CHAPTER 3
⚠️️Warning: Violence ahead⚠️
*****
Garette's POV
"Father Klaus!"
Mabilis akong napadilat ng marinig ang nakakapangilabot na tawang iyon. Halos mapaupo ako sa lupa sa sobrang pangangatog ng mga binti ko dahil sa lalaking ngayon ay marahas at mahigpit akong taban sa aking mga braso habang nakaukit sa mukha nito ang isang nakapangingilabot na ngiti.
"Father Klaus, ha? Sino 'yon? Bago mong lalaki?!" mas lalong humigpit ang taban nito sa aking braso dahilan para mapadaing ako at hindi ko agad siya nasagot.
Halos mabali ang leeg ko ng makatanggap ako ng malakas na sampal mula sa kaniya. Ramdam ko ang hapdi ng kanang pisngi ko.
"Sagot!"
"Ano ba, b-bitiwan mo ako! Ano b-bang paki-alam mo kung lalaki ko siya, ha! Sino ka ba sa akala mo?!" bagama't may takot subalit hindi ko 'yon ininda at pilit na kinakalas ang hawak niya, subalit mabilis niya akong sinikmuraan dahilan upang tuluyan akong mapaupo sa sakit at panghihina.
"Tandaan mo Margarette, akin ka lang!" madiing bulong niya sa akin at itinutok ang hawak nitong kutsilyo sa leeg ko, ramdam ko ang bahagyang pagdiin noon sa aking leeg dahilan upang mapa-igik ako sa sakit.
Nakahinga ako ng maluwag ng ilayo nito ang hawak na kutsilyo sa aking leeg ngunit halos mangilabot ako ng dilaan nito ang kaunting dugo na sumama sa kutsilyo.
Akmang sasabunutan pa niya ako ng duraan ko siya ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na napigilan ito ng lalaking puro itim ang kasuotan dahilan upang mabitawan nito ang kutsilyong hawak na dagli kong kinuha at sinipa palayo ng mawala sa akin ang paningin nito.
"Hinayupak! Sino kang hangal ka? Nangingialam ka sa away namin ng girlfriend ko, ha?!" walang pakundangang inundayan ng suntok ni Francis ang lalaki ngunit parang wala lamang itong iniwasan ng lalaki. Tila ba nakikipagralo lamang ang lalaki sa isang bata.
Paulit-ulit na ganoon ang nangyari kaya mas lalong nainis si Francis. Naglabas na rin siya ng isang patalim na ikinakaba ko, ang akala ko ay nailayo ko na ang kutsilyo ngunit mukhang may nakatago pa si Francis na patalim na siyang hawak niya ngayon.
Akmang aawat na ako ng sa isang iglap ay nasa kamay na ng lalaki ang patalim na kanina lamang ay hawak ni Francis.
Sa isang kisapmata, namalayan ko na lamang na nakahandusay na si Francis at duguan ang mukha nito, sarado na rin ang mata nito. Sino mang makakikita ay iisiping patay na siya ngunit sa pagtaas at pagbaba ng dibdib nito ay alam kong buhay pa siya.
Nang lingunin ko ang lalaki ay tanging papalayong bulto na lamang nito ang natanaw ko. Mabilis ko itong hinabol, may iniinda man subalit hindi ito naging hadlang para hindi ko siya maabutan.
"Sandali!" walang pagdadalawang isip kong hinatak ang kamay niya dahilan upang mapaharap siya sa akin. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng masilayan ang bughaw nitong mga mata, na ngayon ay tila mga bituing nagniningning sa kalangitan dahil sa pagdapo ng kaunting sinag ng buwang nakasilip sa madilim na kalangitan.
"Father Klaus . . ." ng akmang tatalikod na naman ito ay mabilis ko siyang pinaharap sa akin.
"Is that really you, Father Klaus?" hindi ko magawang maialis ang paningin ko sa mga mata nitong mala-agilang nakamasid sa akin, habang ako ay nanginginig na naka-hawak sa mga braso nito.
Sa halip na sagutin ay tiningnan lamang muli ako nito bago dahang-dahang inalis ang hawak ko at sa isang kisapmata ay naglahong parang bula. Naiwan ako sa madilim na kalsada na tulala.
'Hindi ako maaaring magkamali, ang amoy nito, ang tikas at galaw, pati na rin ang mga mata nito lahat ay itinuturo si Father Klaus.'
Ilang minuto akong nakatulala sa kadiliman ng daang tinahak ng lalaki kanina bago ako makabalik sa reyalidad ng tapikin ako ng isa sa mga pulis.
Sa sobrang kawala ko sa sarili ay hindi ko namalayang nagising na pala si Francis at bago pa muli akong masaktan ay nagpapasalamat akong may isang pulis na rumoronda sa aking kinaroroonan ang nakakita dahilan upang ito ay mahuli.
Nakarating ako ng bahay na nababalot pa rin ng takot ang buo kong pagkatao. Matapos hingan ng panayam ng pulis ay inihatid nila ako pauwi na ipinagpasalamat ko. Dahil sa nangyari ay pakiramdam ko ay nagkaroon na ako ng trauma sa mga madidilim na lugar.
Nag-aalalang si Kuya Nico ang sumalubong sa akin sa entrada ng bahay, dahilan upang maglabasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas.
"Jesus! What happened to you? How are you? Did you get hurt?" sunod-sunod na tanong ni kuya habang ini-inspeksiyon ang kabuuan ko. Maliit na lamang akong napangiti at niyakap siya. Ramdam ko ang paga-alala nito.
"I'm okay, kuya. Someone helped me. What happened? Why are you here? Hindi ba may business trip kayo?" mahinang wika ko na ikinakalma nito.
Luckily, the meeting was canceled. Hindi ko na nasabi sa'yo dahil kadarating ko lang din, and a police officer happened to call me. I'm so worried, did you know that? Listen simula ngayon hindi ka na pwedeng lumabas ng bahay ng walang kasama, naiintindihan mo?"
Hindi ko na lamang tinutulan si kuya dahil para na rin sa ikakapanatag nito. Ayoko man subalit alam kong hindi imposibleng hindi ako balikan ni Francis.
Isa si Francis sa katrabaho ko sa dating kompanyang pinagtratrabahuhan ko, umpisa pa lang ay ramdam ko na ang mga malalagkit nito titig sa akin, sa tuwing makikita ako nitong may kasamang lalaki ay nagugulat na lamang ako sa tuwing pagalit niya akong hahaltakin mula sa kausap kong lalaki at bigla na lamang itong susuntukin. Dahil doon ay napilitan akong lumipat ng kompanya akala ko ay matiwasay na ulit akong mamumuhay subalit hindi ko inaasahang magpaparamdam na naman siyang muli.
Nang gabing iyon ay halos hindi ako makatulog kakaisip sa kung sino ang lalaking tumulong sa akin, gusto ko mang paniwalang si Father Klaus iyon subalit paanong mapupunta naman siya doon hindi ba?
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising, pagbaba palamang ng hagdan ay dinig ko na ang tawanan. Puno ng pagtataka ko itong pinuntahan at nakita si Kuya Nico na masayang nakikipagtawanan sa isang lalaki. Inaninag ko itong mabuti at halos mapako ako sa aking kinatatayuan ng bigla itong humarap.
"Oh, gising ka na pala, napag isip-isip kong mas makakabuti kung ihahanap na lamang kita ng bodyguard. Garette I want you to meet your new bodyguard."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top