Kabanata 26

Author POV

After ng ilang minuto na pagiyak ay nahimasmasan na si Sam. Dito nya naalala si Clyde at kung paano ito na disappoint dahil sa inakto nya kanina. He started to fix himself at noong matapos ay tuluyan na syang lumabas ng kwarto at hinanap ang kasintahan. Hindi naman sya nahirapan hanapin ito kasi hindi naman lumayo si Clyde sa kwarto nila. Nakita nya itong nakaupo sa isang malapit na bench. 

Napangiwi lang sya kasi nakita nyang naninigarilyo na naman ito. Ang buong akala nya ay tumigil na si Clyde sa paninigarilyo pero taliwas ito sa kanyang nakikita. He hates it pero alam din nyang hindi ito ang oras para makipagaway sya dito. Lumapit kay Clyde at walang ano ano'y tumabi sya dito.

Halata naman na nagulat dito si Clyde pero hindi nalang sya nagsalita. Napatingin siya sandali kay Sam pero nang makita nyang titingin si Sam sa kanya ay nagpatuloy lang sya sa paninigarilyo. Ilang minuto silang naging tahimik bago nagdesisyon si Sam na kinailangan nya na talagang magsalita para maayos ang kung hindi pagkakaintidihan nila ni Clyde.

Sam: Babe... 

Ngunit bago pa man sya makapagsalita ng tuluyan ay nagsalita narin si Clyde.

Clyde: Ano bang nangyayari sayo, Sam? Hindi ka naman ganito ah? You are always listening to me! Open ang communication natin pero bakit parang nagiiba na ngayon. Napapansin ko after ng second monthsary natin bigla may nagbago. Parang may nagbago sayo? Nagsasalita tayo parehas sa isa't isa pero parang walang nakikinig. Wait, let me correct that! Ikaw! Parang hindi ka nakikinig sakin! Nawala yung comminication between us. Napapansin ko na lagi nalang gusto mo or ineexpect mo na lagi nalang akong nakaOO sa lahat ng sasabihin mo. Lagi ka nalang nagdedesisyon without even asking me then malalaman ko nalang huli na. Tapos you are expecting me to just say yes to you. Pakiramdam ko tuloy hindi na ikaw yung Sam na minamahal ko.

Sobrang nagulat si Sam sa mga narinig nya kay Clyde, in fact, he started to panic. Pakiramdam nya kasi any minute mauulit na naman yung mga nangyari sa mga nakaraan nyang relasyon sa kanila ni Clyde. Sam turned his body to face Clyde, as he also tried na hawakan ang kamay nito. Halata sa mukha ni Clyde ang disappointment pero hinarap parin nya ang kasintahan.

Sam: Babe, if it's about this biglaan change of plans natin, hindi ko naman talaga intensyon na ilihim sayo. I'm just so afraid kung ano yung magiging reaction mo.

Clyde: Yun nga yung pinagtataka ko eh! Kelan pa naging ganyan Sam? Kelan pa naging ganyan yung pakiramdam mo na mahihiya or matatakot ka na sabihin sakin ang mga bagay-bagay kasi natatakot ka na magalit ako. We used to talk! May nagawa ba ako para maging ganyan yung tingin mo?

Sam: Wala naman! Kasi...

Hindi maituloy yung sasabihin nya, hindi nya kasi maamin ang tunay na dahilan kung bakit natakot sya sa mgagiging reaction ni Clyde. Simula kasi nung naging sila ni Clyde ay sinimulan nyang baguhin yung sarili nya. Sinimulan nya na matututong magbigay sa mga gusto ni Clyde. He will just say yes kahit na madalas gustong gusto nyang tumanggi sa mga gusto nito. Natatakot kasi sya na magkagulo sila ni Clyde. Kakagaling palang nya kasi sa isang masakit na pakikipaghiwalay kaya he tried to avoid conflint between him and Clyde kasi natatakot sya na baka mauwi din sa paghihiwalay ang lahat. He tried to make everything perfect between him and Clyde pero hindi talaga maiiwasan na lumabas yung totoong nararamdaman nya.

