Kabanata 04

Tyler POV

Time check: 11 am

Kakadating ko lang dito sa condo unit namin. Inumaga na ko kasi hindi na ako pinayagan nila Cris na magmaneho. Madaling araw na kasi nung matapos kami kaya nagdecide nalang na magstay sa isang overnight motel malapit sa bar kung saan kami nag-inuman. Lahat kasi kami mga bangag na dahil sa lakas at dami ng alak na pinagiinom namin.



Wala na syempre yung mga babaeng kasama namin. Gusto pa nilang isama pero hindi ako pumayag. Ayoko! Halata naman kasi na iba na yung balak ng mga babaeng yun samin, ewan ko ba kung saan nila mga napulot yung mga yun.



Yung isa, pasalamat sya nakakapagpigil ako pero iba yung mga kapit at hawak sakin kahit na kasama nya yung isa kong kaibigan na Zayn. Aba, ano sya? Gusto pa ata nya kami pagsabayin! Buti nalang nakinig sakin yung mga kabigan ko. Dinahilan ko nalang na masyado na kaming mga lasing at kung may mangyayari sa kanila ng mga babae nila. Sigurong mahihirapan na silang magpigil at baka makabuntis pa sila.


Mahirap na kaya yun! Ayaw nga nila ng responsibility ng isang relasyon tapos magaanak sila? Ayun mga nakinig sakin nung sinabi ko yung salitang, Accidentally Pregnancy! Pumayag din ang mga loko.



Nagising akong mga 8 na buti nalang medyo maayos na mga kaibigan ko kaya naihatid nila ako dito. Naiwan ko kasi yung kotse ko dito sa condo sa pagmamadali, nasa kwarto pa yung susi ko kagabi kaya hindi ko talaga madadala. Tumakas lang ako para makaalis!

Inihatid nila ako, pero dumaan muna kami sa dangwa para makabili ako ng isang bouquet para kay Sam. Alam ko kasi inis sya sakin kasi hindi ako nagpasabi sa kanya. Babawi lang ako!


Kahit papaano, alam ko parin naman kung paano manuyo ng boyfriend kahit paminsan minsan. Nakakainis lang kasi alam ko naman na ako yung tama pero bakit ako yung kailangan sumuyo. Pero dahil mahal ko si Sam, gagawin ko ito.


Pucha, hindi pala ako nakaisa kahapon kay Sam! Kung alam ko lang kasi magaaway kami edi sana umisa na ako Umaga palang.


Alam nyo, isa yan sa nagugulat ako sa sarili ko. I never thought na magugustuhan ko yung sex experience ko sa kapwa ko lalaki. I'm always with woman! High school palang ako may experience na ako, pero lahat ng yun ay puro babae ang kasama ko. Hindi ko akalain na darating ako sa puntong maaadik ako sa kapwa ko lalaki.


Kay Sam lang ako nagkaganito! Kahit na paulit ulit naming ginagawa yun, I feel like I can't get enough of him. Palaging ko syang gusto maawakan at madama! Ewan ko ba kung anong ginawa sakin ni Sam at nagkaganito ako sa kanya. Never naman akong ganito sa mga babaeng nakasama ko dati. Once or twice makasama ko ang babae then done na. Ayun lang  sawa na ako sa kanila.


Iba si Sam! Ibang iba!

Pagdating ko condo unit namin ni Sam, agad agad akong dumiretso sa kwarto namin kasi I expected na hindi pa sya gising. Mamaya pa kasing 12 ang duty nya. Mid shift sya, habang ako naman morning pero nagsabi nalang ako na may emegergency ako kaya tanghali nalang din ako papasok. Buti nalang naniwala sila sa office sakin.


IT kasi ako habang baker and restaurant owner naman si Jamie, kaya medyo mas hawak nya yung oras nya kesa sakin.


Pagdating ko sa kwarto habang dala dala yung binili kong bulaklak para sana sopresahin si Sam pero laking gulat ko ng makitang walang tao sa kwarto namin. I quickly check our shower room kasi baka andun sya pero wala.


Lumabas ako ng kwarto para icheck si Sam sa kusina at sa ibang parte ng unit namin pero wala sya.



"Asan na si Sam? Hindi pa naman nya oras pumasok ahh?" Pagtatakang tanong ko.

I tried to call him pero...

"The number you have dialed is unvailable!"
"The number you have dialed is unvailable!"
"The number you have dialed is unvailable!"

Nakapatay yung phone nya!

Fuck, Sam! Asan ka na ba? Ganoon ka ba kagalit sakin para ganituhin mo ako?

