Prologue
"Mahal na reyna, kaunti na lamang po at lalabas na ang inyong sanggol."
"Ahhhh!" Ibinuhos na nga ni Reyna Agrata ang natitira niyang lakas.
"Napakagandang bata!" bulalas ng kumodrona matapos mailuwal na ang hinihintay nila. Sino ba naman kasi ang hindi mamangha sa kulay niyebeng kulay ng kutis ng bagong silang na sanggol na may ginintuang buhok na tila araw na sumikat pagkatapos ng bukang-liwayway?
"Isa na namang prinsesa ang aking isinilang?" May pagkabahala sa tono ng pagtatanong ng reyna. Ito na kasi ang panglabingtatlong beses niyang manganganak kaya naman nakakaramdam na rin siya ng pagod lalo na sa edad niyang apatnapu't lima.
"Patawarin ninyo po ako, mahal na reyna, sa aking naging reaksiyon sapagkat ngayon pa lamang po ay nakabibighani na pong tunay ang ating prinsipe." Sabay abot sa reyna ng prinsipe na nababalot na ng lampin at saka naman bumukas ang pinto ng silid na ibinuga ang hindi na mapakaling si Haring Leroy.
"Mahal ko, sa wakas!" nakangiting bungad ng reyna sa hari. Pangarap kasi niyang maisakatuparan ang hiling nito na mabigyan ng isang prinsipeng gagawing tagapagmana ng trono. "Mayroon na tayong prinsipe!"
"Salamat sa Diyos dahil dininig niya ang ating panalangin." Panandaliang napaluhod ang hari na humarap sa may bintana ng silid saka idinipa ang mga kamay bago tuluyang lumapit sa kama kung saan naroon ang kanyang mag-ina.
"Ipagpaumanhin niyo po itong aking kapangahasan na malaman ang inyong ipapangalan sa ating mahal na prinsipe. Ako lamang po ay nasasabik nang tunay."
"Panav," turan ng reyna sa kumadrona. "Dahil siya ang unang prinsipe ng ating kaharian at maaaring siya na ang natatangi kaya tatawagin nating siyang 'Panav' na nangangahulugan ng 'prinsipe' sa lenggwahe ng Jutaynasia na kahariang aking pinanggalingan."
***
Hindi naging madali ang pag-aalaga sa munting prinsipe. Madalas siyang ubuhin at palaging hinahabol ang paghinga. Lahat ng mga pantas at mga albularyo ng kaharian ay kinunsulta na ng hari at reyna ngunit wala sa kanila ang makapagbigay ng lunas sa kanyang karamdaman. Hanggang ng ikawalong taon ng prinsipe ay hindi na niya magawang lumakad at tila lantang gulay na lamang ito na buto't balat.
Sa mga oras na nagdadalamhati ang kahariang nauubusan na ng pag-asa, isang salamangkerong nakasuot ng itim na manto at may hawak na baston ang lakas-loob pumasok sa palasyo upang sindihan ang aranyang nilalamon na ng kadiliman.
"Mahal na hari at mahal na reyna ako po si Gustaf na isang salamangkero."
"Isang salamangkero?"
"Ano naman kaya ang magagawa ng isang salamangkero?"
"'Di ba sila pa nga ang nagdadala ng sumpa at mga karamdaman sa mga tao?"
Umugong ang mga bulong ng mga albularyo na nasa palasyo, pero desperado na ang hari kaya hindi niya pinakinggan ang kanilang mga panghuhusga sa salamangkerong ghindi magawang tumingin nang diretso dahil sa hiya.
"Maaari bang pakinggan muna natin ang sasabihin niya?" pagpapatahimik ng hari sa mga albularyong nakapaligid sa trono.
"Ako po ay naparito upang ipaalam sa inyo ang lunas sa malubhang sakit na dumapo sa mahal na prinsipe at iyon ay ang katas ng bunga ng puno ng Bayagbas na matatagpuan sa kagubatan ng Bulbolivia na nasasakop ng kaharian ng Toplandian."
Wala nang sinayang na oras pa ang hari, kaagad na siyang nagtungo sa karatig nilang kaharian kasama ang kanyang mga kawal.
"Ano ang iyong pakay, Haring Leroy? Bakit bumisita ka ng walang pasabi?"
"Patawad Haring Adelio." Pag-angat ng tingin ni Haring Leroy ay makikitaan ng mga luhang nagbabadya nang tumulo sa kanyang mga mata. "Nasa bingin ng kamatayan ang nag-iisa kong anak na lalaki. Naparito ako upang makakuha ng bunga ng puno ng Bayagbas na nakikitang posibleng lunas sa kanyang karamdaman. Hiningi ko ang iyong pahintulot na kami ay makapitas ng bunga ng nasabing puno."
"Nalulungkot ako sa balita tungkol sa prinsipe kung kaya ay ibibigay ko ang kahit ano mang tulong na maigagawad ko." Tumayo si Haring Adelio muli sa pagkakaupo sa kanyang trono upang lapitan ang hari ng Bottomocco at ito'y hawakan sa balikat. "Huwag kang mag-alala, Haring Leroy, ang mga tao ko na ang bahalang kumuha ng iyong pakay. Lubhang mapanganib para sa panauhin ng kaharian na magtungo sa kagubatan ng Bulbolivia dahil sa isang mapanganib na nilalang na kung tawagin ay Chumodoro na siyang nagbabantay ng puno ng Bayagbas. Mabuti pa ay samahan mo muna akong uminom ng alak habang hinihintay natin ang aking mga kawal."
Sumilay na ang bahagyang ngiti sa labi ni Haring Leroy. "Maraming salamat, Haring Adelio, tatanawin ko ito bilang isang utang na loob."
Matapos ang halos isang oras ay nakabalik na ng palasyo ang mga kawal na inutusan ni Haring Adelio dala ang isang buslo na puno ng bilog na prutas na nababalot ng itim na tila hibla ng buhok ang kayumangging balat.
"Muli ay maraming salamat, Haring Adelio. Kailangan na naming magmadali."
"Mag-iingat kayo, Haring Leroy."
Matapos magbitaw ng ngiti ng pamamaalam sa isa't isa ay tumalikod na ang hari ng Bottomocco upang magbalik na sa kaharian.
***
Pagkatanggap ng buslo ay kaagad nang dinikdik ng salamangkerong si Gustaf ang mga bunga gamit ang almires. Inipon niya sa isang mangkong ang kulay puting katas ng mga iyon at maingat na ipinainom sa naghihingalo nang prinsipe.
Sa unang higop pa lang ay kita na agad ang pagbuti ng lagay nito.
"Ano iyong pinainom ninyo sa akin? Napakasarap! Maaari po bang makahingi pa? Sapagkat hindi pa po napapawi ang aking uhaw."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top