Chapter 33: Miss
Hinayaan ko silang dalawa maghanap ng Hotel na pwede naming tuluyan. At dahil maaring nabalitaan na ng Don kung saan kami nagawi ay napadpad kami lagpas limang bayan ang layo sa aking bahay. Tuluyan na kaming inabutan ng gabi. Now that they have led where we came, they’ll focus searching near that area. The farther we go, the better.
“Just a two-night stay, Miss,” batid ni Gazelle sa kausap.
Kahit papaano pala ay malaki rin ang pakinabang nito sa akin dahil siya lahat ang nakikipagtransaksyon. Pagkatapos ng bayaran ay inihatid na kami agad sa kwartong aming gagamitin. Bitbit ko ang itim na bag na naglalaman ng mga armas at pera na hindi nacheck ng guwardya kanina. Tahimik lang kaming pumasok sa kwartong iyon. Agad inusisa ito ni Gazelle at sinilip ang mga kwarto. Si Katy naman ay nagtungo sa kusina. Pumunta na lamang ako sa pinakamalapit na sofa upang ilapag ang mabigat na bag at maupo.
“Hmm, hindi ganon kagara tulad ng mga high end hotels na natuluyan ko, pero ok na rin,” ani ni Gazelle at lumabas sa isang kwarto. Lumapit ito sa kinaroroonan ko at umupo rin.
“Mas higit na maganda ito kumpara sa dating tinutuluyan namin ni Aurora,” wika naman ni Katy mula sa kusina habang binubuksan ang mga cabinet doon. “Kaso walang stocks ng pagkaing pwedeng iluto,” dagdag nito.
“Kung ganon, kailangan nating mag-grocery bukas. Isa pa, hindi sapat ang damit na dala natin,” tumingin si Gazelle sa akin. Tumango lamang ako at muling tumayo. Iniwan ko sila at nagtungo sa kwartong aming tutulugan. Tatlong higaan ang naroon na sapat sa amin. Hinubad ko ang suot kong itim na jacket at iniwan lamang ang tank top. Pinili ko ang pinakadulong kama at doon humiga.
Damn, I’m too tired for this day. I closed my eyes and immediately fell asleep. Later on…
I heard a loud gunshot and my eyes snapped open. I breathe deeply, trying to relax myself. But then my breathing stop when I found myself standing. I’m now standing in a very familiar room.
“Why the hell am I here?” I whispered, too confused.
I tried to look around. I took a step back and turn around slowly. My mouth gaped open when I saw a familiar little girl lying on a massive bed in front of me. She is sleeping peacefully with her long black hair scattered on her pillow, clutching the sheets wrapped around her small body. She looks so innocent, but I know she is not.
Tahimik akong lumapit sa kinahihigaan niya upang hindi siya magising. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya at muling pinagmasdan ang napaka-inosenteng mukha nito. Inangat ko ang aking kamay upang haplusin sana ang pisngi nito. Subalit, isang malakas na putok ng baril muli ang umalingawngaw. Kasabay nito ang marahas na pagbukas ng pinto. Agad akong napatayo mula sa aking pagkakaupo. Ang batang babae ay napabalikwas na rin ng bangon sa gulat.
Pamilyar na mga pigura ang mabilis na pumasok. Ito ang mga magulang na batang babae. They called her name and quickly ran to her side. Her father lifted her up.
“We need to leave the house now, honey,” her mother told her soothingly. The little girl just stared at them, unaware of what’s happening.
Samantalang ako ay tila natigil sa paghinga. Ni hindi nila ako tinapunan ng tingin na pawang ‘di nila ako nakikita. Buhat-buhat ang batang babae ng kanyang ama ay mabilis silang tumakbo palabas ng kwarto. Agad akong sumunod sa kanila.
I found them standing in the Drawing Room. I stood a few meters behind them. They are both looking intently at the huge wooden door in front of them. I can hear different footsteps lurking outside. Maybe that is the reason why they stopped from leaving the house.
“They’re here. We are already too late,” the lady whispered to her husband. I can feel that they’re both threatened. Not for themselves, but only for the little girl.
“Dumaan tayo sa likod ng bahay,” pareho silang tumalikod at napaharap sa akin. Ilang hakbang lang ay agad silang napatigil ng nagkaroon muli ng pagsabog sa balak nilang puntahan. Isang malutong na mura ang lumabas sa bibig ng ama. “Napapalibutan na nila tayo!”
Sa kauna-unahang pagkakataon nasasaksihan ng batang babae ang takot ng kanyang mga magulang. They’re looking pass-through me and I can clearly see the fear in their eyes, slowly eating their hope. My eyes dropped down the floor. I can’t…I can’t stare at them looking like this. This is too much. Lalo na’t alam na alam ko na ang susunod na mangyayare.
