Kabanata 14: Heal
Panay ang buntong hininga ni Sydney habang naglalakad kami patungo sa bahay ni Sheprid.
It's already 9PM. Still, naglalakad pa rin kaming apat sa gitna ng masukal na gubat ng Mount Helgion. Simula noong nagkasagutan kami ni Sean kanina ay di na ito umimik. Matapos kong banggitin na mukhang nakita ko si Sheprid ay agad akong tinalikuran niya at nagsimulang maglakad. Sumunod naman kaming tatlo sa kanya. After all, he's still our group leader.
Napapailing na lamang ako tuwing naaalala ko ang nangyari kanina. Yung pag atake sa amin. Yung mga intruders na taga Aundros, na ngayon ay di ko pa nababanggit sa mga kasama ko. Yung lalaking nakamasid kanina sa akin. At yung pag-aalala ni Sean dahil sa pagkawala ko kanina.
Kaya kong protektahan ang sarili ko at may tiwala naman ako sa kakayahan ko. Alam ko na alam ni Sean kung anong klaseng kapangyarihan mayron ako. Siya pa nga ang nagsabi na isa akong extraordinary na attributer. Kaya naman nagtataka talaga ako sa inasal niya kanina sa akin.
Napalingon ako kay Sydney noong sabay kaming napabuntong hininga. I even saw a little smile on her lips. Still, I maintain my straight face. Isa pa tong ikinababahala ko. Napapalapit na talaga ako sa tatlo!
Napatigil ako sa paglalakad ng may naramdaman akong kakaiba sa paligid. Malalim na ang gabi kaya di ko na maaninag ang itsura ng paligid. Tumigil din ang tatlo sa kanilang paglalakad.
"I think we're here," malamig na anunsyo ni Sean. His colder right now and I hate it! Kahit nasasanay na ako sa pag-uugali nito, still, pag alam kong may hindi tama, hindi na ako napapakali.
Napatingin ako sa unahan namin. Kunot noo kong pinagmasdan iyon.
Isang bahay.
Ito na marahil ang bahay nang nag-iisang cursed wizard ng Tereshle, si Sheprid.
"Let's go,"yaya sa amin ni Sean at nagpatuloy na siya sa paglalakad patungo sa pintuan ng bahay. Kung titingnang maiigi, isa lamang itong normal na bahay. Gaya ng mga bahay sa Zhepria, bahay naming mga Randus. Simple at walang ibang palamuti. Gawa sa pinaghalong marmol at kahoy ang kabuuan nito. Sa gawing kanan nito ay may isang malaking puno samantalang puro halaman naman ang nasa kabilang parte nito.
Akmang kakatatok si Sean sa pintuan ng bahay noong bigla itong bumukas. Shit!
Nakatingin kaming tatlo nila Joseph at Sydney. I even heard Sydney's thought, 'Damn this place.'
Si Sean ang unang pumasok sa loob ng bahay. Sumunod si Sydney, ako at panghuli si Joseph. Pagkatapak ni Joseph sa sahig ng bahay ay agad nagsara ang pintuan nito. I alerted myself. Pinakiramdaman ko ang paligid at alam kong ganoon din ang ginagawa ng tatlo. Tahimik naming pinagmamasdan ang loob ng bahay. Ang simpleng itsura nito sa labas ay ibang-iba dito sa loob. May limang pinto dito sa loob. Marahil ay kwarto ang mga iyon. May sala sa bandang kaliwa at may mini-kitchen ito sa bandang kanan. Napatingin ako sa kesame. Napaawang ang mga labi ko. A freaking chandelier! Mukhang mali ako nong iniisip ko na katulad ito sa mga bahay sa Zhepria. A Randus can't afford to buy a freaking chandelier for petesake!
"Kanina ko pa kayo hinihintay, kids."
Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Ramdam ko ang pamilyar na kapangyarihan na nabuhay sa mga kamay ko ngayon, yung kapangyarihan ko!
Mataman kong pinagmasdan ang lalaki. Mukhang kalalabas lang ng taong ito mula sa isang silid. He's tall. Mukhang nasa late forties na ang edad and he's wearing a cloak and hat! Confirm! Siya yung lalaking nakita ko kanina sa gubat habang nakikipaglaban ako!
"Master."
Nakita kong sabay-sabay na nagbow ang tatlo kong kasama kaya naman ay kunot noo ko silang tiningnan. What the hell are they doing? And wait, did they just mention the word 'Master' infront of this man?
I heard the man chuckled dahil sa inasal ng mga kasama ko. Nakayuko pa rin silang tatlo habang nakangiti ang lalaking tinawag nilang master. Now I'm stunned. And clueless.
"Come on, kids. Have a seat," sambit nito sabay turo sa amin sa bakanteng upuan sa pinakasala ng bahay niya. Nag-siupo kami sa mahabang upuan at sa pang isahan upuan naman ang lalaki. Napatingin ako sa pinaka center table nito. Malinis. Parang di nadadapuan ng alikabok.
"It's been a long time, huh," panimula ng lalaki sa pagsasalita. Kunot noo ko lamang itong pinagmamasdan. So, magkakakilala sila apat? Ganoon ba iyon? At ang kasamahan ko, di man lang nila ako sinabihan? Great!
"At mukhang may bago kayong kaibigan," komento pa nito sabay tingin sa akin.
