Kabanata 29
AUTHOR POV
Ilang buwan pa ang tumagal ay tuluyan ng nagkalabuan si Sam at si Clyde, hindi pa sila naghihiwalay pero sobrang dalang nalang nilang magkita. Hindi narin pumapasok si Clyde sa restaurant nila ni Sam, nakikibalita nalang sya pero wala at ganoon nalang talaga. Masakit para kay Sam pero pakiramdam nya, mas okay narin siguro yun para hindi na sila magkasakitan pa.
Allison: So kamusta na kayo ni jowa mo? Nagpakita naman na ba sayo?
Sam shakes his head, nanlaki tuloy yung mata ni Allison dahil dito.
Allison: What? Hindi na nagpapakita sayo ang damuhong na iyon? Ano yun? Ghosting? Siraulo pala sya eh.
Sam: Hayaan mo na sya, Sam! Siguro nga mas okay na din yun! Sa tuwing magkikita kasi kami, parati nalang kaming nagaaway. Hindi ko alam pero parang hindi na nagugustuhan ni Clyde yung tunay na ako. Napapagod narin naman akong magpanggap na okay ako sa mga bagay bagay kahit na sa totoo ay hindi.
Allison: So ano na kayo ngayon? Break na ba kayo?
Sam: Hindi ko din alam! Basta ang tangi ko lang alam ay pagod na akong ipagsisiksikan yung sarili ko sa mga taong hindi naman ako tanggap.
Allison: How about Tyler?
Medyo nagulat si Sam nang mabanggit ni Allison si Tyler.
Sam: Bakit napasok dito si Tyler? Wala syang kinalalaman dito noh! May sarili na syang buhay at karelasyon.
He acted he doesn't care even though inside of him, he really do feel affected by his ex-boyfriend.
Allison: Oo nga pero sa nakikita ko at sa mga narinig ko na sinabi mo nung nakaraan? Parang malalim parin yung nararamdaman mo para kay Tyler.
Sam: What? Hindi noh? Baka sya!
Sam stand from his seat and was about to walk away, but Allison pulled him back and made him face hee.
Allison: Parang hindi eh, feeling ko hindi parin nakakalimot sa nakaraan nyo si Tyler, I'm not really sure ah kasi hindi naman kami ganoon ka close ng ex-boyfriend mo, which is actually ang weird lang kasi may girlfriend na sya and di ba dapat nakamove on na sya? Pero bakit sa observation ko nung huli tayong magkita kita parang hindi pa.
Sam: Aba malay ko ba sa nararamdaman nya at wala akong paki alam dun noh! Tsaka bakit pa! Nakita ko naman kasi kung paano sila umasta ng girlfriend nya. Para talaga silang seryoso sa isa't isa! Napaka sweet nga nila eh! Mukha silang seryoso talaga noh?
Allison: Mhhhh tingin ko Oo! Ganun na ganun din kasi kayo ni Tyler noon at alam naman natin na seryoso sya talaga sayo. Kahit na ayaw kayo ng away! Wait? Bakit mo tinatanong?
Sam: Wala lang! Pwera kasi sa muntik na naming pagsasagutan ni Tyler, tingin ko sobrang okay si Tyler dun sa bago nya! Mukha kasing mabait at saka hindi katulad ko, lagi lang syang nakaoo kay Tyler. Biruin mo di ba dun sa party, inom lang ng inom si Tyler pero parang wala lang dun kay girl. Kung ako yun naka baka nasita ko na si Tyler kasi ayoko ng ganun sya. Mukha nakahanap si Tyler ng babaeng susuporta sa lahat ng gusto nya. I'm happy for him!
Allison: Talaga ba? Masaya ka na ba talaga, kahit na may nahanap ng iba si Tyler?
Sam: Oo naman, bakit naman hindi ako magiging masaya. Mukha naman okay yung bago nya!
Allison: Siguro nga! Siguro malawak yung panguna nung girl! Alam mo ba kahit na nangyari yung incident sa pagitan ninyo ni Tyler, hindi ko nakitang nagaway sila. Para ngang wala lang sa kanya eh.
Sam: Talaga ba?
Allison: Oo, nakikita ko parin sipang naglalambingan after that incident. Siguro malaki ang tiwala nya kay Tyler kaya ganun nalang sya kung umasta sa kabila ng lahat ng narinig at nakita nya. I salute her for that! Alam mo sa totoo lang bes! Don't get me wrong ah! Pero I think yan yung nagustuhan ni Tyler sa babaeng yun kaya agad agad ka nyang napalitan.
Sam: What do you mean by that?
