Primadonna Girl
Copyright © 2014 by Thyriza
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
Primadonna Girl (One Shot)
What is Prima Donna?
-From Italian words meaning “first woman” or “first lady”, depending on your preference, the prima donna is the leading lady in a performance, and especially in opera. Can also be called a diva.
In Urban Dictionary, Prima Donna means...
-Someone arrogant, vain, or just plain bitchy. Diva and prima donna have become synonymous with a show-off or a bitch, regardless of whether or not the person in question is male or female.
I am Zach Callas, and I have a Primadonna girl.
“MISS ako po ang nauna.” sabi ko sa babaeng sumingit sa pila.
“Kuya pwede pong pasingit? Nagmamadali na kasi talaga ako eh.”
“A-ah. Sige…” nagpatiuna ako dahil naawa naman ako sa babae—
“Ehem!” Napapikit ako nang marinig kong tumikhim siya.
“Zach! Ikaw ang nauna diba? Bakit ka papayag na singitan ng babaeng mukhang singit na 'yan?!” she said annoyed. Her face looks pissed.
“Kawawa—”
“You Groin person! Go back to tail of the line! Mukha ka na ngang singit papatunayan mo pa? Konting hiya naman, girl!” She looked at her with disgust look.
“S-sorry.” nauutal na sabi no'ng babae saka nagmamadaling umalis sa pila.
“NEXT!” Sigaw no'ng cashier sa window 1. Nagbabayad ako ng tuition ngayon at inis ang aking girlfriend dahil sa pagiging late ko sa pagbayad. Oo, tama kayo. That bitchy girl is my girlfriend—unfortunately.
Mabait naman siya eh. Lalo na kapag kami lang. Hindi niya ako binabara. Hindi siya bitch. Malambing siya in her own unique way.
Gaya na lang ngayon na manonood kaming sine.
“Bili ka ng ticket, for 3.” she demanded. Tatango na sana ako ng magtaka ako kung bakit tatlo.
“May chaperon ba tayo? Bakit tatlo?” curious kong tanong.
“Duh?! Baka mawala mo nanaman! Stupid boyfriend! Basta tatlo bilhin mo!” Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Mas tahimik ang buhay kung susundin ko siya. Pero sabi naman nang mga kaibigan ko, mas tatahimik daw ang buhay ko kung hihiwalayan ko siya. Pero hindi ko kaya eh. Mahal na mahal ko kasi siya.
“Sweetheart, sayang talaga no'ng isang ticket. Wala naman pala talaga tayong kasama pang isa eh.” sabi ko sakanya nang makapasok kami sa sinehan.
Kahit madilim sa sinehan, alam kong napairap lang siya. Para sa akin cute siya kapag umiirap. Mas tumatalim kasi ang singkitin niyang mata.
“Excuse me, may nakaupo ba sa tabi mo, kuya?” tanong sa akin nang dalawang babae. Sasagot na sana ako nang hawakan ng mahigpit ni Sweetheart ang braso ko at pakiramdam ko bumaon ang mahahaba niyang kuko sa balat ko.
“That seat is taken!” mataray niyang sagot.
“Eh wala namang nakaupo tsaka—“
“I have bought extra ticket! So that seat is for our bags. Is that right, Zach?” Napalunok nanaman ako. Pinandilatan niya ako kaya ako naman laking tango lang. Kahit talaga madilim makikita mo ang matatalas niyang mga tingin. Nakakatakot! Isa siguro 'yan sa a-develop kong talent simula nang maging girlfriend ko siya. Ang makita ang mata niya sa dilim.
“'Yon pala ang dahilan kaya ka nagpabili nang extra ticket, Sweetheart. Para sa bag natin.” Nakangiti kong sabi sakanya nang umalis 'yung dalawang kawawang babae.
Nagulat na lang ako nang batukan niya ako nang pagkalakas-lakas. Buti na lang naimpit ko ang sigaw ko, kundi nakakahiya.
“Stupid boyfriend! I did that because I don't want anybody sitting beside you. Only I have the right! Are we clear?!”
“Crystal clear, sweetheart.” Nakangiti kong sagot. Para tuloy akong baliw na ngingiti-ngiti habang pinapanuod ang movie.