Biglang nagring yung phone ko, it's my alarm. 11:30 na pala. Kailangan ko nang maghanda para pumasok. Gusto ko sanang hanapin si Sam pero naiisip ko din na baka nasa restaurant na sya. Kailangan ko na din pumasok kasi paniguradong papagalitan na naman ako ng team lead ko if malate pa ako lalo.

Kupal pa naman yun! Pag ako talaga hindi nakapagpigil, masusuntok ko na talaga sya! Napakasama ng ugali akala ko kung sino!

~~~

I'm currently working sa office ng makareceive ako ng tawag mula kay mommy.


Ano na naman kaya ang dahilan bakit tumatawag si Mom? May nangyari na naman kba? Usually kasi pag natawag si mommy, laging may malaking issue eh! Kaya minsan trauma na talaga ako pag nakikita ko yung caller name nya sa phone ko.

She will not call me unless my problem or issue sya. Si Sam yung lagi nyang kausap at kakwentuhan. They are so close na akala mo, si Sam yung anak nya at hindi ako.

I was hesitant to answer her call pero pangalawang ring nya na ito sa wala talaga akong choice kung hindi sagutin.

Tyler: Hello? Mam! You called wazzup!

Mom: May pawazzup wazzup ka pang nalalaman bata ka! Bakit ngayon mo lang sinagot! You are making your mommy cry! Huhuhuhu!

Eto na naman po tayo! Nagdradrama na naman ang mommy ko. I tried to act like I'm affected by her acting.

Tyler: I'm sorry, mom! I'm just busy with work. Bakit po pala kayo tumawag?

Mom: Ganyan ka naman eh! Kinakalimutan mo na ako! Napakabusy mo sa maraming bagay! Parehas kayo ni Sam, kinakalimutan nyo na si Mommy Candy nyo! Matatampo na ko sa inyo!


Ang mommy ko talaga! Kahit kelan napakadrama! I can only shake my head while listening to her.


Tyler: I'm sorry, mom! I promise! I will make up to you!

Mom: Really! Sabi mo yan ah!

Tyler: Yes, mom!

Mom: Okay! Make up to me na!

Nagulat naman ako sa biglang pagbabago ng boses nya. She sounded so happy again which is weird kasi kanina akala mo kung sinong aping api ang mommy ko.

Tyler: What do you mean, Mom?

Mom: What I mean is, I want you to make up for those times na dinedma nyo ako! You and Sam ignored me!


Tyler: But how?


Mom: It's weekend tomorrow right?

Tyler: Yes po?

Parang kinakabahan ako sa mga antics ng mom ko! Ayan na naman sya! My mom can be overwhelming sometimes especially sa mga bagay na gusto nyang gawin or makuha.

Mom: Come here!

Tyler: Po?

Mom: Come here na! Visit me! I miss you na anak! Alam mo naman na ikaw nalang ang pamilya ko here di ba? You're dad is already gone and your aunties naman live somewhere else. Nakakasawa na magisa at makihalobilo sa mga amiga ko. I miss you!

Yung boses ni mommy! Bumalik sa pagiging malungkot. I can only imagine her face faking her cries right now.

Tyler: Okay, mom! If that what you want! I will go pero hindi ko sigurado si Sam. Hindi ko pa kasi sya nakakausap. Maybe...

She didn't let me finish!

Mom: Oh, don't worry about that!

Tyler: How so, mom?

Mom: It's because he is here already! We are currently baking cookies nga eh, naalala lang kita hahaha!

Ano? Andoon si Sam? Why didn't he tell me? Kelan pa sya andoon?

Tyler: What? Kelan pa po sya andyan?

Mom: Ah kani - kanina lang. I asked him to come  this afternoon, dahil hindi nya ako matiis, unlike you! Here he is already!

Afternoon? So saan sya galing ng Umaga? Sa work?

Mom: So? Are you coming? I'm so excited to bond with you and Sam, Son! It's been a while!

Tyler: Ahhh...

Mom: Sige na, son! Didn't you miss, mommy?

Pamimilit sakin ng mom ko. Mukhang wala na akong choice! Andoon na si Sam eh!

I can only sigh before speaking again...

Tyler: Okay po!

Mom: Okay? Yes! I will see you son! Bye!

Tyler: Mom, wait! Let me talk to...

I wasn't able to finish my words kasi biglang binaba na ni mom yung call.

I will ask her sana if I can talk to Sam. Marami akong tanong sa kanya pero wala na binaba na ni mom yung phone.

Sam! Ano bang nangyayari sayo? Bakit bigla ka nalang gumagawa ng mga bagay na hindi ko alam?

I can only shook my head because of disappointment.

Sam! What the hell is going on with your mind!

To be continued
waanjaimjora

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top