Kabanata 19
Author POV
Cris: What? You and Sam are what?
Tyler: Kailangan talaga paulit ulit? I already told you! Sam and I broke up! Well, for him! Sabi nya break na daw kami.
Cris: Anong sinagot mo?
Bakas na bakas kay Cris yung pagkagulat at pagtataka sa mga sinabi sa kanya ni Tyler. Actually, he expected this already for hindi sa ganitong sitwasyon at panahon. The couple just celebrated their anniversary and Tyler was so excited about this na hindi pa nga sya matigil sa kakatanong kay Cris kung maganda ba yung plano nya para sa kanila ni Sam, tapos ganito?
Break pala ang kakahinatnan nila!
Tyler: Edi okay! Anong akala nya pipigilan ko sya?
Cris: So break na nga kayo! (Nagtatakang pagtatanong kay Tyler)
Halata naman kay Tyler na medyo natigilan sya sa tanong ng kaibigan pero after ng ilang segundong pagiisip ay isa lang sagot na ibinigay ng kanyang isipan.
Tyler: Of course not! Hindi pa kami break! I already told you never akong makikipagbreak kay Sam! Kahit na baliw yun mahal ko yung buang nalalaking yun!
Tyler proud said na mas lalong nagpagulo sa isip ni Cris.
Cris: What? Hindi kita maintindihan! Ang labo, pre! Sabi mo sabi ni Sam gusto nya makipagbreak sayo tapos pumayag ka! Edi ba meaning nun is break na kayo unless may iba kang meaning ng break na tayo! Wait, nabago na ba meaning nun sa dictionary? Wala naman akong nababalita...
Hindi na nakatapos si Cris sa sasabihin kasi bigla syang binatukan ni Tyler.
Cris: Aray naman pre! Bakit bigla bigla ka nalang nangbabatok?
Tyler: Puro ka kasi biro eh! Oo, nag-agree ako sa gusto nya pero alam ko naman na hindi matutuloy yan! For sure yan, babawiin nya din yan! Kilala mo naman si Sam, basta lang makapagsalita kahit hindi man lang nya iniisip mga sinasabi nya...
Cris: Sigurado ka ba jan? Pre, si Sam itong pinaguusapan natin! Kahit kailan ba bumawi sya ng isang bagay na napagdesisyunan na nya? Yes, nagsorry sya sayo nung huling nagaway kayo pero iba ito pre! Kilala ko din si Sam! He would never take back his words lalo na yung sa ganitong ka seryosong bagay.
Muling napaisip si Tyler, then tsaka nya hinarap ulit ang kaibigan.
Tyler: Ah bahala sya! Basta ako iintayin ko lang syang maisip ang pagkakamali nya! Hinding hindi ko sya hahabulin, manigas sya!
Cris: Paano nga kung hindi nya bawiin so tuluyan na kayo magbrebreak talaga! Ano ka ngayon, ayaw mo sya hauling diba? So break na nga kayo?
Medyo natahimik si Tyler na parang iniisip nya din kung ano ba yung isasagot nya sa tanong ng kaibigan.
Cris: Pero pre, etong isang tanong, isang sagot! Mahal mo pa ba? Mahal mo pa ba si Sam?
Tyler: Oo! Alam mo naman na sya lang yung taong minahal ko ng ganito eh!
Cris: Eh ganun naman pala eh! Mahal mo pero okay lang sayo na magbreak kayo!
Tyler: Iba naman yun pre!
Cris: Anong iba? (Halatang mas naguluhan)
Tyler: Sya ang may gusto nito pre! Sya itong may issue samin dalawa, so bakit ako ang kailangan magadjust at icater yung gusto nya! Sya ang mali dapat sya yung umayos ng relasyon namin! Ano yun? Porket mahal ko sya dapat ako lagi ang magadjust! No! Hindi ko gagawin yun!
Cris: Alam mo pre! Hindi rin talaga kita maintidihan eh! Yes, sabi mo mahal mo pero wala kang balak na aluin para bumalik sayo! Sigurado din akong ganon din si Sam sayo! Sa pagkakakilala ko sa pagkatao nya, I'm sure yan din ang sinasabi nya ngayon! Na hindi porket mahal ka nya sya dapat ang magadjust! Na dapat ikaw ang magadjust kasi sa tingin nya ikaw ang mali!
Tyler: Na hindi naman ako ang may kasalanan talaga, yun nga ang mahirap eh! Wala naman akong kasalanan pero bakit ako ang kailangang gumawa ng moves para maging okay kami!
