CHAPTER 9

Warning violence ahead⚠️
#####

Garette's POV

Nagising ako ng may malamig na tubig ang bumalot sa buo kong katawan. Sinubukan kong aninagin ang paligid ko subalit puro kadiliman lamang ang aking nakikita, sinubukan ko ring  igalaw ang katawan ko ngunit tila may nakatali sa mga kamay ko dahilan upang hindi ko magawang makaalis sa kinauupuan ko.

"Boss, gising na siya!" boses ng isang lalaki ang naghari sa kinaroroonan ko bago ako makarinig ng sunod-sunod na mabibigat na mga yapak.

"Pakawalan niyo ako! Ano bang kailangan niyo sa akin?!"

"Long time no see daughter in law," puno ng sarkasmong turan ng lalaki na sa aking palagay ay nasa aking harapan, boses palang nito ay kilala ko na at talagang nagdulot ng bolta-boltaheng takot sa mga kalamnan ko.

"Anong kailangan mo sa akin?! Pakawalan mo ako! Makakarating to kay Klaus!" puno ng kasuklamang wika ko ng matanggal ang piring na nasa mga mata ko.

Sa harap ko ay ang ama ni Klaus na halos hindi ko na makilala. Ang dating tindig nito ay naglaho na, kung dati ay maayos pa itong tingnan ngayon ay mababakas na ang katandaan nito, subalit ang karismang taglay nito ay naroroon pa rin. Noong unang makita ko siya at napuno ako ng paghanga subalit ng malaman ko ang kasamaang nakakubli sa karismang taglay nito ay pinagsisihan kong nakilala ko pa ito.

"Humingi ka man ng tulong sa anak ko hindi ka pa rin niya maililigtas. Sino sa tingin mo ang uunahin niya, ang mga kapatid niyang nag-aagaw buhay o ikaw?"

Ang kaninang pag-asang pinaghahawakan ko ay nalusaw na parang bula ngunit pilit ko itong tinutulak palayo. Hindi ngayon ang oras para mawalan ng pag-asa, naniniwala ako na maililigtas ako ni Klaus.

Sa sinabi nito ay mas lalo akong kinain ng galit. Sinong matinong ama ang kayang gawin iyon sa kaniyang mga anak? Sabagay tao pa nga ba ang lalaking kaharap niya o isang demonyo?

"Hayop ka talaga! Wala kang kasing sama!" nanggagalaiting sigaw ko.

"Matagal ko ng alam 'yan, ganiyan na ganiyan din ang mga katagang tinuran ng ina nila Thok bago ko siya bawian ng buhay, wala na bang iba?"

Hindi ko halos masikmura ang lahat ng lumalabas sa bibig nito.

"Bakit mo ba ito ginagawa?" hilam ng luha kong wika, hindi ko maiwasang maiyak sa nangyayari.

"Sabihin na nating ginagawa ko ito dahil gusto ko ring magdusa ang mga anak-anakan ko."

"Anak-anakan?"

"Hindi ba sinabi sa iyo ng kasintahan mo na hindi nila ako tunay na ama? Sabagay paano nga pala nila malalaman patay na ang dapat magsisiwalat ng katotohanan. Saan nga ba natin uumpisahan?" tuwang-tuwang wika nito bago hinaklit ang isang upuan sa gilid ng kwartong kinalalagyan ko at umupo dito na tila isang hari.

"Hindi ko sila tunay na anak sapagkat sila ay anak ng kambal ko, ang putanginang malanding babae na iyon ay tinitira na pala ako patalikod! Habang busy ako sa kompanya ay nakikipagtalik sa kambal ko! Mga hayop sila hindi lang isang beses kung hindi tatlong beses nila akong niloko! Kung hindi ko lang siya mahal hindi ko naman aakuin ang mga bastardo niyang anak!"

Halos manginig ako sa takot sa bawat mga salitang binibitawan nito. Puno ng hinanakit at galit ang bawat pagsambit niya sa mga ito.

"Kaya saabihin mo! Bakit ko hahayaang sumaya ang mga bastardong iniwan niya, ha?!" Tumilapon ang upuang kinauupuan nito kanina matapos niya itong sipain.

