Chapter 46: Game of Chess
Kung kailan nais ko ng ipagpatuloy ang tahimik na buhay ay saka naman ako hinihilang pumatay muli ng tao. Akala ko ay matatapos na ang hirap ko sa apat na sildang kinalagyan sa akin ng Dark Clan. I thought they would stop there since their remains got burnt. But, it seems like they still have lots of cards to use against us. They won’t stop until they beat Clementes, would they?
Maiitim kong pinagmasdan si Gazelle habang humahagulgol ito ng iyak. Alam kong nanginginig ito sa takot at hindi dahil sa lamig ng ulan na sinuong nito upang makapunta sa mansyon. Basang-basa ito ng ulan at ito ay patuloy na pumapatak sa puting sahig. Kasama dumaloy rito ang dugong lumalabas sa kanyang sugat sa kanang braso. Nadaplisan ito ng bala pero mukhang hindi niya iniinda ang sakit sa sobrang takot at pagkabigla.
“Where is Max?” maagap kong tanong. Siya ang sumundo sa mga ito.
“M-Monteverdi is still there…fighting. Mabilis ang mga pangyayare nang biglang sumugod ang mga may armas na tao. Marami sila! Sinubukan niya kaming batanyang dalawa habang nakikipagpalitan ng bala sa kanila, pero nakuha pa rin nila si Katy. He asked me to leave the place. S-Sabi niya ay maiiwan siya para masiguradong hindi sila makasunod sa akin papunta dito,” she told me as tears fall from her eyes furiously. “He’s asking for backup. A-Ang huli kong lingon sa kanya ay natamaan siya ng bala—”
“Sang lugar ito nagaganap?” I gritted my teeth. Mabilis umapaw ang galit na aking nararamdaman.
“Third street to the north, t-the most isolated one.”
I move fast and left the room. Narinig ko ang tawag nila sa pangalan ko pero hindi ko ito pinansin at patuloy lamang sa pagbaba mula sa ikalawang palapag. Narinig ko ang mga yabag nila sa ‘di kalayuan pasunod sa akin. I completely went out of the mansion and felt the cold, pouring rain on my skin. And then, a hand pulled me to stop and rapidly block my way. It was the Xavier guy.
“Utos ng Don na maiwan ka dito,” hinihingal nitong saad dahil sa paghabol sa akin. Walang isang iglap kong tinanggal ang pagkakawak nito sa akin at inagaw ang hawak nitong pistol kanina. Hindi ako nagpaliguy-ligoy at walang pikit-matang itinutok ito sa kanya. I met his eyes that are trying to conceal his fear while looking at mine.
“Hey, hey!” Ashton and other mafia assassins reached our place. Ang iba ay nilagpasan na lamang kami at nagtungo na lamang sa kanilang mga sasakyan. Si Ashton ay sumubok umawat sa amin.
“Kailangan niyang maiwan. Utos iyon ng Don,” sagot nito sa kanya.
“I don’t know who is deadlier between them, but Aurora is just a meter away from you. Siya ang makakaunang pumatay sayo kung hindi mo din siya sinunod. Just let her, ako na ang bahala,” Ashton told him and held my arm that is holding the gun down. “We don’t have much time. Sumabay ka na sa amin ni Aspen,” sabi niya sa akin.
Xavier pulled away in defeat. Siguro ay nagpag-isip niyang tama ang kausap nito. Isa pa, pinsan siya ng kanyang pinuno. Kahit nasa iisang sangay lamang sila sa organisasyon, sapat na iyon upang siya ay sumunod.
We ran to his black Mustang and saw Aspen scowling at us, waiting impatiently. Agad nitong pinatunog ang sasakyan at sabay-sabay kaming pumasok ng basa ng ulan. He started the engine and drove off the gate, following the other cars of his co-assassins.
“Overtake,” I commanded Ashton while I remained emotionless in the backseat. Tahimik lamang si Aspen sa passenger seat habang nakatingin sa bintana. “I know you can drive faster than this.” We are tailing all of them. Kami ang nasa dulo. The road is almost empty maybe because of this heavy rain. I’m getting very impatient of this situation.
“Relax. Kaya iyon ni Xam Monteverdi. Naging partner mo siya noon. Hindi siya itatapat sayo ng mafia kung hindi niya kayang sabayan ang lakas mo,” aniya.
I’m about to answer back when a metal rock song play out on his pocket. Tamad nitong dinukot ang kanyang aparato sa bulsa. Bahagya akong nagtaka ng inabot siya sa akin ito ng makita kung sino ang tumatawag.
Menopausal Devon calling…
I tsked when I read the caller’s name. Ashton just laughed at my reaction. I momentarily swiped it to the right, accepting the phone call.
“What?”
“Aurora?” Nagtatakang tanong nito mula sa kabilang linya. Napataas ang aking kilay ng mabilis nitong nakilala ang aking boses. “I think Xavier told you to stay,” madiin nitong wika. I completely rolled my eyes.