My sweetheart may be bitchy, but sweet in a way that makes me shivers inside. She's unique in her own ways. At nakakakilig lang.
“HOY ZACH!” agad akong napalingon. Naglalakad ako papuntang room namin. Nakangiti akong lumingon sakanya pero nakita ko siyang nakasimangot. Ang aga-aga masama nanaman ang araw niya. Ano nanaman kayang nangyari?
“Good morning, sweetheart.” Nakangiti kong bati sakanya.
“Walang good sa morning!”
“Hala? Bakit sweetheart? May nang-away ba sa'yo? Tara at susugurin natin!”
“Wala! Failed kasi ako sa Physics!” inis niya pa ding sabi. Matalino naman ang sweetheart ko, eh. Ayaw niya nga lang talaga sa computation.
“Hindi ka ba nag-submit no'ng project niyo?” hindi ko kasi siya classmate. Section A siya at ako naman SSC or special science class.
“Malamang hindi! Kaya nga ako na-failed diba?!” inis niya pa ding sabi.
“Kausapin na lang natin si Mrs—“
“Ayaw ko! May 4th grading pa naman! D'yan ka na nga! Mas naiinis ako sa'yo!” sabi niya saka nauna nang naglakad sa akin. Pero bago siya tuluyang makalayo lumingon siya sa akin. “Sunduin mo ako mamaya sa room namin! Kung hindi malalagot ka sa akin!”
Nakangiting tumango ako sakanya. Kahit siya ganyan nakakatuwa pa din. Habang tumatagal mas minamahal ko siya eh. Kahit limang buwan pa lang kami, mahal na mahal ko na talaga siya.
Hindi nga ako makapaniwala na magiging girlfriend ko ang isang tulad niya. Bigla na lang kasing isang araw, nasa first week pa lang nang pasukan, in-announce niya sa lahat na kami na. Syempre lalaki ako at ayaw kong nagpapahiya nang babae. Kaya naki-ride na lang ako sakanya. At heto, limang buwan na kami.
Sa limang buwan na 'yon, nakilala ko din siya nang paunti-unti. Sabi niya sa akin, pagtiisan ko siya kasi wala na akong mahahanap na kagaya niya. Sabi nga nang mga barkada ko, kaya daw may saltik sa utak ang girlfriend ko kasi February 29 ang birthday niya. Kulang-kulang at minsan hindi naabot nang kalendaryo ang kaarawan niya.
Alas kwatro y media pa lang nasa labas na ako nang room niya at naghihintay. Hanggang 5 ata sila kasi computer nila ngayon. Ayaw ko naman maghintay sa computer lab kasi bawal ang bystanders doon kaya dito na lang ako sa classroom niya.
Nakita ko ang mga classmate niya na pabalik na sa room nila. Lahat sila kilala ako. Malamang, kasi boyfriend ako nang isa sa kinaiinisan nila.
“Zach! Hindi pumasok si Primadonna.” Sabi sa akin nang isa sa kaklase niyang babae. Napakunot lang ako. Bakit siya hindi pumasok? Hindi ko kasi siya nakasabay kaninang lunch kasi may make-up class kami.
Agad naman akong tumakbo papunta sa guard house kung saan ko iniwan ang cellphone ko. Bawal kasi ang cp sa school kaya kailangan mo siyang i-surrender sa guard.
Pagkakuha ko nang phone ko, naka-receive agad ako nang 8 messages galing sakanya. Sinabi niyang h'wag ko na siyang hintayin kasi hindi siya pumasok sa panghapon niyang subject.
Nagpa-load lang ako saka ko siya tinawagan. Pero unattended siya. Bakit naman kaya?
Umuwi ako sa bahay na nag-iisip. Hindi gano'n ang sweetheart ko eh. Aawayin niya dapat ako kasi hindi ko siya nireplyan.
Nagbihis lang ako saka nahiga sa kama. Napapaisip talaga ako eh. Kung puntahan ko kaya siya sa kanila? Alam ko naman kung saan siya nakatira kasi lagi ko siyang hinahatid.
