Kabanata 09


Tyler POV

I woke up feeling na parang binibiyak yung ulo ko! Fuck this! My head is killing me! Medyo nahihirapan pa akong dumilat nung una pero nung nagawa ko napansin ko na wala pala akong katabi ngayon.

Asan si Sam? I checked the time, I saw that it's already 11 in the morning! Buti nalang weekend kaya okay lang kahit malate ako ng gising.

Tyler: Ba...

I was about to look for him pero naalala ko na naman yung nangyari kagabi. I can't help but feel hurt again! Hindi ko talaga inaasahan yung mga sinabi nya sakin. Siya yung kahuli hulihang taong iniisip ko na magsasalita sakin ng ganoon. Ang akala ko, sya yung magiging karamay ko sa lahat ng pinagdadaanan ko. I expected him to be on my side pero hindi yun ang ang nangyari eh! Nagalit pa sya sa akin, at parang pinaramdam nya pa na wala na akong ginawang tama. Pakiramdam ko wala akong karamay sa mga pinagdadaanan ko! Kung ako yung nasa posisyon nya? Hindi ko sya huhusgahan agad! I would make him feel na hindi sya nagiisa at lagi lang akong nandito para damayan sya. I would have listened to his reason first, before jumping into a conclusion na baka mali lang yung desisyon nya. I would always be with him all the way!

Masakit lang sakin kasi akala ko ganoon sya sakin pero hindi yun ang nangyari! Bakit ganon? Akala ko ba mahal nya ako! Di ba dapat if mahal mo ang isang tao dapat ay nagkakaintindihan kayo. Damayan sa lahat ng pinagdadaanan ng isa't isa!

Bumangon na ako sa higaan, hindi ko tuloy maiwasang hindi hawakan yung ulo ko! Pucha namang ulo eto oh! Sobrang sakit talaga, naparami siguro yung nainom ko kagabi, hindi ko napigilan kasi na uminom! I need to drink para makalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko.

Ayoko na mang lumabas kagabi at mag-aya sa mga kaibigan ko, sigurado aasarin na naman ako ng mga yun if malalaman nil yung nangyari samin ni Sam! Hindi ko kailangan ng pangaasar ngayon!

Nang ikutin ko yung kwarto, napansin ko na wala na yung mga bote ng alak na ginamit ko kagabi? Nasan na yung mga yun? Wag mong sabihin...

