Kabanata 24: Rebel

Kanina ko pa pinapakalma ang sarili ko.

I've been crying for hours now. Kahit anong pilit kong kumbensihin ang sariling magiging maayos din ang lahat, tila bumabalik lang ako sa pinakauna, ang masaktan sa mga naalala ko. Ang masaktan sa katotohanang nalaman ko.

I remember when I was still the Sophia Stone, when my memories were not erased, I was jolly, kind and lovable. Lahat ng tauhan sa mansyon ay gustong-gusto ako. And I'm afraid that they will hate me now. I'm not the Sophia they used to know. I'm a different person now.

Hell! Ano bang pake ko sa sasabihin at iisipin nila? Bakit ko ba iniisip ang bagay na ito? Damn!

Bahagya akong napahikbi.

"Damn it! Stop overthinking, Althea. Tandaan mo. You're Althea Magnus," pangangaral ko sa sarili. "At ang isang Athea Magnus ay di umiiyak ng ganito. Hindi dapat ganito."

Napatakip na ako ng mukha ko dahil sa pag-iyak.

This is insane. Nag-uumapay ang emosyong meron ako ngayon. Galit. Pagkakadismaya. Pangamba at takot.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako tumahan sa pag-iyak. I'm drained. Exhausted. Mariin kong ipinikit ang mga mata mo. Nasa mount Zenda ako at alam kong safe ako dito kahit manatili ako nang ilang araw dito. I need to take a rest. I badly need one.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Agad akong napabangon sa kinahihigaan ko at nagpalinga-linga. Tumayo agad ako at inayos ang sarili ko. Kailangan kong pumunta sa bayan. I need something to eat. Kinuha ko agad ang cloak na nasa bag ko at isinuot iyon. Isinuot ko rin ang hood nito.

Isang oras din ang iginugol ko sa paglalakad bago marating sa bayan ng Zhepria. Magulo. Maingay. Mostly ang nandito ay mga Lerna. Yung pangalawang uri ng mamamayan ng Zhepria. Mga negosyante ngunit di kasing yaman ng mga Ynus. At ang pamilyang Stone ay ang tanging Ynus sa bayan na ito.

Nagtungo ako sa isang kainan dito sa bayan. Gamit ang pilak na meron ako, na allowance ko galing sa Academy, ay nakakain ako ng agahan. Habang inuubos ko ang inuming meron ako ay di ko mapigilang pakinggan ang usapan ng iilang naroon sa kainan.

'Nagkagulo daw kagabi sa Tereshle Academy.'

Dahil sa narinig ko ay agad kong binaba ang basong hawak ko. Nagkagulo?

'Ei diba Grand Ball doon kagabi?'

'Oo nga! Kasi naman may isang studyante ang gustong lumabas sa Academy kagabi. Base sa narinig ko, yung studyanteng iyon ay yung taga pagmana ng Aundros Division.'

Aundros? Shit! Si Sean ang tinutukoy nila! What happened to him after I leave? Damn!

'Bakit naman lalabas ang isang yun? Sagradong seremonya ng Tereshle Academy ang Grand Ball.'

'Malay ko. Basta nagkagulo daw at natigil ang Grand Ball.'

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumabas. Damnit, Sean. Stop making scenes!

I need to do the things I need to accomplished bago gumawa ng kalokohan si Sean. Komplikado pa naman ding mag-isip ang isang iyon!

First. The Eiwerds!

Palakad-lakad ako sa buong bayan ng Zhepria. Bawat dinaraanan ay pinagmamasdan ko nang maagi. I'm trying to find something. Hindi ko nga lang alam kung ano ba talaga ang hinahanap ng mga mata ko.

Tumitigil lang ako pag nauuhaw o kaya naman napapagod na sa paglalakad. Gaya ngayon. Nasa isang silong ako ng isang malaking puno.

I sighed.

Base sa pagkakaalala ko. Taga Aundros yung sumugod sa amin noong nasa Mount Helgion kami. The Helga girl was a wind attributer and si Logan ay isang fire attributer naman. So, ano ang kinalaman at koneksyon nila sa mga Eiwerds? Bakit at paano sila nasama sa mga grupong iyon?

