Chapter 35: Offers
I kept remembering my encounter with Devon. I can’t believe myself I did that, leaving him without killing someone mercilessly. I didn’t know there is a little part of a good Samaritan in me. Ha, that’s funny! I should’ve shoot him and his guards their. But then, I don’t want to end his life like that with me all over the news and police will pester me in replaced of him, tsk.
Patuloy akong tumakbo upang makalayo sa lugar kahit hindi niya pinautos na habulin ako. Ilang eskinita na ang napasukan ko kahit hindi naman kailangan. Now, I’m just plainly walking while the sun is about to set. In the end, I realized it was tiring to always run, literally and emotionally. Devon will not stop chasing me and I will never let myself get caught. And the cycle continues. We just kept on pulling and pushing each other. None of us will give up, but I’m tired. Hell! I don’t even know his real reasons why he keep wasting his time on me. Nakakapagod. Nakakasawa.
Gusto ko lamang ng simpleng buhay. But what can I say? Both of my parents were assassins of Clemente Mafia. It was like I got no choice because I was destined to be connected in a deadly organization. If they were still alive, it could’ve been easier. But since they weren’t, it became hell to me. Their own organization, their own boss, killed them. And I wouldn’t accept a simple death, a single shoot of a bullet, for the Don. I could make his family pay by killing him. I’m willing to give his death the most grandiose way I could think of, an ambush like what they did to my parents.
Naagaw ng atensyon ko ang dulo ng kalyeng aking tinatahak. Tahimik at walang katao-tao. Mabigat ang pakiramdam ko sa lugar subalit ako ay tila sanay na. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad dahil ito lamang ang daan para matungo ko ang bayan dahil doon ako makakahanap ng pwedeng sakyan pauwi sa hotel na aming tinutuluyan.
Unti-unti ng dumidilim at nakasindi na ang mga streetlights. Ilang poste ang layo sa akin ay may mga naaninag akong mga pigura ng mga lalaki. At kung hindi ako nagkakamali ay may nakasabit sa kanilang mga katawan na mga armas. Marami sila pero hindi ako nabahala at patuloy lang sa kalmadong paglalakad. Malamang ay mga pipitsugin at mahihinang nilalang na naghahanap ng gulo dahil akala nila ay nakakalakas ito ng kanilang estado. And--uhm--what do they call themselves? Gangsters?
Nang marinig nila ang pagdating ko, lahat ng atensyon nila ay napunta sa akin. Lagpas sampu sila pero wala akong pakealam. Kung hindi nila ako gagambalahin ay walang problema at mabubuhay sila. Nagngisihan at nagsenyasan sila sa patuloy kung paglalakad. Ang isa ay nagkasa ng baril na pawang tinatakot ako. I smirked behind the hoodie of my jacket that covers half of my face.
“Miss,” tawag ng nangunguna sa kanila. “Mukhang mali ka ng liko sa kalyeng ito a,” nang-uuyam nitong wika sa akin. Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin sa paglalakad, pero hinarangan niya ako.
I stop and counted three, “Get out of my way,” sabi ko ng may pagbabanta. Pero humalakhak lang ito kasama ng kampon niya.
“Inuutusan mo ba ako, ha?” he asked trying to threaten me like a complete moron he looks like.
“Have mercy on your useless life and let me pass in peace,” I told him instead.
Naghalakhakan muli ang kasama niya at kinatsawan siya. He scoffed at me like he is getting annoyed of my words. Yumuko ito at sinilip ang mukha ko mula sa pagkakatakip ng hoodie. Sinalubong ko ng walang takot ang tingin niya. Saglit itong natigilan ng makitang walang epekto ang pagbabanta nito, subalit agad itong nakabawi.
“Mukhang matapang ka, bata,” ngisi nito. “Sayang ang ganda mo kong ipililit mo ang gusto mo. Kung ako sayo tumalikod ka na dito at bumalik sa pinanggalingan mo dahil may importanteng transaksyong nagaganap dito. Iyon ay kung gusto mo pang mabuhay.”
Inangat nito ang kanyang kamay na tadtad ng tattoos upang subukang tanggalin ang nakaharang sa aking mukha. Pero bago niya ito mahawakan ay awtomatikong na akong kumilos. I abruptly grabbed his arm and twisted it like a stick. He cried in pain at my sudden move. Hinila ko ang bali nitong kamay at binuhat siya gamit ang aking likod upang pabagsak na ihampas ang buong katawan niya sa semento. Isang mas malakas na daing ang isinigaw niya kasabay ng mga singhap at mura ng mga kasamahan nito.
Hinugot ko ang dalawang pistol ko sa aking jacket at itinapat sila. Agad nila akong pinalibutan at itinutok din ang kanilang mga armas. Katahimikan ang saglit na namayani. Mukhang nagulat sila dahil may armas akong tinatago. Bago pa mag-umpisa ang gulo ay biglang may nagsalita galing sa kanilang likod.
