Kabanata 3: First Day

Akala ko noon ay mababaw lang ang mga taga Zhepria pag pinag-uusapan nila ang tungkol sa Tereshle Academy. Pero ngayon nandito na ako sa loob ay tingin ko ay kulang na kulang pa ang mga kwento nila.

The Academy is indeed a paradise. Ang ganda. Sobrang ganda!

Pagkabukas ng gate kanina ay agad kaming sinalubong ng mabangong halimuyak ng mga bulaklak. Sabi pa nga ni Sir Rocky ay mga halaman daw iyon ay mga pananim ng mga studyanteng nanggaling sa Enthrea Division, the Earth attributers. Lahat ng mga halamang nakapaligid ay alaga raw nila ang mga iyon.

Ilang minuto ang lumipas bago kami makarating sa main door ng Academy. Halos di magpakali ang mga kapwa Zheprian ko. They're all screaming with excitement, same goes with Rhea. Ang higpit nga ng hawak niya sa akin ngayon!

Pagkabukas ng main door ay halos napanganga ako.

I'm not into beautiful places and sceneries but this damn place is beyond what I've expected! Hindi ito paaralan. Mukha itong kastilyo na puno ng mga palamuti.

"Sa function hall tayo ngayon. Nandoon na sila Principal Tyler," Mahinahong sambit at imporma sa amin ni Sir Rocky. Nagawi ang paningin ko sa kanya noong magsalita ito. Tila ba'y biglang nag-iba ang aura niya. Naging seryoso ito bigla.

Principal Tyler? David Tyler! The who rule the Academy!

Tahimik kaming sumunod lahat kila Sir Rocky. Panay ang tingin ko sa bawat pader na may kung anong nakasabit na mga palamuti. Ang iba ay tila pamilyar sa akin, ang iba naman ay talagang pinupukaw ang atensyon ko. Nagawi ang paningin ko sa unahan kung nasaan sila Sir Rocky. Pansin kong wala si Sean, iyong taga Aundros. Si Sydney at Joseph lang ang kasama namin ngayon. Mayamaya pa'y tumigil kami sa tapat ng isang malaking pinto. Ito na marahil ang function hall ng Academy na tinutukoy nila kanina.

Pagkabukas noon ay bumungad sa amin ang isang malawak na silid. Sa harapan nito ay may isang entablado. May malaking chandelier sa gitna nito at iilang mga painting sa dingding nito. I looked around. Sa loob ng function hall ay naroon ang isang di katandaang lalaki at isang mukhang kaedad lang ni Sir Rocky na babae. Lahat sila ay nakabihis nang maayos at tindig pa lang ay alam ko nang malalakas ang mga ito.

They are not an ordinary Tereshlian.

"Welcome students!"

Magiliw na bati sa amin ng babae. Pinagmasdan ko ito nang mabuti. She's pretty. Kasing tangkad ko lang yata siya. Maputi at palangiti. Straight at makintab ang itim at mahaba niyang buhok. Simple yet elegant. Nakasuot ito ng isang mahabang puting bestida.

"I'm Teacher Laureen," pakilala pa nito sa amin. Kanya-kanyang tango at kaway ang mga kasamahan ko samantala ako ay nakatitig lamang sa gurong nagpakilalang Laureen. She looks familiar to me. Di ko nga lang matukoy kung saan ko siya nakita. But I know, I've already seen this beauty. I'm pretty sure about that.

"And this is our principal, the head of the Academy, Principal Tyler."

Agad tumahimik ang iilan dahil sa pagsasalita ni Sir Rocky. Napatingin ako sa matandang lalaki.

So, siya ang namamahala nang buong Academy. He's a huge man. Medyo nakakatakot ang itsura niya. He's intimidating. Sobra.

Pagkatapos ng introduction ni Ma'am Laureen at Principal Tyler ay sinabihan na kaming magpahinga. Nasa kwarto na raw namin ang aming mga gamit at mga kakailanganin namin para sa pagpasok sa klase. Sobrang tuwa naman ni Rhea nang malaman niyang ako ang roommate niya. Dalawa kada kwarto daw ang sistema ng Academy. Laking pasasalamat ko na lang din na siya ang ka-roommate ko. I don't need to adjust anymore.

"Wow. Althea! Ang ganda-ganda naman ng kwarto natin!"

Iyan agad ang nasabi ni Rhea pagkapasok namin sa kwarto na pamamalagian namin sa loob ng Tereshle Academy. Tama siya, malawak at maganda ang silid. Dalawang meduim size bed. May study table sa bandang kanan at sofa naman sa kaliwa. May isang pinto ito na sa tingin ko ay banyo.

I sighed.

Malayong-malayo ito sa kwarto na mayroon kami sa Zhepria. Simple lang ang bahay namin nila Rhea. Dahil nabibilang nga kami sa mga Randus, ni pambili ng bagong damit ay nahihirapan kami. Pero tingnan mo nga naman. Dalawang Randus ang ngayon ay nasa Academy na ito.

"Althea, bakit di mo pala sinabi sa akin na may special ability ka?"

Natigil ako sa pagtingin sa kabuuan ng silid noong magtanong si Rhea. Nakaupo na siya ngayon sa isa sa dalawang kama. Naroon ang mga gamit niya kaya ito marahil ang sa kanya.

"You don't trust me, do you?" may halong pagtatampong tanong niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nito.

