Chapter 17
Taon 1890
Sabay nag-aagahan sila Don Mateo at Maria Aliya, di mapigilang di hawakan ng senyor ang kamay ni Aliya, ngunit inilayo agad ito ni Aliya..
"Bakit mahal ko?" takang tanong ni Mateo kay Aliya
"Wala, parang gusto ko munang magpahangin sa labas, maaari ba?" hingi ng permiso ni Aliya kay Mateo
"Walang problema mahal kong asawa, sapagkat ako'y aalis lang saglit para pumunta sa mga kasamahan kong mga doktor sa isang pagtitipon kasama ang Alkalde ng Bayan ng Santa Cecilia, bueno, maiwan muna kita!" sambit ni Mateo sabay halik sa ulo ni Aliya
Hindi mawari kay Aliya ang kanyang mga napapanaginipan at pumapasok sa kanyang isipan, napagpasyahan na lang niyang magpahangin sa hardin..
Sa Hardin ng Abelino..
Umupo muna si Aliya sa may upuan bato malapit sa isang puno roon at biglang humampas ang hangin, isang malamig na samyo ng hangin ng bigla na lang niyang naalala ang kanyang napanaginipan kagabi..
"Bakit kaya pamilyar sa akin ang lugar na nasa aking panaginip?" tanong niya sa kanyang sarili
"At sino ang lalaking iyon na kasama ko sa lugar na para bang napakaimportante sa akin? At kasama ang lalaking iyon?" pilit na iniisip ni Aliya ang kanyang napanaginipan hanggang sa--
"Senyora?" napatigil sa pag-iisip si Aliya ng tawagin siya ni Elena
"Senyorita na lang, napakabata ko pa para tawaging senyora!" sambit ni Aliya kay Elena, umupo ito sa tabi ni Aliya
"Tila ikaw ay may malalalim na iniisip, matagal ko ng napapansin na tila tumatabang ang inyong pagsasama ng senyor? May problema ba Senyorita?" tanong ni Elena kay Aliya, tumingin si Aliya kay Elena na may blangko itsura sa kanyang mukha
"Noong una, maganda ang aming pagsasama ngunit noong mga nagdaan buwan na simula nung may napapanaginipan akong ibang lugar at ibang tao, tila ba ay parang may koneksyon sa akin yung mga napapanaginipan ko at yung mga alaala na pumapasok sa akin isipan, napakalabo ng kanyang itsura sa aking isipan pero bakit tila pakiramdam ko kilala ko sya.." kwento ni Aliya kay Elena, napaisip si Elena sa mga sinasabi ni Aliya
"Ano po bang pakiramdam nyo sa senyor, na ngayon tila nagiging matabang na ang iyong pagtingin sa kanya?" tanong muli ni Elena
"Di ko alam Elena, pakiramdam ko kasi may kulang na para bang may ibang tao akong gustong makasama parang ganun! Ang hirap Elena, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong isang taon namin magkasama ni Mateo.." naguguluhan na si Aliya sa kanyang nararamdaman kay Mateo
"Senyorita, kulang lang siguro kayo sa saya at pang aliw, simula kasi nung ikinasal kayo ng senyor di na kayo nakakalabas ng tahanang ito, bakit di kaya maglalabas ka naman kung minsan senyorita?" payo ni Elena kay Aliya
"Siguro nga, kulang lang siguro ako sa pasyal at aliw kaya kung ano ano ang aking naiisip, samahan mo kaya ako sa bayan at tayo ay mamili ng mga pansahog sa iluluto kong ulam mamaya bago dumating si Mateo" sambit ni Aliya kay Elena
"Di kaya mapagalitan ako ng senyor kapag ikaw ay lumabas ng tahanan nyo? Mali atang binigyan pa kita ng ideyang lumabas ng bahay" nag-aalinlangan sambit ni Elena kay Aliya
"Wag kang mag-alala Elena, ako ang bahala sa iyo, ano payag ka na?" tanong muli ni Aliya
"May magagawa pa ba ako kung samahan kita.." sambit ni Elena
"Yes!!!Thank you!!!!" biglang niyakap ni Aliya si Elena, nagulat si Elena sa kakaibang lenguahe na namutawi sa bibig ni Aliya
Kumalas si Aliya sa yakap...
