Kabanata 15: Her

"Magpahinga na kayo. Bukas na tayo mag-usap, kids. Go. Take some rest."

Matapos akong pagalingin ni Sheprid kanina ay inanyayahan niya kaming maghapunan. At ngayon naman ay pinapagpahinga na niya kami. Bukas na daw naming pag-usapan ang pakay namin na sa tingin ko ay mukhang alam na naman yata niya.

Tig-iisa kami ng kwarto. Maliit lang ito kumpara sa kwartong mayron kami sa academy. Pero kong tutuusin, mas komportable ako sa ganitong environment. Mas simple, mas maganda. Mas sanay ako sa ganito.

Nahiga na ako sa kama. Gusto na ng katawan ko ang magpahinga, pagod na pagod ako sa naging paglalakbay namin kanina. Idagdag pa ang naging laban ko sa mga taga-Aundros. Pagod ako ngunit ang diwa ko ay gising na gising pa. I closed my eyes. Silence filled the room and somehow, I find it relaxing.

Ilang minuto na ang lumipas mula ng nahiga ako at ipinikit ang mga mata ko pero di pa rin ako nakakatulog. Iniisip ko pa rin ang mga salitang binitawan ni Sheprid kanina sa akin.

May gusto ng kapangyarihan ko? Sino naman sila? At bakit ako? Di lang naman yata ako ang mayroong ganitong attribute, ah! And I bet Sean and the rest of Shendra are much way better and stronger than me, duh!

Napatampal ako sa noo ko. Oh, shit! I freaking want to sleep.

'Please, do take care of yourself, woman. Alam kong naririnig mo ako ngayon kaya ako na ang nakikiusap sa'yo. Kunting ingat naman. Be safe kung ayaw mong may nag-aalala at nakikialam sa'yo.'

Napatigil ako noong marinig ko ang boses ni Sean. Here we go again. Talking to me through his thought.

'Sleep now, Althea.'

Napangiti ako sa narinig ko. Di ko alam pero para akong robot na napasunod ni Sean sa nais niya. Agad akong nakaramdam nang antok at nakatulog.

"So, the Academy wants me back, huh?" nakangising wika ni Sheprid sa amin. Maaga pa lang ay gising na kaming lahat. Habang kumakain kami ay napag-usapan na namin ang tunay na pakay namin sa kanya.

"Yes, Master. Di namin alam ang dahilan kung bakit. Basta kailangan ka pong sumama sa amin pabalik sa academy," paliwanag ni Sydney dito.

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. I hope pumayag si Sheprid. Gusto ko na rin kasing makauwi. May dalawang araw pa kami to do our punishment pero mas okay sana if matatapos na ngayong araw ito. I sighed.

"I know this day will come. Pero di ko inaasahang mas mapapaaga pala," sambit ni Sheprid. Narinig ko ang buntong hininga niya. "Gusto ko sanang sumabay sa inyo pabalik ng academy, but I'm afraid I can't, kids."

Napa-angat ako ng tingin at napabaling kay Sheprid dahil sinabi niya. No way! Kabilin-bilinan ni Ma'am Laureen at Sir Rocky na huwag kaming babalik sa academy kung hindi kasama ang wizard na ito. Shit!

"But Master, we would like to inform you that this is not our mission, but this is a part of our punishment. We'll wait," seryosong turan ni Sean na ikinailing ko.

"Pero tatlong araw lang ang mayroon tayo, Sean. At pangalawang araw na natin ngayon," sabat ko sa usapan.

Napatingin silang apat sa kin. Kanina pa ako tahimik at nakikinig lang sa usapan nila. Mukhang hindi nila inaasahang magsasalita at makikigulo ako sa kanila.

"Hihintayin natin si Master Sheprid. Mas lalo tayong pagagalitan kong bumalik tayo na di siya kasama," mahinahong wika niya. Nakatingin lamang ito sa akin, like his usual expression, of course!

No hell way! Ilang araw pa kaming mamamalagi dito kung ganoon?

"Well, if you'll wait for me, then bukas na bukas din ay aalis tayo. May kailangan lang naman akong kumpirmahin," wika ni Sheprid na kinakunotan ko ng noo.

"Mind if you tell us what is it, Master? Baka makatulong kami?" tanong ni Joseph.

"Of course!"

Pagkatapos naming mag-agahan ay lumabas na kami ng bahay ni Sheprid. Sabi niya ay kailangan niyang balikan ang lugar kung saan kami inatake kagabi. It's really unusual daw kasing may mga intruder dito sa Mount Helgion. People of Tereshle knows that the mountain is his territory. Kaya nagtataka siya sa nangyari kagabi.

