Kabanata 01
Bumalik tayo sa nakaraan... Ilang buwan bago mangyari ang asa kasalukuyan...
Ating alamin kung paano napunta sa ganoong sitwasyon si Tyler at Sam. Paano ang dalawang taong lubos na nagmamahalan ay mas piniling tapusin na lamang ang kanilang magandang nasimulan...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author POV
Dahil parehas silang nagkaroon ng pandaliang pahinga mula sa kani- kanilang trabaho, Mas pinili ni Sam at Tyler na manatili nalang sa kanila Condo Unit. Kasalukuyan silang nanonood ng palabas na as usual pinili ni Sam. Nakaupo si Tyler sa Sofa habang nakahiga naman si Sam at nakaunan sa mga hita ng boyfriend nya.
Sam: huhuhuhuhuhuhu bakit ba laging nakakaiyak yung part na ito! My gulay naman eh! Mukha na naman tuloy akong tanga! Babe! Nakakaiyak talaga huhuhu!
Hindi maiwasan ni Tyler na medyo matawa habang pinapanood at pinakikinggan ang pagiyak ng kanyang kasintahan na si Sam.
Sanay na sya sa ganitong gawi ng kanyang minamahal. Minsan nga nagtataka sya kasi ilang beses naman na nilang napanood itong palabas na pinapanood nila, pero bakit iyak pa rin ng iyak si Sam.
"Wala naman dapat siya ikaiyak, pero palagi nalang sya umiiyak? Minsan may pagkabaliw din itong mahal ko eh noh!" Sabi ni Tyler sa kanyang sarili.
Pinipigilan ni Tyler na matawa ng sobra ng biglang umupo si Sam at humarap sa kanya.
Sam: Babe! Ako iyak ng iyak pero bakit ikaw mukhang natatawa ka! Manhid ka ba talaga?
Biglang tanong ni Sam na nagpaseryoso sa lalaking kaharap nya. Tyler looked at him seriously habang nakatitig ng diretso sa kanyang mga mata.
"At ako pa talaga ang nasabihang manhid ng baliw na lalaking eto!" Muling sabi ni Tyler sa kaniyang sarili...
Hindi niya ito kayang sabihin ng harapan kay Sam dahil panigurado may giyera na namang magaganap sa pagitan nilang dalawa king susubukan nya.
Tyler: Babe! Alam mo naman hindi ako madadala ng story na yan! Diba! Ang common kaya ng ganyang istorya.
Sam: Common? Bakit naman? Ang ganda ganda kaya ng story line ng palabas na yan! Hanggang ngayon nadadala pa rin ako sa mga scenes at dialogue nila!
Takang pagtatanong ni Sam sa kanya.
"Eh syempre mababaw ka lang naman kasi talaga sa mga ganyang bagay! Napakadali mong madala kahit minsan waley naman talaga!" Muli niyang sabi sa sarili
Tyler: Ano ka ba Babe! Bakit ko naman sasayangin yung luha ko sa mga yan! Alam ko naman hindi totoong nangyari yung napapanood natin sa movie na yan sa totoong buhay eh. Kung magkatotoo man, sisiguraduhin kong hindi sa atin mangyayari yung mga yan. Alam mo ba kung ano yung talagang magpapaiyak sakin?
Seryosong pagtatanong ni Tyler kay Sam, nagtatakang sinagot naman ito ni Sam
Sam: Ano?
Dahan-dahang lumapit si Tyler sa kanyang minamahal. Napapikit nalang si Sam ng unti unting dinantay ni Tyler ang kanyang noo sa noo ni Sam.
After a few second, dahan-dahang ibinuka ni Sam ang kanyang mga mata at mariing tumingin sa mga mata ng kanyang kasintahan.
Ngumiti ng panandalian ang binata bago ito muling magsalita
Tyler: Iiyak lang ako dahil sa dalawang dahilan, Una! Ito ay dahil sa sobrang kasiyahan sa araw ng ating kasal sapagkat sa wakas akin kana habang buhay at wala ng ano mang or sino man bukod sa kamatayan ang magpapahiwalay sa atin. Pangalawa, dahil siguro sa sakit pag ako naman ay iniwan mo ng tuluyan. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka sa buhay ko Sam, alam mo yan! Mas gugustuhin ko pang mamatay at mawala sa mundong eto kesa ang mabuhay ng wala ka sa tabi ko! Ikaw na ang buhay ko, Sam! Ang mabuhay ng wala ka ay parang pagkabuhay sa mundong puno lamang ng sakit at kapighatian! I would rather die kesa ang piliing maging masaya kahit wala ka na! Please wag na wag mo kong iwan sapagkat hinding hindi ko iyon makakaya!