Ilan pang pagsabog at tuluyan ng bumukas ang malaking pintuan ng bahay. Rinig ko rin ang nakakabinging tili ng batang babae sa gulat. Pati ang pag-iyak nito. Nanatili lamang ang aking tingin sa sahig. Ayoko itong masaksihan.
Isang katahimikan at isang yapak ng tao lamang ang aking naririnig.
“This is a stereotypical line, but I would still say it,” isang baritonong boses ang nanaig sa lugar. “Napapalibutan na namin kayo,” aniya at saka ito humalakhak. Batid kong malaki ang ngisi nito kahit hindi ko ito tignan.
“Traydor ka, Navarro!” malakas na sigaw ng ina ng bata. Isang halakhak na naman ang pinakawalan ng lalaki bago ito magsalita.
“Ikaw ang traydor, Amanda… Ikaw at ang Rowell Silvestre na yan!” sigaw nito pabalik, rinig ang galit nito. “’Wag na tayong magmaang-maangan dito. We both know the rules. Bawal ang anumang relasyon sa ating mga kalaban. But you see, napatunayan na naming dating galing sa ibang organisasyon si Silvestre bago siya makapasok sa atin. Now, I’m giving you one last chance, Amanda. The Mafia will forgive you. Join us back, leave your daughter and your so-called husband,” dagdag nito.
“Over your dead, stinking body, Navarro,” she told him firmly. Natahimik ang kausap nito.
“Well then, we don’t have a choice but to kill you all,” ngisi nong Navarro.
“Hindi mo magagalaw ang anak namin!” sigaw ng ama ng bata. Namamayani ang galit at puot sa kausap.
“Alam kong hindi ito pinag-uutos ng Don. Hindi ito kayang gawin sa akin ni Cassandra!” the lady exclaimed. “Ikaw ang traydor sa Clemente Mafia. Ginagamit mo lang ang posisyon mo laban sa amin! Soon, they will know!”
“Believe whatever you want. Tutal mamatay na naman kayo,” mala-demonyong halakhak nong lalaki. “By the way, the Don ordered this. Trabaho lang, walang personalan.”
Ikinuyom ko ng mahigpit ang aking mga kamao at pumikit ng mariin. I know what will happen next and I don’t wanna see it. Nais ko ring takpan ang aking mga tenga, pero hindi ko magawa. Naninigas ang aking mga kalamnan. Bumibilis ang tibok ng aking dibdib sa galit na aking nararamdaman. Ilang putok ng baril at alam kong nag-umpisa na ang gulo. Rinig na rinig ko ang matinis na iyak ng batang babae. Siguro ay nasasaktan itong makita ang mga magulang nitong makipaglaban para mabuhay siya.
“ROWELL!”
Isang nakakabinging sigaw ang nagpamulat sa akin. The lady shouted at the top of her lungs. The little girl cried even more. Now that my eyes are open, I can clearly see the floor filled with blood and corpses from the enemy. Even the girl was spilled of blood. The blood of her own father, descending down running out of life in front of her and her mother. Hindi pa sila nakuntento at muli pa nila itong pinaputukan ng baril. I know her parents tried to fight them, but it is not enough. Masyado silang madami.
“Stop!” I screamed breathlessly. “Stop it, please…”
“Have mercy on us, Navarro,” the lady pleaded at the evil man. But she gave her one devious smirk instead. I know he is liking the scene. The lady down on her knees pleading while protecting her daughter from the guns directed at them.
“You know I really, really like you for a long time, Amanda, but you chose Silvestre. I’m amaze how you hid your relationship to us for a very long time, too. Now, we discovered you have a well-trained child over there.” Binalingan niya ng tingin ang batang babaeng umiiyak.
“No! Please! Ako na lang patayin mo!” pakiusap nito. “Not my daughter, please!” numerous tears rolls down her cheeks as she plea.
“The child is a threat, Amanda. You both raised a killer. Pwede siyang makuha ng oranisayong kinapalolooban ni Rowell dati at gamitin laban sa atin. I need to eliminate your daughter,” the guy said coldly. He slowly lift his gun, pointing at them.
“No, don’t…” I whispered. Nais kong lumuha pero walang lumalabas. Tila pagod at ubos na ito.
The lady quickly wrapped her body around her daughter to protect her from the bullets. With a blink of an eye, I found myself running at their direction to lunged at the man in front of them. I need to protect them. I need to kill the guy! I need to—
“AURORA!”
