Kabanata 02

Author POV

Cris Calling...

Nagbago ang mukha ni Sam ng makita ang caller ID ng taong biglang tumawag sa kasintahan.

Sam: Ano na naman yan, Babe!

Tanong ni Sam ng umaalis sya sa kandungan ng kasintahan. Napatingin naman sa kanya ito at ngumiti na parang may tinatago. Pinatay nya ang tawag ng kaibigan bago sagutin ang tanong ni Sam.

Tyler: Ah wala lang ito, babe!

Sabay tago ni Tyler sa kanyang cellphone pero mukhang hindi kumbinsido si Sam sa sagot ng kasintahan sapagkat hindi natinag ang masamang at nagdududang tingin ni Sam kay Tyler.

Sam: Anong wala? Alam ko na yan, Ty! Tell me! Are you going again? Inaaya ka na naman ng mga kaibigan mo noh?

He looked at Tyler suspiciously. Agad na sumagot si Tyler. He sounded so defensive.

Tyler: No!

 Sam: Tyler! Tell me the truth! You know I hate lying diba?

Halata kay Tyler ang alinlangan kung sasabihin nya ba talaga kay Sam yung totoo. Hindi nya magawang tumingin ng diretso na mas lalong nagpalala sa pagdududa ni Sam. 

Sam: Babe!

Sumigaw na si Sam, napatingin tuloy si Tyler sa kanya. Sam glared at him, kaya wala ng naging choice si Tyler kung gindi sagutin si Sam.


Tyler: Okay, okay! I will tell you the truth now! Ang totoo nyan, babe! Inaaya ako nila Cris na maginom daw kami tonight!



His boyfriend, Sam wasn't shock because he already expected this. Usually naman tumatawag lang yung mga kaibigan ni Tyler para ayain itong magliwaliw at maginom. Tyler is a happy go lucky kind of guy. Madalas pa rin itong umaakto na akala mo binata. He doesn't know the word responsible. Lagi nyang sumasabi na bata pa sya kaya ayaw nyang maging seryoso agad sa buhay. He wants to enjoy his life, na yun ang bagay na sobrang ipinagkaiba nila ni Sam.

Sam is the kind of guy na responsible and always have plan. Ayaw nya nung mga biglaan na bagay. He wants to settle things para masigurado nya na walang magugulo sa life nya. Sa lahat ng bagay gusto nya nakaayos at planado. Seryoso sya sa lahat ng bagay, sa trabaho, sa pamilya, lalong lalo na sa relasyon nya kay Tyler. 

It took him a while to accept this love, so he will do everything to make it work and last.

Sam: So, what did you tell him?

Tyler: Ah eh, mmmhhh...

Sam: Tyler! What the hell did you tell him! Don't fucking tell me that you agreed!

Tyler: Just for tonight, Babe! Matagal naman na nung huling umalis ako kasama nila. Namiss ko na din uminom kasama...

Hind pinatapos ni Sam si Tyler.

Sam: Are you seriously saying that? 

Tyler: Why? Is there something wrong with what I said?

Sam: I can't believe you!



Inis na sabi ni Sam tsaka sya tumayo mula sa pagkakaupo at nagsimulang magwalk out pero pinigilan sya ni Tyler. Sam look at him disappointedly.

Tyler: Ano na naman ba ang problema, Sam! Don't walk out of me like that! You have to tell me what is the problem para malaman ko.

Sam: Are you seriously asking me that!

Tyler: Of course! Paano ko malalaman if hindi mo sasabihin!

Sam: Okay! Fine! I will tell you! Alam mo nang ngayon lang tayo nagkaroon ng time para sa isat isa dahil nga sa sobrang busy natin sa trabaho natin tapos malalaman ko pumayag ka para makipaginuman sa iba! Anong sa tingin mo ang magiging reaksyon ko? Matutuwa?

