Chapter 55
Alas-singko imediya ng Hapon...
Nakarating na ng maayos si Liam at Aiyana sa lugar kung saan magbubukas ang portal, sa lugar kung saan nakita ni Lolo Generoso si Liam..
Sinamahan sila ni Lola Amelia at Lolo Generoso sa huling pagkakataon upang masilayan ang kanilang mga apo na tumawid sa lagusan pabalik sa kanilang panahon
"Bago po mag alas sais ay bubukas na po ang lagusan ayon po dito sa orasang kwintas!" sambit ni Liam sabay tingin muli sa orasang kwintas
"Ilang minuto na lang hihintayin" sambit ni Lola Amelia kay Liam at Aiyana
Lumipas ang oras...
Binuksan na ni Liam ang orasang kwintas..
Nagpaalam na sila Liam at Aiyana kila Lolo Generoso
"Paano mga apo? Oras na para bumalik kayo sa inyong tunay na panahon!" naluluhang sambit ni Lola Amelia
"Lola, salamat po sa pagkupkop sa amin sa maikling araw po, isa po kayo sa naging dahilan para maging maliwanag po sa akin ang lahat, salamat po sa lahat ng payo sa amin ni Liam, di ko po iyon kakalimutan lola!!" sabay yakap ni Aiyana kay Lola Amelia
"Mag-iingat ka apo! Kayo ni Liam!" sambit ni Lola Amelia habang yakap yakap si Aiyana
Kumalas sa yakap si Aiyana at tumingin kay Lolo Generoso..
"Lo, salamat rin po sa pagkupkop sa akin nung ako ay si Aliya pa, salamat rin po sa pagkupkop kay Liam!" niyakap rin ni Aiyana si Lolo Generoso
"Walang anuman apo! Napakasaya kong makilala ang magiging kabiyak ng aking apong si Liam, alagaan nyo ang isa't isa!" sambit ni Lolo Generoso kay Aiyana
Kumalas ito sa yakap...
"Lola Amelia, salamat po sa lahat ng payo nyo po nung mga araw na pinanghihinaan na ako ng loob, nakatulong po iyon ng sobra at salamat po dahil kayo ang isa sa naging daan para bumalik ang alaala ni Aiyana, dahil sa pamana nyong singsing, salamat po talaga! Akala ko po di na ako maaalala ni Aiyana!" sabay kamot ulo ni Liam sa harap ni Aiyana at ni Lolo Generoso at Lola Amelia
"Apo! Ang hindi mo pagsuko sa pag-ibig ang naging daan para maalala ka ni Aiyana, dahil kung tunay ang pag-ibig, babalik at babalik ito sa dalawang taon tunay na nakakaramdam nito, hadlangan pa ng oras at panahon!" nagpayo muli si Lola Amelia sa dalawa
Humarap naman si Liam kay Lolo Generoso..