“Ughhhh!” napabangon ako at nagbihis. Nagsuot lang ako nang jersey saka lumabas. Sumakay akong jeep dahil 5 minutes lang naman ang layo nang bahay nila sa amin kung magco-commute ka.
Nag-doorbell ako sa cute nilang bahay. 2 storey ang bahay nila pero maliit lang. Hindi pa ako nakapasok sa loob kasi hindi naman niya ako ini-imbitang pumasok.
May lumabas na matandang babae at may apron pa at basa-basa pa ang kamay na ipinunas sa apron nito.
“Ano'ng kailangan mo, hijo?”
“Nandyan po ba si Sweet— I mean si Primadonna po?”
“Nasa loob hijo. Pasok ka.” Binuksan niya ang gate at nagpatiuna.
Namangha ako pagkapasok sa bahay nila. Madaming mamahaling kagamitan. May family portrait din. Ang mama niya at Papa niya saka siya. Solong anak lang kasi 'yan si sweetheart ko eh.
“Akyat ka sa taas. Nandoon siya. May lagnat kasi ang batang 'yon kaya umuwi nang maaga.” Sabi niya saka ako tinalikuran.
May lagnat pala siya. Bakit hindi man lang niya sinabi. Hindi niya ba alam na nag-aalala ako?
Agad ko namang nahulaan kung alin ang kwarto niya dahil may nakalagay na Primadonna is In.
Kakatok sana ako pero nakaawang ang pinto. Kaya niluwangan ko ang pagbukas nito. At doon ko siya nakita. Nakabalota ang katawan niya ng comforter at halatang nilalamig.
“Sweetheart.” Tawag ko sakanya. Dahan-dahan siyang lumingon at gulat na makita ako.
“A-ano'ng… Ano'ng ginagawa mo dito?” tanong niya saka kumuha nang tissue at pinunasan ang ilong niya.
“May sakit ka pala. Bakit mo hindi sinabi sa akin?” seryoso kong sabi. Pero nag-iba lang siya nang tingin.
“U-umalis ka na. Baka mahawa pa kita.” Pagkasabi niya no'n bumahing siya. Imbes na umalis nilapitan ko siya at umupo sa gilid nang kama niya.
“Aalagaan na lang kita.” Sabi ko sakanya.
“Hindi pwede. Ayaw kong mahawa ka sa akin.”
“Aish! H'wag nang matigas ang ulo, ah? Dito lang ako at aalagaan kita. Mahiga ka na.” masunurin siyang sumunod sa akin.
Itinaas ko ang kumot niya at inayos 'yon.
Kawawa naman ang aking Primadonna girlfriend, may sakit.
Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto niya. Tama lang ang laki niya. Karamihan sa gamit niya kulay yellow. Napangiti ako nang makita ko picture naming sa bedside table niya. Kuha 'yon no'ng Intrams naming. Naalala ko pa noon na ayaw niya magpakuha ng picture kasi hindi daw siya nakapagbunot nang kilay. Makikita daw 'yon kapag ni-zoom.
Beauty conscious kasi ang sweetheart ko. Madalas din purihin niya sarili niya kung gaano siya kaganda. At hindi naman ako against doon kasi totoo naman talaga.
“Z-Zach…” napatingin ako kay sweetheart nang tawagin niya ako. Pero tulog siya. Nag-ssleep talk ba siya? Napapanaginipan niya ba ako? “Z-Zach…”
At inulit niya pa. Kinikilig na tuloy ako.
“Z-Zach!”
“Sweetheart ko naman pati sa panaginip sinisigaw mo pangalan ko.” Nakangiti kong sabi.
“Stupid boyfriend! Patayin mo ang aircon! Malamig!!” Ay? Nakapikit lang pala siya. Akala ko pa naman napapanaginipan niya ako.
Pinatay ko ang aircon saka ako bumalik sa gilid nang kama niya. Sinalat ko ang leeg niya at sobrang init pa din.
“Gusto mo ba magpa-doctor na—“
“Ayaw ko sa doctor! Magpapahinga lang ako!”
“O-okay.”
