Kabanata 03

Tyler POV

Hi, This is Tyler Mikael Rodriguez, 25 years old. Single and available! Joke lang syempre! Mapapatay ako ng boyfriend ko if malalaman nya na sinabi ko ito. Yes, I have a boyfriend already! I'm not gay, kahit na yun ang tingin ng iba dahil lalaki ang karelasyon ko, yun din ang akala ko nung una na pag nakipagrelasyon ka sa kapwa mo lalaki is Gay ka na! It's not like that anymore because I realize, Love isn't about the gender or how you see the person physically! It's how you feel about that person when you are with him. Hindi batayan ang kasarian ng tao para masabi mo na pwede kayo or hindi.

I never felt anything with other people, unlike to what I feel when I'm with Sam. Ibang iba! I feel like, kulang ang buong araw ko pag wala sya sa tabi ko. Sasabog naman sa sobrang saya yung puso ko pag kasama ko sya. He completes me inside and out.


I admit na marami talaga kaming pagkakaiba sa isa't isa. Sam and I are a total opposite to each other. Magkaiba kami ng gusto at paniniwala sa buhay. Marami nga ang nagsasabi paano daw namin natitiis ang isa't isa! Para kaming dalawang bato na laging naguumpugan.


Sam is very organize pero ako naman si bahala na person. He always make sure na everything is according to plan or lahat ng bagay ay may plano or else hindi nya gagawin yun. He doesn't like surprises unless if I did it for him. Medyo nasanay na sya, kasi ako? Mahilig talaga ako sa surprises! Mas masurprise ako, mas gusto ko! Ayoko din yung plano ng plano kasi alam ko naman na hindi matutuloy if plinaplano.


I hate being manipulated or yung inuutos-utusan. Yes, pumapayag ako sa paminsan minsan ni Sam pero madalas nagaaway talaga kami sa ugali nyang yan. He is very bossy kasi which I find it sexy at first pero minsan umaabuso na eh. Hindi ako pala utos na tao kasi naniniwala ako  na if kaya mo naman gawin. Why ask somebody else to do it for you? Pero sa maraming bagay like sa decision making bilang lalaki, gusto ko ako ang nasusunod. Para sakin kasi yun ang tama.


Sa relasyon kasi namin ni Sam, ako ang lumalabas na lalaki samin dalawa. Bukod sa napakaganda nyang features kahit na lalaki sya. Galaw babae talaga sya, kahit sa ugali. Napapansin ko medyo nagiging nagger din sya these past few days!

I tried to be understanding naman kahit konti pero madalas talaga napupuno ako sa ugali nya. Mahal na mahal ko si Sam and I don't think I can love somebody else besides him. Ngayon lang ako nagmagal ng ganito lalo na't sa totoo lang. Ayoko talaga nito!


Ayaw ko sa commitment! Masyado kasing hassle for me. Para sakin, pag nagcommit kana sa isang tao, nababawasan na yung oras mo sa sarili mo. Syempre kailangan mo nang iconsider yung karelasyon mo sa lahat ng magiging desisyon mo which is I hate it! I hate being mandated at yung napipigilan sa lahat ng gusto ko.


Sabi ni Sam, ganito daw ang ugali ko kasi ganito ako pinalaki ng parents ko.

Wait? Kasalanan ko ba kung lumaki akong nagiisang anak? Kasalanan ko ba na nasanay ako na nakukuha ko lahat ng gusto ko without making much fuzz about it. Basta ginusto ni Tyler, makukuha ni Tyler. Ganoon ako lumaki, na pinipilit naman baguhin ni Sam!


Oo, mahal ko sya pero kaya ko pa ba itong araw araw na pinagdadaanan ko. Mas okay pa siguro nung hindi kami nakatira sa iisang condo eh. Atleast kahit papaano may kalayaan ako! Madali magdahilan if wala ako or malalate ako, pero ngayon? Para akong laging nakamicroscope! Bantay sarado!


Ay nako, Sam! Mahal kota pero minsan...