“I think I didn’t listen to him,” I answered back sarcastically.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito, “Hardheaded kitten.”
“Whatever, Freak,” I said and lazily ended the call.
Pabato ko iyong binalik kay Ashton na may nakakainsultong ngisi sa kanyang mga labi. Tila may ideya ito kung ano ang pinag-usapan namin. It’s nonsense, anyway. Ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa bintana at pinagmasdan ang bawat patak ng ulan. The sky is too dark and the clouds are moving fast.
“Sigurado ka bang wala kayong relasyong dalawa?” halakhak nito. Naningkit ang aking mga mata. Bago pa ako makasagot at nagsalita na si Aspen.
“You don’t need to ask, Twin Brother. We all know the answer to that question.”
Muling humalakhak si Ashton sa sagot ng kapatid. “I just want to hear it officially from them,” aniya na mas lalong ikinaningkit ng aking mga mata. Are they implying that we’re just denying?
“Shut it and just fucking drive fast!” sita ko sa kanilang dalawa.
“Yes, Boss,” Ashton answered back playfully, but did what I told him to do. Agad nitong binilisan ang pagmamaneho hanggang kami na ang mauna sa kanila.
Wala pa atang isang minuto ng marating namin ang kinaganapan ng gulo. Sa pagtataka ko ay walang barilan na nagaganap roon, ngunit may dalawang kotseng nakatiwangwang. Doon ko lamang nakita ang mga duguang katawan na nakakalat sa kalsada. Mahigpit kong hinawakan ang baril ni Xavier sa aking kamay. Mukhang nahuli pa rin kami ng dating.
Nang tumigil ang sasakyan ay agad akong lumabas. Tahimik ang kalsada at walang dumadaan. Ang patak lamang ng ulan sa aspalto ang naririnig kong ingay. Isang libot ng tingin ay agad akong napatakbo ng matagpuan ko siyang kasamang nakahiga sa kalsada at napapalibutan ng sariling dugo kasama ng tubig-ulan. And, I don’t know if he is already lifeless or not…
“Max!”
Lumuhod ako sa kalsada at tinapik ang pisngi nito. His eyes were closed. “Max, we’re here!” Isa pang tawag ko at dahan-dahan bumukas ang kanyang mga mata.
“Aurora?” mahina at nahihirapan nitong saad. “I tried to stop them, but they got Katy.”
Mabilis na nagdatingan ang mga kasamahan nito. Pumalibot sila sa amin.
“I know,” sagot. “Stay awake. We’re bringing you to the hospital,” kalmado kong saad. Inalalayan siyang tumayo at maingat na ipinasok sa sasakyan ni Ashton.
We quickly made our way to the hospital owned by Devon. Ang iba nitong kasamahan ay naiwan upang linisin ang gulong naiwan sa kalsada. They need to dispose the corpses before civilians would freak out to see that bloody sight. Good thing the place was quite isolated.
Sinuri ko ang katawan ni Max upang makita ang mga sugat nito. Meron itong dalawang tama ng bala, isa sa kaliwang balikat at isa sa hita. Meron pa itong sugat sa noo. Maingat kong pinunit ang damit nito na basang-basa ng ulan dahil hindi nito kayang itaas ang mga braso. Sunod kong pinunit ang laylayan ng aking puting damit at ibinalot ito sa sugat niya sa hita. I cut another part of my shirt that turned it into a half. I wrapped the other cloth on his shoulder. This would at least lessen the flow of his bleeding.
Nalipat ang aking tingin ng biglang sumipol si Aspen. Nakadungaw ito at pinapanuod kami sa backseat.
“I didn’t know Xam Monteverdi is this hot,” komento niya at lantarang pinagmasdan ang katawan ni Max na nakapikit lamang. It’s true, but I think Devon has a more defined, sculpted body.
Agad kong pinahilig ang aking ulo sa naisip. That was stupid.
“I knew Aurora was this hot,” saad naman ni Ashton habang pinagmamasdan kami sa rear mirror. My stomach is exposed because my shirt turned into a crop top, but it’s the least I’m concerned with right now. “Pero sa tingin ko ay hindi matutuwa rito si Devon,” ngisi nito.
Nalipat ang aking atensyon sa aking katabi ng bigla itong gumalaw at hinawakan ang aking kamay. “Aurora, I’m glad you came,” Max spoke in a low, raspy voice while his eyes were still closed. “Ang huli nating pagkikita ay nagalit ka sa akin ng sobra. I’m sorry they got your friend. I failed to protect them,” he added.
“’Wag mo munang isipin iyon,” sagot ko na lamang. Dahan-dahan siyang sumadal sa aking balikat at ito ay hinayaan ko na lamang. He needs to rest.
Ashton faked a cough. He can’t hide his mocking smile while his eyes were fixed on the road, “Devon will surely get mad at this.”