"Senyorita? Tila may kakaiba kang binigkas kani-kanina lang?" tanong ni Elena dahil di pangkaraniwan ang lenguaheng iyon sa kanila
"Ang alin?" tanong ni Aliya
"Yes?Thank you?" nabubulol na sabi ni Elena
"Talaga bang sinabi ko iyon?" nagtataka rin si Aliya na tila kakaiba nga ang sinabi niyang iyon
"Opo, tila ba ay kakaiba iyong mga salitang iyon na lumabas sa iyong bibig senyorita nakakapagtaka!" napaisip si Elena at may naalala pa syang kakaibang sinabi ni Aliya nung mga nakaraang buwan
"Di lang yang ang narinig ko sa iyo senyorita, may iba pang matalinghagang salita ang iyong binigkas nung mga nakaraan buwan.." sambit ni Elena, nagtaka na si Aliya
"Tulad ng?" tanong ni Aliya
"Lets G? Are you alright? What is that dream?" nagkakanda pilipit na sa pagbigkas si Elena sa mga salitang sinambit ni Aliya nung mga nakaraan buwan
"Parang pamilyar nga sa akin ang mga salitang iyan Elena.." simpleng sabi ni Aliya
"Palagay ko ay mga salitang banyaga na ngayon ko lamang narinig senyorita, at sa inyo ko pa narinig.." sambit ni Elena
"Elena, di ko alam kung bakit bigla na lang ako nakakapagbigkas ng mga ganoong wika at salita, di ko alam!" muling napaisip si Aliya
"Senyorita, mabuti pa pumasok na kayo sa loob ng makapagpahinga para mamaya ay malabas na tayo para ikaw ay malibang!" payo ni Elena kay Aliya
"Mabuti pa nga! Salamat Elena sa pakikinig sa aking mga saloobin ah!" pagpapasalamat ni Aliya kay Elena
"Walang anuman senyorita Aliya, halina't sa loob ng makapagpahinga kayo at makapaghanda para sa ating pagpunta sa bayan mamaya!" sabay na pumasok sa tahanan si Aliya at Elena
Samantala....
Sa isang malawak ng kapatagan na may nag-iisang bahay na gawa sa kahoy, nagbukas ang portal at biglang nahulog si Liam na tila bay niluwa ng portal
"Aray! Ang sama naman ng bagsak ng portal na to sa akin!" dahan dahan tumayo si Liam na may bitbit na bagpack habang suot suot ang kwintas na may lumang orasan sa loob nito
Napatingin si Liam sa paligid..
"Eto na ba ang nakaraan?" sambit ni Liam habang pinagmamasdan ang paligid ng may isang matandang lalaki ang lumapit sa kanya
"Iho! Tila ba ikaw ang isang dayo mula sa bagong mundo!" sambit ng matandang lalaki kay Liam
"Papaano nyo po nalaman?" takang taka si Liam papaano agad nahulaan ng matanda kung saan siya galing
"Sa kakaibang damit na iyong suot na kumpara sa amin ay tila ikaw ay isang manlalakbay ng oras at panahon, isang binatang napadpad sa lumang panahon!" ngiting sabi ng matanda
"Sandali po? Bakit po parang napakadami nyo pong alam lolo sa mga bagong tao? At sa bagong panahon?" takang tanong ni Liam
"Magpapakilala muna ako sa iyo iho, ako nga pala si Generoso Dela Cruz y Almeda, at ikaw naman ay si?" tanong ni Lolo Generoso
"Liam Oliver Dela Cruz po lolo Generoso! Teka? Dela Cruz ang apelyido nyo po?" nagulat si Liam sa apelyido ni Lolo Generoso
"Siyang tunay iho! Mukhang tayo ay magkaparehas ng apelyido? Ikaw ba ay kaninong lahi nagmula?" si Lolo Generoso
"Sabi po sa akin ng Tatay ko po nung bata pa po ako, ang angkan po namin ay nagmula sa kalolohan ko pong si Lolo Leonardo Dela Cruz na ama ng lolo kong si Liandro Dela Cruz na ama naman ng tatay ko na si Leonardo Dela Cruz Jr.!" nagulat si Lolo Generoso sa simambit ni Liam na lahing kanyang pinagmulan
"Ibig sabihin ba nito ikaw ay apo sa tuhod ni Narding na aking bunsong anak?" isang ngiti ang namutawi sa mukha ng matanda
"Po? Ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ni Liam
"Iho! Bunsong anak ko si Leonardo Dela Cruz! Ibig sabihin ikaw ay aking apo sa talampakan, tunay ngang nakuha mo ang kisig ng iyong lolo Liandro na aking apo, at ang pagkasingkit ng mga mata!" naguguluhan si Liam sa pinagsasabi ni Lolo Generoso
Niyakap na lang ng matanda si Liam, nagulat ang binata sa ikinilos ng matanda, kumalas ang matanda sa yakap..
"Alam kong naguguluhan ka pa iho, halika dito at maupo ka muna, alam kong mahaba ang iyong nilakbay!" yaya ni Lolo Generoso kay Liam naupo muna sila sa isang upuang kahoy na mahaba
Kinuha muna ni Liam ang inumin nya sa gilid ng bag nya upang uminom..
