind energy sa katawan ko. Nakokontrol ko na siya ngayon ngunit may mga sitwasyon talaga na nagtritrigger sa akin na lumabas ang mga ito sa katawan ko. Sa madaling salita, bawal akong magalit dahil kusang lumalabas ang attribute ko at siguradong malaking gulo iyon.
Huminga ako ng malalim bago pinulot ang vest ng uniform ko. Tinanggal ko kasi ito kanina dahil hindi ako magalaw ng maayos. Walang ingay akong naglakad palabas ng silid. I need a bath and a good rest. I'm so tired!
Nang makalabas na ako sa training room ay napatigil ako noong may narinig akong nagsalita.
'I'm sorry.'
I looked around.
Kunot noo kong pinagmasdan ang magkabilaang pasilyo. Walang tao.
Wala siya.
Don't tell me he said his sorry through his thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top