Napaigik ako ng pwersahan niyang hiklatin ang buhok ko, "Tingnan natin kung buhay ka pa niyang dadatnan dito, kung hindi kita napatay noong araw na iyon sisiguraduhin kong ngayon ang mga huli mong araw sa mundo," pagkatapos niya itong sabihin ay sinenyasan niya ang mga tauhan nito.

Hindi ako nakapalag ng tuhurin ng isa sa mga ito ang sikmura ko at halos sumuka na ako ng dugo sa sobrang lakas nito. Hindi pa ang mga ito nakuntento at ilang beses pa nila itong inulit hanggang sa panawan ako ng ulirat.

Third POV

Sa kabilang banda ay masayang bumaba ng sasakyan si Thok sa pagaakalang may asawang sasalubong sa kaniya subalit nabalot siya ng pagtataka ng makitang bukas ang gate ng kanilaang bahay at tanging tsinelas na lamang ni Garette ang siyang makikita sa harap ng kanilang gate.

Napuno ng kaba si Thok at sinubukang alisin ang anumang hindi magandang ideya na pumapasok sa kaniyang isipan. Mabilis siyang pumasok sa bahay at halos nahalughog na niya ang bawat sulok ng nito ngunit walang bakas ng kaniyang asawa.

Kaagad niyang tinawagan si Nico at nagbabakasakaling naaroon ang asawa.

"Oh Thok? Napatawag ka?"

"Nandiyan ba si Garette?" Thok said while calming himself.

"Ha? Hindi ba nasa inyo?" ng marinig ang sagot ng kaibigan ay parang naupos na kandila si Thok sa kaniyang kinauupuan.

"Nico tangina nawawala si Garette!"

Hindi na alam ni Thok ang gagawin sa mga oras na iyon, muling bumalik sa mga ala-ala niya kung gaano siya binalot ng takot ng malaman niya ang nangyari sa asawa at sa dapat ay magiging anak nila. Muli ang paninisi sa sarili ay nilamon na naman siya.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay kumakaripas na pumasok ng bahay si Nico halos paliparin niya kanina ang sasakyan ng malaman iyon.

Malakas na binatukan ni Nico ang kaibigan ng makita ito halos tulala sa kinauupuan at naglalandas ang mga luha sa mga mata. Ganitong-ganito ito ng mangyari ang aksidente.

"Tarantado ka mamaya mo na sisihin ang sarili mo hanapin muna natin ang kapatid ko!"

Nagising naman sa wisyo si Thok at naghihinang napatingin sa kaibigan, "Anong gagawin ko Nico?"

"Bobo! Hindi ba may CCTV itong bahay mo chineck mo na ba? Minsan hindi ko alam paano ka naging Lieutenant eh!"

Oo nga ano?

Inis na napahilamos si Nico ng hindi pa rin tumatayo sa kinauupuan niya si Thok, sa gigil niya ay kinuwelyuhan niya ito at pwersaha g hinila patungong CCTV room, wala na siyang pakialaam kung masaktan man ito.

"Ayusin mo 'yang sarili mo ha? Baka sa galit ko eh masapak kitang tarntado ka! Hindi ito ang tamang oras para mag self pity kaang hayop ka iligtas mo muna ang kapatid ko!"

Wala sa wisyong binuksan ni Thok ang monitor at hinanap ang video sa labas ng kanilang bahay. Halos masuntok ni Thok ang monitor ng makita kung paano nanlaban ang asawa ngunit wala itong nagawa sa dami ng mga nakapalibot dito.

Nang makita ang plate number ng sasakyan ay walang atubiling tinawagan ni Thok ang kaniyang mga koneksyon sa militar at pulisya upang humingi ng tulong at ipa-tract ang plate number ng sasakyan. Ilang minuto lamang ang kanilang hinintay ng malaman ang lokasyon ng mga ito.

Hintayin mo ako vida, ililigtas kita at papatayin ko ang kung sino mang nasa likod nito!


####
Hindi ko pa po alam when ko mai-upload 'yong last chapter and epilouge nito. Ilang araw na po talagang masakit ang ipin ko at hindi talaga ako makapag-focus😭💔🦷

Hope you enjoy this story! Comment what you think on this one and don't forget to vote🥰







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top