Kabanata 4
Kabanata 4
Museum Date
Apparently, Jace also likes art kaya naman nag-usap kami na mauuna na munang bisitahin ang museum ngayon. There were art pieces and paintings in The Negros Museum here in Bacolod City. I asked him if he would want to go there, and he said yes kaya naman doon na muna ang punta namin ngayon. At susunduin din ulit ako nina Jace.
At s'yempre naman ay naghanda rin naman ako, 'no. Palagi lang akong stressed looking sa trabaho ko pero ngayon ay nagmukhang dalaga na uli ako. S'yempre, gusto ko rin namang mag-effort kahit kaunti para sa lakad namin ngayon ni Jace. Ayaw ko rin naman na mapahiya siya sa mga makakakita sa amin na ang guwapo-guwapo niya tapos ako na kasama niya ay mukhang patatas. Pero in fairness, ha. Masarap naman ang potatoes at favorite ko nga rin ito lalo na ang mashed potato sa KFC. Bigla tuloy akong nag-crave.
Bumuntonghininga na lang ako. Sanay naman ako na pinagbubuntonghininga ko na lang din madalas kapag may cravings ako. Dahil mahirap lang ako ay parang wala rin tuloy akong karapatan na mag-crave crave na 'yan...
So I guess it's already a luxury when you're able to eat the food that you want.
Pagkatapos ay pumasok na sa kwarto namin ang roommate kong si Aya. Mukhang excited pa ito na pumunta sa akin. Malaki ang ngiti sa mukha niya habang palapit pa lang sa akin.
"Bakit?" napatanong naman ako sa kaniya habang inaayos ko pa lang ang kaunting makeup ko.
"Pak! Ang ganda mo ngayon, ah!" Naghugis "O" pa ang bibig niya habang nakatingin siya sa akin. "Ay, oo nga pala! Steff! Nasa baba na ang sundo mo! Hala, pinapalibutan na ng mga marites ang magarang sasakyan na naka-park sa labas!" sabi ni Aya.
Nanlaki naman ang mga mata ko. "Nand'yan na?" Nagmadali rin naman ako agad at halos mataranta pa. Kinuha ko na agad ang bag ko at mabilis na ring lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan. Pero natigilan din ako nang bahagya dahil natanaw ko na si Jace doon na nakaupo na sa may sala ng bahay.
I was expecting to see him waiting inside his car. Pero mukhang pinapasok na rin pala siya ni Aling Lotlot dito sa loob ng bahay. Ngiting-ngiti pa si Aling Lotlot habang kinakausap niya si Jace. At ngumiti rin siya sa akin pagkabaling niya sa 'kin. Napatayo rin si Jace nang makita niya ako. Narinig ko rin ang paimpit na tili ni Aya sa tabi ko. Sinaway ko naman siya bago ako dahan-dahan nang lumapit kay Jace...
Para pa akong naglalakad sa mga ulap... Parang hindi lumalapat ang mga paa ko sa sahig...
"Jace..." tunog pabebe ko pa na tawag sa kaniya.
And then he immediately flashed me his gorgeous smile. I feel like my heart just leaped...
"Hi!" nakangiting bati niya naman sa akin.
At sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko ang mga ngiti rin at kilig ng mga dormmate ko habang nakikita at nasasaksihan nila kaming dalawa ni Jace ngayon sa gitna pa ng sala...
Err, ang totoo ay hindi naman talaga ito nakakakilig. Kung alam lang nila na ang role ko talaga rito ay ang maging tour guide lang naman ni Jace. Tsk.
"Hi, Jace..." binati ko na rin siya pabalik. "Uh, tara na? Alis na tayo." Agad ko na rin siyang niyaya na umalis na kami dahil medyo nao-awkward-an na rin ako sa mga kasama ko rito sa bahay at kay Aling Lotlot.
At pagdating naman namin sa sasakyan niya ay napansin ko agad na wala siyang kasamang driver. So, I asked him about it. "Nasaan ang driver mo?"
Umiling lang naman sa 'kin si Jace habang nagsusuot na siya ng seatbelt sa driver's seat. He also reminded me to wear my seatbelt kaya ginawa ko na rin. "I'll drive us today." Then he gave me his handsome smile.
Napangiti na rin ako sa kaniya at hindi na nagtanong pa.
So Jace and I went to the museum. Nagustuhan ko rin naman doon at gusto ko rin naman na makakita ng mga art. At may bigla pa akong naalala. May nakita na rin kasi akong post dati sa social media tungkol sa isang date sa mga museum. And I couldn't help but think that this was just like having a museum date. Napangisi na lang ako nang lihim sa sarili ko at sa nakakaloko kong pinag-iisip ngayon.
"These are fine pieces..." Jace commented while looking at the paintings by local artists.
Napatango naman ako sa sinabi niya habang nakatingin din ako roon sa mga painting.
"Do you like art, too?" he suddenly asked me.
Bumaling naman ako ng tingin sa kaniya. "Uh, oo..." Pagkatapos ay napangiti ako. "Dati nga noong bata pa ako, pinangarap ko rin na matutong mag-paint din sana..." nakwento ko na rin tuloy sa kaniya.
"Then, what happened?" he asked me.
Tumingin muli ako sa kaniya at ngumiti na lang. "Wala... Mahal din kasi ang materials sa pag-paint, eh..." And it's just like ballet or learning how to play the piano. It's all expensive. Hindi bagay para sa tulad kong mahirap.
There are things that someone like me can only dream of having or learning because poverty doesn't allow me to really learn and do it.
"Oh, is that so... But you want to try painting?"