“Anong kaguluhan ito?” malakas at maawtoridad nitong sabi. Wala agad nakasagot sa tanong nito. “Kung walang magpapaliwanag sa akin ay tumabi kayo,” utos niya.
Dahan-dahan silang tumabi habang nakatutok pa rin ang baril sa akin. Doon ko nakita ang nagsalita. Sa palagay ko ay ito ang kanilang pinuno. May katandaan ito, pero makisig pa rin ang pangangatawan. Nakasuot itong ng isang itim na pormal na damit at abo ang kulay ng kanyang buhok.
“Binibini,” he called me. He sounds so primitive. Sinenyasan niya ang mga lalaki na ibaba ang kanilang mga baril na kanila namang ginawa. “Maaari mo bang tanggalin ang nakaharang sa iyong mukha?”
Dahan-dahan ko itong tinanggal kahit walang silbi kung makikita man nila ang aking mukha. They would all die, anyway. Inangat ko ang aking tingin at kalamadong hinarap sila.
“Like what I have said. If you want to treasure your useless lives, let me pass in peace.”
Natahimik ang lahat, maski ang pinuno nila. Hindi ko maipaliwanag ang mukha nitong ilang segundong nakatitig sa akin. Hanggang sa humalakak ito. Pinagmasdan ko lang siya hanggang humupa ang kanyang kagalakan.
“Isa itong malaking pagkakamali,” pahayag nito sa lahat. Humakbang ito palapit sakin ng may ngiti sa kanyang mga labi pero agad ding napatigil ng itunutok ko ang baril na hawak ng aking kanang kamay. “ Humihingi ako ng paumanhin. Humihingi ako ng paumanhin sa ginawang pagkilos ng aking mga bantay, Binibing Aurora Silvestre...”
Silence followed by a cold blew of wind. Tinatangay nito ang mahaba at itim kong buhok. Hindi ko inaasahang may makakakilala sa akin rito. Wala akong matandaang napapad ako sa lugar na ito.
“Paano mo nalaman ang pangalan ko?” mahinang tanong ko.
Napangisi ito bago sumagot. “Kilala ka ng lahat sa underground society ng bansang ito. Hindi na nakapagtatakang kilala kita. Ang pangalan ko ay Armand Sy, isang miyembro ng Dark Clan, pinuno ng distritong ito. At nito ko lamang din nasagap ang balita,” aniya.
Bahagya akong nagulat sa sinabi nito. Siya ay myembro ng Dark Clan. Kung ganon ay nasa teritoryo ako ng organisasyong iyon. Ang transakyong nagaganap dito na sinabi ng kasamahan niya ay may kinalaman sa grupo nila.
“Anong balita ang sinasabi mo?” I asked instead.
“Balitang-balita na ang muli mong paglitaw laban muli sa Clemente Mafia. Ikinagagalak kong makaharap ang isang tanyag na kagaya mo,” munti itong yumuko ng may ngising nakapaskil sa kanyang mukha. “Ang pagkikita nating ito ay nais kong ibalita sa aming pinuno. Ngunit ang pinagtataka ko ay kung bakit ka napadpad sa aming lugar?” dagdag nito.
Binaba ko ang aking mga baril at nag-umpisang naglakad. Tahimik lang kaming pinanonood ng mga bantay nito, natatakot na makaabala sa aming munting usapan.
“Clementes were here, too,” I told him coldly before I walk pass-through him. I saw how his smirk dropped after hearing my words. Nabigla ito sa nalaman at siguro ay hindi ito inaasahan. Afterall, Clemente Mafia remained the strongest underground organization in the society. They can’t help but to feel threatened if they’ll know that their toughest enemy is here without notice. Nakailang hakbang ako bago siya muling nagsalita.
“Hindi ba’t kalaban mo rin sila, Binibining Silvetre?” he asked. I stopped and glance at them over my shoulder.
“Tama ka,” sagot ko pagkalipas ng ilang segundo. Muli itong humarap sa akin at nagbalik ang ngisi nito.
“Kung ganon ay mas higit na maganda kung tayo ay magsasanib-pwersa,” matapang na alok nito. “Kung iisa lamang ang ating kalaban ay bakit hindi natin siya sabay na patumbahin?”
“I prefer working alone,” I dismissed him, but that doesn’t stop him from talking.
“Naiintidihan ko. Hindi ka naging isang tanyag na mamatay-tao kung isa ka lamang basta-basta. Pero kung meron kang batalyon na susugod sa iyong kalaban ay tiyak na mapapadali ang lahat.” This time, he got my attention. Maagap akong napaisip. Alam ko na kung saan patutungo ang aming usapan, but he’s right. I need my own battalion to kill Devon quickly. “Sumama ka sa aming organisasyon at tiyak na matutuwa ang aming pinuno sa balita. Higit na mapapadali ang lahat,” wika nito. Unti-unti akong muling humarap sa kanya.
“No, I will not join your mafia,” matigas kong saad na siyang pagbasak ng kumpyansa nito sa sarili. “You’re the one who’ll join me against them. You’ll all act as my own battalion and everything will be only according to my rules. Everything will be under my orders. That is…” I told him with no clear emotion seen on my face. “…if you really want it.”