Katahimikan. Hindi na ulit siya nagsalita kaya nakatunganga lang ako sa ceiling. Nakakahiya naman kung abutan ako dito nang parents ni sweetheart. Hindi naman sa takot ako sakanila, nakakahiya lang kasi hindi pa nila ako nakikilala—at dito pa sa kwarto ng anak nila.
“Uy!”
“Huh? Bakit sweetheart?”
“Tabihan mo ako.” Nagulat ako sa sinabi niya. Pero alam kong hindi ako nabibingi. Malinaw na malinaw 'yung narinig ko.
“Hindi ka ba sweetheart nagdidiliryo? Siguro masama talaga ang pakiramdam mo at kung anu-ano ng sinasabi mo.”
“Hindi ako nagdidiliryo! Tabihan mo sabi ako!”
“Eh baka mahuli tayo ng parents mo.”
“Takot ka sa parents ko?!”
“Syempre.”
“Sa akin hindi ka takot?!”
“Takot din.”
“Kung gano'n, mas matakot ka sa akin. Kasi ang parents ko, hindi ka kayang saktan. Pero ako, kaya kitang kaladkadin paakyat dito sa kama ko!” napalunok ako ng malalim dahil sa sinabi niya.
Wala akong choice kundi ang sundin ang kagustuhan ng sweetheart ko. At least, alam ko kung pa'no siya magalit kaya mas makakabuting sundin ko na lang siya.
Tumabi ako sakanya at parang tuod na nakahiga.
“Hug me.” utos niya.
“H-ha?”
“Bingi ka ba?!”
“Oo na.” nahihiyang pinalandas ko ang braso ko sa bewang niya. Nagulat na lang ako nang kunin niya kamay ko at ginawa niyang unan sa pisngi niya.
“Matulog na tayo.” Sabi niya.
1 ½ hours later…
“ARAY ko naman!” halos mamulupot ako sa sakit nang maramdaman kong tinadyakan niya ako at nakatayo sa kama na animo’y ready nang ilabas ang pokemons.
“Umalis ka na!” singhal niya. Pupungas-pungas na bumangon ako.
“N-naano ba kita, sweety—“
“Sweety mo mukha mo! Umalis ka na at mag-sama kayo ni Roxanne!” hindi ko alam ang pinagsasabi niya at bigla na lang akong sinipa ulit sa legs. Hindi ko alam na marunong siya sa karate. >__<
Pinagtutulak niya ako palabas ng kwarto niya saka malakas na sinara ang pinto. Naguguluhan ako. Okay naman kami kanina eh. Bakit bigla siyang nag-sungit?
Umuwi ako sa bahay na masakit ang katawan. Hindi ko na pinansin si Mama at Papa na kumakain sa dining room at dumeretso ako sa kwarto ko.
Bakit niya kaya nabanggit si Roxanne? Classmate ko si Rox at siya lagi ang Lab partner ko.
Napabuntong-hininga ako saka ko kinuha cellphone ko sa bulsa ko. Nagulat pa ako na makitang naka-stand-by ang inbox ko at message ni Roxanne ang nakabukas.
From: My Lab Roxxy:
Ngwa q na xprment. Hihihi ^^ Kiss ko ulet, a? :-* Lab u, Zach! <3
Nanlaki ako sa text ni Roxanne. Malamang ito ang dahilan ni sweetheart kung bakit siya nagalit.
I tried calling her pero sinasadya niyang i-reject ang call ko. Haay, Zach. Ihanda mo na ang sarili mo bukas at kick-boxing ang gagawin sa’yo nang girlfriend mo.
KINABUKASAN inaasahan kong tatarayan niya ako o ipapahiya sa harap ng mga kaibigan ko. Pero nanibago ako nang hindi niya ako pinansin no’ng flag ceremony namin. Hindi ko alam kung galit siya o ano. Pero mas natatakot ako sakanya kapag tahimik siya kesa sa binubungangaan niya ako.
Recess na namin at pinuntahan ko siya sa room niya. Sobra akong natakot sa tingin na binibigay sa akin ng mga classmates niyang babae. Malamang alam nila na may kasalanan ako sa sweetheart ko.
