Kabanata 2: Special Ability
Sa mahigit isang daang nagpakita ng mga wind attributes nila, bente lamang ang nakapasa sa mga taga Zhepria. At kasama na kaming dalawa ni Rhea doon.
"Althea, ang galing mo talaga! Iyon ba ang araw-araw na pinaggagagawa mo sa kagubatan?" Masiglang tanong ni Rhea sa akin. Hindi ko ito kinibo. I just nod at her as my response.
Tiningnan ko ang mga kasamahan ko. Ang sasaya nilang lahat. Sa wakas, makakatapak na rin kami sa nag-iisang Academy ng Tereshle.
"Congratulations, Zheprians!"
Napukaw ako noong may nagsalita. Isa itong lalaki na sa tansya ko ay nasa middle twenties na ang edad. He's tall. Medyo tan ang kutis. May hikaw sa kaliwang tenga. Nakasuot ito ng itim na cloak.
"My name is Rocky. You can call me Teacher Rocky. Isa ako sa iilang guro ng Tereshle Academy." Pakilala nito sa amin.
Napansin ko ang tatlong taong nasa likuran niya. Yung tatlong representatives ng Academy na siyang naging judges namin kanina. Naka itim na cloak din ang mga ito. Uniform?
"And by the way, the one who judged you earlier are my students," sambit ni Teacher Rocky sabay baling sa tatlong nasa likuran nito. Students? So, tama nga ang hinala ko kanina. Magkasing edad lang kami ng mga ito. Studyante lang din pala sila ng Academy gaya namin.
"This is Joseph Dawn from the division of Enthrea," pakilala niya sa lalaking palangiti sa tatlo. Tumingin ito sa akin at bahagyang itinango ang ulo kaya naman tinaasan ko ito ng kilay. Kita ko ang pag-iling nito. "Sydney Wale of Lynus division," iyong babae naman ang ipinakilala nito. Lynus? Water attribute,! "And lastly, this is Sean Miller, the heir of the Aundros division."
Napatingin ako sa tatlo. Lalo sa ipinakilalang heir ng Aundros, ang mga fire attributers ng Tereshle. They came from the different divisions of Tereshle. Different attributes. I wonder kung nagkakasundo-sundo ba ang tatlo. Usually kasi pagmakakaiba-iba, asayan mong di magkakasundo-sundo ito.
May ilan pang sinabi at binilin si Teacher Rocky sa amin. Panay tango lang ang nagawa ko at hiniling na matapos na agad ang pinagsasabi nito.
"So, let's go everyone. Nasa train na ang mga gamit niyo. Pupunta na tayo sa Academy," nakangiti wika nito sa amin at nagsimula nang maglakad.
This is it! Finally!
I took a deep breathe.
Goodbye for a while muna Zhepria.
Matagal ko nang gustong mapadpad sa Tereshle Academy. Mula noong matuklasan ko ang taglay na kapangyarihan, pinangarap ko nang maging parte nito. Kaya naman noong malaman nila Lolo at Lola na nakapasa ako sa pinaka-screening ng academy ay tuwang-tuwa ang dalawa. I just wished na magiging maayos ang lagay nila habang wala ako. Kahit naman sanay na sila sa akin na palaging wala sa bahay ay iba pa rin ang sitwasyon ngayon. Malayo ako sa kanila. Di ko agad maririnig ang tawag nila sa akin kung sakaling kailangan nila nang tulong ko.
Napasandal ako sa upuan ng train na sinasakyan namin ngayon patungong academy. Malayo-layo ang academy sa Tereshle pinakasentro ng Tereshle. Ilang kilometro ang layo nito kaya naman mahigit isang araw ang naging biyahe namin patungo roon.
Sa Tereshle Academy dinadala ang mga kabataang kagaya ko na may potential na palakasin ang kanyang taglay na attributes. Doon ito mamamalagi hangga't di pa makontrol at mabihasa ng tuluyan ang attributes na taglay nito.
Sa pagkakaalam ko ay yung ibang studyante doon ay simula limang taong gulang ay nasa academy na. Sila marahil ang mga Ynus na may marangyang pamumuhay. Let's jut say, they can easily enrolled to the academy because of their family status. Di kagaya namin, kailangan pang ipakita sa lahat that we have the capabilities and we deserve to be part of the Tereshle Academy.
Di ko namalayan ang oras. Nakatulog ako kanina at ngayon ay nasa bungad na raw kami ng Academy.
"Goodmorning, students."
Napatingin ako sa speaker kong saan nanggaling ang boses. Pero teka, goodmorning?
Agad kong hinawi ang kurtina ng bintana sa tabi. Ilang oras nalang ay sisikat na ang araw. Damn. Ilang oras ba ako nakatulog?
"Please get and ready your things. We're here. Thank you."
Yun lamang ang sinabi nong nagsalita. Naging mas excited ang lahat dahil dito. Nandito na raw kami. Nandito na!Ilang minuto pa bago ako gumalaw. Kinakabahan ako sa di malamang dahilan. Matagal ko nang gusto ito pero I have this feeling inside me that I can't explain!
Really, Althea? Umayos ka!