Sam: Hi, Babe...

~~~

Author POV

Abala si Tyler sa pagkatataka kung bakit wala na yung mga kalat nya sa kwarto nila ni Sam, nang biglang bumukas yung pinto at pumasok dito si Sam. Nagbago yung mukha ni Tyler at naging maasim. Sam saw it, kaya medyo kinabahan sya kung ano yung magiging pakikitungo sa kanya ni Tyler after ng nangyari sa kanila kahapon.


Sam: Hi, Babe...

Halata sa boses ni Sam ang kaba habang dala dala yung food tray na inihanda nya para kay Tyler.

Sam: Hi, Babe! Naghanda ako ng breakfast mo pero dahil sa malapit na din yung lunch time, you can consider this as your lunch na din! Hindi ko alam if magugustuhan mo ito, medyo natataranta kasi ako nung niluluto ko ito. Kinakabahan na din kasi nga...

Hindi maituloy ni Sam yung sasabihin nya kay Tyler dahil sa sobrang kaba na nararamdaman nya sa oras na ito. He went near his boyfriend and put the food tray beside Tyler. He did this as a sign of peace to his boyfriend pero parang hindi naman nadala sa gesture na ito ni Sam si Tyler kasi imbes na matuwa ay hindi nya sinagot si Sam at tuluyan na lang syang tumayo sa kanilang kama.

Buti na lamang at naging mabilis si Sam at napigilan nya si Tyler na makaalis.

Sam: I'm so sorry, Babe!

Eto nalang yung nasabi ni Sam na mukha namang ikinagulat ni Tyler. Halata kasi ito sa kung paano nanlaki yung mata ni Tyler. Sam is not the type of person who would apologize even if he did a mistake to someone. He would always defend himself hanggang sa sumuko nalang yung kaargue nya. Tyler is like this too, kaya nga madalas silang nagaaway kasi wala talagang umaamin if may nagkasala sa kanila.

Pero yung gulat sa mukha ni Tyler ay agad din nyang pinalitan ng seryosong mukha. He pretended na hindi sya naapektuhan sa pagsosorry ng kanyang kasintahan. Nakita ni Sam yung seryosong mukha ni Tyler kaya mas lalo tuloy syang naguity dito.

Sam: Babe! I'm really sorry! Please forgive me!

Nakatingin si Sam kay Tyler habang sinasabi nya ito. Halata sa mga mata nya yung kaba at takot na baka hindi sya patawarin ni Tyler. This made Tyler soft a little bit.

Tyler: At bakit ka naman nagsosorry aber? Especially sa isang katulad ko na napakaweak at madaling sumuko sa mga bagay bagay! You made it clear to me last night na ako ang mali kaya bakit ka nagsosory jan! Di ba dapat ako ang gumagawa nya hindi ikaw kasi nga di ba ako ang mali? Ako ang...

Hindi na pinatapos ni Sam si Tyler, agad nya itong nilapitan at niyakap.

Sam: No! Don't say that, Babe! I'm really sorry! I didn't mean to speak to you this way! Akala ko kasi...

Tyler: Akala mo naduduwag na naman ako or nagsasawa ganon ba? Tama ba ako Sam? Akala mo nagiinarte lang ako di ba? Na nagsawa na naman ako sa trabaho ko kaya eto, ginusto ko na naman na umalis kahit na wala naman akong backup plan di ba? May bago pa ba? Lagi naman ganyan yung tingin mo sa akin ah! May bago pa ba?

Sam feels guilty for what Tyler had said to him. Halata kasi sa boses nito na nasasaktan sya. Sam hugs Tyler more tight then he lifted his head to look at him.

Sam: I'm so sorry, Babe! I didn't mean to hurt you like this! Nagulat lang siguro talaga ako sa biglaan mong desisyon na magresign. I thought you are okay with your work. Yes, halatang pagod ka dahil puro ka Overtime pero I didn't thought na mas malala pa pala na gugustuhin mong magresign.

Tyler: Kaya sa susunod, pwede ba pakinggan mo muna ako before mo ako hinuhusgahan agad. Hindi mo pa nga alam yung rason ko nakapagjudge ka na agad. It's your job as my lover na damayan ako diba hindi gatungan pa yung kung anong hirap na nararansan ko. Yes, maybe nasa pagkatao ko na yung mabilis sumuko sa mga bagay bagay pero I know naman kung gaano kaimportante yung work especially sa atin. I would never do something about it in just a whimp.

Sam: Kaya nga nagsosorry na ako sayo, Babe! Hindi ko naman sinasadya na magiging ganoon yung reaction ko. Oh sige!

Humiwalay si Sam sa pagkakayakap kay Tyler. His boyfriend is just looking at him.

Sam: This time, I would listen na! Hindi ako magsasalita or magrereact hanggang sa matapos ka! Tell me! Tell me everything why ka magreresign!