"I'm no one's friend here," I coldly said. Bwesit sila! Naaasar ako sa mga to! Napasandal ako sa upuang kinauupuan ako. I even crossed my arms against my chest. Nagtaas ako ng kilay noong nakita ang pagtitig nila sa akin. What? Di pa ba sila sanay sa paguugali ko?
Narinig kong bahagyang napatawa ang lalaking kaharap namin.
"Ow, I see. I'm Sheprid by the way. Isa ako sa mga naging masters ng mga batang ito," pakilala niya sabay tingin sa tatlo at bumaling ulit saakin. "Kilala din ako sa bilang 'The Cursed Wizard'." sambit pa niya sabay tawa na naman ng mahina. Cursed wizard, my ass! Nag-iinit talaga ang dugo ko sa mga nangyayari. How come na hindi nila sinabi sa akin na kilala pala nila itong si Sheprid?
"You saw me earlier, don't you?" tanong ko dito na siyang nagpatigil sa mga kamahan ko.
Nakita kong ngumisi si Sheprid sa akin sabay hinagod ng mga mata niya ang kabuuan ko.
"Show me your hands," out of the blue niyang sabi sa akin. Agad ko namang ikinuyom ang mga palad ko. Ramdam ko ang hapdi nito dahil sa mga nakuha kong sugat kanina. Ininda ko na lamang ang sakit nito.
"No," matigas kong sagot dito.
He just smiled at my answer. Mayamaya pa ay nakaramdam ako ng kakaiba. Shit! Nanlaki ang mga mata ko noong unti-unting gumalaw ang mga kamay ko kahit hindi ko man gustuhin! Napatingin ako kay Sheprid at nakangiti pa rin ito sa akin. Damn it! He's controlling my hands! Pilit kong pinipigilang gumalaw ang mga iyon ngunit sadyang malakas ang pwersang kumokontrol dito.
Ngayon ay nakaunat na ang dalawa kong kamay sa harapan nila. Nakakuyom parin ang mga kamao ko at pilit nilalabanan ang ginagawa ni Sheprid sa akin. Damn this! Mukhang wala na akong choice.
"Stop it," pigil ko kay Sheprid noong dahan-dahang bumubukas na ang mga palad ko. Fvck! He's too strong!
"Fine! Fine! Fine!" iritang sambit ko. "I'll show you my hands. But please, stop controlling them," I hissed again. Mayamaya pa ay nawala na yung pakiramdam na may kumukontrol sa mga kamay ko. Ramdam ko ang titig nila Sean sa akin. I sighed. Bahala na nga!
"Roll up your sleeves too, please," rinig ko pang pakiusap ni Sheprid. Napairap nalang ako sa nais niya. Defeated, tahimik kong itinaas ang sleeves ng cloak na suot ko at halos sabay-sabay ang tatlong napasinghap noong makita ang mga sugat ko roon.
"The hell, Althea!" sigaw ni Sydney sabay lapit sa akin.
"Saan mo nakuha yan?" tanong pa ni Joseph sa akin samantalang isang malutong na mura lang ang narinig ko kay Sean.
I slowly open my hands. Kita ko ang mga sugat dito. Ito ang resulta ng pag gamit ko ng mataas na level ng attribute ko. Halos pinagsabay-sabay ko pang ginamit ang attribute at special abilities ko. Kaya di na ako magtataka kong magkaroon ako nito. Noon pa man ay nakakakuha na ako ng mga sugat habang nag-eensayo. Di na bago ang ganitong sakit sa akin.
Napatingin ako noong umilaw ang kanang kamay ni Sheprid na nasa ibabaw ng dalawang kamay ko.
Is he going to heal me?
Kunot noo kong pinagmamasdan ang mga kamay namin.
"For someone who is claiming that she is a friend of no one, you must be a reckless attributer who used her power against the enemy to protect her companions," sambit nito habang nakatuon ang atensyon niya sa mga sugat ng kamay ko.
"I saw your earlier, Miss Althea Magnus."
I stiffed when he says my name.
"I was impressed the moment I saw you used your skills and attributes. But I think, you over used the attribute you have," pagpapatuloy pa nito. Tahimik lang akong nakikinig. Maging ang tatlo ay di umimik at hinayaan sa pagsasalita si Sheprid.
"I can feel the overflowing power within your body, Althea. And I'm afraid na baka di kayanin ng katawan mo ang kapangyarihang taglay mo."
"I can. Kaya ko," seryosong sabi ko.
Para saan pa at nag-ensayo ako ng walang tigil kong di ko makokontrol ang kung anong meron ako. Aware ako sa taglay kong lakas na hanggang ngayon ay di parin malinaw sa akin kong saan ko nakuha. Pero kilala ko ang sarili ko at may tiwala akong kaya kong panindigan at ingatan ang taglay kong kapangyarihan.
Nakita kong ngumiti si Sheprid sa akin. Mayamaya pa ay ibinaba na niya ang kamay niya. Napatingin ako sa kamay at braso ko. They are already healed.
"Kung ano ang meron ka ngayon, Ms. Magnus, yan din ang nais nila. And I tell you, di sila titigil hangga't di nila ito makukuha. Nagsisimula palang, Althea. Nagsisimula palang."
Makahulugang wika nito na nagpataas ng isang kilay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top