CHAPTER 5
Ayaw kong mag-assume, hindi ako assumera pero what if siya nga? Pero bakit naman angry emoji ang comment niya? Ano 'yon nagseselos ba siya dahil may batang nanliligaw sa akin?
Ano ba 'yan! Gusto ko lang naman mag facebook eh. Binalikan ko muli ang comment niya pero hindi ko na makita, baka prank lang. Hay nako heart, assumera ka talaga.
Lulugo-lugo ko na lamang na pinatay ang cellphone ko at daig pa zombie na pumasok sa kwarto. Nakakapagod ang araw na ito. Gusto ko na lang magpahinga. Napakadaming mga pangyayari ang nangyari sa mga lumipas na araw at hindi ko alam kung paano ko ito ia-absorbed lahat.
Minsan nakakapagod na lang, pakiramdam ko talaga napakaraming kulang sa buhay ko ngayon.
Pagkahigang-pagkahiga sa kama ay mabilis akong dinalaw ng antok.
"How was my vida's day?" a man with a blurry face asked while looking at me? Bakit kamukha ko siya?
"It was good! Pinasyal ako ni kuya sa mall kanina with mom and namili na sila ng mga baby clothes kahit hindi pa naman alam ang gender ni baby," nakasimangot na wika ng babaeng kamukha ko. Kahit ang ekspresyon nito sa mukha ay kamukhang-kamukha ko din.
The man behind her just chuckled and pinch the woman's cheeks.
"They're just excited." The man lift up the woman and carry it in a bridal style causing it to shrieked and let out a heartfelt giggle.
"I can't wait to know our baby's gender Th-."
Before I can hear what's the mans name a hoarse voice wake me up.
"Good morning my vida," I stirred from my sleep when a soft yet cold thing touch my cheek, I immediately rose from my sleep to see who was that but just see nothing. Ewan ko kung guni-guni ko lang ba ang boses na iyon. Nakakabaliw na talaga!
A sighed escaped from me, bahagya rin akong napasigaw sa frustration. Bakit ba always akong nananaginip ng mga ganoong bagay? Why does the girl looks like me? Why does I can't see the man's face? Simula ng magising ako mula sa coma pakiramdam ko ang daming kulang sa akin, pakiramdam ko parang may nakalimutan akong mahalaga sa akin. Napakadaming tanong ang araw-araw na nabubuo sa akin ngunit ni isa ay hindi ko mahanapan ng sagot.
Napasabunot na lamang ako sa aking buhok, sa halip na isipin ang lahat at pasakitin ang ulo ko ay naghilamos na lamang ako at nag-toothbrush, maaga pa ang pasok ko ngayon sa firm.
Nang buksan ko ang pinto ng aking kwarto ay napasinghap ako sa gulat, standing beside my door was the freaking priest who happened to be my bodyguard now. Suot nito ang isang puting polo shirt na hapit na hapit sa katawan nito dahilan upang bumakat ang matipuno at makisig nitong pangangatawan at isang sweatpants na kulay gray medyo hindi bagay ang tandem pero kahit ano ata ang isuot ng pari na ito babagay pa rin.
Halos masamid ako sa sariling laway ng bumaba ang mata ko sa mga mauugat nitong kamay, gosh umagang-umaga busog na agad ako! Ano kaya ang pakiramdam na humahagod ang mauugat nitong kamay sa aking kata—no stop those freaking malicious thought of yours, Garette!
Mabilis kong kinastigo ang ang aking sarili at pilit pinipigilan ang mga maruruming bagay na pumapasok sa aking isipan subalit habang sinusuyod mabuti ang lalaking tila modelo na nasa aking harapan ay hindi ko ito mapigilan.
Sino ba kasing babae ang hindi mahuhumaling sa lalaking ito? Ipinagkaloob na ata lahat ni Lord kay Klaus. Siguro no'ng nagpaulan ng kagwapuhan si Klaus lang ang gising.
Isang tikhim ang gumising sa makamundo kong pagnanasa sa kaniya, mabilis ko namang iniwas ang paningin ko sa sobrang hiya, nakita lang naman niya akong halos maglaway na katititig sa katawan niya.
Ewan ko kung namamalikmata lamang ba ako pero nakita siyang napangiti, subalit mabilis din itong nawala at napalitan ng walang emosyon ang mukha nito.
'Ang hirap talaga basahin ng isang ito.'
"Magandang umaga father slash bodyguard Klaus!" Isang tango lamang ang isinagot nito.
'Sungit, amp.'
Matapos ako sungitan ay tinalikuran ako nito dahilan para lumantad ang namimintog nitong bilugang puwet!
Susme ako nawa'y patawarin ng panginoon sa umaga kong punong-puno ng kasalanan.
Lord pasensya na po kung umagang-umaga ay pinagpapantasyahan ko na ang alagad niyo, bakit naman kasi kayo gumawa ng ganitong kagwapo at perpektong nilalang? Tapos hindi mo naman pala ibibigay sa akin!