Nakakasawa na!

~~~

Sam POV

Hi, This is Sam Pinto Joke! How I wish di ba! My real name is Samuel Bryson. 24 years old, mas bata ako ng konti kay Tyler. 2 months lang, actually! His birthday is on April 21, while me is on Feb 14! Yes, I was born in Valentines day!

Hindi ako only child tulad ni Ty! I have 3 older brothers. Bunso ako sa 4 na magkakapatid kaya buong buhay ako, nasanay ako na nakaplano na ang lahat ng bagay. Bawal sakin yung biglaan kasi sure hindi ako papayagan. Dapat 2 weeks earlier alam ko na, para makapagpaaalam pa ako. Lumaki ako ng parang binebaby ng mga kuya at lahat sila sinusunod yung gusto ko dahil nga baby nila ako. Ayaw nila na nagtatampo ako kaya ito, nasanay ako na parang ako nalaging nasusunod. 


My siblings loves me so much kahit na sobrang higpit nila sakin. Okay lang naman kasi alam ko naman kasi na para din naman sakin yung mga sinasabi nila eh. Yes, nasusunod ako pero limited lang. Kaya nasanay talaga ako na dapat plinaplano para walang aberyang mangyari sa huli. Nasanay din ako na umiisas sa mga bagay na makakasira sakin like mga bisyo.


Like example, I want to go out! Dapat kasama ko isa sa mga kapatid ko or dapat nakapagpaalam ako maaga palang para mainspection nila ang mga bagay bagay bago nila ako payagan. Never akong natututo sa mga bagay na pagliliwaliw! Ikaw ba naman magkaroon ng tatalong bantay.

Natataka yung mga friends ko kung bakit ako ginaganito ng mga kuya ko. Yung ituring ba na parang babaeng kailangang ingatan at bantayan.


It's because of the fact na I'm gay! Yes! Kahit na lumaki ako kasama ng mga barako kong kapatid, alam ko sa sarili ko na babae ang puso ko. My family knows about it before ko pa malaman sa sarili ko and they accepted me whole heartedly. I can be who I am when I'm with them. Wala silang issue sakin as long as masaya ako. I admit, medyo nagiging nagger ako sa family ko, lalo na sa mga kuya ko. I act like I'm the Ate in the family. Mga kuya ko? Ay nako ang burara sa buhay kaya madalas ko silang nasesermunan sa mga pinaggagawa nila.


I helped my mom to my manage our household! Kaya sanay na sanay talaga ako. Ito yung bagay na nadala ko nung nagsimula kaming magsama ng boyfriend ko na si Tyler.


My spoiled brat boyfriend! Yes! Spoiled sya kasi nagiisa syang anak eh! Sanay sya na siya yung nasusunod sa lahat ng bagay. Sanay sya na walang sumisita sa kanya kasi sila total panay lang oo sa mga gusto nya eh.


Na hindi naman umuubra sakin! Hindi pupwede yang trip nya na para syang bata madalas. Wala syang pakialam if nakasira na yung ginagawa na yung isang bagay sa buhay nya basta nageenjoy sya.


I tried to set my boyfriend, right! Kung hindi ako  sino ang gagawa nun sa kanya. Mahal na mahal ko sya kaya gagawin ko ang lahat para mapatino sya.


I admit madalas gusto ko nang sumuko sa kanya pero ewan ko ba hindi ko magawa! Mahal ko eh!  Alam ko minsan nasasakal na sya sakin pero para naman sa kanya yung ginagawa ko. Sa labis kong pagmamahal sa kanya. Gagawin ko ang lahat para masigurado ko na okay sya.


Sana lang talaga matututo syang sumunod sakin!


Sana lang talaga!

~~~

Author POV

Kasalukuyang nasa bahay ni Allison si Sam. Siya ang bestfriend ni Sam simula pa elementary. Super close sila kaya lahat ng nagyayari dito ay alam ng dalaga.


Aly: Bes, ano na naman ba ito? Bakit ka umalis sa inyo? Alam ba ito ni Ty?


