Kabanata 4: Sean Miller
Kulang na kulang ako sa tulog. Ang sakit sa ulo. Shit! Nakakaasar naman kasi ang nangyari kaninang madaling araw. Gamit ang aking isang special ability, nagawa kong pagmasdan ang buong nangyari.
Pagkatunog ng alarm ay agad na nagsitakbuhan ang tatlo. Tamang nakalayo na ang tatlong estudyante noong dumating naman ang mga guards at iilang faculty members ng academy. They checked the perimeters. They even opened the library door to checked if there was something missing. Ilang minuto pa, noong masiguro marahil nila na walang nawala doon ay sinarado na ulit nila ang library. At noong nasiguro na nila na walang tao sa paligid ay nagsialis na ang mga ito.
Out of my curiousity, lumapit ako sa library. Anong meron dito at sobrang higpit ang security? And why would those three students tried opening this door? Anong mayroon dito?
Nagpatuloy ako sa pagmamasid sa paligid. Mayamaya pa'y napatigil ako nong may narinig akong mga yabag. Papalapit ito sa kinaroroonan ko ngayon. I scanned the whole place. Mukhang malapit nang mag-umaga. I close my eyes to concentrate.
Naglalakad? Tumatakbo? Lakad-takbo?
Napalingon ako sa taong huminto ilang dipa lang aang layo sa akin. Shit!
Sean Miller!
Hinihingal ito. Mukhang galing lang ito sa pagtakbo. Nag-jogging ba ito?
Pinagmasdan ko ang mukha niya. Kahit umaga ay nakakunot ang noo nito. Nagpalinga-linga ito, yung tipong may hinahanap na kung ano. Then, he stopped. Napatingin ito sa kinatatayuan ko.
I frozed.
No way!
Nararamdaman ba niya ang presensya ko ngayon dito? Impossible namang makikita niya ako. I'm invisible for christ sake! My second special ability!
Lalong kumunot ang noo niya.
Damn it! I think I need to go.
In just a swift of the wind, nasa labas na ako ng pinto ng kwarto namin. Well, that's the best thing of having my special abilities. Once pinagsama ko na ang attribute at abilities ko, I can create another one. Basta pag naka-invisible mode ako at gusto ko nang umalis sa kinatatayuan ko, I just think for the exact place then summon my wind attribute. Then tadaa. Here I am.
Nagpalinga-linga muna ako bago ko ibalik ang dating pustura ko. Nang masiguro walang taong nakamasid ay bumalik na ako sa dati sabay pasok sa loob ng kwarto. Tulog pa si Rhea pagkabalik ko. I checked the time. It's already five forty-five in the morning. Mukhang di na ako makakatulog nito.
"Mukha kang zombie, Althea. Natulog ka ba?" takang tanong ni Rhea sa akin. Patungo kami ngayon ulit sa function hall ng academy. We were advised to be here before our breakfast which is mamayang seven in the morning. It's already six thirty in the morning kaya naman ay papunta na kami doon.
"Nasobrahan lang ata ito ng tulog," I joked sabay ayos ng palda ko. We're wearing the Tereshle Academy uniform. It has a white top while a navy blue skirt and vest. Black socks above the knee and a pair of black shoes. Same goes with the boys. Ang pinagkaiba nga lang ay naka slacks sila instead of skirt.
Pagkapasok namin sa hall ay nandoon na ang mga kasama namin kahapon. At mukhang kami na lang yata ang hinihintay nila. Nagkatinginan kami agad ni Rhea sabay pila sa likod ng mga kapwa naming estudyante.
"Alright! Listen, students! Since kompleto na kayong lahat, let's start this with identifying your groups here in the academy. Here in Tereshle Academy, we have three groups for you, students," panimula ni Ma'am Laureen sa amin. Groups? Hindi ko alam iyon, ah!
"First, the Shendra. Those students who have the special abilities belongs to Shendra group. Mas advance ang lessons at training sa group na ito."
Natigilan ako sa sinabi ni Ma'am Laureen. So, mapupunta ako sa Sendra group?
"The second one is the Tiendra. Those are students that are capable of controlling their attributes. They focus on how to control and become more powerful."
Unti-unting nag-iingay ang hall.
"And lastly, the Undra. They are what we called here the Newbie. The group will focus on the basics until they reach the Tiendra. And if your lucky enough of having the special ability, then you'll be at the Shendra."
Pagkatapos magsalita ni Ma'am Laureen ay si Sir Rocky naman ang nagsalita.
"Students," pukaw niya. "The following are the leaders of the three groups. Mas makakabuti sa inyo kung ngayon pa lang ay kilala niyo na sila," sambit ni Sir Rocky. Napatingin ako sa tatlong nagsiakyatan sa stage.
"Aurora Spike for the Undra. Lucas Gust for the Tiendra and of course, Sean Miller for the Shendra," pagpapakilala ni Sir Rocky sa tatlo. Napatango na lamang ako. "Now, students. Kindly noticed the mark on your wrist. That's the symbol of each group. If you already know your group. Kindly approach your group leader. Thank you."
Napatingin ako sa wrist ko.
Symbol.
Letrang S lang naman ang nakikita ko dito. 'S' stands for Shendra, right?
"Althea, nasa Tiendra ako. Ikaw?" maligayang tanong ng kaibigan ko sabay kuha ng kamay ko.
"Hala! Sa Shendra ka?"
Mukhang napalakas yata ang boses ni Rhea dahil napatigil ang lahat. Damn! The perks of having a friend who always talk like having a megaphone on her throat!
"Oops," nahihiyang sambit ni Rhea noong napansing nakatingin ang kapwa naming estudyante sa gawi namin sabay peace-sign dito. Mayamaya pa'y nagpaalam na din ito sa akin. Pupunta na daw siya sa group nila.
Well, I guess wala akong choice.
Sa Shendra nga ako.
Tahimik akong naglakad patungo sa kinatatayuan ni Sean. Nakatitig ito sa akin. As usual. He's wearing his bored look with his deadly stare. What's up with this guy, anyway?
Tumayo ako nang medyo malayo sa kanya. Di ko kaya ang pressure na bumabalot sa lalaking ito. If he's from the Aundros, malamang sa malamang ay fire attributer ang isang ito. And I believe that he's good at combat battle. Aundros people were trained to be a strong individual. And since siya ang leader ng Shendra, ano kaya ang special ability niya?
"So, it's you."
Malamig na wika nang katabi ko. And hell! He talked! Akala ko di ko maririnig ang boses nito. Ang tahimik kaya niya!
Pero, ano raw?
"Excuse me? Ako ba kausap mo?" tanong ko dito. He looked at me with his bored face. Again. Tsk. Akala naman nito magpapatalo ako, bored face sa kanya, ako naman poker face!Hah! Take that, Miller!
Nagkatitigan lang kaming dalawa. I stare back at him with the same intensity he was giving to me.
"Your scent."
Pukaw niya sa pagtitigan namin. Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Wait, my scent? Teka nga, mabaho ba ako?
Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. At mukhang nakuha naman niya na hindi ko maintindihan ang pinupunto nito sa akin gets. He sighed and speak again.
"Your scent. I know it was you. In the library."
Nagulat ako sa mga salitang binigkas nito. Gusto ko mang magsalitang muli ay pinigilan ko ang darili. I calm myself and maintain my straight face. Paano niya nalaman? My scent? Anong ibig sabihin nito?
Then realization hit me, his special ability!
Smelling!
Now, I'm doomed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top