Yung kagustuhan na nya na dapat syang yung nasusunod sapagkat alam nyang sya ang tama. He tried na magbigay pero minsan mas nanaig talaga yung totoong nararamdaman nya lalo na kung eto ay tungkol sa mga bagay na importante sa kanya tulad ng restaurant. Kaya yung dumating yung point na kinailangan nyang magsabi kay Clyde about sa biglaang pagbabago ng plans nila ay sobrang natakot talaga sya. Si Clyde kasi yung klase ng tao na if may napagdesisyunan na ito ay mahirap na itong mabali. Parehas na parehas sila ni Clyde, kaya minsan hindi nya alam kung saan ilulugar ang mag gusto nya. Alam nyang pagbiglaan nyang binago ang plano nilang dalawa ay magagalit si Clyde at dahil sa bago palang yung relasyon nila, sobrang natatakot pa si Sam na baka pagmulaan ito ng matinding ayaw nila pero ganun din naman ang nangyari! Nagaway din sila.

Clyde: Kasi? Tell me, Sam! Bakit ba parang hirap na hirap kang magsabi sakin! Sino ba ako sayo? Boyfriend mo ako, Sam! Hindi ako ibang tao!

Sam: Kasi babe!

Hindi talaga magawa ni Sam na magsabi kay Clyde. Hindi lang sa natatakot sya sa magiging reaction nito, kung hindi sa posibilidad na tanungin ni Clyde ang punot dulo ng takot na ito ni Sam at ayaw nyang mangyari iyon dahil na ngangahulugan lamang ito na kinakailangan nilang pagusapan ang kanyang nakaraan. 

Ang nakaraan nya with Tyler na ayaw na sana nyang balikan!

Clyde: You really aren't going to talk? 

Halata ang pagkairita at pagkainip ni Clyde sa sasabihin ni Sam. Tuluyan na itong tumayo at aaktong aalis na sana pero pinigilan sya ni Sam by hugging him from behind.

Sam: Please babe! Please don't ask me anymore! I will tell all about it if kaya ko na pero ngayon, please can we make up na! Nasasaktan ako na nagkakaganito tayo eh!

Nanatili lang nakatayo si Clyde, walang kahit na anong sagot syang ibinibigay kay Sam kaya mas lalo tuloy na hinigpitan ni Sam yung pagkakayakap nya sa boyfriend.

Sam: Please Clyde! I'm begging you! Please try to understand me! Please!

Ramdam ni Clyde yung desperation sa boses ni Sam kaya hindi nya napigilan na mapabuntong hininga nalang. Saka sinubukang tanggalin yung pagkakayakap nya kay Sam. Nung una ay akala ni Sam na tuluyan nang nagalit sa kanya si Clyde at iiwan sya nito. Sobra yung takot na nararamdaman nya. Akala nya, muli na namang nasira yung relasyon na sinusubukan nyang alagaan at patatagagin pa.

Pero yung takot na yon ay agad ding nawala nung humarap sa kanya si Clyde. He looks at him like he was reading his thoughts. Nanatili lang na nakatitig kay Sam si Clyde habang si Sam naman ay nagtatakang nakatingin din sa kanya. Sam saw how Clyde closed his eyes for a while then looks at him again.

Sam: Babe...

Clyde:  Okay! If that's what you want babe! if hindi mo pa kayang magsabi sakin then okay! But please! if you can, please tell me your reason naman babe! Boyfriend mo ako! Bukod sa family mo at kaibigan, ako dapat yung taong madali mong napagsasabihan ng mga bagay bagay tungkol sayo! Hindi dapat yung ganito na para kang kinakabahan or natatakot na magopen up! Wala namang hindi naaayos sa maayos na usapan di ba? 

Sam was alittle shocked at the same time touch hearing his boyfriend say all of this. 

Clyde: Mahal na mahal kita, Sam! Always remember that! Hindi kita minahal dahil lang sa kung anong magandang nakikita ko sayo. Minahal kita dahil mahal kita. Maganda man or pangit, mahal kita. 

Sam: Thank you, Babe!

Clyde: Walang ano man babe! Malakas ka sakin eh!

Masayang sabi ni Clyde kay Sam, hindi tuloy maiwasan ni Sam na mapangiti dahil dito. Nagtitigan pa sila ng ilang segundo bago sya hatakin ni Clyde sa bisig nya at yakapin sya ng napakahigpit. Sinukluin naman ito ni Sam!

Nanatili silang ganito hanggang sa biglang dumating si Allison para tawagin sila.

Allison: Ano ba naman kayong dalawa! Kanina ko pa kayo hinahanap eh! Andito lang pala kayo! Halika na! Magsisimula na yung party ni Josh dun sa main hall ng resort na ito! Super OP na ako dun! 