"Lately ko lang din nalaman ang taglay kong special ability, Rhea. At pinakiusapan ako nila Lola at Lola na wag ipagsabi na kahit kanino. Maliban na lang kong nasa Academy na ako," sambit ko sa kaibigan ko.

I felt bad about what I've said. Rhea treated me like her own sister. Mula nang magkakilala kami ay palagi siyang nakadikit sa akin. Kahit na gusto kong mag-isa lang ako, ipipilit niyang sumama sa akin. Sa kanya ko rin nalaman ang tungkol sa Tereshle Academy. She always wanted to be a part of this Academy. Kaya naman ay pilit niya pinapalakas ang attribute na taglay nito. She trained hard for this. Halos lahat ng oras at enerhiya niya ay inilaan niya sa pagpapalakas ng attribute na mayroon siya. Unlike me. I don't have to do anything. Hindi ko kailangang pahirapan ang sarili. My attributes will be automatically unleased whenever I want to. Kaya naman pag nag-eensayo ako ay kailangang mag-isa lang ako.

"I'm sorry for not telling you, Rhea. Alam mo naman na sumusunod lang ako sa nais ng pamilya ko," mahinang turan ko. And that's a lie again. Mukhang praktisado na akong magsinungalang. I really felt bad to my friend.

I heard her sighed.

"Okay, I understand. I'm sorry kung nagtampo ako sayo, Althea. It's just, I was shocked! Matagal na tayong magkasama. Mga bata pa lamang tayo then boom, bigla kong malalaman na may special ability ka pala! Like wow! That was like you just drop a bomb infront of me," medyo natatawang wika nito. "How does it feel?"

Napangiti ako sa tanong niya. Well, I think we're already good. Nagiging hyper at palatanong na naman siya. I tried to concentrate and answered her question.

Madaling araw nang bigla akong magising.

Napatingin ako sa orasan sa dingding ng kwarto namin.

Damn! Alas kwatro pa lang ng madaling araw!

Akmang ipipikit ko ulit ang mga mata ko nang bigla akong may narinig. Oh, great! May hearing senses became alert! Lalo akong di makatulog nito!

Ganito kasi ako minsan. Pag di ko gustong pakinggan ang mga nangyayari sa paligid ko ay parang shinashut down ko ang special ability ko. Pero sa mga ganitong sitwasyon, iyong automatic na nagiging activate ang senses ko kahit di ko man gusto, ay nakakairita!

Noon, pilit kong hinahanapan nang solusyon ito pero bigo ako at hinayaan na lang iyon. Dahil alam kong may rason kung bakit ganito magreact ang isa sa ability ko. At isa lang ang ibig sabihin nito, something is wrong. May hindi tamang nagaganap sa paligid ko!

Danger.

Pinikit ko ang mga mata ko. I need to concentrate. Di pwedeng magkamali ang senses ko. May mali ngayon sa paligid ko!

One.

Two.

Three.

Tatlo. Tatlong iba't-ibang yapak galing sa tatlong tao. Footsteps. Ilang metro ang layo sa dorm namin. Pilit kong inaalam kong nasaan sila.

Come on, Althea. Concentrate more!

Left side of the Academy. Doon patungo ang mga yapak nila!

Napamulat ako. Anong mayroon?

Agad akong bumangon sa kama. Tahimik akong lumabas sa kwarto. Tulog na tulog si Rhea kaya naman wala itong kaalam-alam sa nangyayari. Damn this special ability! Di tuloy ako makatulog nang maayos!

Sinundan ako ingay ng mga yapak. Lakad lang sila ng lakad. Ang pinagtatakhan ko lang ay di sila ang sasalita o nag-uusap man lang. They just kept on walking and walking.

Nakalabas na ako ng dorm namin noong biglang may nagsalita sa kanila. Natigilan ako at pinakinggan sila.

"Damn it, Sebastian. Pag mahuli tayo rito, nako! Gagawin kitang lechon na tustado!"

"Wag maingay, dude. Baka may makarinig sa atin."

Too late guys. Rinig na rinig ko kayo.

Patakbo akong lumapit sa kanila. I used my wind attribute para wala silang marinig na footstep mula sa akin. In other word, lumulutang ako ngayon habang tumatakbo.

Napatigil ako nang maramdam kong nasa malapit na ako sa kanya. Ilang metro na ang ang lapit ko. I looked around. Patungo ba ito sa school library ng academy? Base sa pagkakantanda ko sa student handbook na ibinigay sa amin kanina,  ito iyong daan patungo doon!

Ano ginagawa ng mga estudyante sa library sa ganitong oras? Sumilip ako sa gawi nila. Tatlo nga sila! Tatlong lalaki!

Napakunot ang noo ko noong tangkain nilang buksan ang siradong aklatan. Really? Urgent ba ang paggamit nila ng libro at sa ganitong oras talaga? Napailing ako. Pinanuod ko sila habang isinasagawa ang pagbukas ng pintuan ng aklatan pero agad din namang umalingawngaw ang mukhang sensor ng library. Maingay! It's like an alarm! Damn.

Nagpanic ang tatlo dahil sa ingay na namayani sa tahimik na gabi. Kahit ako ay napatigil. Oh great! I can hear more footsteps coming towards this direction! Noises! Mukhang mga guards at faculty members ang papunta ngayon dito!

I sighed.

Mukhang kailangan kong gamitin ngayon ang isa ko pang ability. Hindi ako maaring mahuling narito sa lugar na to! Damn this! Ang saya naman nang first day ko dito.

Damn!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top