Nagkatinginan kami ni Jace. Pagkatapos ay bahagya naman akong tumango sa kaniya. "Pwede..." sabi ko lang.
"Great! I sometimes paint, too. We can learn together, you know... And about the materials, you say. Don't worry about it. I can provide it for you..." he said as he gave me a reassuring smile.
Bahagya na rin akong napangiti habang nakatingin ako kay Jace. And then I was again reminded that life could probably really be easier when you're born into a rich family. O sa may kayang pamilya.
Tumango na lang ako kay Jace.
"Pwede kong subukan... Salamat. Pero, busy rin ako sa trabaho ko, eh. Baka wala na akong time na matuto pang mag-painting. It also requires time, right?" I sighed because I was afraid that I didn't really have the time for it. Kasi kung makapagtrabaho pa naman ako ay talagang napaka-hardworking ko. Na para bang sa akin ipapamana ng boss ko ang opisina niya.
"But you have the time now? I mean, you can be here with me..."
Tiningnan ko si Jace. "Oo, kasi day off ko. Pero madalas, abala lang talaga ako palagi sa pagtatrabaho..." I told him.
"I see... you were pretty busy with work. When I met you yesterday, you just also came from work, right?"
Tumango naman ako sa kaniya.
And then he looked at me like he was worried for me. "Palagi ka bang inuumaga na sa work mo?" he asked me.
Umiling naman ako. "Hindi naman. Minsan lang... Saka minsan din ay doon na lang ako nakakatulog sa opisina. Minsan kasi pagkatapos kong magtrabaho nang late na ay tinatamad na rin akong umuwi pa. Kaya doon na lang din ako natutulog sa opisina. May matutulugan din naman doon."
"Is it safe there?" he asked me like he was truly concerned about me.
Napangiti naman ako sa kaniya. "Oo naman. Safe naman doon at kaibigan ko na rin ang guard. Safe naman matulog na lang doon minsan, kaysa umuwi pa sa bahay tapos gabi na rin. Mas delikado pa nga sa daan," sabi ko.
Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Jace sa sinabi ko. "How dangerous could it get at night?"
Napangiti na lang ako sa mas lalong obvious na niyang pag-aalala ngayon. "Hindi naman talaga delikado. Minsan ay sadyang tinatamad na lang din akong umuwi." Ngumisi ako sa kaniya. Pero mukhang worried pa rin ang mukha niya. "Don't worry about it..." sabi ko na lang sa kaniya.
"What's your work, by the way?" he asked me.
"Uh, paralegal ako sa isang law firm ngayon. Actually, noong una ay law office pa lang talaga ang pinagtatrabahuan ko at nag-assistant lang ako noon sa boss ko na isang attorney..." I told him.
I graduated with a bachelor's degree in the liberal arts or the humanities. Fresh graduate lang ako noong sumubok akong mag-apply nang mapadaan ako sa labas ng opisina at nakitang hiring sila ng isang assistant. Tapos sumubok lang ako na mag-apply at natanggap naman ako. And then along the way, I just took some training to become a proper paralegal. Nandoon na talaga ako sa simula pa lang kaya nang lumalaki na ang law office at naging law firm na nga ay hindi ko rin maiwasan na mag-expect din sa boss ko ng kahit kaunting raise man lang sa pasahod sa 'kin...
Pero kalaunan ay parang minahal ko na rin talaga ang trabaho ko, so I stayed in the office.
"Oh, wow. Don't you have plans on becoming a lawyer instead?" Jace asked me.
Umiling at ngumiti na lang ako sa kaniya. "Mag-aaral pa ng law..." Saka mahal din 'yon. And I didn't really put a serious thought in it.
And although sinabi na rin sa 'kin ng mga katrabaho ko sa office—Vana also told me that I have a potential in becoming a good lawyer. I was even told that I was actually the one who gave the ideas to our boss, Attorney Mauricio... Kaya raw unti-unti na rin nakilala ang law office namin. But Attorney Mauricio had also put in his efforts, and we couldn't just disregard that. Okay rin naman na lawyer si Attorney. And I just simply helped and did my job.
And on my first day off with Jace, we only visited some places in the city including the museum. At pagkagaling pa namin sa museum ay niyaya naman ako ni Jace na kumain na rin kami sa labas. He also asked me kung ano raw ba ang gusto kong kainin. And I just unconsciously told him that I want to have mashed potatoes kagaya sa naisip ko kanina na gusto nang kainin habang nasa bahay pa ako at naghahanda para sa lakad namin ngayon.
And Jace just brought me to a fine dining restaurant. And then there, I just had steak and some potatoes with him for dinner...
Then I thought that I really enjoyed today as well.
Pagkauwi ko naman ay tsinika na naman ako nina Aling Lotlot at ng mga kasama ko sa dorm kung sino nga raw iyong naghahatid at sundo rin sa akin o kung ano ko raw ba talaga si Jace. Hindi ko naman alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila. But I just told them that he's a friend of mine... Na ayaw naman paniwalaan ng mga marites kong kasama sa bahay.
"Friend lang? Tapos nagde-date?" sabi pa nila sa 'kin na hindi naniniwala sa sinabi ko lang na magkaibigan kami ni Jace.
Pero napangiti na rin ako nang maalala ko ang ginawa namin ngayong araw. Mukhang date na nga rin iyon—a museum date like what I've seen in some posts on social media. Pero s'yempre ay nag-delulu lang naman ako ngayon.
At mas lalo pa akong inasar ng mga kasama ko sa bahay nang makita nila ang ngiti ko. Napailing na lang din ako sa panunuya nila at napapangiti pa rin. Ang delusional, Steffiana.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top