“Hoy, Zach. Umalis ka daw dito. Ayaw kang harapin ni Primadonna.” Sabi nang classmate niya.
“Pakisabi nga na gusto ko siyang makausap,”
“Hindi nga puwede!” sabi pa nito. Napatango lang ako saka matamlay na umalis. Papalipasin ko muna ang araw. Mawawala din ang galit niya, alam ko.
Isang linggo na ang nakakaraan pero hindi pa rin kami nagkakaayos. Nadagdagan pa nga ata kasalanan ko nang makita niya akong kasabay si Roxanne palabas ng canteen. Dinaanan niya lang ako.
“Gusto mo nang advise para mapaamo mo ang babae?” nakangiting sabi ni Roxanne.
“Paano ba?” matamlay kong tanong. Aware si Roxanne na siya ang dahilan kung bakit kami nag-away. Nag-sorry siya kasi masyado daw siyang naging clingy sa akin. Pero kaibigan ko lang talaga si Roxanne eh. and I respect girls kaya ayaw ko naman siyang basta layuan dahil wala naman siyang masamang ginagawa.
“Tara sa student pavilion.”
Pumunta kami sa student pav. Tambayan naming mga taga SSC. May pinakita sa akin si Roxanne na Candid Mag. Binasa niya sa akin ang mga ways para magkabati kami ni sweetheart ko at nagsa-site siya ng example.
Primadonna’s POV
“S-siguro…siguro hindi na niya ako mahal! Waaaaaah~” humahagulhol ako sa harap nang tatlo kong kaibigan na pareho kong bitchy-bitch.
“Prima, kausapin mo kasi. Sinusuyo ka naman, diba?” ani Chinna.
“Akala ba namin kasi trip trip lang ang relasyon niyo?” sabi naman ni Aqua.
“H-hindi! Mahal ko siya! Noon pa mahal ko na siya!” sabi ko sabay hagulhul nanaman. Binigyan nila ako nang isang box of tissue.
“I knew it! Pinaniwala mo ang lahat na trip lang ang lahat no’ng in-announce mo sa lahat na boyfriend mo siya para mapagtakpan ang totoo mong feelings.” Conclude ni Cheeky.
“Because he is torpe! At kung hindi pa ako magpapapansin sakanya, I doubt it kung magiging kami! Waaaah~” nakakasira ng poise ‘tong ginagawa ko. Nakakawala ng reputasyon!
“Tahan na. Kasi naman. Isa kang primadonna tapos sa isang dork ka lang magkakagusto.” Prangkang sabi ni Aqua.
Flashback…
I was third year transferee from this private school. I thought magbabago ako sa pagiging spoiled bratt who gets what I want pero wala eh. Nakatagpo akonang tatlong kaibigan na kapareho nang ugali ko kaya ang balak kong maging santa-santita ay naudlot na pinagpatuloy ko ang totoo kong ugali.
Nasa 3rd grading na kami nang mahuli kaming apat na may binully na freshman nerd. As a punishment, naging student aid kami for 2 weeks. Nirequire din kaming manuod nang battle of the brain dahil kami daw ang errand girl. Halos hindi namin matanggap ang parusa sa amin. So unfair!
Habang nanunuod nan battle of the brain—that almost killed me for how boring it was—napahinto ang attention ko sa isang lalaking hanggang leeg ang sara ng butones. Cool tingnan. Pero nerd ang mga kasama niya kaya parang nahahawa siya. Sabi nila Cheeky, siya daw ang pinakamatalino na nasa stage kaya nakapagtataka daw kung bakit siya natalo.
Nalaman kong Zach ang name niya at napakabait na studyante—according to my observation lang naman. Gentleman din. Friend siya nang lahat.
I may sound as a creepy stalker pero naging interasado ako sakanya to the point na gumawa ako ng dummy account sa facebook para ma-add siya.
Sa tinagal-tagal nararamdaman kong lumalalim ang nararamdaman ko sakanya. Wala akong pinagsabihan at ayaw kong masabihan nang walang taste. Plus my reputation as a Primadonna—regardless my name Primadonna—kailangan kong pangalagaan 'yon.
