Warning, multi pov's ahead
My jaw dropped at Kuya Nico’s announcement. Confusion painted my face as he spoke. How the hell could Klaus possibly be my bodyguard? As far as I knew, he was a freaking priest! And not just any priest—a very sacred one!
"Paanong magiging bodyguard, Kuya? Pari siya, 'di ba? Alam ko namang kasalanan na sa Diyos ang pag-ibig ko sa kaniya, pero 'wag mo namang dagdagan, kuya! Baka madungisan ang banal niyang kamay, edi mas lalong hindi na ako tanggapin sa langit! Baka i-deretso na talaga ako ni Lord sa impyerno!" Halos hindi na ako huminga sa kakadaldal habang palakad-lakad na parang tanga sa harapan nila.
"Ang OA mo naman, Rette. Patapusin mo muna kasi ako, diba? Pwede naman, diba?" Puno ng inis na sagot ni Kuya, kaya napilitan akong kumilos na parang isinara ang bibig ko gamit ang isang invisible na siper.
Isang irap pa muna ang iniwan niya sa akin bago niya binalikan si Klaus, na hanggang ngayon ay tulala pa rin sa akin. Isang pilyong ideya ang biglang pumasok sa isip ko.
Nang makitang tumalikod si Kuya Nico papunta sa kusina, isang pangmalakasang kindat ang iginawad ko kay Klaus. Sinabayan ko pa ng sayaw ng “It Really Hurts” habang todo kembot. Todo bigay! Para mas feel ni Father ang pagka-miss ko sa kaniya.
Gusto kong maglupasay sa kilig nang makita kong halos hindi gumagalaw si Klaus sa kinatatayuan niya. Bahagyang nakaawang ang bibig niya, at—oh my gosh—namula ang pisngi niya!
Nang marinig ko ang papalapit na yabag ni Kuya, dali-dali kong binigyan si Father Klaus ng isang lumilipad na halik at kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ko.
Pagkapasok ko, isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko. Diyos ko! Ngayon lang ako gumawa ng ganitong kabaliwan sa buong buhay ko! Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin, pero hindi ko 'to pinagsisisihan.
SA KABILANG BANDA, mahina na lang napailing si Nico habang pinapanood ang kapatid niyang parang baliw na umiindak sa harap ng tila napako sa lupa na si Klaus. Nang makitang namumula itong nagtatakbo papunta sa kwarto nito, napatango-tango na lang siya.
‘What a bipolar woman.’
Sinenyasan niya si Klaus na umupo. Alam niyang hindi pa tapos ang usapan nila.
"Alam kong hindi na bago sa’yo ang pagbabantay kay Rette. Dati mo na siyang binantayan, hindi ba?" Mahinahon ngunit matigas ang tono ni Nico. "Alam kong nakakulong na ang hayop na Francis na 'yon, pero hindi pa rin ako mapakali. We both know this is just a warning."
Sa simpleng pagbanggit ng pangalan ni Francis, nagdilim ang mga mata ni Klaus. Ramdam niya ang naninigas niyang katawan, ngunit pinilit niyang pigilan ang nararamdaman.
"I know. At tinatanggap ko na ang alok mo. Who am I to say no? Ikaw sa lahat ang nakakaalam kung gaano ako kasabik makasama ang kapatid mo." Napalunok siya habang bumabalik ang masasakit na alaala ng nakaraan. "I also know na ako ang may kasalanan kung bakit pati kayo nadamay."
"You know I cannot blame you for that." Bumuntong-hininga si Nico. "Simula ng pinili at ipinaglaban ka ni Rette sa parents namin, matagal ko nang tinanggap kung sino ka talaga. Ang magagawa na lang natin ay protektahan siya at siguraduhing ligtas siya."
Napakuyom ng kamao si Klaus pero tumango. "You're right. I have to protect her, or else I’ll go insane again."
SAMANTALA, mahimbing na natutulog si Garette nang maramdaman niyang may nakatitig sa kaniya. Nang imulat niya ang mata niya, wala namang tao.
"Imagination ko lang siguro."
Napatingin siya sa orasan.
"Mid-day na?"
Ganoon siya kahaba natulog?!
Kumakalam na rin ang sikmura niya kaya bumaba siya para kumuha ng pagkain. Madilim na ang paligid pero hindi niya iyon ininda. Habang kumakain, sinubukan niyang mag-scroll sa Facebook, at biglang may sunod-sunod na messages na dumating.
From: Hantiel
Hi po, ateng beautiful! Natatandaan niyo pa po ako?
Ako po 'yong bata sa may park na niligtas niyo po. 🤗
Ate, ang ganda niyo po talaga! Pwede po manligaw?
Napahalakhak siya sa huling mensahe.
Si Hantiel ay isang batang natulungan niya sa park noong isang linggo. Nawawala daw siya at hindi niya makita ang yaya niya, kaya sinamahan niya ito hanggang sa matagpuan ang kasamang matanda. Cute at gwapong bata si Hantiel. Gustong-gusto niya ang mga mata nito—dahil kahawig ng kay Klaus.
To: Hantiel
Hi, baby! It's nice to talk to you again. You're too young for ate, so ligawan mo na lang ako pag big ka na, okay?
From: Hantiel
Okay 😭
To: Hantiel
Oh, baby, don’t be sad! Ate will wait for you to grow up.
Nagpatuloy ang usapan nila hanggang alas nuwebe ng gabi, hanggang sa pinatulog niya ito dahil hindi maganda sa bata ang pagpupuyat.
Pagkatapos, nagbukas siya ng Facebook para i-post ang nangyari sa kanya ngayong araw.
Facebook post:
"Iba talaga ang alindog ng isang Garette Lupeca. Pati 10 years old nahuhulog eh! Gusto ba naman akong ligawan! 😆"
Wala pang isang minuto, dagsa na agad ang reactions at comments.
Nicolupeca: Baka bulag siya, sis. Sa pangit mo na ‘yan. 🤣
Napairap si Garette at agad na in-angry react ang comment ng kuya niya.
Napapangiti siya sa bawat komento at papuri, pero may isang comment na agad nakakuha ng atensyon niya.
Madues Lausk: 😡😡
Natigilan siya. Sino ‘to? Bakit parang galit siya? At... bakit parang pamilyar ang pangalan niya?
☆▽☆
As I promise on my fb account I posted 2 chapters. Siguro matagal na naman akong makakapag-update so please bare with me alam niyo naman students ang daming gawain lalo na kapag senior high and alaam niyo ring tamad akong tao ahaha.
Let's be connected para sa mga dapat abangan sa aking writing and update joirney!
Fb: Rica Samantha Medina
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top