Kabanata 19: Fire versus Fire

Napapadyak ako sa sahig dahil sa frustration.

"Saan kaya nagsusuot ang lalaking iyon?" tanong ko sa sarili ko.

Kanina pa akong pagala-gala sa buong Tereshle Academy at kanina ko pa hinahanap si Sean. Buwesit kasing lalaking iyon! Kung makapagkonsensya sa akin, wagas!

I get his point, okay!

Naiintindihan ko iyong part nang pag-aalala nila. Pero mukhang sumobra naman kasi ang dating nang pag-aaala nila sa akin! Isang buwan pa lang kaming magkakasama. At sa isang buwang iyon, palagi pa kaming nag-aaway at nagbabangayan. Nako! Pag makita ko talaga ang lalaking iyon! Masasapak ko siya!

Madilim na noong tumigil ako sa paghahanap kay Sean. Asar na asar na ako ngayon sa kanya. Bahala na siya! Bahala na ang konsensyang mayron ako ngayon!

Napailing na lamang ako sa sarili at napagdesisyonan nang bumalik sa dorm. Ngunit bago pa man ako makagalaw sa kinatatayuan ay napako na ako dito. Naipilig ko ang aking ulo at pinagmasdan ang paligid. Napakunot ang noo ko noong mapansin kung na saan ako ngayon.

I sighed. Not again.

Dahil sa inis sa paghahanap kay Sean ay di ko napansin na napadpad na naman ako sa lugar na ito. Iyong masukal na parte ng academy. Iyong pinakadulong bahagi ng Academy na walang ni staff ng paaralan ang napapadpad.

Napasimangot na lamang ako. I guess I need to go back now. Hindi ko gusto ang pakiramdam na mayroon ako sa lugar na ito. Mukhang nadala na ako noong may babaeng naengkwentro ako dito.

Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa main building ng academy. Madilim na ngayon. Mukhang nagpapahinga na rin ang mga tao sa Academy. Wala na akong naririnig na ingay ngayon.

Napatigil ako.

Walang ingay? No way!

I immediately closed my eyes. There's no freaking way na wala akong naririnig na ingay ngayon! Kahit faint heartbeat or breathing man lang, malamang ay may maririnig ako!

I cursed when I didn't hear anything at all.

Ano ang nangyayari?

Nagfocus at nagconcentrate pa ako. Mayamaya pa'y may narinig ako. Pulse.

Left!

Agad akong napatingin sa gawing kaliwa ko at may nakita akong isang lalaki. Sa tansya ko ay mas matanda lang ito sa akin ng ilang taon. He's looking at me with a smirk plastered on his face. Di ko siya kilala at lalong di ko gusto ang presesyang mayroon siya!

"Sino ka?" matapang na tanong ko dito. Nakita kong mas lalong ngumisi ito dahil sa naging tanong ko.

Napakuyom ako sa mga kamao. May mali dito! My hearing senses. And this guy. May mali talaga!

"I've blocked your special ability."

Natigilan ako noong magsalita siya. He what? Blocked my special ability? My hearing senses? Damn!

Great! This man is a trouble!

I need to calm myself down now. Oo, inis ako ngayon dahil kay Sean pero kailangan kong kalimutan muna iyon ngayon para makapagfocus sa taong kaharap ko. I'll deal with Sean later.

"So, ikaw pala ang sinasabi ni Helga. Kanina pa kita hinihintay," sambit pa nito na siyang nagpataas ng isang kilay ko.

Helga? Sino naman iyon?

"What do you want?" I asked him. I remained my straight face while looking at him. Hindi ko talaga makuha kung ano ang gusto ng lalaking to. Helga? Who's that girl? Don't tell me the girl before? The one who attacked me? Siya ba?

"Kasamahan mo iyong babae sumugod sa akin noon." That's not a question, that's a statement. Agad kong inihanda ang sarili ko. Kung tama ang hinala ko, mukhang kalaban ang isang ito.

Pero, ano ba ang nagawa kong mali para gawin nila sa akin ito? Why haunt me like this?

I can feel my wind attribute in my hand. I'm ready for him.

"Easy, lady. I'm not here to have a fight with you. I'm here to know something," anito at pinagmasdan ang kabuuan ko. "...from you," nakangising dagdag pa nito.

Agad akong gumawa ng wind sword at itinutok sa lalaking kaharap ko.

"Wala kang makukuha na kahit ano sa akin. Now leave me alone," seryosong sambit ko dito. If he do something strange and stupid, di ako magdadalawang isip na sugurin at labanan ang isang ito.

