Prologue

Author POV

Kasalukuyang umiiyak si Sam habang pinipilit nyang pumasok sa kwarto nila ng kanyang kasintahan.

Tyler: Sam! Sandali nga! Ano bang problema mo? May pawalkout walkout ka pang nalalaman kanina! My God! Nakakahiya! Hindi mo ba alam na sobrang daming taong nakatingin sa atin kanina! Ano na naman ang drama mo ngayon?

Sam: Wala!

Padabog na sagot ni Sam at saka ibinato ang dala nitong bag sa kanilang kama!

Tyler: Anong wala! Umiiyak ka nga eh! Ano yan? Magdadahilan ka na naman! Sasabihin mo na naman napuwing ka lang! Wag mo akong gawin tanga, Sam! Hindi ako pinanganak kahapon!

Lalong nairita si Sam ng marinig ang sinabi ni Tyler sa kanya! He aggressively face Tyler!

Sam: Hindi mo ba talaga naiintindihan kung bakit ako umiiyak? Yan ang hirap sayo ehh ang manhid mo! Ang manhid manhid mo!

Hindi makapaniwala si Tyler sa mga naririnig nya galing kay Sam! Hindi nya maintidihan kung bakit ito nagkakaganito, wala naman syang alam na nagawa nyang masama.

Tyler: Hindi ako manhid Sam! Ikaw ang mahirap kausap dito! Ano bang akala mo sa akin manghuhula? May kapangyarihan ba ako para makabasa ng iniisip ng ibang tao? Magisip at manghula ng iniisip mo? Subukan mo rin kayang magsabi sa akin para malaman ko!

Pagalit at naiiritang sagot din ni Tyler. Hindi na rin napigilan ni Sam ang sarili at tuluyan nyang nasabi sa kasintahan ang kanyang tunay na nararamdaman.

Sam: Akala ko kasi magpropropose ka na sakin!

Tyler: Ano?

Sam: Wag kang nang magmaang maangan sa akin dahil ikaw mismo ang nagsabi na pagdinala mo ako sa isang romantic restaurant, magpropropose ka! At ako naman itong si tanga! Paniwalang paniwala sa mga pangako mo at umasa na ngayon yung gabi na yun! May mga lines ka pa na eto yung magiging pinaka masayang gabi ng buhay ko! Tapos malaman laman ko! Hikaw lang naman pala yung laman nung kahon! Hikaw! Paasa ka talaga kahit kelan!

Tyler: At bakit? hindi ko naman sinabi na umasa ka diba!

Halata na yung frustration at pagirita sa boses ni Tyler. He couldn't believe that this night would be this way.

He thought everything would be perfect, but it turns out as another disaster.

Sam: Wala ka ngang sinabi pero pinaramdam mo sa akin na may dapat ako asahan sayo!

Tyler: Sam! Ikaw ang nagexpect ng bagay na yan dahil kung ako? Wala pa akong plano magpakasal! Alam mo yan di ba! I always told you that! Mga bata pa tayo for God's Sake! I want to enjoy my life with you! Jusko naman oh! Magaaway na naman ba tayong dalawa? Kakaayos lang natin nung isang araw tapos ganito na naman! Andito na naman tayo sa sitwasyon na ganito! Aawayin mo ko sa isang bagay na hindi ko naman sinabi na gagawin ko?

Sam: So ako pa may kasalanan huh? Ako pa? Baka pwede namang tingnan mo din yung sarili mo!

Galit na sabi ni Sam at saka ito umiwas ng tingin sa kasintahan.

Ring! Ring! Ring! Ring!

Biglang nagring yung telepono ni Tyler, na dahilan para mainterrupt yung pagaaway nilang dalawa ni Sam...

Umatras si Tyler upang sagutin yung telepono...

Sam rolled his eyes kasi hindi sya makapaniwala na sa oras na ganitong nagaaway sila ay magagawa pa ni Tyler na sagutin yung telephone nya.

Cris Calling!

Tyler: Hello? Pre! Ano yun! Sige sama ko!

Sobrang lalong nagalit si Sam ng maintindihan ang kung ano man ang pinaguusapan ni Tyler at kanyang kaibigan...

Nagsimulang magwala si Sam sa buong silid. Ang mas lalong ikinagalit ni Tyler ay ng biglang hatakin ni Sam ang telepono nito mula sa kanya at ihagis ito sa dingding na naging sanhi upang ito ay tuluyang masira.

Tyler: Ano ba, Sam? Bakit mo ginawa yun!?

Pagalit na sigaw ni Tyler

Sam: Nagaaway na nga tayo! Puro kaibigan mo pa rin yung aatupagin mo? Sige nga Tyler! May lugar pa ba ko sa buhay mo ahh! Gusto mo ba kong pakasalan kasi kung ayaw mo at kung hindi mo ako priority sabihin mo lang sa akin para tapusin na natin ito!

Medyo natawa ng bahagya si Tyler ng marinig ang sinabi ni Sam...

Parang hindi sya makapaniwala sa mga sinasabi ng kanyang nobyo...

Tyler: Huh! Ako? Walang oras sayo? Nagpapatawa ka ba? Baka nakakalimutan mo na nasa iisang condo unit lang tayo nakatira! Umaga hanggang gabi, magkasama tayo tapos sasabihin mo na wala akong oras sayo? Na pati mga kaibigan ko pinagseselosan mo? You're unbelievable!

Sam: Unbelievable? Ako? Pwes ikaw manhid ka!

Tyler: Hindi ako manhid! Sadyang hindi ka lang marunong magsabi ng nararamdaman mo! Anong gusto mong gawin ko! Parating ikaw nalang iintindihin ko? Paano naman yung mga gusto kong gawin sa buhay ko?

Sam: Oo! Dapat ako lang ang pakinggan mo! Dahil boyfriend mo ko! Akin lang dapat yung buong atensyon mo! Lahat ng sasabihin ko susundin mo dahil lahat ng iyon makakabuti para sayo!

Tyler: Mali ka, Sam! Mali yan! Hindi mo ko Robot na susunod lang sa lahat ng mga instruction at sasabihin mo! Hindi ako magpapaunder sayo dahil sa relasyong ito ako dapat ang nasusunod! Ako ang dapat pakinggan mo! Hindi ikaw!

Sam: Oh tapos? Ako naman ang magmumukhang kawawa? Tanga? Martir? Hoy! Maraming babae at baklang tulad ko na ganon dito sa mundo at ayokong maging kagaya nila! Kung hindi mo ko kayang tanggapin! Pwes!

Hindi pinatapos ni Tyler si Sam!

Tyler: Pwes ano? Pwes ano ha? Hihiwalayan mo ako? Fine! Ano bang akala mo hahabulin kita? Hindi! Bahala ka sa buhay mo! Alam mo? Pagod na pagod na ako sayo! Pagod na pagod na ako sa pagiging selosa, nagger, paranoid, demanding, , OA at mapride mo!

Sam: At anong akala mo rin? Magmamakaawa ako sayo na balikan mo ako? Luluhod sa harap mo? Manigas ka! Mas pagod na ako sa pagiging childish, paasa, manhid at insensitive na katulad mo! Excuse me rin, Tyler! Ikaw ang mapride hindi ako!

Tyler: Fine! Break na kung break!

Sam: Oo, break na tayo! Wag na wag ka nang magpapakita sakin kahit kelan!

With that! Tinalikuran na ni Tyler si Sam! Tuluyan syang lumabas ng kanilang kwarto at itinuturing na tahanan!

To be continued

A/N

Just want to re-publish it. Making some changes 🙂

Sam


Tyler

waanjaimjora

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top