Cris: Pre! It's not about whose at fault here! Pucha pre ang hirap naman magexplain lalo na kung ganyan na yung desisyon mo111! Sa totoo lang pre hanggang ngayon, nagugulat parin ako na umabot kayo ng ganyang katagal sa relasyon nyong yan! Tatlong taon? Pucha, tatlong taon kayo away bati! Walang naman kahit na sino sa inyo yung nagpaparaya at umaangkin ng kasalanan. Yes, pagnagaaway kayo, nagsosory kayo sa isat isa pero never nyong inangkin na kayo yung mali! Napaka mapride nyo na kaming mga tao sa paligid nyo na nakakita ng sitwasyon yung napapagod at naiistress sa relasyon nyo! Siguro mas okay na din itong naghiwalay kayo, kasi pre! Napakatoxic ng relasyon nyo! Yes, wala pa akong nagiging seryosong relasyon pero parang may mas alam pa ako kesa sayo eh! Pre! Relationship will never work if wala sa inyong dalawa yung magbibigay! Compremise ba tawag dun? Ah basta yun na yun! Hindi yung tanggap lang kayo ng tanggap! If ganoon, wala talagang mangyayari sa inyo! Kung ako sayo, kahit mahal mo, igive up mo na! Sa tingin ko mas okay pa yun. Mas makakabuti pa yon sa inyo dalawa! Kesa yung ganyan! Nakakastress kayong dalawa ni Sam, as in!
Natahimik lang si Tyler sa mga sinabi ni Cris! Halos maubos na ni Cris yung isang bote ng alak na tinutungga nya, nang ibaba nya yung wala ng laman na bote at biglang syang nagsalita.
Tyler: Wala naman talaga akong kasalanan ah! Sya itong nagexpect bakit ako ang magaadjust! Sya yung dapat magbaba o magbago ng expectation nya, hindi ako! Ah bahala sya! Basta tama ako, sya yung mali!
Cris can only shook his head after hearing Tyler's remarks regarding Sam.
Cris: Ewan ko sayo, pre! Bahala ka na nga! Iinom nalang ako dito, ako nastress sa inyong dalawa ng boyfriend mo! Ito ang dahilan kung bakit ayoko ng seryosong relasyon! Ayoko ng stress!
~~~
Umaga na ng dumating si Tyler sa unit nila ni Sam, medyo masakit pa ang ulo nya kasi medyo naparami yung nainom nila ni Cris kagabi.
Nang makapasok sya sa condo nila ni Sam, he expected na nasa kusina lang si Sam at naghahanda ng breakfast nila as usual, pero malaki yung pagkadismaya na naramdaman nya nung makita na malinis at walang katao tao sa kusina.
Tyler: Is he still asleep?
Tyler asked himself, tsaka agad na nagtungo sa kwarto nila ni Sam pero gayon din ang pagkadisappoint nya ng makita na walang Sam sya na nakita. Maayos pa din yung kama nila, indikasyon na hindi natulog dito ang kanyang kasintahan.
Nagsimula ng magpanic si Tyler, he doesn't to be this way, but he can't help it. Hindi na maganda yung kutob nya. Dali Dali syang naglakad muli at sinubukan nyang icheck yung CR nila at closet.
Gone!
Everything is gone except for his things.
Dito nya napagtanto na wala na lahat ng gamit ni Sam. Ang mga damit nito at gamit sa CR ay wala na! Walang kahit na ano kang makikita bilang bakas na tumira dito si Sam.
Agad na nakaramdam si Tyler ng sakit at panlulumo, ang buong akala kasi nya is hindi totoo yung sinabi ni Sam na magbrebreak na sila. Ang akala nya ay baka nadadala lang ito ng kanyang emosyon gaya ng dati nilang mga away pero ang katototohanan na dinala na ni Sam ang lahat ng gamit nya ay nangangahulugan lamang na seryoso ito sa kanyang sinabi na maghihiwalay na sila.
Isa isang pumatak ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Tyler! Hindi sya makapaniwala na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila ni Sam ay magtatapos sila ng ganito lamang! Dahil lamang sa isang hindi pagkakaunawaan ay itatapon nila ang tatlong taong pinagsamahan.
Tyler: Hanggang dito na lang ba talaga lahat? Ganito nalang matatapos ang lahat ng pinagsamahan natin, Sam? Dahil lang sa hindi ko naibigay yung kagustuhan mo, iiwan mo na ako?
Ilang minuto ding tahimik na umiiyak si Tyler, hanggang sa bigla syang magdesisyon na enough is enough!
Tyler: Hindi ito tama! Bakit ko kailangan masaktan? Bakit ako? Wala akong kasalanan! Si Sam ang may kasalanan! Sya, hindi ako!
Hindi sya ang dapat umiiyak dahil para sa kanya wala syang kasalanan! It's Sam's fault not him! Naalala din kasi nya yung mga huling sandali ng pagaaway nila ni Sam kagabi.
FLASHBACK
Sam: At anong akala mo rin? Magmamakaawa ako sayo na balikan mo ako? Luluhod sa harap mo? Manigas ka! Mas pagod na ako sa pagiging childish, paasa, manhid at insensitive na katulad mo! Excuse me rin, Tyler! Ikaw ang mapride hindi ako!
Tyler: Fine! Break na kung break!
