Kabanata 36: Laboratory

"Lolo."

Seryosong tinitigan lang ako ni Lolo Carlos. Anong ginagawa niya dito? Is he a rebel, too? Pero bakit? Paanong naging miyembro ito ng Eiwerds?

"Anong ibig sabihin po nito?" di makapaniwalang tanong ko dito. Damn! Hindi na ako makahinga nang maayos!

Imbes na sagutin ni Lolo Carlos ang tanong ko, tinalikuran niya ako at hinaharap na nito sa Titus.

"I told you not to hurt her," mariing sambit niya sa kaharap. Bumaba sa pagkakalutang si Titus. Seryoso ito ngayon tulad ni Lolo Carlos. Pilit kong binabalanse ang sarili ko. Nakalutang pa rin ako ngayon.

'I'll be waiting for you, woman.'

Napapikit ako nong marinig ko ang boses niya. Sean! Damn!

"Oh come on! Wag kang magdrama dyan, Carlos. Buhay pa naman iyang alaga mo," sambit ni Titus sabay tingin sa akin. Nagtaas ito ng kilay sa akin. And a few more seconds, he smirked at me. Bastard!

"Bring her to the Laboratory. Hahanapin ko lang ang mga kasamahan nito."

I frozed when I hear him say that. Lalo akong nanghina. Shit! Sana nakaalis na sila. Mas mabuti nang ako lang ang hawak nila ngayon. I can't forgive myself if pati sila magdusa gaya ko. Afterall, this is all my plan. This chaos is all about me!

Biglang nawala si Titus sa paningin. I closed my eyes and silently prayed na sana nakaalis na sila. Please. Be safe, everyone.

"Althea."

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. I looked at him. Nawala ang seryosong aura nito kanina.

"Please, release me, Lo. Nanghihina na ako," I weakly said. I need to have my attribute now. Lolo Carlos are blocking my powers! Mapapahamak ako ng dahil dito!

"I'm sorry but I can't." Iyon lang ang sinabi niya at tinalikuran ako. Napasinghap ako noong gumalaw ako sa pagkakalutang. Nakasunod ako kay Lolo Carlos. He's freaking controlling me!

Dahil sa panghihina, wala akong nagawa kundi tumahimik. I need to do something before it's too late. I know, this plan I've created was too reckless. But a part of me says that I did great. Now, mas lalo kong mauunawaan ang gusto ng Eiwerds sa akin.

Laboratory.

Iyon ang sabi ni Titus kanina. Sa laboratory nila ako dadalhin. Sa pinaka-underground part kami ng base nila pumunta. Sumalubong sa akin ang mga taong naka-laboratory gown. Abala silang lahat ngunit natigil sila sa mga pinagkakaabalahan noong nakita nila ako.

Nakalutang pa rin ako ngayon. Nanghihina na at wala nang lakas.

Nakita kong napasinghap ang iilan sa kanila. Nagkatinginan pa ang mga ito. I ignored their stares at me. I scanned the whole place. So, this is their laboratory? May malalaking chambers dito. May mga higaan rin na para sa mga pasiyente. Napakunot ang noo ko nong may nakita akong lalaking nakahiga sa isang puting higaan at may kung anong nakakonekta sa kanya patungo sa isang machine ng laboratory.

They're doing experiments on that guy!

Agad akong naalarma.

No! Don't tell me gagawin din nila sa akin iyan?

Napatingin ako kay Lolo Carlos. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

I gulped.

"Lo," nanghihinang tawag ko sa kanya. Nag-iwas siya nang tingin sa akin. Damn it! I knew it. Hindi niya gusto ang ginagawa niya!Something's off here. Ba't ba kasi siya nandito?

"Put her inside the chamber."

Pagkasabi ni Lolo Carlos noon, mas lalo akong nanghina. Shit! His power is damn dominating me!

Wala akong nagawa noong naipasok ako sa loob ng chamber. My eyes are half-closed right now. Nauubusan na ako ng lakas. I don't know if I can manage to stay any longer now.

SEAN POV

"Wala pa bang balita kay Althea?" Nanghihinang tanong ni Sydney sa amin.

I closed my fist! Damn! It's been fucking three days since we attacked the Eiwerds! At simula noon ay di pa bumabalik si Althea!

"Joseph. Sean." Tawag ni Adam sa amin. Hindi ko siya nilingon. I stared blankly at the walls.

"Balikan kaya natin siya," suhestiyon niya.

"You know it's impossible, Adam. We are all locked up!" mariing sambit ni Joseph.

He's right. We are fucking locked up now! Nasa stone mansion pa rin kami ngayon. Under recover pa rin sila Sydney at Rhea. At kaming tatlo? Fuck! Ni hindi nga kami makalabas ng mansyon.

Mr. Stone was mad at us.

Nagalit ito dahil sa pagsugod namin sa mga Eiwerds. At mas lalong nagalit ito noong hindi nakabalik si Althea! That woman! Sabi niya sisirain niya ang kuta ng mga rebelde. Pero anong nangyari? Hindi siya nakabalik sa amin. This is frustrating as fuck!

"Hindi talaga ako mapakali. That time, iyong inutusan niya akong sabihan kayong umalis na tayo, I felt something wrong. But I ignored it because I trust her," ani ni Adam.

"That's the point. We trust her." I said. "And I believe in her."

"Sean." tawag ni Sydney sa akin. Di ko siya pinansin.

"Kung sinabi niyang sisirain niya ang mga Eiwerds, sisirain niya iyon. Kung sinabi niyang babalik siya," I paused then took a deep breathe. "Babalik siya."

That's it. All I need to do is to trust her. Trust her.

"For now, all we need to do is to help Mr. Stone. Wag muna tayo gumawa ng kahit anong ikapapahamak nating lahat. Let's wait for the right time. The right timing," seryosong sambit ko.

Please, wait for us Athea. Wait for me.

THIRD PERSON POV

"Lord Titus, wala pa ring response."

Lahat ng taong nasa loob ng underground laboratory ay seryosong nakamasid kay Althea Magnus na nasa loob ng isang glass chamber.

Sa loob ng tatlong araw ay ganito ang ginagawa nila. Matamang pinag-aaralan ang magiging reaksyon ng katawan ni Althea Magnus sa mga inalalagay nila dito. Pero wala. Wala silang makuhang kahit ano dito. Her body is like a dead one. They've been putting different magic spells pero walang epekto ito sa babae.

"Carlos!" tawag ni Titus sa di katandaang lalaki. Lumapit naman ito sa kanya. "This kid is really a tough one. What do you think?"

"Ako ang nagpalaki sa kanya kaya walang duda," seryosong sagot ni Carlos dito. Tumawa naman si Titus sa naging sagot nito.

"Yeah right."

Naging seryosong muli ang aura ni Titus. Nawala ang mapaglarong ngiting na kanina lang ay nasa mukha niya.

"Ubusin niyo lahat ng spell sa kanya." Utos nito sa mga tauhan niya.

"Pero, mapapahamak siya!" angal noong isa.. "Hind pwedeng ubusin ang spell sa kanya. Baka di kayanin ng katawan niya."

"I don't care! Just do it! We need to control her. Kung di niyo magagawa iyon, then it's better for her to be dead. Now do what I've said!" galit na sambit ni Titus sabay labas ng laboratoryo.

Nakatingin lang si Carlos kay Althea. Ang batang itunuring niyang apo sa loob ng sampung taon.

"Be strong, Althea. I know you can surpass this one, apo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top