Kabanata 11: Punishment
"I already told you before your assignment, no using of your attributes."
Kalmado ngunit madiing wika sa amin ni Ma'am Laureen. Nasa opisina niya kami ngayon. Prente siyang nakaupo sa upuan niya samantala kami ay nakatayo sa harapan niya.
Walang nagsalita sa aming apat. I mentally rolled my eyes. Tama nga naman, binilinan kami ni Ma'am Laureen na wag gumamit ng attributes. Now what? Kasalanan ko ba iyon? Na naman? Napanguso ako ng labi ko. Someone just ask me a goddamn favor, duh! Sinunod ko lang naman ang gusto ng group leader namin so I'm cleaned here!
Napatingin si Ma'am Laureen sa akin kaya naman ay napaayos ako nang tayo. Nakatuon ang paningin niya sa akin ngayon. Gusto kong irapan siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa uri ng titig niya, alam kong sa akin siya nagagalit.
Fine. Mukhang kasalanan ko nga.
"Miss Magnus. Explain," utos nito sa akin na inaasahan ko nang mangyari.
I sighed.
Now I need to explain myself to her and I hate that. I just looked at her. Straight face. Wala akong planong magpaliwanag sa kanya. Sa kanila. Like a zero percent of no plan of explaining.
Napabaling naman ako sa katabi nitong lalaki na tahimik na pinagmamasdan kami. Nandito din kasi si Sir Rocky, our class adviser. Namayani ang katahimikan sa opisina ni Ma'am Laureen. Bahala sila. Hindi ako magpapaliwanag.
"I told her to use her attribute, Miss."
Napalingon kaming lahat kay Sean noong magsalita siya. Now, he's talking. Finally! I mentally rolled my eyes.
"Ako ang kumausap sa kanya na gumawa nang force field sa paligid namin. Alam kong tatakas ang grupo nila Sebastian mula sa amin. Without that, her wind, tiyak kong hindi namin sila mahuhuli," paliwanag niya na siyang tuluyang nagpairap na sa akin.
Thank you, Sean. Thank you!
"Pwede niyo naman silang hulihin ng di ginagamit ang kahit anong attributes, Sean. Kilala ko kayo. You guys are strongest among the students here in the academy kaya nga sa inyo ko ibinigay ang misyon!" lintaya ni Ma'am Laureen sabay baling muli sa akin. "And how the hell you know that Althea was capable of creating that freaking force field, huh?" pahabol pa nito na nagpataas ng kilay ko sa kanya.
What? Nagpapatawa ba siya?Di ko ba kayang gumawa ng ganoon? Am I not capable of doing that?
'Althea! Stop it! Di ba no using of attributes ang mission na ito?'
Napatigil ako sa sinabi ni Sydney sa tabi ko. Pero di ko pa rin inaalis ang force field na ginawa ko. Nasa loob nito sila Sean at yung limang lalaki. I wonder kong anong nangyayari sa loob. Sean and Joseph, I know they can managed my attribute, goodluck sa iba.
'Just following an order, Syd.' sambit ko dito at nginisihan siya. Napansin kong natigilan siya at napailing kaya naman nagkibit-balikat na lamang ako.
Pinakiramdaman ko kong anong nangyayari sa loob ng force field na ginawa ko. They're fighting, that's for sure. Mayamaya pa'y halos mapanganga ako sa lakas na kapangyarihang naroon sa loob. The hell! What is this?
I can feel it. Kay Sean iyon! Kapangyarihan niya ang nararamdaman ko. Then it hit me! Oh great! Fire and Wind. That combination screams disaster. Dangerous. Powerful. Damn it! He's using my attribute para mas palakasin ang attribute niya.
Sean! Naisahan mo ako!
Naalala ko pa noong dinissolve ko ang force field na ginawa ko. Nakangising Sean at Joseph ang bumungad sa amin ni Sydney samantalang halos walang malay ang limang lalaki. Ano kaya ang pinaggagawa nang dalawang to?
"Dahil sa paglabag niyo sa nag iisang rule ng assignment na ibinigay ko, I assume na handa kayo sa punishment na matatanggap niyo, tama ba ako?"
Napatigil ako sa pag iisip noong magsalita si Sir Rocky.
Punishment? Anong pakulo na naman ito?
"Althea!"
Napalingon ako kay Rhea habang tumatakbong papalapit sa akin. Kalalabas lang namin sa opisina ni Ma'am Laureen mula sa mahaba-habang diskusyon. Maging ang tatlo ay napatigil dahil sa sigaw ni Rhea. Natigilan ito bigla at napatakip sa bibig niya. Mukhang nahiya pa ang isang ito sa inasal niya kaya naman ay napayuko siya noong makitang may kasama pala ako.