Sam: Oo, break na tayo! Wag na wag ka nang magpapakita sakin kahit kelan!
END OF FLASHBACK
Tyler: Wala akong kasalanan! Wala! Sya itong nagexpect bakit ako ang magaadjust! Siya yung dapat magbaba o magbago ng expectation nya, hindi ako! Basta tama ako, sya yung mali! Huli na ito! Hinding hindi ko na sya iiyakan! If gusto nyang makipaghiwalay, then fine! Hiwalay kung hiwalay! Hindi sya kawalan!
~~~
Kasalukuyang nasa tahanan ng mga Alonzo si Sam, dito sya pumunta after nya umalis sa condo nila Sam. Wala na kasi syang ibang lugar na maisip. Yung dati nyang kwarto sa restaurant ay ginawa na nyang stockroom. Hindi naman sya pwedeng magbook ng hotel kasi napakarami nyang gamit na dala dala.
Ito nalang yung kahuli hulihang lugar na naisip nya na mapupuntahan nya. Ayaw nya kasing umuwi kasi paniguradong magaalala yung pamilya nya if biglaan syang uuwi dala dala yung napakarami nyang gamit.
Wala ang dad ni Allison kasi nasa business trip ito kasama ang kambal ni Ally na si Oliver.
Allison: So, talagang final na ito, Sam? You really are breaking up with Tyler?
Sam: Yes! Wala ng bawian ito! Ito naman ang gusto nya di ba! (Anger is obvious on his voice)
Allison can only sigh after hearing it.
Allison: I think hindi naman siguro gusto ni Tyler na makipagbreak sayo!
Sam: Huh? Wait! Allison? Tama ba ang naririnig ko? Kinakampihan mo ba sya? Whose side are you on? Narinig mo naman yung rason kung bakit kami nagbreak di ba?
Allison: Hindi naman sa ipinagtatanggol ko sya, it's just that, I feel na masyado lang kayong dalawa na nabibigla sa mga nasabi nyo sa isa't isa! I think okay din if paguusapan nyo muna ito ng mas maayos hindi yung hiwalay agad. Sayang din yung tatlong taongg pinagsamahan nyo! Hindi rin biro yun ah!
Sam: Ah basta! Hiwalay ang gusto nya edi yun ang ibibigay ko sa kanya! Anong akala nya hahabulin ko sya? Hindi na ako katulad ng Sam noon na magmamakaawa sa lalaki para lang balikan ako! I'm not like that anymore! I already learned my lesson! I will never lower my pride for anything! Kahit pa sa kanya!
Allison let out another sigh, wala na syang magawa kung hindi suportahan nalang si Sam. Nilagay nya yung kamay nya sa likod ni Sam, tsaka ito hinagod ng dahan dahan.
Sam looked at her then gave a bitterly smile.
Allison: Sige, ikaw ang bahala, Sam! Basta ang gusto ko lang sana wag mong pagsisihan yung nagactions nyo kasi pagdumating yung panahon na yun baka huli na! Kahit na gustuhin mong bumalik kayo sa dati ay malabo na!
Sam: Hinding hindi mangyayari yun! I swear!
Allison: Okay! Basta alwaya remember na lagi lang akong nandito for you! I will help you get through all of this!
Sam's face suddenly change when he heard what Allison said to him. Bigla na naman syang umiyak. Niyakap lang sya ni Allison para damayan ang ayaw man umamin pero alam nya na lubos na nasasaktan na kaibigan
Allison: I'm so sorry for what happened, Sam! Everything is going to be okay! I'll help you get through this! I'm here!
Sam: Ally! Ang sakit sakit! Ang sakit sakit talaga! Bakit lagi nalang ganito! Masama ba ako? Nagkulang ba ako? I gave him everything! As in everything pero parang kulang parin! Ano pang kulang? Ano pa!
Patuloy lang sa pagiyak si Sam habang patuloy lang din sa pagalo si Allison.
Allison: Walang kulang sayo, Sam! Kilala kota! You give everything for the people you love pero baka ganun talaga! Baka hindi kaya ang para sa isat isa. Baka siguro tama nga na maghiwalay kayo kesa patuloy nyo lang masaktan ang isat isa.
Sam: Pero Ally! Ang sakit sakit! Mahal ko sya eh! Mahal na mahal ko sya! Hindi nya ba pwedeng ibaba yung pride nya for me! Mas matimbang ba yun kesa sakin! Mas mahalaga ba yung sarili nyang kagustuhan kesa sa relasyon namin! He choose his friends over me! Ang sakit Ally! Ang sakit sakit!
Allison: I know, Sam! I know! Iiyak mo lang yan! Andito lang ako! I will never leave you! I promise!
Nagpatuloy lang sa pagiyak si Sam habang si Allison naman ay nagpatuloy lang sa pagalo sa kanya.
Allison: I'm so sorry, Sam! I'm so sorry!
TO BE CONTINUED
A/N
Wait for the big changes 😉
WAANJAIMJORA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top