Priceless

Priceless

Prologue

Milyones

"Here."

Tiningnan ko pa muna ang nilapag niyang isang blangkong tseke sa mesa sa gitna naming dalawa at sa harapan ko. Nag-angat muli ako ng tingin kay Madam...

Ang sosyal ng pananamit niya at halatang mamahalin at isang Birkin na bag ang nakasabit sa slim niyang braso. Ang kinis pa ng kutis at halata mo talagang mayaman.

Bahagya akong tumikhim.

"It's a blank check. You can just write whatever amount of money you want there. Basta layuan mo lang ang anak ko," sabi niya sa 'kin.

Kung ikaw ako? Tatanggapin mo ba ang ganitong offer? Kasi ako, oo...

Because everything in the world seems to have a price, especially these days.

Kung wala kang pera ay parang wala ka ring magagawa. Kaya kailangan mo ng pera. At kailangan mo ito sa halos lahat ng bagay.

Some still said that money cannot buy happiness. But actually, with money, you can buy the things that can make you and your family happy. And you can pay your bills. Bakit, masaya ka ba kung marami kang iniisip na babayarang bills sa tubig at kuryente tapos may Wi-Fi pa? At paano kung may mga loan ka pa? Masaya ba kung araw-araw iniisip mo ang pagbabayad sa mga ito o kung paano mo babayaran dahil kapos ka sa pera?

You need the money to pay your bills and to maintain your family. It's the only way to survive...

Reality really hurts sometimes...

Napagdikit ko ang mga labi ko sa isa't isa. To be honest, I still felt a little bit of excitement—taray napa-English.

Naisip ko na ito na ang katuparan ng isang pangarap ko. Hindi ba ay nangangarap lang ako dati na may isang mayamang nanay ang magbibigay sa akin ng milyones basta layuan ko lang ang anak niya? At heto na 'yon, nagkakatotoo na nga!

Pinag-isipan ko pa rin muna. Siguro nga ay tatanggapin ko na lang ito. Kasi kung hindi ko rin naman lalayuan ang anak niya at mananatili pa ako sa tabi nito, oo nga at spoiled din naman ako sa anak niya. He provides for everything that I need! Pero ang kaso nga lang, ang kapalit naman ay sakit sa katawan pagkatapos at ang pechay ko.

At least kapag tinanggap ko itong offer ni Madam ngayon ay mayaman na ako at hindi ko na kailangan pang magmala-gymnastics performance sa anak niya.

Tumango rin ako makaraan at kinuha na iyong blank check sa mesa. Pagkatapos ay tiningnan ko si Madam na mukhang nagulat pa. Ano? Sasabihin ba niya na joke lang ito at natatakot na siya na baka kung magkano pala ang isusulat ko rito sa tseke? Huwag kang mag-alala, Madam, at hindi naman ako papasobra. Sakto lang na may pang-negosyo na rin ako pagkatapos nito.

"Okay po. Lalayuan ko na ang anak ninyo," sabi ko at bahagya pa akong ngumiti sa kaniya.

Umawang naman ang labi niya at tiningnan ako na parang disgusted din siya sa akin.

"What a shameless girl," aniya sa akin habang tinitingnan ako.

Pero nagpatuloy lang naman ang ngiti ko hanggang sa umalis na siya at iniwan lang ako roon sa loob ng isang restaurant dito sa Bacolod na pinagkitaan namin. Talagang sinadya pa niya ako rito sa amin para makita lang ako at mabayaran...

Napabuntonghininga ako pagkatapos. Ayos lang 'yan, Steff. Tutal ay dati mo na rin namang pakiramdam na parang isang bayaran ka na nga. Isang bayarang babae. Kaya ayos lang ito at tama lang ito, I convinced myself.

I always felt proud of the women who earned their keep. I felt like they were stronger than me. At siguro ay ganoon na nga. Siguro ay mahina rin talaga ako... o tamad lang din. Muli ay napabuntonghininga na lang ako.

I'm in my late twenties now. At simula noong nag-twenty ako at naka-graduate sa college ay nagtrabaho na agad ako nang walang tigil...

