Kabanata 05
Sam POV
Mommy Candy: My bunny! Hindi mo ba talaga need ng help ni mommy? I can help you mix things! Bibigyan mo nga lang ako ng tamang direction kasi alam mo naman si mommy Candy mo! Medyo mahina talaga ako sa tancha tancha!
Mommy Candy is talking to me habang nakapangalumbaba sa harap ko. Kasalukuyan kasi kaming nasa kusina. Nakaupo sya sa isang high stool habang ako naman andito sa likod countertop inaayos lahat ng ingredients ko.
Nagdecide kasi ako ng magbake ng blueberry cake for her. Favorite kasi ni mommy Candy yun at matagal na rin akong hindi nakakapagluto nito sa kanya, kaya eto bumabawi ako. Actually nakahanda na yung pagkain namin, eto nalang Cake yung kulang.
She was just happily looking at me and what I'm doing. Mukha syang curious na curious sa ginagawa ko which I find it cute.
Sam: No worries, mommy! I can manage! Besides you look so pretty po with your clothes now. This stuff will just ruin it. Ako nalang po here!
Mommy Candy: Are you sure? You know pwede naman ako magpalit if etong damit ko lang yung...
Hindi ko na sya pinatapos, at nginitian ko sya.
Sam: Mom I promise! It's all okay! Grabe mom ahh, pinaghandaan mo talaga yung pagdating ko here ah! Paano po if hindi ako nakapunta, sayang naman po yung inihanda nya. Biruin nyo po naggrocery pa kayo ng baking supply ko.
Grabe kasi pagdating ko kanina nung inihatid ako ni Aly here is nakahanda na lahat ng gagamitin ko, pwera syempre dito blueberries. Kinakailangan ko pang magorder online buti nalang may nahanap agad ako.
Facts about me, I can't drive! Medyo may road fright ako, hindi ko alam pero sa tuwing magtatry akong magaral magmaneho is nagkakapanic attack ako kaya eto. Lagi akong asa sa mga tao sa paligid ko para ihatid ko.
With Allison, with my brothers and now with...
With Tyler!
Mommy Candy: Syempre I know naman kasi na gugustuhin mong mag bake! Kelan ka ba pumunta dito ng hindi mo ako pinagbake. Medyo hassle lang for you before kasi wala akong ingredients here sa kitchen ko. Alam mo naman ang mommy mo, hindi ako marunong magluto talaga. Sinanay kasi ako ng Daddy Ely mo laging sya ang naghahanda sakin. Gosh! How I miss you daddy Ely again! Pero anyways ayun nga, kaya eto this time na darating ka nakahanda na ako! Ayoko naman na nahihirapan ang pinakamamahal at paborito kong son-in-law noh!
Natawa naman ako ng bahagya sa sinasabi ni Mommy Candy! Kahit kelan talaga napakasweet nya sakin. I love her!
Sam: Mom! Ako lang naman son-in-law mo eh! Unless may hindi ako alam na other relationship ni Tyler, then ayun po sigurado magkakaproblema tayo.
Nanlaki yung mata ni Mommy Candy! Hahaha hindi siguro sya handa sa sinabi ko.
Mommy Candy: Who is that Pokémon aber? Ay nako pagtalagang ginawa yan ng anak ko, nako! Puputulan ko talaga sya ng ano nya!
Sobra akong natatawa sa sinabi ni mommy Candy hahaha
Sam: Mom! Hahaha putol agad! Hindi ba pwedeng kastigo muna hahaha at saka hindi po pwede noh! Mawawalan ako ng kaligayahan!
Medyo nabigla naman ako sa sinabi ko! Gulay ka Sam! Ano ba yang mga sinasabi mo! Halata din yung gulat sa mata ni mommy Candy!
Sam: Ah eh! I mean...
She didn't let me finish...
Mommy Candy: Hahaha don't worry, My bunny! I know what you mean hahaha pero seryoso! Malaman laman ko lang talaga na niloloko ka ng anak ko! I don't care if anak ko sya pero hindi ko hahayaan na saktan nya ang isang genuine at napakamapagmahal na taong katulad mo! I will fight him!
