Chapter 47: Save

Dalawang araw ang nagdaan. Sa dalawang gabi ring sumapit ay palaging sumasagi sa isip ko kung ano na ang kalagayan na ni Katy sa kinaroroonan niya. Maaaring turukan din siya ng pampahinang lason at marahas na saktan kagaya ng ginawa nila sa akin. Makakaya kaya ng mahina niyang katawan iyon?

Sana.

My eyes were fixed on the blooming roses here in his garden. After jogging at dawn, I decided to sit here until the sun rises. Ang bakal na sandalan ng aking upuan ay malaming na nakalapat sa aking likod. Hinila ko ang aking mga paa pataas at niyakap ang mga ito. Ramdam ko ang pagod dahil sa pagtakbo at sa dami ng iniisip kaya’t hinayaan kong bumagsak ang aking mga pilik-mata. I curled there like a cat ready to sleep.

And, yeah, I did fell asleep unintentionally alone in the garden. Napamulat na lamang ako ng maramdaman ang mga magagaan na haplos sa aking mga pisngi habang tinatanggal ang mga hibla ng aking mga buhok na nakaharang sa aking mukha. Awtomatiko kong hinuli ang kamay na iyon at masamang tumingin sa salarin.

“Anong ginagawa mo rito?” wika ko. Nilayo ko ang kamay niya sa akin at umayos ng pagkakaupo. Halakhak ang ibinigay niya sa akin bago sumagot.

“What kind of question is that? Hindi ba ako pwede rito?” ngisi niya at sumandal sa akin ring inuupuan.  Napasuklay ako ng aking buhok ng bahagyang humangin. Naging maulap ang kalangitan kaya’t hindi kami naiinitan sa pwesto namin.

“Anong oras na?” tanong ko na lamang. Mukhang matagal-tagal rin ata akong nakatulog. Mataas na ang sikat ng araw.

“It’s quarter to 10. Why are you sleeping here?” galak nitong balik-tanong sa akin na ikinibit-balikat ko na lamang. I don’t know, either. I just feel asleep for some unknown reasons. O kaya ito ay marahil sa pagod at puyat. Hindi ako mapanatag nitong mga nakaraang gabi.

We ended up sitting there in silence as we glance over the beautiful landscape of the garden. Bawat sulok ay mga rosas, pulang rosas, at iyon lamang.

Lumipad naman ang utak ko sa ibang bagay. Ngayong araw ang itinakda sa dapat na pagkikita ko sa Dark Clan na siyang nakasaad sa mensahe. Kahit hindi nila ipinapakita ay alam kong naghahanda na sila. He doesn’t want me to get involved of the problem, pero hindi niya ako naiintindihan. Ako mismo ang puno’t dulo ng problema kaya kailangang kasama ako. I am the fucking source of this problem. I can’t bare to see myself just plainly waiting here.

“You’ve change a lot, Aurora,” basag ng katabi ko sa katahimikan. Napatingin ako sa kanya at ganon din siya sa akin.

“I’m still the killer bitch you know.”

“No, I don’t think so,” saad niya na may naglalarong ngisi sa kanyang mga labi. “Ibang-iba na ang pinagbago mo sa loob lamang ng ilang buwan. Kung nasa ibang katawan ka lang ay hindi na kita makikilala,” pahayag nito.

“I don’t think so, too.” Nanatiling blangko ang aking tingin sa kawalan. “Hindi ko alam kung anong klaseng pagbabago ang tinutukoy mo?”

“This. You, staying here in the mansion willingly is one. Also, back then, you don’t befriend anyone. Now, you have two friends. Valued friends,” he quoted the last two words in the air. “Ang kilala kong Aurora ay hahayaan lang mamatay ang kung sinoman sa paligid niya. O kaya, siya mismo ang pumapatay. Ngayon ay balak mo pa atang maging tagapagligtas,” ngisi niya.

“So, am I contributing to the goodness and peacefulness of this planet now?” I just said sarcastically to him. He chuckled beside me.

“You’ve learned how to listen to him, too,” wika niya na hindi ko agad nakuha kung sino ang tinutukoy nito.

“Him?”

“The Don,” sagot nito bago ngumising muli. “After long years of trying to escape, you still ended up here. Akala ko, kailanman ay hindi na kayo magkakasundo. But look at you now, you two are living under the same roof. I think he tamed you,” aniya na ikinalingon ko. What’s that suppose to mean?

“Is that good or bad?” Because, seriously, wala na akong maintindihan nitong nagdaang mga araw. Hindi ko mapangalan ang aking mga nararamdaman. I felt pleased every time, but I’m confused if it is just a fleeting moment and won’t last long so I don’t go beyond my comfort zone. The walls around me are too thick and too high to be crossed.

“Do you feel good or bad?” balik-tanong nito sa akin.

It feels good, but I think that’s bad. I don’t deserve every goodness in this world.

“I…don’t know,” sagot ko na lamang.

“Do you like the Don, Aurora. Did you fell for him?”

Ang sunod nitong tanong ay nagpatalim ng aking tingin na siyang mabilis na tumama sa seryoso niyang mukha. He was so serious at staring at me like he is reading my expression.