Tyler looks like he still couldn't understand bakit nagagalit si Sam. Habang si Sam, eto halos umusok na sa sobrang pagkaasar sa kasintahan.

Tyler: Huh? Magkasama naman na tayo buong araw ah! Hindi naman siguro masama if makikipagkita ako sa kanila Cris. Ngayong gabi na lang din kasi ako nagkaroon ng time na makipagkita sa kanila, remember I'm always on overtime this past few weeks so...

Sam: So, you expect me to just say yes to this? Na okay lang sakin na makihati sa oras mo sa mga kaibigan mo? Ngayon nalang din tayo nagkaoras na magsama ng buong araw aalis ka pa?

Tyler: Huh? Araw araw naman tayong magkasama ah?

Sam: Ano? Talagang pinagtatanggol mo talaga yang pagkagusto mo na umalis huh? The answer is No, Tyler! You can't go out!

Tyler: What? But Babe! I really want to go! Kanina pa ako iniitay nila Cris doon! 

Sam: Ano naman kung kanina ka pa nila inaantay! I said No! Hindi ka pwedeng umalis, Tyler! Stay here! If you really want to drink then let's go! Let's buy some booze and drink here! I will accompany you!

Tapos umupo si Sam ulit sa sofa nila. Tyler seat too at tinabihan si Sam. He tried to hold Sam's arms para pilitin itong pumayag sa gusto nya.

Tyler: Babe, sige na! Please agree na! I really want to go! Actually, kanina pa ako inaatay nila Cris eh! Kanina pa nila ako inaaya.

Sam: Anong pakialam ko sa kanila? Yes, they are your friends pero hindi ko obligasyon na intindihin din sila!

Tyler: But, Babe! I really want to go!

Sam: I said No! Bakit ba gustong gusto mong umalis! Siguro may inaasahan kang ibang babae doon noh like last time! What the hell, Tyler! Don't let me see you again na meron babaeng naka upo sa lap mo at nilalandi ka! Naku! Makikita mo na naman ang kasamaan ko?

Tyler's eyes went so wide!

Tyler: Of course not babe! Mahal ko pa buhay ko ah!

Mas lalong nagalit si Sam sa sinabi ng kasintahan. Tyler noticed it kaya narealize nya din yung mali nya.

Sam: What the hell, Tyler! Anong akala mo sakin? Mamamatay tao? Baliw ka ba?

Tyler: Of course not, Babe! What I mean is...

Sam: Kahit ano pa yang idadahilan mo, Tyler! My answer is final! It's a no! It will remain No!

Hindi na natuwa dito si Tyler. Nagbago yung mukha nya into something na naiinis na.

Tyler: Ano ba yan, babe! Minsan lang naman ako magpaalam na umalis eh tapos hihindian mo pa? You're so unfair?

Sam: Unfair? Are you serious? Ikaw ang unfair! Alam mo nang bonding time natin ngayon tapos bigla kang aalis para lang makipagkita at makihappy happy sa mga kaibigan mo? You'll choose them instead of me? Sino sa tingin mo ang matutuwa?

Medyo napapalakas na yung Sam!


Tyler: But, Babe! I really want to go!

Sam: I said No! Wala ka naman mapapala dun eh! Dito ka lang!

Pasigaw na sabi ni Sam, napatayo ulit si Tyler dahil galit na din sya sa patuloy na paghindi ni Sam sa gusto nya. 

Tyler: Bakit ka ba ganyan! Gusto mong ikaw lagi ang masusunod! Sinabi nang gusto ko nang umalis! You can't stop me!

Sam: So go! If you really want to go! Tingnan natin kung anong mangyayari! You choose! Those friends of yours or me?

Diretsong sabi ni Sam tsaka sya umalis na. Tyler was about to stop him pero tuluyan na talaga siyang umalis at pumasok sa kwarto nila. Napuno ng inis si Tyler dahil sa sinabi ni Sam. Hindi sya makapaniwala na naging matigas sa kanya si Sam.