We’re already 4th year at lagi kong nababasa ang quote na ‘It’s now or never’ at feeling ko parinig 'yon sa akin.
My first attempt of being friends with him failed. I realized na hindi siya interesado sa akin and my ego was blown. Hindi ko matanggap na kung sino 'yung gusto ko ay hindi ko makukuha.
1 week pa lang nang June nang hatakin ko siya papunta sa cafeteria nang school. Everybody was shocked when they saw me with him—holding hands. Dahil alam kong likas sakanya ang pagiging gentleman ay nag take advantage ako. Hindi niya hahayaan na mapahiya ako sa kahit na anong paraan.
Looking at his face—he looks terrified at ramdam ko ang nagpapawis niyang kamay.
“Relax,” I gave him my sweetest smile. First time ko siyang makita sa malapitan. Natural brown at ang kinis pala ng mukha niya.
“Everybody! May I just get your attention, please?” malakas kong sabi. Pati 'yung food server sa canteen ay natigilan. Seems like everything frozed para pakinggang ang sasabihin ko.
Napatingin ako sa tatlo kong kaibigan na naghahagikhikan. Siguro iniisip nila na si Zach ang napili ko ngayong ipahiya, i-bully or pagtripan.
“This man, beside me, is my boyfriend. Anyone or any girl that I caught flirting with him…” I gestures my hand to my neck for a sign of dead. Everybody gasp. Pati itong katabi ko ay gulat.
“Wala, pare! Meal of the day ka ngayon ni Prima. Wahahah” rinig kong sabi nang classmate niya.
Agad kong hinila si Zach palabas ng canteen at pumunta kami sa harap nang room ko.
“P-Primadonna…puwede mo ng bitawan kamay ko,” sabi niya. Gosh! First time niya akong tawagin sa pangalan ko. Kilala niya pala ako.
“Boyfriend na kita simula ngayon. Ako lang ang may karapatan makipag-break sa’yo!” kunwaring nagtataray kong sabi.
“H-hindi naman kita niligawan, eh.”
“So? bakit, may girlfriend ka ba?” nakapameywang kong sabi.
“W-wala,”
“Good. At kung meron man, kailangan mo siyang hiwalayan dahil akin ka lang—I mean tayo na. gets?” tumango siya
“Ikaw ang bahala kung ano ang itatawag mo sa akin. 'Wag lang bhe, bh3, or babes. Puwede ang babe at bawal ang jejemon. Naintindihan mo?!” pinandilatan ko siya pero ang totoo gusto kong magpa-cute sakanya.
“O-okay,”
“And one more thing…”
“A-ano 'yon?”
“Kapag tapos na ang klase dapat ako lang ang kasama mo. At kung may group project ka sabihin mo sa akin.”
End of flashback…
Uwian na kami at nauna akong lumabas sa classroom. Naintindihan naman ako nang mga kaibigan.
Hindi ko pinapansin ang mga nababangga ko at first time in my life na naglakad akong nakatungo. Sanay akong laging naka chin up dahil confident ako sa sarili ko.
Nagulat na lang ako nang may apat na lalaki ang humawak sa braso ako at kinaladkad ako papunta sa kung saan.
“A-ano ba! 'Nyeta! Saan niyo ako dadalhin?!” sa sabra kong pagpupumislag, hindi ko namalayan na nasa classroom ako nang SSCIV. At ano naman ang ginagawa ko dito.
Nakita ko si Zach na nakatayo sa platform nang room kaya agad akong tumalikod para sana lumabas pero humarang 'yung apat na lalaki. Great! Mga classmate niya palang nerd 'to. How dare them to drag me here! Hindi ba nila ako nakikilala?! Hah!
“What do you want?!” iritado kong sabi kay Zach. Walang ibang tao sa classroom maliban sa amin at sa apat na gung-gong na nakaharang sa pinto.
“Listen to me, Primadonna. Ako lang ang magsasalita. At ngayon lang 'wag mo akong babarahin.” Pakiusap niya.
“Whatever you say.” Umirap ako saka humalukipkip.
“Una ko pa lang na kita sa’yo, takot na takot ako. Kilala ang pangalan mo bilang bully at Queen B.”