"Lo, salamat sa pag-iintindi sa akin simula pa nung napadpad po ako dito sa panahon nyo, hindi kayo nagdalawang isip na tulungan po akong mahanap si Aiyana, sa mga payo nyo, tatandaan ko po iyon lahat! Salamat po talaga ng marami!" niyakap ni Liam si Lolo Generoso
"Wala yun apo! Masaya ako na sa wakas bumalik na sa iyo si Aiyana, alam kong magiging masaya kayo sa buhay kasama ang isa't isa!" sambit ni Lolo Generoso at kumalas si Liam sa yakap na naluluha
"Tama ng umiyak apo! Kalalaking tao ay naiyak ka!" biro ni Lolo Generoso kay Liam, natawa na lang si Lola Amelia at Aiyana
"Oo nga naman! Nakakabawas ng kakisigan yang pagiging iyakin mo!" biro naman ni Aiyana
"Masaya lang ako dahil halos dalawang linggo ay sa wakas makakabalik na ako ng kasama ka!" sambit ni Liam kay Aiyana
"Alam ko yun, kaya tahan na, singkit ka na nga lalo pa nawawala yang mata mo!" sabay punas ni Aiyana ng luha ni Liam sa kanyang mga mata
Habang nagpapaalam ang dalawa kila Lola Amelia at Lolo Generoso ay biglang --
"Sinasabi ko na nga ba at dito ko rin kayo matatagpuan!" tumingin silang lahat sa pinanggagalingan ng tinig
"Mateo!" sambit ni Aiyana
"Ako nga mahal kong asawa!" pagmamalaki ni Mateo kasama ang isang guwardiya sibil
"Anong mahal na asawa? In your dreams!" sagot ni Aiyana kay Mateo
"Aliya, kailan ka pa natutong mag-ingles ah?" takang tanong ni Mateo kay Aiyana
"Matagal na! Bago pa ako mawalan ng alaala!" say ni Aiyana, nanlaki ang mata ni Mateo
"Anong sabi mo?" si Mateo ng sumabat si Liam sa usapan
"Bingi ka ba o sadyang pinasukan na ng bato ang tenga mo?" say ni Liam
"Di mo na ako mapapaikot pa Dr. Mateo Avellino ng kasalukayang panahon!" matapang na sambit ni Aiyana
"Imposibleng maalala mo!" sagot ni Mateo
"Bakit? Akala mo ba habang buhay na akong magpapasakop sa mga kawalang hiyang ginawa mo sa akin!" say ni Aiyana
"Hindi maaari!? Paano!?" natataranta na si Mateo sa nadiskubre nya
"Mateo! sa loob ng mahigit isang taong magtatago mo sa akin ng pagkatao ko ay natapos na! At nakikita mo to!" sabay pakita ni Aiyana ng singsing nya
"Paano napunta sayo ang singsing na iyan?" sambit ni Mateo kay Aiyana
"Ang bagay na hindi sayo ay kailanman ay di mapapasayo! Itinago mo sa akin to ng mahabang panahon kaya ngayon nasa akin na at para sagutin ang tanong mo kung bakit ko naalala ang lahat, simple lang dahil sa singsing na ito kaya bumalik sa akin lahat ng masasayang araw na kasama ko ang tunay kong mahal!" talagang matapang na sinambit ni Aiyana ang mga sa salitang iyon
"Kahit anong gawin mo, di ako papayag na bumalik ka sa tunay mong mundo! Akin ka lang!! Nasa panahon kita!! Kaya wala kang magagawa!!" tumawa ng nakakatakot si Mateo ng sumagot muli sa Liam
"Yan ang di ko pahihintulutang mangyari Mateo!!" hinarangan ni Liam si Aiyana kay Mateo
"Liam!! Hindi mo maiaalis dito si Aiyana!! Tandaan mo yan!! Dito lang sya!!" sigaw ni Mateo kay Liam
"Hindi Mateo!!! Hindi dito ang mundo ni Aiyana kaya babalik na kami sa tunay nyang mundo!!!" sa pagkakasambit ni Liam non ay nagliwanag ang kanyang kwintas at biglang may nagbukas ng lagusan
Nanlaki ang mata ni Mateo sa nakikita nya..
"Ang portal!!" sigaw ni Mateo
"Tama ka Mateo!! Ang portal!! Babalik na kami sa mundo namin, oras na makatawid na kami ay tuluyan ko ng sasaraduhan ito para di ka na muling makatawid pa!!" matapang na sagot ni Liam kay Mateo
"Di mo magagawa yan Liam!! Isang ordinaryong nilalang ka lang, wala kang kakayahan tuluyang sarhan ang lagusan ng oras at panahon!! Ako lang ang nakakagawa non!!" galit na sagot ni Mateo kay Liam
Malakas na ihip ng hangin sa paligid...
"Liam!!! Ang lakas na ng ihip ng hangin!!" sambit ni Aiyana habang hawak hawak ang kamay ni Liam
"Hindi kayo maaaring makaalis ng ganon ganon lang" galit na sagot ni Mateo at kinuha ang baril sa kamay ng guwardiya sibil at
"Aiyana tara na!!!" sambit ni Liam ng ---
*Bang*
====================================
Next: Chapter 56
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top