I heard him chuckled.

"Aalis lang ako kung sasagutin mo ang katanungan ko. Now, tell me, anong nalaman mo sa Creation?" tanong niya na siyang ikinatigil ko.

Creation? He mean the Book of Creation?

Napataas ang isang kilay ko.

"I told you, you won't get anything from me, mister. Leave this place now. Hindi ka estudyante dito at lalong di ka faculty member. You don't belong here," mariing sambit ko. "Leave."

Ngumisi lang ang lalaki sa harapan ko. Mayamaya pa'y napatanga ako noong biglang nawala ang lalaki sa kinatatayuan niya! Fvck!

Where the hell is he?

Nagpalinga-linga ako at agad din naman natigilan.

Pulse!

I slash my sword in one motion. Napakapit ako dito ng mahigpit noong may pumigil dito. Agad akong umatras sa kinatatayuan ko. The guy is freaking invisible!

I scanned the place. No trace of him! Lalong mahihirapan akong hanapin siya dahil madilim na. Shit! Now I know ang feeling ng taong gustong makita ako tuwing nasa invisible mode ako. Nakaka-frustrate!

Careful, Althea. This guy is not an ordinary attributer. He has a special ability. Worst, pareho pa kami!

Napasinghap ako noong maramdaman kong may humawak sa kaliwang balikat ko. Damn it! I immediately slash my sword at my left side sabay summon ng wind attribute ko to create wind wings at my feet. Mas mabuti yatang nasa ere ako sa ngayon. I can't let my guards down.

May narinig akong tawa. At mukhang galing iyon sa lalaking kinakalaban ko ngayon.

"Scared?" tanong nito sabay tawang muli. Asshole!

"Kung takot ako, e, ano ka pa? Hiding from me is not a good trick either, mister!" wika ko sabay kumpas ulit ng kaliwang kamay ko. This time gagawin ko na ang unang plano ko kanina. Iyong natutunan ko sa Creation!

Pero bago ko pa nagawa ang plano ko, bigla nalang akong napatigil dahil may nakita akong fireball na sumusugod sa kanang parte ng lugar. Napasinghap ako noong may natamaan iyon.

Iyong lalaki!

Agad kong tiningnan yung pinanggalingan ng apoy.

Sean!

Isang halakhak na naman ang narinig ko. Mayamaya pa'y nawala ang invisibility ng lalaki. There, I saw him. Nakatayo siya habang hawak at hinihimas ang kanang braso niya.

"Fuck you, Miller!" Mura noong lalaki kay Sean.

Hindi pinansin ni Sean yung sinabi ng lalaki. Nag-angat siya ng tingin sa akin at matamang tiningnan ako.

"Come down here, woman," utos niya sa akin. Napailing na lang ako at sumunod sa nais niya. Baka mag walk-out na naman ito, mahirap na!

"You okay?"

Agad na tanong niya. Napatango na lang ako at walang masabi. I was shocked! Gusto kong sampalin ang pisngi ko pero pinigilan ko ang sarili. Si Sean! May iba sa kanya!

"I'm sorry at pinaghanap kita. I went outside the academy," anito. Lumabas siya? Kaya naman pala ni anino niya ay di ko nakita. Nagkatitigan lang kaming dalawa. His eyes. There is something about his eyes right now!

Naging alerto agad ako nong maramdaman ko ang pwersang pasugod saamin. Iyong lalaki kanina! Sumusugod sa pwesto namin.

"Stay. Ako nang bahala sa kanya," rinig kong sambit ni Sean. Sasagot pa sana ako pero agad nag-clash ang dalawang lalaki.

Fire! They're both fire attributers! A fire attributer against a fire attributer is not good battle. This is insane!

Napaatras ako dahil sa init na nararamdaman ko. Agad akong napatingin sa likod ko nong makarinig ako ng mga yapak! Great! Wala na yung nagbloblock sa senses ko. I can hear clearly now. My senses are back!

Nakita ko si Sydney at Joseph. Tumatakbo silang dalawa patungo sa amin.

"Althea!" sigaw ni Sydney.

Ilang segundo pa ay nasa tabi ko na ang dalawa.

"Shit! Is that Logan?" bulalas ni Joseph.

Logan? That fire guy?

Magsasalita na sana ako pero may biglang sumabog. And hell! Naglalagablab ang dalawang lalaki! They're both a high level fire attributers! And I think di magandang maglaban ang dalawang dito.

For pete sake, nasa academy kami!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top