I really felt loved with mommy Candy's words! She is really my mom na bukod sa mom ko. She loves me so much na minsan nakakaoverwhelmed na. I didn't know what the hell did I do for her to love me this much.
Sam: Hahaha I can only wish na wag din yun gawin sakin ni Tyler, pero if yes! If lolokohin nya lang ako, then bahala sya sa buhay nya. Sya ang nawalan, hindi ako noh!
Totoo naman eh! Yes, mahal ko si Tyler pero pag dumating yung panahon na sobrang nasaktan nya ako or dumating yung point na makikipaghiwalay sya sakin. I don't think I will beg or even ask him to come back to me. Hindi sa kayang kaya ko syang mapalitan ah! Mahal na mahal ko si Tyler, pero naniniwala din kasi ako na ang pagmamahal hindi hinihingi at pinagmamakawaan yan. If talagang mahal ka nya, that person will act on his own to stay.
Lalo pa if dumating ung point na lolokohin ako ni Tyler! I will never beg him! Hindi ako pinakalaki at inalagaan ng parents ko para maging tanga! Iiwan ko talaga sya, kahit na sobrang mahal ko pa sya.
Hindi sapat ang pagmamahal para ibaba ko yung sarili ko. Tsaka, naniniwala ako na I can survive and live on my own. I don't need a man to be happy!
Mommy Candy: Tama yan, bunny ko. I will always be by your side! Ganoon kita kamahal!
Sam: I love you, too! Mommy!
Mommy Candy went closer to me and started caressing my face. Habang ako, ito ngiting ngiti lang sa kanya.
Mommy Candy: Ang cute talaga ng Bunny ko! Kung hindi ka lang boyfriend ng anak ko, aampunin talaga kita para siguradong hindi ka mawawala sakin.
Sam: Mommy! You know my mom will never allow that hahahaha
I said to her then she went back to her seat again. Yung mukha nya ngayon at yung parang mukha ng determine na tao.
Mommy Candy: I know, pero one can wish naman di ba? Atsaka, alam ko naman na hindi ko na kailangan gawin yan kasi boyfriend ka na ng anak ko! Out of all the people he dates buti nalang talaga at nakilala ka nya! Super grateful talaga ako kasi bukod sa napakagwapo mo na, mabait at talented pa! Biruin mo, I can taste all of this world class dishes for free. Pag sinuswerte ka nga naman di ba.
Mommy Candy loves to call me world class chef/baker kasi nanalo ako before sa isang competition abroad. Super proud ako sa achievement ko na yun. I never expected to win kasi naman napakarami kong kalaban na ibang magagaling pero biruin mo ako yung pinalad na manalo.
Super nakatulong yun para mas maging kilala yung restaurant ko.
Sam: Thank you, mom! Pero it's my honor naman po na mapagluto kayo! You don't have to thank me all the time. I enjoy this! I enjoy cooking and baking for you!
Mommy Candy: This is why Tyler is very lucky to have you! Bukod sa talented ka na, super humble pa! Gosh! Sana lang talaga walang may kung sinong susubok na agawin ka! Not that I blame them pero...
Hindi natapos ni mommy yung sasabihin nya kasi biglang mag nagsalita sa di kalayuan.
Tyler: At sino naman etong makakahanap ng iba?
Parehas kaming nagulat ni mommy Candy ng biglang magsalita si Tyler. Yung kaninang masaya kong mood napalitan na ngayon at naging inis.
Hindi ko alam kung napansin ito ni Mommy Candy kasi agad syang pumunta kay Tyler habang ako naman ay nanatili dito sa counter top at ipinagpatuloy yung ginagawa ko.
Mommy Candy: Anak! Finally! Andito ka na! Kanina pa kita iniitay! Natapos na si Sam sa pagluluto ng food natin wala ka patin! Akala ko Indian mode ka na naman sakin eh!
I saw Tyler hugs Mommy and kiss his mom on her cheek. Tumitingin sya sakin pero iniiwasan ko lagi yung tingin nya. Anong akala nya? Okay na kami? Manigas sya! Kung hindi lang nagaya si Mommy Candy hindi ako talaga magpapakita sa kanya eh.
