Kabanata 13: Intruders

Gabi na noong marating namin ang paanan ng Mount Helgion. Pare-pareho kaming mga pagod sa paglalakbay namin patungo rito. I took a deep breathe then sighed. That was one of the longest journey I've ever had. Seventeen years of existing, ngayon lang ako naglakad nang kay layu-layo!

Tanging huni ng ibon at ingay ng mga dahon na aming naapakan sa lupa na nalagas mula sa matatayog na puno ang naririnig namin ngayon. Sa bukana ng Mount Helgion ay may dalawang malaking puno na tila bang nagsisilbing palatandaan na ito ang lagusan papasok sa masukal na gubat.

"We're here, huh?" basag ni Joseph sa katahimikan. Kinakalma ko pa ngayon ang sarili. Napagod ako, okay? "Tara?" anyaya nito sa amin. I took a deep breathe. Alam kong hindi ako komportable ngayon at inaamin ko, apektado ako sa mga usap-usapan tungkol sa bundok na ito. It gives me chills all over my body. Maging ang mga kasamahan ko ay ganoon din ang nararamdaman, sigurado ako doon.

Tahimik kaming naglakad papasok ng Mount Helgion. Pagkalampas namin sa dalawang malalaking puno ay agad akong nangilabot. Napatingin ako sa mga balahibo kong nagsitayuan sa braso ko. Shit!

"This place is creepy," komento ni Sydney habang panay ang lingon niya sa paligid. Hindi nalang ako nagsalita. Tama siya. Ang creepy ng lugar na ito! Ang tataas ng mga puno. Compare sa mga puno sa Mount Zenda, mas malaki ang mga puno dito. May naririnig ako kaluskos pero pinagsawalang bahala ko na lang ang mga iyon. Malamang mga hayop lang iyon na naninirahan sa bundok. Tama. Mga hayop lang. Damn!

Patuloy kami sa paglalakad nang biglang tumigil sa Sean sa harapan namin. Nagkatingan agad naman kami ni Sydney dahil doon.

"Magpapahinga ba muna tayo, Sean?" alangang tanong ni Joseph dito.

Hindii sumagot si Sean sa tanong ni Joseph sa kanya. Pinakiramdaman ko ang paligid. Wala namang kakaiba ah. Ano naman kayang problema ng lalaking ito?

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming apat.

"Fire."

Basag ni Sean sa katahimikan.

Ano raw? Fire? Apoy?

"What do you mean?" takang tanong ko dito.

Biglang napatingin sa kaliwa namin si Sean.

"Someone's here," seryosong saad pa nito. Agad akong natigilan dahil doon.

Intruders?

I closed my eyes and concentrate. May tao dito maliban sa amin. Nasaan sila? Come on, Althea! Concentrate!

Faint heartbeats. Slow breathings.

Shit.

Agad akong napamulat sabay lingon sa mga kasama. Naglakad ako palapit sa kanila. Ramdam ko ang pressure between the four of us. Maging sila ay naging alerto na rin sa paligid namin.

"I can't see them but hell, I can feel their presence. Shit!" reklamo ni Sydney at luminga-linga na rin.

"Napapalibotan nila tayo," kalmadong wika ko at ikinuyom ang mga kamao. We created circle. Nagkatalikod kami ngayon sa isa't-isa. Bigla kong naramdaman ang panginginig ng mga kamay ko. This chills. My overflowing energy is screaming right now! Gusto nitong makawala ngayon din!

"Shit!" rinig kong mura ni Sydney sabay summon ng kanyang sandata.

Napatanga ako sa nakita ko. Arrows. Pinaulanan kami ng mga pana na may apoy sa pinakaulo nito! Damn! Ito iyomg sinasabing apoy ni Sean kanina!

Agad kong ikinumpas ang mga kamay ko patungo sa mga panang bumubulusog patungo sa amin. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko.

Walang humpay kaming pinaulanan ng mga pana! And it pissed me off!

"I'll find them. Be safe, guys." turan ko sa mga kasama ko.

"What? Wait!" rinig kong pigil ni Sean sa akin pero di ko siya pinansin. Mabilis kong inactivate ang isang kong special ability. Agad akong naging invisible sabay summon ng wind attribute ko. Through our enemies fainted heartbeats, natunton ko ang kinaroroonan nila. Good thing na kaya kong mapunta sa kung saang lugar in an instant dahil sa attribute at ability ko.

Agad kong sinugod ang tatlong lalaking abala sa pagpapaulan ng pana sa mga kasama ko. Gamit ang espadang ginawa ko, inatake ko sila sa isang kumpas lamang.

Napatingin ako sa tatlong lalaking pinatumba ko. Napakunot ang noo ko at napaawang ang labi. Iyong marka sa kanang kamay nila! Mga taga Aundros!