Ngingiti-ngiti akong sumunod kay Klaus patungong kusina habang pinagmamasdan ang kaniyang likuran ay isang imahe ang siyang biglang lumitaw sa aking isipan dahilan para makaramdam ako ng bahagyang pagkirot ng aking ulo.
Ilang minuto rin ang itinagal noon at ng mawala ay ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.
Baka dahil sa pagod at pag-overthink kaya ilang araw ko ng nararamdaman ang pagkirot ng ulo ko, minsan ay para talaga siyang binibiyak sa gitna. I don't like to inform, kuya 'cause I know he will just worry about me.
Ang umaga kong iyon ay napuno ng panunudyo ni kuya dahil hindi maitatangging halatang-halata ang paninitig ko sa katawan ni Klaus ng may halong pagnanasa, pero slight lang naman! Innocent pa din ako!
Samantala kung gaano kaganda ang umaga ko sa bahay ay kabaliktaran naman iyon sa firm. Totoo pala talaga ang kasabihang kapag masaya ka, may lungkot na kasunod pero sa akin hindi siya lungkot kung hindi gigil.
"Ano na namang kapalpakaan ito Garette! Simpleng trabaho na lamang ang binigay ko sa'yo hindi mo pa magawa ng tama!" nanggagalaiting sigaw sa akin ni Mr. Jimmuel na kasalukuyan naming manager habang hawak ang mga files na pinagawa niya sa akin.
"Pasensiya na po talaga sir, hindi na po mauulit," ani ko habang pilit kinakalma ang sarili dahil alam kong ano mang oras ay puputok na rin ako sa galit na kanina ko pa pinipigilan. Kilala ako ng lahat na may maikling ang pasensiya pero sa ngayon kailangan kong pigilan ang emosyon ko sapagkat kahit saang anggulo tingnan isa pa rin si Mr. Jimmuel sa mga boss ko sa kompanya.
"Siguraduhin mo lang dahil sa oras na maulit ito sinasabi ko sa iyo Garette, tatanggalan talaga kita ng trabaho!"
Banas na banas akong lumabas ng opisina, gigil na gigil na talaga ako sa bwiset na manager na iyon akala mo naman siya ang may-ari ng firm! Ang dami na ngang inuutos na hindi naman parte ng trabaho ko tapos hindi pa nililinaw ang utos! Grrr, sarap lunurin sa ilog!
Dahil doon, sa buong oras na ginugol ko sa firm ay halos masigawan ko na ang lahat ng gustong kumausap sa akin at nagtatanong kung okay lang ako, obviously hindi ako okay! Ang iba sa kanila lalo na ang mga baguhan ang halos nagtanong sa akin kung okay lang ba ako, halos lahat naman ata ng empleyado dito lalo na 'yong mga matatagal na ay nakaranas na ng pambwibwiset mula sa devil manager na iyon, kung hindi lang talaga sa malaking sahod matagal na kaming nag-resign sa bwiset na firm na ito.
"Hayaan mo na lang si Sir, Garette. Tayo na lamang ang magpapasensiya," nakapangalumbabang wika ng kaibigan kong si Jerriet tulad ko isa din siyang accountant sa firm na ito. Siya ang pinagtanungan ko noon ng payo tungkol sa pag-pursue ko sa crush ko which is Klaus.
"Ano pa nga ba? Ang kinaiinis ko lang kasi girl utusan ba naman ako ng related sa marketing department beh, nasa finance department ako at higit sa lahat accountant ako so anong alam ko sa ginagawa ng mga marketing department?" gigil na gigil na wika ko dito na ikinangiwi nito.
"Girl, laki ata ng galit sa'yo ni Sir, jusko ikaw lang ata ang pinagawa niya ng ganiyan and hopefully hindi mangyari sa amin." Napailing na lamang ako sa sinambit niya hindi ko alam kung anong nagawa ko at ang laki ata ng galit sa akin ng manager namin na iyon siguro dahil na din sa matandang binata kaya araw-araw nireregla.
Buong maghapon ay nakasimangot ako at ayon ang inabutan ni Klaus slash bodyguard ko kuno, bakas ang pagtataka sa gwapong mukha nito pero hindi ko siya pinansin at sumakay na agad sa sasakyan, mabilis naman nitong pinaandar ang sasakyan at sa buong durasyon ng biyahe ay napuno ito ng katahimikan hanggang sa umabot sa bahay ay hindi ko talaga siya kinikibo.
Kahit si kuya hindi ko nagawang kibuin dahil sa inis ko at ayaw ko naman sila ang mabugahan at mapagbuntunan ko ng inis kaya mas mabuti ng palamigin ko muna ang ulo ko bago ko sila kausapin.
Nang makapasok sa kwarto ay basta ko na lamang hinagis ang bag ko sa gilid at walang kaabog-abog na humilata sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko para mag-open ng facebook para sana malibang ako at kahit papaano mabawasan ang init ng ulo ko ngunit isa iyong pagkakamali sapagkat bumungad sa akin ang my day ng walanghiyang pari na may ka-holding hands at may nakalagay pang 'my vida' sa litrato.
"Aba't tingnan mo ang pari na ito, alagad pa man di ng diyos tapos lumalandi na ngayon!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top