"Go ahead. Kausapin ko lang ang kaibigan ko," sambit ko sa mga kasama ko. Tumango lang ang mga ito at nagsimula nang maglakad palayo sa amin. Agad naman akong hinila ni Rhea sa isang tabi.
"Sobrang intimidating naman ang tatlong iyon. Nakakatakot. Masyadong nakakakilabot ang mga aura!Nakakatiis kang kasama ang mga iyon?" daldal ng kaibigan ko sa akin. I just looked at her. Nagkatinginan kaming dalawa.
"Ah. Nga pala, may itatanong ako kaya hinanap kita," sambit pa nito.
Hindi ako umimik. Pinagtaasan ko ito nang kilay kaya naman ay natigilan ito. Napalingon ako sa malawak na hallway noong may narinig akong papalapit na mga yapak.
"Umuwi tayo sa dorm. Doon tayo mag-usap," kaswal na sambit ko dito at nagsimula nang maglakad. Sinundan niya naman ako ng walang angal at tanong hanggang makauwi kami sa kwarto namin.
"What? Di nga?"
Ikinuwento ko kay Rhea ang nangyari sa misyon namin. Usap-usapan na daw kasi sa buong academy ang nangyari kaninang madaling araw sa grupo nila Sebastion at sa aming mga Shendra. At kaya niya ako hinanap kanina ay dahil nakikitsismis lang daw siya. Baliw talaga.
"Di ko alam ang buong nangyari sa loob ng force field na ginawa ko. Ang alam ko lang ay ginamit ni Sean ang attribute ko para naman palakasin ang attribute niya. That jerk! He tricked me! Naaasar na ako sa kanya."
Napatingin naman ako kay Rhea. Nakangisi ito ngayon. Napataas naman ang isang kilay ko dahil sa kakaibang ngisi niya.
"What?" tanong ko dito. Di pa rin mawala ang ngisi sa mukha niya. Napailing naman ito.
"Wala. Naninibago lang ako. Ngayon ka lang nagpakita ng emosyon. At ang nakakatawa pa, asar at galit ito. Sa iisang tao."
Napatigil ako sa tinuran ng kaibigan ko. Tiningnan ko siya nang maigi. Nakangisi pa rin ito sa akin.
"You're overthinking, Rhea," komento ko sa sinabi niya sabay tayo mula sa pagkakaupo.
"Hala! Hindi ah! Sinasabi ko lang ang napapansin ko," depensa pa niya.
"Wala kang napapansin. Tigilan mo ako," sambit ko pa dito at naiiling.
Tumawa naman siya saakin.
"Okay. Okay. Okay. Wala na kong wala."
Hinayaan ko na lamang siya at di ko na siya pinansin. I need to prepare myself para sa sinasabi ni Ma'am Laureen at Sir Rocky na punishment namin. Kinuha ko isang backpack ko at pumunta sa closet ko.
"Wait. Why are you packing your things?" nagtatakang tanong ni Rhea sa akin.
Napatigil ako sa paglalagay ng damit ko sa backpack na hawak ko.
"We have this thing called punishment, my friend," sagot ko dito sabay tingin muli sa gamit na inaayos ko kanina. "We'll be gone for days. May kailangan kaming hanapin sa labas ng Academy. That was our punishment for breaking some rules."
Napaling na lamang ako habang nagsisilid ng iilang gamit sa bag at inalala ang naging usapan namin kanina sa opisina ni Ma'am Laureen.
"Punishment? What punishment, Sir?" Takang tanong ni Sydney dito. Maging ako ay curious sa magiging parusa sa amin.
Nagkatinginan si Sir Rocky at Ma'am Laureen. Mayamaya pa'y si Ma'am Laureen ang nagsalita at nagsabi ng aming magiging punishment.
"Kailangan niyong pumunta sa Mount Helgion."
Napatigil ako. Maging ang tatlo ay natigilan din sa narinig. Napatingin ako sa kanila.
Mount Helgion.
The curse mountain of Tereshle.
Anong gagawin namin dun?
"You need to find and talk Sheprid."
Napatanga ako. Say what?
"When we find him, what will we do after?" tanong ni Sean. Napatingin ako sa kanya. Seryosong-seryoso ito. Samantala sila Sydney at Joseph ay nakatanga pa din gaya ko.
Sheprid. The cursed and one of the powerful wizard of Tereshle. Shit!
This is not happening, isn't it?
"Convince him to be with us. Bring him here at the Academy. That's your punishment."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top