Sobrang nasiyahan si Sam sa kanyang mga narinig mula sa kanyang kasintahan, kaya bigla itong tumayo at dumantay sa mga binti ng kanyang si Tyler. Halatang nagulat naman si Tyler sa reaksyon ni Sam ngunit hindi pa rin nito mapigilang mapangiti habang namamasdan ang laki ng ngiti sa mukha ni Sam.
Sam encircle his arms into Tyler's nape habang tinitingnan ito ng puno ng kasiyahan.
Sam: Talaga lang ha? Baka iniechos mo lang a
ko?
Hindi mapigilang matawa si Tyler pagkatapos marinig ang tanong ni Sam.
Tyler: Hahaha Bae! Hindi kaya! Alam mo naman na mahal na mahal kita diba? At hindi ko kaya if mawawala ka sakin! Hindi ko alam kung papaano ako magiging masaya kasi ikaw lang naman yung nag bibigay ng saya sakin ehh.
Sam: Hahaha Ang cornie mo love ahh! Saan mo natutuhan yan! Parang hindi ikaw yan ahh!
Sinimulang hawak-hawakan ni Sam yung mukha at leeg ni Tyler.
Sam: Nilalagnat ka ba? Oh hindi kaya sinasapian?
May halong saya at kaba sa boses ni Sam habang sinasabi ito kay Tyler na naging dahilan para mas lalong matawa ang binata.
Tyler: Hahahaha totoo lahat ng sinasabi ko sayo! At saka hindi ako manhid para hindi ko malaman ang nilalaman ng puso ko't isipan kasi kung manhid ako? Paano ko nararamdaman yung sobrang pagmamahal ko para sayo at paano ko nararamdaman na mahal mo ko?
Bumuntong hininga si Sam bago sagutin si Tyler
Sam: Sabagay, pero Love? Hindi ka ba nagsasawa satin dalawa?
Medyo nagulat si Tyler sa bilang tanong ni Sam, mukha kasi pa itong seryoso na minsan lamang ipinapakita ni Sam.
Si Sam kasi yung taong seryoso pero hindi nya pinapakita. Kung gawin o ipakita man nya ito siguradong ito ay dahil sa sobrang importante bagay lamang. Natigilan tuloy sa pagtawa ang binata at marahang hinaplos ang mukha ang ni Sam.
Tyler: Bakit naman ako magsasawa?
Sam: Ewan ko? Siguro sa palagi nating pagtatalo? Eh di ba palaging hindi nagtutugma yung opinyon natin sa isat-isa! Minsan nga nagugulat at nagtataka ako paano mo ko natatagalan eh? I mean! Di ba para maging maganda yung takbo ng isang relasyon, dapat may magandang communication at dapat nagtatagpo tayo sa gitna. Pero sa case natin... Laging hindi eh! Laging tayo on contrast sa isat-isa kaya lagi tayong nagaaway! Hindi ka ba nagsasawa sa ganun?
Tyler: mhhhh! Alam mo Babe, yung pagtatalo normal lang yan eh! Ang mahalaga naman is yung nagkakaayos din tayong dalawa! Bakit naman ako magsasawa, eh mas marami naman yung masasayang moments natin na magkasama!
Muli, sobrang naging masaya si Sam habang nakikinig sa mga sinasabi ni Tyler sa kanya..
Sam: mmmmhhhh!! Naks naman etong Bab3 ko! Hanep sa linya ahh! Saan mo nabasa yan!
Tsaka biglang tumawa ng tumawa si Sam. Gayon din tuloy yung tawa ni Tyler.
Tyler: Eto naman nagsasabi lang naman ako ng totoo ah! Halika nga dito! Payakap ako!
Tyler then pulled Sam para sa isang mahigpit at puno ng pagmamahal na yakap.
Tyler: mmmmhhhh! I love you so much Love! Salamat kasi parati kang nanjan para sakin!
Sam: Binibigyan mo naman kasi ako lagi ng dahilan para manatili eh tsaka di ba nga? May forever tayong dalawa!
Tyler: Yes! Forever!
They let go at mariing siniil ang isat-isa sa isang mainit at puno ng pagmamahal na halik. Nagsimulang lumakbay ang kanilang mga kamay sa kani-kanilang katawan na animoy hindi alam kung saan idadapo at idadaan, para silang mga sabik sa halik at haplos ng bawat isa...
Patuloy nilang ninanamnam ang kanilang masidhing pagibig para sa isa't-isa ng biglang...
Cris Calling...
To be continued
A/N
Sisimulan ko na naman manakit here este maiinis kay Cris 🤣
WaanjaiMJora
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top