“Do you want me to un-heal your healing wounds, Max?” banta ko. Mabilis na nagbago ang pagiging seryoso nito nang siya ay muling tumawa.

“Nah, my Aurora grew a heart,” he patted my head like I’m a dog. Agad ko itong hinampas.

“Shut the fuck up.”

“Tara na nga. Hindi ka pa kumakain at hinahanap ka na niya,” aniya at naunang tumayo. Sumunod ako habang pinagmamasdan itong lumakad.

Kung hindi ko lang alam na tinamaan ito ng mga bala ay iisipin kung nasa normal lamang itong kalagayan. Parang walang sugat ito kung gumalaw. At hindi iyon nakakapanibago. I want Devon to realize this. We heal fast. We don’t need too much medical attention.

But, what do I expect? The demon has its own twisted mind not to believe that. And thinking of him, we are in no speaking term for two days, after our argument in his room.

Hinila ako ni Max sa kusina upang kumain. Dahil wala akong gana ay kumuha lang ako ng konte at mabilis na inubos. Gusto kong magpahinga kaya’t nagpaalam na muna ako sa kanya at nagtungo sa aking silid. Nadaanan ko pa ang kwarto ni Devon, pero tahimik ko na lamang itong nilagpasan.

I’ve decided to take a bath. I slowly entered the bathroom and felt its coldness. Bat' ba wala akong gana sa lahat ng bagay ngayon? Tamad kong tinangal ang damit kong kanina pa natuyuan ng pawis, sunod ang jogging pants. I faced the mirror and watch my hair fell down to my waist when I removed the clip. It was as dark as my eyes.

I heaved a sigh when the hot water touch my body. I stood there, unmoving, with my eyes close and let my thoughts disappear for a moment.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay binagsak ko na lamang ang aking sarili sa kama upang matulog muli. Ilang minutong nakapikit ang aking mata ay agad na akong nilamon na aking antok.

Paggising ko ay madilim na. Nanlalabo pa ang aking mga mata pagmulat ko, pero napansin ko pa rin ang pigura ng isang tao sa may pinto. Nakasandal ito sa pintuan habang pinagmamasdan ako. Inangat ko ang aking sarili at kinusut ang aking mga mata. Nagsimulang gumalaw iyon at umabante palapit sa akin.

“Max?” paos at mahina kong saad na halos ako lang ang nakarinig. Magsasalita sana akong muli, ngunit ng makita ko ng mas malinaw ang pumasok nang matamaan ito ng liwanag na nanggagaling sa malaking bintana ay nawalan ako ng lakas.

Pinagmasdan ko lamang itong umupo sa kamang akin ring inuupuan. Habang lumilipas ang bawat segundo ay bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi ko malamang dahilan. Ano ang kailangan nito?

At tila narinig niya ang aking iniisip ay nagsalita siya.

“I just want to talk to you before I go,” he told me. I stared at his face illuminated by a small light. The five o’clock shadow made it more intense. Anong oras na ba? “I know how hardheaded you are, Aurora, but I want you to be rational this time. Kung iniisip mong magtungo roon ay supilin mo na ang plano mo. Stay here for your safety. Let me handle this,” Devon said. Of course, iyon ang plano ko at hindi na ako magtataka kung paano niya nahulaan. He can read me like an open book.

“You don’t have to—”

“I want to,” he cut my rant off. “Your care to save your new colleague is bothering and unusual, but I’m glad,” he flashed an annoying smirk.

I rolled my eyes. “I’m not thinking of saving her. I want her back so I could kill her by myself.”

Manly chuckles escape his lips like I just entertained him. “Whatever you say, Kitten,” he said and stared at me. I just skeptically avoided his eyes and glance at the window to see small lights eaten by darkness. “I ordered Monteverdi and your other friend from Tactical Department to guard you tonight, they’re downstairs. We might take long, but I have this all planned out. Kaya kong ibalik ang kaibigan mo. Ang gusto ko lang ay manatili ka dito.”

“Maaring napaghandaan nila itong mabuti. This will be dangerous and it’s better to bring me there. My safety in not an issue here. Kaya kong depensahan ang sarili ko,” giit ko pa rin. Hindi tulad ng huli naming pag-uusap ay mukhang mas mahinahon ito ngayon.

“You’re wrong. Your safety is my prior concern. I’m not saying this just because my mother told me. Hindi ako maglalaan ng oras at lakas dahil lang sa pinag-uutos ng iba,” he said with finality. Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Alam kong sarado na ang isip nitong isama ako sa pagkuha kay Katy ngayon. There is no use of arguing about this sentiment.

“It’s dangerous,” mahinang saad ko pagkatapos ng ilang sengundong katahimikan. “You don’t have to go. I’m sure your minions can handle that, then.”

Hindi ito agad nakasagot habang sinusuri ang mukha kong mabuti na pawang hindi niya agad naintindihan ang sinabi ko. Itinukod nito ang kaliwang kamay sa kama at itinagilid ang ulo habang nakataas ang isa nitong kilay. “Are you worried for me, Aurora?”