Natawa nalang sila Sam at Clyde nang marinig ang sinabi ni Allison.

Sam: Let's go?

Clyde: Yup!

Clyde encircle his arm around Sam's waist at nagsimula na silang maglakad kasama si Allison.

~~~

Tyler POV

Kakatapos ko lang magbihis ng damit, it's Mitch turn naman na magpalit sa CR nang bigla syang nagsalita.

Mitch: Ay gosh! Love! Nakalimutan ko pala yung isa kong bag sa car, andun pa naman yung sunblock ko. Hala paano ito?

Napatawa nalang ako ng bahagya ng marinig ko. Kahit kelan talaga itong girlfriend ko napakamakakalimutin talaga minsan!

Tyler: Ah ganoon ba, Love! Wait, I'll get it for you!

I said to her. Sobra tuloy laki ng ngiti nya!

 Mitch:  Talaga ba, Love?

Tyler: Oo naman, love! Parang ayun lang eh.

She started walking to me and put her arms around my neck.

Mitch: How can I be so lucky para makahanap ng napakasipag at mapagmahal na boyfriend na katulad mo!

Tyler: Hahaha itong love ko talaga, hindi mo na ako kailangan bolahin! Parang kukunin lang yun bag eh!

Mitch: I'm not joking, Love! Totoo talaga! Pakiramdam ko, sobrang swerte ko kasi nakilala kita

Tyler: Ako rin, Love! maswerte din ako kasi nakilala kita! 

I kissed her on her lips briefly, napangiti kami parehas dahil dun. Inalis na nya yung kamay nya sa leeg ko kaya naglakad na ako palabas ng kwarto para kunin yung bag nya 

As I walking bigla kong nadaanan yung parang garden part ng lugar na ito. Nasa may bandang end sya ng mga rooms dito, nasa may bandang end din kasi yung room namin kaya madadaanan ko talaga ito. Hindi ko maiwasang mabigla sa nakita ko.

Sa may bandang gilid ng garden kung saan naroon yung mga bench, naroon sila Sam at yung boyfriend nya, magkayakap! Hindi nila ako nakikita kasi yung parte kung nasaan ako ay medyo tago kung nasaan sila.

Agad agad akong napatigil sa paglalakad, hindi ko marinig kung ano yung pinaguusapan nila pero mukha silang seryoso. Malungkot yung mukha ni Sam, na naging dahilan para makaramdam ako ng something sa loob ko. 

Hindi ko gusto yung nararamdaman at naiisip ko! Hindi tama na nagkakaroon ako ng ganito! Yung pakiramdam na parang may kung anong parte sa sarili ko na gustong hatakin si Sam at ilayo sa lalaking yun. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit ganoon na lamang yung itsura nya ngayon. Bakit malungkot sya? Kasalanan ba iyo ng boyfriend nya? Alam kong mali at hindi dapat pero hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng ganito.

Bakit? Bakit ko nararamdaman ito! Mali! Maling mali! Hindi ko dapat naiisip ang mga bagay na ito dahil unang una parehas na kaming may iba ng relasyon.

Mas lalo pang sumidhi yung nararamdaman ko ng makita kong hinarap sya nung boyfriend nya tapos niyakap. Nakaramdam ako ng kirot sa kaloob looban ko. Yung bang hindi ko gusto na may yumakap sa kanya ng ganyan maliban sakin! 

Sobrang pagpigil yung ginawa ko para hindi sila lapitan pero after ng ilang segundo na hindi parin sila naghihiwalay, hindi ko na talaga napigilan. 

Magsisimula na sana akong maglakad papalapit sa kanila ng biglang may lumapit sa kanila. 

Si Allison! Nakita ko syang nagsalita kila Sam at dun sa lalaki nya. Tapos sumunod ko nalang nakita na inilagay nung lalaki yung lamay nya sa waist ni Sam. Mas lalo tuloy lumama yung nararamdaman kong kakaiba ngayon! Gustong gusto kong lumapit sa kanila pero may kung anong pumipigil sakin.

Napakuyom nalang ako ng kamay habang pinagmamasdan silang lumayo.

Why am I like this!

Fuck this!

This is so fucking wrong!

TO BE CONTINUED

A/N

The end is near na!
WAANJAIMJORA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top