"Iho kwentuhan mo muna ako tungkol sa iyong lolo Leonardo at ang aking apo na si Liandro?" sabik na sambit ni Lolo Generoso
"Ang totoo po nyan di ko na po naabutan si Lolo Leonardo, si Lolo Liandro na lang po naabutan ko kaso bata pa po ako noon nung namatay po si Lolo Liandro, di ko rin po masyadong nakasama si Lolo Liandro noon gawa nasa probinsya po lagi si Lolo Liandro at Lola Amelia nung mga panahon pong iyon, pasensya na po!" kwento ni Liam kay Lolo Generoso
"Okay lang yun iho! Napakaraming henerasyon na ang dumaan bago ka nabuhay sa mundo!" sambit ni Lolo Generoso
"Ikinagagalak ko rin po makilala ang kalolo-lolohan ko po! Lolo Generoso!" ngiting sambit ni Liam
"Hindi ko rin inaasahan na sa panahon ko pa makikilala ang apo ko sa talampakan!" sambit ni Lolo Generoso
"Nga pala po? Lolo Generoso papaano nyo po nalaman na may nakakapaglakbay mula sa makabagong panahon papunta po rito?" tanong ni Liam kay Generoso
"Iho, hindi lang ikaw ang nakapaglakbay rito sa mundo namin, may iba pa!" sambit ni Lolo Generoso na ikinagulat ni Liam, si Aiyana na kaya ang tinutukoy ng matanda
"Talaga po sino?" seryosong tanong ni Liam
"Ang totoo nyan iho, dalawang taon nakalipas may isang babae ang nakapasok rito kasama ang isang mayamang ginoo na tila ba ay sila ay mag-asawa kung tignan ngunit kakaiba ang babae--" naputol ang kwento ni Lolo Generoso at sumabat si Liam
"Anong wangis lolo ng babae?" tanong bigla ni Liam
"Matangkad siyang babae na medyo may pagkamorena ang itsura.." sambit ni Lolo Generoso, nakahinga si Liam ng maluwag
"Ngunit pagkalipas ng unang taon ng babaeng iyo siya ay biglang namatay! Bali balita sa bayan ng Santa Cecilia ay ito ay pinagmalupitan ng mayamang senyor!" kwento ni Lolo Generoso, talagang seryosong nakikinig si Liam sa kwento ng matanda
"Kawawa naman po yun babae lolo.." malungkot na sabi ni Liam
"Tunay ngang di maganda ang naging paglisan ng dalagang iyon sa mundo, ang masaklap riyan ay namaalam sya sa mundo na kailanman di nya naging mundo dahil siya nagmula sa makabagong panahon!" kwento ni Lolo Generoso
Napaisip si Liam biglang pumasok sa kanya ang kwento ni Colleen tungkol sa nawawalang nurse isang taon ng nakakalipas sa kanilang panahon..
"Di kaya yun yung nars na nawala a year ago sa panahon namin?" bulong ni Liam
"May sinasabi ka ba iho?" tanong ni Lolo Generoso
"Wala po lolo, matapos po non, sino po ang sumunod na pumasok?" sambit ni Liam
Matapos mamatay ng dalagang iyon, lumipas ang isa pang taon, muli kong nakita ang mayamang ginoo na lumabas sa kakaibang lagusan na kagaya ng iyong nilabasan, may buhat buhat siyang duguan at walang malay na dalaga isang taon na nakakalipas, isang magandang dalaga ang buhat buhat ng ginoo at isinakay sa nakaabang niyang karuwahe kasama ang kanyang kutsero, kahit na duguan ang dalaga nababanaag ang kanyang kagandahan na parang isang mestiza!" kwento ni Lolo Generoso
"Lolo, hindi kaya siya yung hinahanap ko?" sambit ni Liam
"Anong ibig mong sabihin apo?" tanong ng matanda
"Lolo, kaya po ako narito upang hanapin aking fiance!" say ni Liam
"Fiance?" naguluhan ang matanda sa sinabi ni Liam
"Oo nga pala di pa pala uso ang english sa panahong ito!" napakamok ng ulo si Liam
"Lolo Generoso, narito po ako upang hanapin ang babaeng aking mapapangasawa!" sambit ni Liam sa matanda
"Ikakasal ka na iho?" tanong ng matanda sa kanyang apo sa talampakan
"Opo sana Lo, kaso nangyari ang aksidente at bigla na lang naglaho ang aking mapapangasawa matapos ang aksidenteng iyon kaya po ako narito upang hanapin sya!" sagot ni Liam
"Hindi kaya siya yung duguang babae isang taon ng nakakalipas?" tanong ng matanda kay Liam
===================================
Next: Chapter 18
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top