Halatang nagulat dito si Tyler, muling nanlaki kasi yung mga mata nya dahil sa mga sinabi nito. Sam is just looking at him like he was convincing him na totoo yung sinabi nya at handa na itong makinig sa kung ano man ang sasabihin ni Tyler sa kanya.


Hindi tuloy maiwasan ni Tyler na mapangiti, gayon din tuloy yung sinagot sa kanya ni Sam. Tyler sigh deeply before speaking.

Tyler: Okay! Sabi mo eh!


Tyler pulled Sam into their bed and sit on it. Tyler held Sam's hand the ayun nagsimula na nga siyang magkuwento sa kung anong nararansan nya sa work. Si Sam naman ayun tahimik lang na nakikinig sa kanya.

~

Biglang napatayo si Sam at galit na nagsalita. Nagulat naman dito si Tyler na tumayo na din upang kausapin ang kasintahan.

Sam: What? That fucking boss of yours did that? Aba siraulo pala sya! Wait? May pasok ba yung hinayupak na yun ngayon?

Tyler: Why?

Sam: Ay para maturuan ko sya ng leksyon! Sino sya para ganunin ka! Kilala ka ba nya talaga para husgahan ka nya agad ng ganoon, pero kahit na kilala ka nya! He can't do that to you! Ay na ko pag nakita ko sya patay talaga sya sakin! Makikita nya ang hinahanap nya! Team lead mo lang sya! Dapat ang ginagawa nya ay tulungan at iencourage ka hindi yung sinisira nya yung buhay mo sa work! Anong klaseng leader yung imbes na tumulong ay pinahihirapan ka pa? Argh! Nakakairita sya! Kung ako ang gaganunin nya nako, hindi sya talaga makakalabas ng buhay sa opisina! Gagawin ko sya...

Tyler: Hahahahahahahahahaha


Natigilan si Sam sa pagsasalita ng biglang tumawa si Tyler. Napalitan tuloy yung galit nya ng confusion at pagtataka kung bakita biglang tumawa ang boyfriend nya.

Sam: Babe? Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinasabi ko?

Tyler: Hahaha wala lang, babe! I just find it cute to see you act like that. Halatang galit na galit ka!

Sam: Of course, I am! Anong sa tingin mong magiging reaction ko. After ko malaman yung ginagawa sayo ng siraulo yun sa tingin mo ba matutuwa ako! Gosh! Babe! I hate him! I hate him so much!

Tyler: (Muling napangiti) It's okay, babe! Kaya nga ginusto ko nalang magresign kesa mahirapan lang ako. Yes, may plano tayo pero hindi ko alam kung makakatiis pa ako sa ganoong trato nya sakin, babe! Baka mamaya tuluyan na akong sumabog baka mabugbog ko sya! Mas lalala pa ang problem ko and I don't want that happen! Mas gugustuhin ko pang mahirapan na lang sa paghahanap ulit ng bagong company na mapapasukan, I'm sure naman na may makikita ako! Ako pa ba!


Napangiti naman dito si Sam, nilapit nya si Tyler at niyakap. Tyler felt happy about it kaya he hug Sam back.

Sam: I know, Babe! Ikaw pa ba! Alam ko namang kayang kaya mong makahanap ng mas okay eh! Ikaw pa? The best ka kaya! I'm so sorry ulit ah! I'm sorry for not listening to you! I didn't know na nasasaktan na pala kita. I didn't know na imbes na nakakatulong ako sayo, mas lalo pa akong nakakapagpahirap sayo. I should have been more understanding, babe! I'm so sorry, again.

Tyler: It's okay, babe! Sana lang wag nang mauulit ah! I really hope na sana pakinggan mo din muna kasi ako! Hindi yung nagcoconclude ka na agad. Hindi ko talaga gusto yung ganito na lagi tayong nagkakamisunderstanding.

Sam: Ayoko rin naman nito, Babe!

Tyler: Kaya Sam! Please listen to me din kahit minsan ah! Para hindi na maulit ito.

Sam: Okay, babe! I'll try!

Masaya na si Tyler sa sinagot ni Sam kaya niyakap nya ito ng mas mahigpit. Nanatili silang ganito hanggang sa magdecide sila na maghiwalay na. Tyler caress Sam's face.

Tyler: I love you, babe!

Sam: I love you too, babe! Opps! Maalala ko! Yung food mo babe! Lalamig na! Sayang naman yung paghahanda ko nito.


Natawa naman ng bahagyan si Tyler. Binitawan nya yung mukha ni Sam at hinarap yung pagkain na inihanda ni Sam. They both sit back on the bed.


Tyler: Thank you for this, Babe! You didn't have to do this!

Sam: I have to, babe! Pambawi man lang sa nangyari sa ginawa ko kagabi.


Ngumiti nalang si Tyler bilang sagot kay Sam at sinumulan nya ng kainin yung food na inihanda ng kaniyang minamahal. Si Sam naman ay masaya lamang syang pinapanood.


TO BE CONTINUED
WAANJAIMJORA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top