Paanong nangyari ito?

Napalingon ako sa kanan ko noong makarinig ako ng kaluskos. Kunot-noo kong iginala ang paningin ko pero agad namang napabaling sa gawing kanan ko. I closed my fist firmly. Mamaya ko na proproblemahan iyan. I need to finish this first!

Three down. More to go.

Tinungo ko agad ang iba pang kalaban namin at gaya nang ginawa ko sa mga naunang nakaharap ay agad ko silang napatumba. Malaking tulong talaga ang kapangyarihang taglay ko. Sa mga ganitong pagkakataon, lamang na lamang ako sa kanila.

Akmang pupuntahan ko na ang iba pang pangahas na sumusugod sa amin noong napako ako sa kinatatayuan at may napansing bulto ng tao na nakamasid sa akin di kalayuan.

I frozed.

Isang lalaki. Naka itim na cloak ito at nakasombrero. And he's looking at me. Directly towards me! Nakikita niya ba ako?  No way! I'm still on my invisible mode kaya imposibleng nakikita niya ako! Pinakiramdaman ko siya. Ilang segundo din ang nangyaring titigan namin bago siya tumalikod at biglang nawala sa paningin ko.

Napakurap ako at hinanap ito sa paligid. Wala na siya!

Who's that guy?

"Althea!"

Narinig kong sigaw ng mga kasama ko.

"Althea! Bumalik ka na! Damn it! Where did she go? Althea!"

That was Sean! Galit na naman ang isang to!

"Althea!"

Napapikit ako dahil sa sigaw ni Sean. Ang sakit sa tenga! Ano bang problem niya?

"Calm down, Sean. Nasa paligid lang siya. Umayos ka nga." That was Joseph. Finally! Buti at napagsabihan siya!

Napailing na lamang ako sa mga naririnig ko. Tiningnan ko muli yung puwesto noong lalaking nakita ko kanina. Ni bakas nito ay wala na akong makita doon. Sino kaya siya? I am pretty sure na hindi siya kasama sa mga umatake sa amin.

"Althea! Damnit!"

I sighed for the nth times noong marinig kong muli ang pagtawag ni Sean sa akin.

Ito na po! Ito na't babalik na! Nagmamadali na po!

"Hey. Ano bang problema niyo at..."

Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla akong niyakap ni Sean pagkalitaw ko sa harapan nila.

"Damnit, woman! Pinag-alala mo ako," bulong nito sa akin habang yakap-yakap niya ako.

I frozed. Napaawang ang labi ko sa ginawa niya. Napatingin ako kila Sydney at Joseph, kunot-noo. Iiling-iling lang si Sydney samantalang nakangisi naman si Joseph habang nakatingin sa aming dalawa.

"Sean, should I say sorry for making you so damn worry?" tanong ko dito. Natigilan si Sean sa sinabi ko. Agad itong kumawala mula sa pagkakayakap sa akin. Masama niya akong tiningnan sabay pitik sa noo ko.

"Aray naman, Sean!" reklamo ko dito sabay himas ng noo ko. I wasn't expected that! Tiningnan ko siya ng masama dahil sa ginawa niya sa akin.

"Sa susunod, huwag na huwag kang gagawa ng bagay na di kami kasama. Alam mo bang delikado iyon, ah?" pagalit na wika niya sa akin.

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Really? Kung makasigaw ngayon sa akin akala mo naman hindi ako niyakap kani-kanina lang! Inirapan ko lang siya.

"Ayos lang ako, okay! Look at me! Buhay ako at ..."

"Oo nga't okay at buhay ka. I can see that. Pero nag-alala kami sayo!" bulyaw niya sa akin na siyang ikinagulat ko.

"Look, Sean. Sanay akong gawin kung ano man ang gusto kong gawin. Sanay akong walang nagdidikta sa kung anong galaw ang gagawin ko," seryosong sambit ko sa kanya. Napailing ako. "Kung ang ikinagagalit mo ay iyong pinag-alala ko kayong tatlo, then, I'm sorry! Ginawa ko iyon dahil alam kong kaya kong harapin ang mga walang hiyang sumugod sa atin."

Napatingin ako sa dalawa pa naming kasamahan. Nawala ang ngisi ni Joseph. Seryoso na ito ngayon. Maging si Sydney ay seryosong nakamasid sa amin dalawa habang nagtatalo.

"I'm sorry, okay. I can handle myself. Wag niyo akong alalahanin. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko," sambit ko pa sabay talikod sa tatlo.

Akmang hahakbang na ako palayo sa kanila noong may naalala ako bigla. "And by the way, I think I saw Sheprid earlier. Come on. We need to go. Alam kong malapit lang ang bahay niya dito. I can feel it."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top