Allison: What I mean is hindi naman masama na paminsan minsan magbigay tayo sa mga taong karelasyon natin. Let them! Hindi yung gusto lang natin yung nasusunod, kahit na alam natin na tayo ang tama kasi minsan, yes para satin tama tayo pero how about them. Minsan matinding tiwala lang yung kailangan na alam din ng partner natin yung tama para sa kanila. Hindi yung lagi tayong nakaimpose kasi minsan. Natatapakan na natin yung ego nila!
Sam seemed to understand kung ano yung gustonf ipahiwatig ni Allison sa mga sinasabi nya.
Sam: Yun ba yung pagkakamali ko kaya ako laging nasasaktan sa mga taong minamahal ko? Una si Marvin, sunod si Tyler ngayon naman si Clyde. Am I really the wrong here?
Allison hold Sam's hand and looked at him sincerely.
Allison: Friend, hindi ko naman sinasabi na ikaw ang mali sa lahat ng nangyari pero sa totoo lang, may part ka kung bakit nagkaganito ang lahat. Minsan ba na try mo naman ilagay yung sarili mo sa sapatos ng mga naging karelasyon mo? Have you really tried to understand them? Yun kasi ang nagiging dahilan ng lagi nyong pagaaway. Para kayong dalawang malaki bato na laging naguumpugan. O kaya dalawang sasakyan sa one way na daan. Ikaw papunta, sya pabalik na pero dahil nga parehas nyong gustong mauna wala sa inyong nakikinig o nagpapaubaya.
Bakas sa mukha ni Sam na labis syang naapektuhan sa mga sinasabi ng kaibigan.
Allison: Sam, pleae tell me honestly! Sa tingin mo ba hindi ko nahahalata? Simula nung nagkita kayo ni Tyler, kitang kita sayo na hanggang ngayon nasasaktan ka parin! Na nagseselos ka! kaya nga siguro madali sayo na ilet go si Clyde kasi sa totoo lang, mas nananaig sayo yung sakit na si Tyler ang nagbibigay. You are so affected with him and his girlfriend kasi hanggang ngayon may part parin sayo na gusto sya. Halata sayo friend na hindi ka pa nakakaget over sa kanya. Minsan okay din na tinatanggap natin yung mga bagay bagay para mas maliwanagan tayo.
Sam: Hindi totoo yan, Allison! Nakaget over na ako sa kanya! Masakit lang talaga yung mga narinig ko sa kanya nung nakaraan.
Allison: Alam mo, Sam? Sa ginagawa mo? Sarili mo lang yung niloloko mo! Sarili mo lang yung ginagawa mo ng kwento para maniwala ka sa kasinungalingan na ginagawa ng utak mo kahit na yung puso mo iba naman yung sinasabi! Plinaplastic mo lang yung sarili mo! Ako na nagsasabi sayo, Sam! Hindi ka magiging masaya sa ginagawa mo. Paulit ulit ka lang masasaktan kung hindi ka matututo.
~~~
Sam POV
Sa totoo lang? Sa paguusap naming iyon ni Allison dun ko na realize na siguro nga tama sya. Siguro nga may kasalanan din ako kung bakit naging ganito ang lahat ng relasyon na pinapasok ko. Siguro nga naging makasarili at sobrang mapride ako kaya lahat ng lalaking pinapapasok ko sa buhay at puso ko, iniiwan din ako.
Dito ko nareliaze na dapat may magbago Sinubukan kong ayusin ang sarili ko! Linawin yung kung ano ba talaga yung gusto ko kasi alam kong mali! Mali na susubukan ko uling ayusin yung sarili ko pero may isang chapter ako na lalagpasan o hindi tatapusin. Ginawa ko na ito noon nung naghiwalay kami ni Tyler. Kaya siguro naging ganito ang kinalabasan.
Sawi din ako at muling nasaktan!
Ilang araw ang lumjpas, nilakasan ko yung loob ko at tinawagan ko si Clyde. Nung una ay ayaw pa nya akong makausap pero hindi ko sya tinigilan. I really need to talk to him, buti nalang in the end ay pinagbigyan din nya ako. Alam kong lubos ko syang nasaktan sa mga inasta ko. I owe him an explanation!
Nakipagkita ako kay Clyde sa isang restaurant na malapit sa condo nya. Pinili ko na dito kahit na sobrang malayo ito sakin para lang masigurado na wala na syang maidadahilan para hindi makipagkita.
Sobrang kinakabahan ako sa pagkikita namin na ito, I don't know what going to happen, but I know I really need to fix things between us. Maybe not fix, pero yung maging malinaw samin parehas, I think okay na iyon.
I'm already here at our meeting place for over an hour, hindi ko alam kung sinasadya ba nya kasi hindi ugali ni Clyde and nalalate.