And you know what? Over the years, the same exact routine has exhausted me. It exhausted my mind and soul. It affected my mental health. Nakakapagod. Pagod na pagod na pala ako.

Kailangan kong halos patayin ang sarili ko sa trabaho—overtime pa, etcetera. Tapos parang hindi mo pa makuha-kuha iyong promotion na tingin mo naman ay deserve mo sana, after all your hard work. Pero ang ending ay iyong katrabaho mo pa rin na sekretong kabit ng boss n'yo ang na-promote. Wala, eh. Malakas ang kapit sa work ni ate mo girl.

I was just a salary woman and a minimum wage worker. Pagkatapos after pa ng sahod mo ay sakto lang din na ipambabayad mo na halos lahat-lahat sa mga bayarin at gastusin n'yo ng pamilya mo.

In the end ay wala na ring matitira pa sa 'yo... Ganda na lang.

Skincare? I couldn't even have a proper one. Basta sabon-sabon na lang at kung ano na lang ang natirang shampoo r'yan sa banyo.

Mabuti na lang at natural na talaga akong maganda kahit hindi pa mag-skin care, charot!

I sighed, thinking.

Minsan ay naawa na rin talaga ako sa sarili ko... Nakakaawa ako.

Kasi bakit? Eh, may trabaho naman kasi ako.

Kapag nakikita ko nga ang mga post ng mga kaibigan at dati kong kaklase sa social media—when they do vacations and self-love... Paano ba mag-self-love nang walang pera? Hindi ba 'yang self-love dapat inaalagaan mo ang sarili mo? Eh, paano mo pa maaalagaan nang maayos ang sarili mo kung puro ka na lang trabaho just to provide for your family at wala na ngang para sa 'yo pagkatapos ng sahod? Bale may sahod ka nga pero parang dumaan lang din sa kamay mo. Parang pinahawak lang sa 'yo kasi nakalaan na sa mga bayarin.

That's why I think that this breadwinner culture is so toxic...

Bakit parang may isa lang sa pamilya n'yo ang nagtatrabaho at naghihirap para mabuhay kayong lahat sa pamilya?

At sa kaso ko pa ay hindi ko rin naman kayang talikuran ang pamilya ko. Hindi ko kaya na magutom sila. Hindi kaya ng konsensya ko na walang pambili ng gamot nila para sa kanilang maintenance dahil may edad na rin sina Mama at Papa, at walang pang-aral ang mga kapatid ko. Mas mahihirapan ako kapag isipin ko pa lang na wala kaming pambili ng pagkain sa bahay o na mapuputulan kami ng kuryente at tubig. At walang panggatas ang pamangkin ko...

It was so exhausting that I already often thought na umalis na lang at takasan ang responsibilidad na hindi ko naman pinili talaga pero wala lang akong choice. Gusto ko na lang iwan lahat. Pero mas malaki pa yata kaysa sa akin ang konsensya ko. Ganoon palagi at ang bilis ko pang usigin ng konsensya ko.

Siguro kung masama lang akong kapatid at anak ay matagal ko nang inabandona ang pamilya ko...

I feel like I'm trapped within my family duties and responsibilities...

Did I have hope even once? I think I had it before. I was still hopeful that one day, I could also do the things for myself, too. Na sarili ko naman sana muna ang iisipin at uunahin ko.

But I got scared of waiting as well... And as I was also getting older already...

I think I'm just being more realistic here. Ayos lang naman sa akin kung may masasabi tungkol sa akin ang ibang tao. It's just the life that I chose now for myself. Ito ang pinili ko kaya dapat ay maging handa rin ako sa consequences. Consequences like being called a pokpok, mukhang pera, tamad o nagrarason lang, etcetera. Ayos lang sa akin kung ano pa man ang maging descriptions sa akin. Bad influence—hindi dapat gayahin? Bahala na kayo.

Basta ang importante sa akin ay may pagkain ang pamilya ko at nagagawa ko na rin ang mga gusto ko habang hindi pa ako ganoon katanda.