Tyler: Of course not, mom! You know I can't say no to you!
Mommy Candy: Ay nako! Sabi mo lang yan pero kinakailangan pa talaga kitang tawagan para dalawin ako. Nakakatampo kana! Kung nandito lang ang daddy mo, I'm sure lagot ka dun!
Tyler: I'm sorry, mom! I'm really just busy! I promise I will try to make it up to you!
Sam: Promise! Promise! Ay na ko, mommy wag ka nang umasa Jan. Ako nga natitiis at nasusuway nya ikaw pa kaya.
Nasabi ko nalang yan ng mahina habang inaayos yung mga baking stuff ko. Nagsisimula na din akong maghalo ng mga ingredients ko. I want to ignore him pero medyo malakas kasi usapan nila kaya eto no choice ako.
Mommy Candy: Sabi mo yan ah! Ay nako magtatampo na talaga ako sayo if hindi mo tinupad yang mga sinasabi mo! Alam mo kung paano magtampo si mommy! Hindi talaga kita kakausapin!
Tyler: I know, mom! I promise! Babawi ako!
Mommy Candy: Okay! Sabi mo eh! Ay wait... maalala ko kailangan ko palang tawagan yung tita Andrea mo, nagaalala yun sakin if sisiputin nyo daw ba ako. Kailangan ko syang tawagan para hindi nya na ako puntahan, alam nyo naman yun. Masyadong praning pagdating sakin.
Tyler: Okay! Mom!
Then nakita ko si Mommy Candy na tumatakbo papunta I think sa room nya para kunin yung cellphone nya.
I heard Tyler laugh kaya napatingin tuloy ako sa kanya. Ang saya nya ah! Parang walang kasalanan sa boyfriend nya! Magaling! Lalo tuloy akong naiinis dito.
Hindi ko mapigilan na hindi mapiga yung hawak ko na naging dahilan para sumabog ito. It was a bag floor!
"Oh my gosh!"
Napasigaw talaga ako dahil sa nangyari. Sumabog talaga all over the place, gayun din sa katawan ko.
Gosh! Puro na flour yung suot ko! Hala! Bad trip naman oh!
Tyler: What happened, Babe? Are you okay!
Hindi ko alam pero imbes na matuwa ako sa tanong nya ay lalo pa akong nainis. I looked at him sternly!
Sam: Mukha ba akong okay? Kahit kelan talaga eh noh!
Tyler: Oh bakit ka nagkakaganyan! I'm just asking you, babe! May problema ba?
He said then stand beside me! Mas lalo tuloy akong naiinis nung he tried to hold me pero agad akong umiwas kanya. How dare he! Akala ba nya Okay kami!
In his face!
Sam: I'm all good, Ty! Pwede mo ba akong iwan nalang dito. Nakikita mo naman yung nangyari diba?
I'm really trying my best not to explode right now! Andito parin ako sa bahay ng parents nya! I don't want to be disrespectful kahit na gustong gusto ko na talaga syang sakalin kanina pa.
Tyler: Can I help? You know I can...
He started na punasan ako pero I didn't let him.
Sam: Please, Ty! Please leave me here! Jan ka naman magaling di ba? Leaving? So go! Hindi kita kailangan dito! I can manage on my own!
I said to him straight on his face. Mukha syang nagulat sa mga sinabi ko. Magrereact na sana sya pero napigilan ng biglang magsalita si Mom.
Mommy Candy: Oh ayan natawagan ko ba si Auntie Andrea nyo. Grabe kahit kelan ang OA talaga ng tita nyo na yun.
Parang kaming ewan ni Tyler na biglang nagiiwasan sa isat isa. Ay bahala sya! Basta it's his fault! Kasalanan nya kung bakit kami nagkakaganito!
To be continued
A/N
I'm sorry that I haven't had the chance to update now a days! I've been working for almost 17 hours a day these past weeks. I'm so busy! I hope you are still waiting for my update!
Loves lots 💖
waanjaimjora
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top