I stay still. Pero mayamaya lang ay naging alerto ang mga senses ko. Agad akong napatingin sa kanang bahagi ko. Ramdam kong may nakatitig at nakasunod sa akin kanina pa.

Napakuyom ako at inihanda ang sarili sa maaring mangyari. Minutes past, I saw no one. Ngunit mabilis akong bumaling sa likura ko noong makaramdaman ng kakaibang kapangyarihan. And there! Isang lalaki ang naroon. Agad itong nag iwas ng tingin saakin noong namataan ko siyang nakatingin sa gawi ko. At sino naman to ?

Then it hit me. Eiwerds! Sila lang naman ang may pakay sa akin diba ?

"Pero hindi ko siya kayang ibigay sa Council para sa pansariling interes nila. Hindi ko kaya."

Or not?

Tumayo ako at nagsimulang maglakad muli. Kailangan kong makausap ang lalaking ito. Ngunit tiyak kong di ko siya makakausap nang maayos pag nasa bayan ako. Baka magkagulo lang kaming dalawa. Mahirap na.

Noong makalayo-layo ako sa sentro nang bayan ay humarap ako sa lalaking kanina pang nagmamatyag sa akin.

"Sino ka?" I asked him. Natigilan naman siya sabay yuko sa harapan ko.

"I'm asking you, Mister. Who are you?" tanong ko ulit sa kanya.

"Princesa," sambit niya habang nakayuko pa rin. Agad akong naalarma. This guy know something! And hell! He called me princess. This is not good.

"Who the hell are you?" iritang tanong ko.

"I'm Adam. Adam Strike, your highness," pakilala nito habang nakayuko pa rin. Seriously ? Kailangang nakayuko habang kausap ko?

"What do you want?" I asked this Adam guy.

"I'm your guardian, your highness. At trabaho ko pong sundan ka kahit saan," paliwanag nito. Say what?

Guardian? Nagbibiro ba siya? Di ko kailangan ng isang guardian!

"May I ask if sino ang binabantayan mo, Mr. Strike?" makahulugang tanong ko dito.

"Princess Sophia Stone, your highness," mabilis na sagot nito sa tanong ko.

"Stop that your highness thing, Mr. Strike. And for your information, I'm not Sophia Stone. I'm Althea Magnus. Matagal nang wala si Sophia. So leave me alone," agarang buwelta sa kanya at inirapan ito.

'Stubborn nga.'

Napataas ako ng kilay noong may narinig ako. His freaking thoughts! Stubborn? Is he talking about me?

"I can hear you, Mr. Adam Strike," I coldly said.

Kita ko ang gulat sa mukha niya. He sighed as a sign of defeat.

"Look, alam kong ikaw at si Princess Sophia ay iisa. At ako ang pinadala nila Master Carlos to look after you. Alam nilang aalis ka pag nakaalala ka na kaya naman nandito ako sa harapan mo. To make you safe until you decided to go home," mahabang sambit nito na siyang ikinakunot ng noo ko. Pero teka lang! Master Carlos? Si Lolo Carlos?

Hindi ko alam kong maniniwala ba ako o hindi sa pinagsasabi ng lalaking to. I can't trust anyone now. Sabi nga ng aking ama, di pa tukoy kung sino ang espiya at kaaway namin. I need to be extra careful.

"Do you know about Eiwerds?" agaran kong tanong. Bahala na. I badly need information right now. I don't trust him but I need to use him.

"Eiwerds? The rebels?" balik na tanong nito.

Rebels? The Eiwerds are freaking rebels?

"Rebels, huh? Against who?" tanong ko pa dito. Come on! Feed me more, Adam Strike!

"Council."

Mataman ko siyang tiningnan. He looked sincere. Hindi siya nagsisinungaling. Agad akong tumalikod kay Adam at nagsimula nang maglakad muli. Bahala siyang sumunod sa akin.

Eiwerds. Rebels. Council.

Now I need to know what they want from me. The Eiwerds freaking wants me so is the Council. I freaking need to know.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top