Anyway, you wouldn't really know how I feel because you aren't me.

And growing up being poor, money became so important to me. Na tingin ko ay ito rin ang magpapasaya sa akin...

Kapag may pera ka nga naman makakabili ka at makakakain ng masarap. May pambayad ka sa mga bills n'yo sa kuryente at tubig, wifi, at iba pa. May pang-grocery, pambayad sa tuition fee ng mga kapatid mo, at lahat-lahat na ng mga bayarin at gastusin ninyong pamilya. At kapag mas maswerte ka pa na may extra ka pang pera pagkatapos ng mga bayarin ay pwede ka pang magbakasyon o kaya i-treat mo rin ang sarili mo kung saan, kung sa salon ba—magpa-rebond ka ng buhok mo, girl! Go!

I feel like you can do anything with money.

At napapasaya ka nito—kagaya na lang kung makakakain ka dahil may pera kang pambili. Bakit nakakatuwa ba kapag gutom ka? People who haven't experienced hunger because they lack money to buy food don't know how it exactly feels.

I don't blame people who were born with money and into better families. If they are people who are privileged, then good for them. At sa akin naman na hindi masyadong swerte sa buhay at pinanganak sa kahirapan at naitakda pang itaguyod ang pamilya niya, I just have to find my own ways to survive as well...

And it started almost a year ago. When I first met the rich bachelor in his early thirties, Jace Alessandro Echavez. He's from Manila, Philippines, at nagbabakasyon lang din noon sa isla na malapit sa amin.

Nang panahong iyon din ay naimbitahan lang akong um-attend sa kasal ng boss ko at babae niya lang dati. Talagang nagtagumpay si accla na naghiwalay iyong mag-asawa na may dalawa pang anak at pinakasalan siya agad ni bossing. Tsk. Minsan talaga kani-kaniya lang din ng hanap ng paraan ang mga tao para umangat o makausad man lang sa buhay... Kahit pa nga minsan ay hindi na tama...

Bumuntonghininga na lang ako. Hindi ko na problema iyon. Problema na nila 'yan. At mukhang hindi nga rin nila pinoproblema. Kaya bakit ko poproblemahin? Ah, basta! Bahala na nga sila riyan. Buhay naman nila 'yan. At sila ang mas nakakaintindi sa mga sarili nila. And they deal with their own actions, anyway. Sila na ang bahala. Buhay nila 'yan at kwento nila 'yan.

Basta ako ay naki-attend na lang din dito sa may pa-beach wedding at baka kapag tinanggihan ko ang invitation ni bossing ay baka mawalan pa ako ng trabaho. Delikado ako no'n. At mabuti sana kung ako lang eh paano na ang pamilya ko na umaasa lang din sa akin? Tsk. At isa pa, bakit naman ako tatanggi sa imbitasyon? Wala naman sigurong masama na nandito rin ako at makikikain lang din talaga ako sa handa sa reception ng kasal nila. At ang ganda ng beach, 'no. Isipin ko na lang din na parang bakasyon ko na rin ito kahit ilang oras lang din naman ako rito sa resort ng isla. At ngayon lang din ito. Enjoy-in ko na muna kahit pansamantala lang.

I know that not everyone would understand this. Lalo na siguro iyong mga may kaya naman sa buhay. Pero ayaw na ayaw ko talaga ng problema sa pera. Dahil nagkanda-depress na ako dati kakaisip dahil wala kaming sapat na pera. Kung may paraan nga lang at magic na bigla na lang akong mapupunta sa ibang mundo—a world where money is not a problem, then I would gladly go there and leave everything behind...

Nakakapagod kaya. Kung ikaw kaya trabaho ka nang trabaho. Kayod ka nang kayod tapos hindi mo naman makita ang perang pinagtrabahuan mo. At napupunta na lang talaga lahat sa mga bayarin. Nakakapagod din mag-isip ng bills na lang parati at buwan-buwan pa.

Life feels more like it's just about surviving rather than really living. It's a tiring cycle...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top