Isang iling ang ginawa ko para mawala ang iniisip ko. I need to focus here. Nandito ako para mag-aral at para na rin ...
"Earth to Althea, please."
Natigil ako sa pag-iisip dahil kay Rhea. She's now standing infront of me. Hawak-hawak na din niya ang kanyang bag. Mukhang pababa na rin siya sa train.
"Come on, tulala ka naman diyan. Nasa baba na sila. Ayaw mo naman sigurong maiwan dito at bumalik sa Zhepria, diba?" tanong nito sabay hila sa akin.
Right!
Pagkababa ko sa train ay naestatwa ako. I looked at the gate infront of us. One word. Wow. Ang taas ng gate! Nalulula ako sa taas nito.
Ito na ba ang Academy?
"Listen everyone."
Napatingin kaming lahat kay Teacher Rocky noong magsalita ito. Nakapamulsa ito ngayon at nasa unahan namin. Katabi pa rin nito ang tatlong studyante niya.
"Welcome to Tereshle Academy," masiglang turan niya. "Well, pagkapasok natin sa loob ay may mga personel ng academy ang susuri sa inyo. Lahat kayo ay susuriin nang maigi," aniya at inilibot ang buong paningin sa amin at halos mapaatras ako noong tumigil ang tingin niya sa akin. "Alam naman ninyo siguro na ang ilang sa atin ay di lang attributes ang taglay na kapangyarihan, di ba?" pahabol pa ni Teacher Rocky habang di inaalis ang tingin sa gawi ko.
Natahimik ang lahat at mataimtim na nakikinig. Samantalang ako, pilit na nilalabanan ang titig sa akin ng aming magiging guro.
"Some of us here have the special abilities," aniya at inilis na ang titig sa akin. Ngumuso ako. I show my poker face right now. Yeah right. The special abilities.
"If you have one of the special abilities I'm talking about, then, you're free to tell me right now para naman ay di ka na dumaan sa ibang proseso pagkapasok natin sa loob."
Pinasadahan kaming muli nang masusuring tingin ni Teacher Rocky. Wala ni isa ang nagtaas ng kamay. Malinaw na wala sa mga kasama ko ang may special abilities. Maliban sa akin.
Mayamaya pa...
"I see. So wala ..."
Di pa tapos sa pagsasalita si Teacher Rocky nang magtaas ako ng kamay. Napatingin silang lahat sa akin. Maging ang tatlo ay ganoon din. Shocked written all over their faces. Maging si Rhea na kasakasama ko mula noong bata pa ako ay di makapaniwalang nagtaas ako ng kamay.
"Yes, Miss Magnus. Do you have a special ability?"
Hindi ako sumagot.
"Well, I assume that you have since nagtaas ka nang kamay mo," nakangiting sambit pa ni Teacher Rocky.
Nakatitig lang ako sa kanya.
Poker face pa rin. Nasanay na ata ako naipakita sa ibang tao ang expressionless na mukha ko.
Huminga ako at mariing ipinikit ang mata.
"Yes," maikling sagot ko sa guro namin.
"Mind if you tell us what is it, Miss Magnus?" tanong pa nito sa akin na siyang ikinamulat nang mga mata ko. Seryoso? Do I need to tell them? Like right now?
I sighed.
Wala akong pinagsabihan ng special ability ko. Tanging si Lolo at Lola lamang ang may alam sa kung anong kaya kong gawin. I don't share secret and I believe that my special abilities are my secrets. Yes. I have two special abilities and I'm freaking afraid that someone might know about it. It's a rare case in this kingdom.
"I can hear .. uhmm. everything."
Nag-aalangang sambit ko.
Napasinghap ang mga kasama kong taga Zhepria. Marahil ay ni isa sa kanila ay di inaasahan iyon. I looked at Teacher Rocky, gayun din sa tatlo. Pero wala silang naging reaction sa sinabi ko. Mukhang natural lang sa kanila ang sinabi ko. Natural lang sa kanilang makarinig nang bagay na iyon.
"I can hear sounds, voices and all, five to ten kilometers away from me," pagpapatuloy ko pa.
"Awesome!" Ngayon ay napatingin ako kay Joseph, yung Enthrea guy na palangisi. He was shocked and amused at the same time on what I've just said. "That's insane, Teacher Rocky! Five to ten kilometers, huh? Awesome," di makapaniwalang sambit nito habang naiiling.
Ramdam ko ang paninitig ni Sydney at Sean sa akin. I ignore them, though.
"And I can hear every pulse, heartbeat and even your thoughts." I said. I pause then look at Sydney. Her eyes widened, maybe she realized what I've just said.
"You. You read my mind!" akusa ni Sydney sa akin. Nagkibit-balikat lang ako sa tinuran niya.
"If you don't want me to hear your thoughts. Better close it," pinagdiinan ko talaga ang salitang hear. Duh. I'm not a freaking mind reader! Nakakarinig lang ako. Thats all!
"Well, I'm really impressed with you, Miss Magnus. Welcome to my class," wika ni Teacher Rocky na siyang nagpakunot ng noo ko.
His class?
Don't tell me...
"Now, come on guys. Let's go," huling turan niya at biglang bumukas ang gate ng Academy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top