“What the hell, Zach!” ito ba ang pambungad niya sa akin? Wow ah.
“Kapag nalalapit ako sa'yo, kahit sa upuan sa canteen, agad akong lumalayo. Takot na takot kasi akong mapili niyong pagtripan.”
“Coward.” I murmur.
“Pero habang nilalayuan kita, pakiramdam ko hinahanap na din kita. Hindi ko rin alam. Nasanay ata ako na laging nagkukrus ang landas natin.”
“Ang feeling nito.” Hindi ko makapaniwalang sabi.
“But things changed. For the first time in my life, natalo ako sa battle of the brain dahil sa’yo. You were there—watching me. At pakiramdam ko nilalait mo ako sa hitsura ko.” Gusto kong mapangiti pero pinipigilan ko. True, nilalait ko nga siya sa uniform niya.
“Hindi ko alam kung blessing in disguise ang lagi kitang nakikita malapit sa akin. Minsan nagdadasal ako na ikaw ang gumagawa ng paraan para mapalapit sa akin. Pero naisip ko hindi pala. Nagkataon lang.” Kung alam mo lang, Zach.
“No'ng sinabi sa lahat na boyfriend mo ako sa harap ng lahat, takot na takot ako no’n. Hindi dahil sa takot akong ma-bully mo ako. Takot ako na bawiin mo ang sinabi mo at umasa ako. Ilang araw muna ang dumaan bago ko pinaniwalaan na girlfriend ko na nga ang notorious Primadonna sa school.”
“Z-Zach…”
“To make the story short, mabilis akong na-fall sa’yo. Kaya ngayon, nasasaktan akong iniiwasan mo ako. Kasi mas gugustuhin kong taray-tarayan mo ako kesa sa tahimik ka lang. kahit kailan hindi ko hiniling na magbago ka kasi minahal kita sa ugali mo. Bonus na ang good looks mo. I love you, Primadonna. Please sana maging okay na ulit tayo.”
Hindi ko na naitago ang ngiti sa labi ko.
“Ang gago mo pala, eh! Mahal mo ako tapos may kalandian kang iba sa text?!”
“Eh 'yung tungkol do'n. Sorry na. Malambing kasi talaga sa lahat si Roxanne kasi siya ang bunso sa klase namin.”
“Ang sabihin mo malandi.” I said to myself. I heard him chuckle kaya napatingin ako sakanya.
“You’re jealous.” Ngingiti-ngiti niyang sabi.
“Malamang! Girlfriend mo ako kung nakakalimutan mo!” singhal ko sakanya. Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya.
“Tsk tsk tsk. Umamin ka na kasi.” Natatawa niyang sabi. Lumapit siya sa akin.
“Ano aaminin ko? Ikaw ang umamin na nakikipaglandian ka sa iba!”
“Aminin mong mahal mo rin ako.” Umismid ako. Ang lakas ng loob niya ngayon porket na-tame niya ako.
“Hindi.”
“Talaga?” ngumisi siya.
“Hindi nga sabi eh.”
“Eh bakit ka nga nagseselos?”
“Kasi nga girlfriend mo ako!”
“Eh bakit kita girlfriend?”
“kasi mahal mo ako!”
“Eh bakit mo ako boyfriend?”
“Kasi mahal kita!”
Natigilan ako sa sinabi ko. Ughh! He caught me there. Dinadaan niya ako sa talino niya eh.
“Mahal din kita, Primadonna. At 'yon lang ang gusto kong marinig mula sa'yo.” Kinabig niya ako palapit sakanya kaya napayakap tuloy ako sakanya.
Leche! Naisahan ako do'n ah.
-=-
A.N: Nag-wi-window shopping lang ako kanina sa SM tapos narinig ko 'yung kantang ‘Primadona Girl’ kaya nakagawa ako neto. 'Yung utak ko talaga ang sarap iuntog. One-shot lang kasi talaga ang kaya ko sa mga teen-fiction love story, eh. Vampira by blood ako kaya hindi ko kayang magsulat ng nobelang puro twitams. Lol
Sana nagustuhan niyo. ^_^
Love, Ate Thy ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top