Hindi ko ito pinansin at naging tahimik ang buong byahe hanggang makarating kami sa ospital. Agad na inasikaso si Max at inihanda ang ER. I think they already received a call of the coming patient. They were all careful to act normal and didn’t ask any farther questions.
Pinagtitinginan kami ng mga tao roon dahil basang-basa kami ng ulan. Kami ang nagpuputik sa malinis at maputi nitong tiles. Isa pang dahilan ay dahil sa damit ko. It’s short and white that my black brassiere is quite visible. Ashton suggested that we should be back at the mansion since the doctors already know what to do. I just silently agreed.
Tahimik ang naging byahe hanggang makarating kami pabalik sa mansyon. Bumaba ako at hindi na sila sumunod. Mukhang inihatid na lamang nila ako. Pinagsawalang bahala ko na lamang ito at nagtuluy-tuloy ng lakad sa ikalawang palapag.
I was momentarily walking to my room while contemplating about how will I get Katy back from Dark Clan, when I notice his room is slightly open. Tahimik akong sumilip kong naroon siya. Agad kong nakita ang likod nito. He’s wearing plain black shirt and pants. Nakatalikod siya sa akin habang nakasandal sa glass door ng balkonahe, pinagmamasdan ang ulan. Then, I notice smoke coming out his mouth slowly. I stared at his face. It’s my first time seeing him smoking. He looks like he’s having a photoshoot, promoting a cigarette.
Sensing my presence, he turned his back and faced me. Blanko ang ekspresyon nitong nakatingin sa akin at maaaring ganon rin ako.
“Asaan si Gazelle?”
“I sent her to the hospital, too. Kailangang tahiin ang sugat nito,” kalmado nitong saad. “I received a call. They were all stable now. I’m sorry that this made you worry,” dagdag nito at tinapon ang hawak na sigarilyo.
“I’m not worried.” It’s true. At mukhang ganon din siya dahil sobrang kalmado nito. I got mad of the news, but it didn’t get me scared enough. I know I could take Katy back here from them. Ngunit, kailangan kong magmadali dahil hindi ko alam kung kakayanin niya ang ginawa nila sa akin dati.
“You’re soaking wet. You should change first. Magpapahanda ako ng makakain sa baba,” aniya. Ngunit ang atensyon ko ay napadpad sa kama nito nang mapansin ang isang bagay.
I drew near his bed that is covered with pearly white velvet sheet. Doon ay nakapatong ang isang pamilyar na itim na papel na nangingibabaw. Nabasa ito, pero maayos pa para mabasa ang nakasulat. I took the black letter and I’m not shock when I saw may name printed in a familiar silver, elegant font style. I didn’t waste my time and unfolded it. There I read directions, location, date and time telling me on how could I get their hostage back. This black letter is from the Dark Clan.
Naikuyom ko ang aking kamao. Naramdaman ko ang presensya ni Devon sa tabi ko. The smell of the cigarette smoke blends on his manly scent. Toxic, but addicting.
“They found that on that road. We’re already making plans about it. Kami na ang bahala sa pagkuha ng kaibigan mo,” wika nito.
“Hindi ito ang kauna-unahang nakatanggap ako ng sulat. Ako ang kailangan nila. I would deal with them.”
“No,” he exclaimed. “It’s best if you will stay here.” Agad akong napaharap sa kanya at nagsalubong ang mga tingin namin.
“Pangalan ko ang nakasulat. Ako ang hinahanap nila. Ako ang pupunta roon,” madiin kong sagot sa kanya. “Stop treating me like a fragile thing. I’m not freaking made of China.”
“I just want you to be completely safe. I don’t want you to feel being caged in my house, but you need to stay here while I handle this. Don’t be too impulsive of the situation,” he told me. Hindi ko mapigilang hindi magsalubong ang aking mga kilay. “This is just like a game of chess. Let my pawns move first and protect us. Just stay beside me and you’ll be safe.”
Seryoso itong nakatingin sa aking mga mata, ngunit hindi pa rin pumapayag ang aking isipan. “Stop protecting me if your mother just told you to. It’s not your obligation!” I burst out.
Katahimikan. We’re just staring at each other. His eyes flash different emotions like he was taken aback. I saw a glimpse of hurt before it change into void and blankness that made it more darker. He smiled, but it didn’t reach his eyes. It was an empty expression.
“You still don’t get everything I do to you, don’t you?” mahinang tanong nito sa akin. He look anywhere but me. “Someday you will.”
Hindi ako agad nakasagot. He spoke again in a carefully controlled tone.
“No matter what you do and say, I can’t really stay mad at you. Magbihis ka na para hindi ka magkasakit. Ako na ang bahala sa problema mo.”
After saying those words, he passed by and left me in his room. I stood there, unmoving. I breathe deeply and closed my eyes shut into darkness. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top