My eyes flared at his response. “What? No! Why would I?” kunot-noo kong saad. It was too abrupt that made his lips curved into a sly smile like he is accusing me of being in denial. It later on turned into a vicious laugh. Tsk, this demon.

“Don’t make me stay now, Kitten.”

“I’m not. Go the fuck where you want!” sita ko at sinamaan ito ng tingin. May bahid pa rin ng ngisi ang kanyang mukha at tila aliw na aliw sa reaksyon ko. I want to struggle him to death right now.

“Pupunta ako roon para siguradong makukuha yung kaibigan mo. You don’t have to worry,” he said while grinning at me. Inirapan ko siya.

“Go to hell,” I exclaimed and turned my back. Humiga akong muli at nagtalukbong ng kumot. His laugh echoed again inside the room.

Dahan-dahan ang aking pagbaba sa grand staircase ng mansyon. From here, I could already hear Gazelle’s voice coming from the kitchen. Pati ang kay Max. The smell of newly cooked food attacked my nose, too. I followed that noise and found them setting the table with different dishes.

“Oh, Aurora! Sakto kakatapos lang namin maghanda para sa dinner,” wika ni Gazelle ng makita ako. With bandages around her right arm, she guided me to sit. Max smiled to acknowledge me.

When we started eating, I can’t help but to move slowly. It’s been half an hour when Devon left the mansion and my mind is in chaos again. Should I follow or should I not? Paano? Hindi ako mapanatag sa hindi ko malamang dahilan. Nais kong masaksihan ang magaganap roon para masiguradong maayos lang ang lahat. Alam kong babawi ang Dark Clan. They won’t call our attention if they weren’t. Now, would Devon be able to handle that whatever they’re planning against him?

Hindi ko alam kung sino ang mas matigas ang ulo sa aming dalawa. Kung hinayaan niya na akong sumama at hindi na nakipagtalo pa, magiging mas maayos pa ang lahat. After all, I brought this problem. Ako dapat ang mag-aayos nito.

Mula sa plato kong hindi pa nangangalahati ay nag-angat ako ng tingin kay Gazelle nang marinig ang pagtawag nito sa pangalan ko.

“What?”

“Hindi ba masarap iyong pagkain? Mas gusto ka bang ibang ulam, Aurora? You’ve been staring at your plate for minutes,” aniya. Umiling lamang ako at binitawan ang mga kubyertos. I’m not really in the mood to eat.

“She’s been preoccupied since this morning at the garden,” pahayag pa ni Max bago itinuloy muli ang pagkain.

“Bakit?” takang tanong ni Gazelle sakin.

“I want to follow them.”

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy. Iyon naman talaga ang bumabagabag sa isipin ko ngayon at sa nagdaang mga araw. I want to go there and fight with them. Gusto kong bumawi sa lahat ng pahirap na binigay nila sa akin noong kinulong nila ako. I badly want to go.

Natigil si Gazelle sa pagsubo at napalingon sa akin. Tila tinitignan kong seryoso ba ako sa ipinahayag ko. I just gave her a stern look. “I know the Don and you already talk about that. Don’t worry about them. I’m so sure that they can handle that. Marami silang ipinadala roon. Isa pa, isang gabi lang namang laban ito. Just let the night pass, Aurora,” wika nito.

“What if something wrong happened.” I told her. “Hindi ako sanay na nakatunganga. All my life, I’ve been killing enemies of this mafia unwillingly. Now, I feel useless.”

“Hindi ka useless. You’ve done so many things already. The Don is letting you rest for now,” giit nito. Rest? I don’t need that. I had enough of rest for weeks. “Seriously, Aurora, you’re quite acting weird. I’m not use to your kindness. Akala ko nga noong nakuha si Katy ay hahayaan mo lang ito. I didn’t expect that you’d actually plan to save her,” tawa nito.

I rolled my eyes in annoyance. Bat’ ba pinupuna nila ang plano ko na para itong isang himala. “You should all take advantage of my kindness, then. I’m sure this won’t last forever. Baka mamaya duguan na kayong lahat dito sa mansyon dahil pinigilan niyo akong umalis,” taas-kilay kong saad. Her smile faded abruptly.

“I’m sorry, Aurora, pero kaya kami nandito ay para bantayan ka sa—”

“Do you really want to follow them?” Max asked me after his silence, cutting Gazelle off. Nagkasalubong ang tingin naming dalawa at walang bahid ng pagbibiro ang tanong nito. He placed his hand on top of mine, resting on the table. “If you really want to, then I could take you there right now,” aniya na ikinagulat naming dalawa ni Gazelle.

“Are…you serious, Max?” Dumako ang tingin ko kay Gazelle. Kunot ang noo nitong nakatingin sa kamay namin ni Max sa lamesa. Kita ang gulat sa mukha niya nang hindi inaasahan ang sinabi ng kasama nito. Right, they both should guard me tonight and stop me from leaving the mansion. Taliwas sa sinabi niya.

“I’m serious. Like what I’ve said to you back then,” Max told me. “I’m always on your side, Aurora.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top