Nung dumating sya, agad ko syang kinawayan para makita nya ako agad. I tried to act normal, kahit na sobra yung kaba ko ngayon. Kitang kita ko din kasi sa mukha ni Clyde na hindi nya gusto na makipagkita pa sakin.
He looked at me with those cold and staright looking eyes.
Clyde: Can we please make this fast! I don't have time to deal with this right now! Kung magpapaligoy ligoy ka lang din naman, please wag nalang!
Sam: I'm sorry!
Ito lang yung lumabas sa bibig ko sa dami kong gustong sabihin sa kanya. Sobrang dami pero alam kong ito talagang kailangan nya na marinig from me. Halata kay Clyde yung gulat kasi hindi nya siguro inaasahan na magsosory ako.
Sam: Una sa lahat, Clyde! I'm sorry! I'm sorry for hurting you and making you feel na hindi ka importante sakin kasi may mga bagay ako na inililihim sayo! It's not my intention to do that to you pero may mga bagay kasi na sobrang hirap sakin na sabihin kasi bumabalik yung lahat ng sakit na pinagdaanan ko. Yes, Clyde! You are right about everything! Hindi lang basta basta si Tyler sa buhay ko. He is my ex-boyfriend.
Hindi kumibo si Clyde, patuloy lang syang nakikinig sakin. Yung mukha nyang hindi nagulat sa sinabi ko. Siguro ay mag idea na sya kung sino ba talaga si Tyler para sa akin.
Sam: We broke up kasi may mga bagay na hindi kami pinagkakaintidihan. Naging problema nya din yung pagiging demanding at mapride ko. Lalaki sya kaya siguro hindi nya matanggap yung kagustuhan ko na ako yung nasusunod sa aming dalawa. I'm his first gay relationship kaya naging mahirap sa kanya na magadjust sa relationship natin. Palagi kaming nagaaway na humantong na nga sa paghihiwalay. Sobrang naging hindi maganda yung paghihiwalay namin kaya siguro nung nagkita kami. Yung sakit na naibigay namin sa isa't isa hanggang ngayon ay nasa sa amin parin! Sumbog kami! Ang mahirap lang is nadamay ka sa mga nangyari. Hindi ko sinasadya na madamay ko. I'm really sorry!
Ilang segundo paring hindi nagsalita si Clyde! Hanggang sa tingnan nya ko ng diretso, pero yung mga mata nya, ibang iba na sa Clyde na minamahal ako noon. Sunod sunod kong narinig mula sa taong akala ko ay totoong minahal ako, ang mga katagang kahit kailan ay hindi ko inakalang bibigkasin nya sakin.
Clyde: Tapos ka na ba? Tapos ka na ba sa mga gusto mong sabihin? Alam mo? Sa totoo lang wala na akong pakialam talaga sa mga sasabihin mo eh! Narealize ko kasi na hindi ikaw yung taong nararapat sakin! The past weeks na magkasama tayo, narealize ko na hindi ko kaya yung ugali mo! Alam mo naiintindihan ko kung bakit ka iniwan nung Tyler na iyon eh. Maybe I don't know the whole story, but being with you rhis past few month, naiintidihan ko sya. Hindi nya siguro kinaya yung ugali mo which is apparently me too! Hindi ko kayang tiiisin yung ganyang ugali mo? Mas okay na siguro na lumayo na din ako sayo hanggang maaga pa. Oo nga recently ko lang nadidiscover yung totoong ikaw pero para sakin sapat na yun paea masabi kong hindi kita kaya! Hinding hindi ko kakayanin na tanggapin ang isang katulad mo! Hindi ko alam kung anong nakain mo at bigla kang nagpapaliwanag sakin. Are you looking for my forgiveness? No need kasi sa tingin ko, pabor pa nga sakin na maghiwalay tayo! Ayokong makasama yung isang katulad mo! Baka mabaliw ako!
Hindi na ako nakapagsalita! Aaminin ko na sobra akong nasasaktan sa mga naririnig ko ngayon. Masakit pala masampal ng katototohanan noh? Alam ko naman na deserve ko ito! I was selfish and prideful na hindi ko alam sobra na akong nakakasakit na pala ako.
Sam: I'm sorry! I'm really sorry! I'm sorry!
Eto lang ang tangi kong nasabi habang nakayuko. I can't look at his eyes right now.
Clyde: Sige na! Itigil na natin itong kalokohan na ito! Let's just part our ways here. Let's break up, kung hindi pa malinaw sayo! Please don't contact me again! I will just ask my lawyer na asikasuhin yung shares ko sa restaurant. I don't want anything to do with you! Goodbye!
Tuluyan nang umalis si Clyde habang ako naman naiwan lang dito at umiiyak!
TO BE CONTINUED
WAANJAIMJORA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top