Tyler: Akala nya naman mapipigilan nya ako ah! Hindi sa lahat ng oras ay oo lang ako sa kanya! I still have my own life! If gusto kong umalis then aalis ako! Tingnan lang natin if may magagawa pa sya!

~~~

Setting: Bar!

Loud music is going on while Tyler and his friends are in the bar. Masaya nilang pinagsasaluhan ang napakaraming boozes na nasa lamesa nila. 

May mga kasamang girls ang ibang kasama ni Tyler maliban sa kanya. Kahit na nainis sya kay Sam dahil sa hindi pagpayag nito ay hindi parin sya gagawa ng isang bagay na ikasisira ng relasyon nila. 

As promise, he will never entertain anyone. Gusto lang talaga nyang makasama sila Cris, gayon din ang mapatunayan na hindi sa lahat ng bagay ay masusunod si Sam. May sariling buhay parin naman sya at desisyon! Hindi porket, boyfriend nya ito ay lagi syang susunod sa kagustuhan ni Sam.

Cris: Tyler! himala at andito ka! Ang buong akala ko, hindi ka na naman makakaalis eh!

Marko: As usual! Hindi sya pinayagan ni Sam! Ay nako pre! Eto ang dahilan kung bakit ayokong magcommit sa pagkakaroon ng relasyon tulad ni Tyler! Nakakawala ng freedom! I will fucking hate that!

Tyler's friends started to laugh, while Tyler drink his booze first, before speaking again.

Tyler: That is not true! Pinayagan kaya ako ni Sam! Sa tingin nyo ba, andito ako if hindi ako pinayagan?

They all look so shocked about it! Tapos natawa ulit sila which made Tyler look at them wierdly.

Cris: Are you serious? Pinayagan ka talaga ni Sam? That's new!

Tyler: Of course! Ako kaya ang nasusunod samin dalawa! Walang palag sakin si Sam! Pag nagdecide na ako, yun na ang masusunod! Wala na syang magiging angal pa!

Marko: Talaga lang ah! Hahahaha! Sa pagkakakilala ko kay Sam, mukhang malabong mangyari yan!

Cris: Sinabi mo pa! Napaka mapride ng isang iyon! Sam is the kind of person na hinding hindi ko magiging karelasyon! Ayoko ng control freak noh!

Tyler: Uy! Boyfriend ko pa rin yang sinasabihan mo ng control freak!

Cris: Okay! Okay! I'm sorry! My bad! Pero totoo naman yung sinasabi ko ah!

Tyler: Ah basta! Sam said yes! Yun na yun!

Marko: If you say so!

After Marko said this, nagtawanan na naman sila. Si Tyler, nagpatuloy lang sa paginom. Kanina pa nagriring yung phone nya, pero hindi nya ito sinasagot. Nakareceived na din si Tyler ng text from Sam, kaya nagdecide na sya na palihim na basahin ito.

Sam: Ah talagang umalis ka ah! Hindi ka talaga masabihan, Tyler! Wag ka nang uuwi dito! Magsama sama kayo!

Nakaramdam muli si Tyler ng pagkainis kay Sam, kaya nagsimula na syang mag compose ng reply dito.

Tyler: And I already said I wanted to go! Hindi sa lahat ng bagay ay papayag ako sa gusto mo, Sam! Please understand! Magusap nalang tayo paguwi ko. Sleep early, hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi.

Nang mareceive naman ito ni Sam, sobrang inis din yung naramdaman nya para kay Tyler. Hindi sya makapaniwala na tinuloy parin nito ang balak nya kahit na paulit ulit nyang sinabi na hindi sya pumapayag sa gusto nito.

Sam: I hate you, Tyler! I so hate you! Magsisisi ka sa pinaggagagawa mo! Magsama sama kayo! Argh! I hate you!

TO BE CONTINUED
WAANJAIMJORA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top