Sam: Ay nako! Wala akong pakialam sa kanya! Wala nga syang pakialam nung umalis sya eh! Ni hindi sya nagpaalam sakin tapos sya iexpect nya ako na magpaalam sa kanya? Tsaka may naglalayas ba na nagpapaalam?

Aly: Wait? Naglayas ka? Pero bakit? Gulay! Ano na naman ang pinagawayin nyo ni Tyler?


Sam: The usual! Umalis sya kahit hindi ko sya pinapayagan! Mas pinili nya yung mga kabarkada nya kesa sakin! Pwes! Magsama sama sila! Mga bwisit!


Galit na galit si Sam ng sabihin ito sa kaibigan. Habang si Allison ay halos mawalan na ng gana ng malaman na ito na naman ang issue ng bestftiend nya at ng boyfriend niyo.

Aly: Gosh, friend! Paulit ulit nalang kayo ni Tyler! Tanggapin mo nalang kasi na hindi katulad ng mga kuya mo yan si Tyler! Hindi mo sya mapapasunod sa gusto mo! Ganito lang yan eh, dalawa lang option mo. Either magcoconcede kay Tyler at iintidihin mo sya or maghihiwalay kayo!

Sam: At bakit? Bakit ako ang kailangan magadjust? Hindi nya ba kayang gawin yun para sakin? Hindi nya ba kaya na sya yung magbigay para sa aming dalawa? Bakit ako ang kailangan sumunod! Dapat si Tyler yun!

Aly looks dumbfounded because of what Sam said.

Aly: Sam, look! Sa pagkakakilala ko kasi sa boyfriend mo, hinding hindi nya magagawa ang magadjust para sa inyo. Ma pride din kasi sya katulad mo!


Sam: Oy, hindi ah! Hindi ako ma pride! Sadyang tama lang ako at sya mali! Kelan pa nasunod ang mali sa tama.


Aly: (Pabulong) Ay nako! Wala na namang papauntahan ito!

Sam: Bes? May sinasabi ka ba?

Aly: Ah wala! Wala bes! Ang gusto ko lang sabihin is kahit na nasa tingin mo tama ka, ganoon din kasi yung tingin ni Ty! Tingin nya sya ang tama so para sa kanya sya dapat ang masusunod! Alam mo? Para kayong dalawang magkaibang mundo  na laging naguumpugan! Magkaibang magkaiba kayo kaya hindi kayo pwede magsama or magkasundo.


Sam: Ah basta! Bahala sya! Kung hindi sya marunong sumunod sakin edi mabuti nalang na umalis na ulit ako! Mas okay na ito atleast di ko nakikita kung paano nya sinisira yung buhay nya. Kung hindi sya matunong sumunod edi bahala sya!


Aly: Paano nyan ngayon? Break na kayo?


Nanlaki naman ang mata dito ni Sam.


Sam: No! Of course not! How can you say that! Hindi kami maghihiwalay ni Tyler noh!

Aly: So ano ito? Cool off? Ganun?


Sam: Hindi din!


Aly: So ano nga? Umalis ka na sa inyo pero hindi parin kayo break! Ano ito?


Sam: Wala! Umalis ako para maarealize nya yung pagkakamali nya! At kung gusto nya akong umuwi edi magsorry sya muna!

Confident na sabi ni Sam. Halos mapanganga naman dito si Allison.


Aly: (Inside his head) ay naku Goodluck talaga kung mangyari yan!

Allison can only shook her head after hearing what Sam said about Tyler.

After a few seconds...

Ring! Ring! Ring!

Nung una ay medyo nataranta pa si Sam at Aly kasi akala nila si Tyler yung tumatawag pero hindi pala.

Mommy Candy calling...

Natagka sila Sam kung bakit biglang tumawag yung mommy ni Tyler. Sam and Allison can only look at each other at para nilang tinatanong ang isat isa gamit ang kanilang mata ng...

"Bakit kaya?"

To be continued
Waanjamjora

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top