Natigilan ito at tila prinoproseso lahat ng aking sinabi. Maya-maya ay malakas itong tumawa. “Syempre, syempre! Masusunod, Binibini. Ang pag-uusap nating ito ay agad kong ipararating sa aming pinuno,” he said with a proud smile running on his lips. “Tamang-tama at may nalalapit ng taonang pagdiriwang ng mga korporasyon ng iba’t-ibang mga armas na kinapapalooban din ng Dark Clan at Clemente Mafia. Ni kailanman ay hindi sumisipot roon ang mafia boss ng ating kalaban, subalit alam kong kaya mo siyang palabasin,” mahabang pahayag nito bago humalakhak muli.
Napaisip ako sa ibinalita nito. I should start planning that event out. Tumango lamang ako, “Titignan ko ang magagawa ko. I need to go,” I told him shortly and put back my hoodie. The night is getting colder.
“Kung ganon ay maaari ka naming ihatid sa iyong paroroonan kung nanaisin mo, Binibini,” alok nito pero agad akong umiling.
“I will come back and talk to you one of this days,” saad ko bago tumalikod at umalis.
Dark Clan. I quickly remembered their Underboss. He wants me to join their organization since then. Ngayon ay pumayag na ako, but not completely. Hindi ako ang sasama sa kanila. Sila ang papasailalim sa aking mga ipag-uutos. Napangisi ako sa aking iniisip. Now, I have my own warriors to keep.
Makalipas ng isang oras ay tuluyan na akong nakabalik sa hotel. Walang seremonyas kong binuksan ang pinto ng aming kwarto. Sabay na napatayo si Gazelle at Katy mula sa pagkakaupo sa sofa dahil sa gulat.
“Aurora!” they both gasped. Tinitigan ko lang sila.
“Where have you been?” maagap na tanong ni Gazelle. “Why did you leave the room again?” dagdag nito na ikinapagtaka ko. What does she mean ‘again’?
“I just came,” kunut-noong sagot ko. Natahimik kaming tatlo.
“What…What do you mean you just came?” halos pabulong na tanong ni Gazelle sa akin. Her brows were furrowed.
“Ngayon lang ako pumasok dito,” diin ko.
“P-pero,” napatingin ako kay Katy na halos hindi maituloy ang sasabihin. “Iyong mga groceries natin a-asa kusina. Kung hindi ikaw ang nagdala, s-sino?” kinakabahang saad niya. Agad akong napamura at tumakbo patungo sa kusina.
There I saw the two huge bags of our groceries. Of course, I didn’t put it there! I left those! I left those…with Devon.
“Hindi kami agad bumalik kanina at baka may nakasunod sa amin. Pagpasok namin dito ay nandyan na iyang mga ‘yan. A-Akala namin ay nauna kang nakabalik,” paliwanag ni Katy. Sumunod silang dalawa ni Gazelle sa akin sa kusina.
“Kung hindi ikaw, sino, Aurora?” tanong Gazelle. “Don’t tell me it was Devon Henderson?” nanlaki ang mata nito sa gulat at napasinghap. Halos sabunutan ko naman ang buhok dahil sa frustration. Ugh, that son of a bitch!
“Pack all your things. We need to leave now,” I exclaimed. “The demon knows where I stay.”
The two quickly followed. Lahat ng pinamili at gamit namin ay isinakay muli sa sasakyan ni Gazelle. Damn! Dapat ay hindi na ako nagtatakang mabilis niya iyong nalaman. But hell! He’s too fast! It’s like I’m just going to lay a finger, but he already made three moves. Masyado maraming ang kaniyang koneksyon.
“Saan na tayo ngayon?” basag ni Gazelle sa katahimikan pagkapasok namin ng sasakyan niya.
“I…don’t know,” I answered honestly. “Dapat ay sa lugar na hindi niya basta-basta makukuhanan ng koneksyon. Like a private property.”
Natahimik kaming muli, parehong nag-iisip. Maya-maya ay biglang nagsalita si Katy sa may backseat.
“Kay Chris!” sigaw niya. “Doon muna tayo pansamantala.”
“Who’s Chris?”
“Kaibigan ko siya,” sagot ni Katy kay Gazelle. “Noong tinawagan niya ko sa bahay ni Aurora ay nabanggit ko kung asaang syudad tayo nagpunta at sinabi niyang saktong may bahay siya malapit rito. Sabi niya ‘pag wala tayong matutuluyan ay maari tayong magtungo roon,” pahayag nito.
“Should we trust him, Aurora?” Gazelle asked me with doubt. And it’s right to be doubtful since we can’t afford untrustworthy people in this kind of situation
Wala muling nagsalita. Pareho silang naghihintay ng magiging desisyon ko sa suhestyon nito. Maya-maya ay nagbagsakan ang malalaking patak ng ulan hanggang dumami ito at lumakas.
“Call him,” I told Katy. I’m not trusting him, I just need his offer.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top