Aundros.

Napatingin ako kay Sean. He is the heir of the Aundros Division. The future of Aundros. Di kaya siya ang pakay nila? To assassinate him? Pero impossible namang may iba pa silang pakay dito. Those men are weaker than any other Randus people. They just know to throw a bow and arrow on their targets. Nothing special.

Ano ba ang pakay nila?

"Miss Magnus."

Napatigil ako sa pag-iisip noong tawagin ako ni Sheprid. Mataman ko siyang tinitigan.

"Wala ka bang napansin sa mga inatake mo kagabi? For all I know, ikaw ang mas naging malapit sa mga intruders," tanong nito sa akin. Malapit lang sa kinatatayuan ko ang tatlo kaya malamang maririnig nila ang isasagot ko. At base na din sa mga itsura nila, mukhang hinihintay nila ang sagot ko.

Humugot muna ako ng malalamin na hininga bago magsalita.

"Their marks. I saw it."

I paused then looked at Sean.

"From Aundros Division."

Kita ko ang paglaki ng mga bilugang mata ni Sydney at napatingin kay Sean.

"No way!" Sydney said. "Ba't naman gagawin yun ng mga taga-Aundros? Any idea, Sean?" tanong pa nito.

Kita kong natigilan si Sean sabay tingin sa akin. For the first time, I saw something in his eyes. It's not his usual bored and cold look. Right now, I can see fear and confusion on his eyes. I looked at him intently. Second passed before he looked away from my stares. What's wrong, Sean?

Hindi nagsalita si Sean. Maging si Sydney ay di siya kinulit tungkol sa mga taga-Aundros na umatake sa amin.

"Mukhang hindi lang taga-Aundros ang narito kagabi." Basag ni Joseph sa katahimikang mayroon kami. May itinaas siyang kulay itim na tela. "At mukhang sinadya nilang iwan itong tela na ito. Look, Master," wika pa nito sabay abot ng telang natagpuan niya.

Lumapit ako kay Sheprid upang makita ng husto ang kulay itim na tela. May marka ito sa bandang gitna. It's like a sign of something. Hindi pamilyar sa akin ang marka kaya wala akong ideya sa kung ano man iyon.

"The Eiwerds," bulong ni Sheprid na nagpataas ng kilay ko.

Eiwerds?

"Damn!"

Rinig ko ang malutong na mura ni Sean. He's cold voice again and I can sense danger on him. Bigla namang nag-iba ang aura niya!

Eiwerds? Who the hell are they?

"Sheprid, sino ..."

Magtatanong sana ako kay Sheprid tungkol sa Eiwerds nang biglang lumutang ang itim na tela. Seryoso itong tinignan ni Sheprid. Napatigil din ang tatlo sa kanilang nasasaksihan.

"Now they're using magics," mahinang turan nito. Magics? Ang mga Eiwerds! Are they wizards like him?

Ilang segundo ang lumipas. Umilaw ang nakalutang na itim na tela. Bahagya akong napaatras dahil doon. What the hell is this?

'We'll get her.'

Napatigil ako sa narinig kong boses na nanggaling sa itim na tela. Yun lang ang nangyari at tuluyang nawala ang tela na parang bula. Now, it's getting more confusing and irritating at the same time!

Who's her?

Natigilan ako when realization hit me.

'Althea, apo. Makinig ka. Maraming masamang loob ang puwedeng manakit at gamitin ka dahil sa taglay mong attribute at abilities. Kaya kailangan mong mag-ingat. Piliin mo ang taong pagkakatiwalaan mo. Kilalanin mo sila bago mo sila papasukin sa buhay mo. Althea, special ka. Tandaan mo yan. Kailangan mong ingatan ang kung anong mayron ka. Yan ang susi, Althea. Ang susi.'

"Kung ano ang meron ka ngayon, Miss Magnus ay yan din ang nais nila. And I tell you, di sila titigil hangga't di nila ito makukuha. Nagsisimula palang, Miss Magnus. Nagsisimula pa lang."

NO FREAKING WAY !

A/N:

Hello people ! Hope you're enjoying the story. Ang daming scenes ang pumapasok sa utak ko ngayon, hope mabigyan ko ng hustisya ang story na to. Thanks for reading. You are awesome ! Hugs. ♡

P.S. Medyo parami ng parami ang characters, so sana walang malilito. huehue

-Dyosa xD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top