Agad akong napamulat ng mata ng isang malakas na sampal ang tumama sa aking kaliwang pisngi. Then, I found Gazelle on top of me, straddling me, holding my arms firmly like stopping me from doing something. Mabilis ang aking paghinga. Ramdam ko rin ang malamig na pawis sa aking noo.
“Ssh, it’s just a dream, Aurora,” Gazelle said, trying to soothe me. Dahan-dahan itong umalis sa aking ibabaw at umupo sa aking tabi. Agad akong inabutan ni Katy ng isang basong tubig. Bumangon ako paupo at sumandal sa headboard tsaka tinanggap ang tubig. Mabilis ko itong inubos.
“What happened?” basag ko sa katahimikan. Pareho lang silang nakatitig sa akin.
“Binangungot ka,” mahinang sagot ni Katy.
“Ah, you were having a nightmare. Nagulat kami ng bigla kang sumigaw. You were shouting, trying to stop something or someone. You clutched the sheets angrily,” wika ni Gazelle. Bumagsak ang aking tingin sa bed sheet. Agad kong napansin ang mga punit nito. “You looked very angry and…scared,” dagdag pa nito.
“Ano ba ang napaginipan mo?” tanong naman Katy. Naisuklay ko na lamang ang aking mga daliri sa aking buhok.
“Just an old memory,” I told them emotionlessly. “It’s nothing. Matulog na kayo.” I dismissed them. Muli akong bumalik sa pagkakahiga at pinikit ang aking mga mata.
Maya-maya ay naramdaman ko ng bumalik na sila sa kanilang mga higaan pagkatapos patayin ang ilaw.
“Aurora,” mahinang tawag ni Gazelle sa akin. Magkatabi kami ng higaan. “Are you sure you’re okay?”
“I’m perfectly fine,” malamig kong sagot at pumihit ng ibang posisyon patalikod sa kanila. I closed my eyes, but not to fall back to sleep. I feel like I’ll dream of it again, bringing me back to zero and replay that memory again. I don’t want that to happen. I can’t endure it once more.
Nanatili lamang akong nakapikit hanggang sa sumikat ang araw. Nang magising sila ay hindi na nila muling binanggit ang nangyare kagabi. Pero tulad ng napag-usapan ay kailangan naming mag-grocery. Nais ko sanang magpaiwan pero kailangan rin pala naming mamili ng damit.
Pumasok kami sa isang malaking mall ng bayang ito. Muli lamang akong nakasunod sa kanilang dalawa. Napagdesisyonang bumili muna ng damit.
“Ito oh, mukhang bagay sayo, Aurora,” tinapat ni Gazelle sakin ang isang itim na dress. It’s simple, but daring because your back will be exposed. Dagdag pa ang long cut na v-neck nito. Inirapan ko lamang siya na ikinatawa niya. Bumaling ito kay Katy tsaka inabutan ng asul na damit upang isukat.
Nagdampot lamang ako ng limang simpleng t-shirts na monochromatic lamang ang kulay, pants at undies. Agad ko itong binayaran sa counter at hinintay na lamang matapos ang dalawa. Tinaasan ko ng kilay si Gazelle ng makitang inilagay niya sa plastic ko ang itim na dress na iyon.
“What?” natatawang tanong nito. I just hissed at her.
Lumabas kami sa bilihan ng mga damit at saglit muna kaming kumain. Pagkatapos ay nagtungo na kami sa grocery store. Ako ang natutulak ng cart habang inilalagay nila ang mga kakailanganin namin sa hotel, mga pagkain at toiletries.
“Hi, Miss,” wika ng lalaking aming nakasalubong na may malaking ngisi sa akin. Hindi ko ito pinansin. I want to kill those kind of guys, but I don’t wanna create a commotion here.
“Pang-lima na ‘yon, ah,” Katy said and laughed.
“Binibilang mo pa ba? E, halos lahat ng lalaki nakatingin kanina sa table natin habang kumakain. It looks like they’ve seen a goddess,” dagdag pa ni Gazelle.
“Shut it,” I told them coldly. Tumigil sila pero tahimik ding tumawa.
Matapos ilagay lahat ng maisipan nila ay nagtungo na kami sa counter. Hindi ko namalayan ang pila dahil malalim ang aking iniisip tungkol sa panaginip ko kagabi.
“Habang binabayaran mo yan, kunin na namin ni Katy yung iniwan natin sa baggage counter,” wika ni Gazelle patungkol sa mga pinamili naming mga damit. Tumango lamang ako habang hinihintay matapos ang cashier.
“5, 256.75 pesos po lahat, Ma’am,” aniya pagkatapos ang ilang minuto.
Hinagilap ko ang aking debit card. Pero bago ko pa ito iabot ay may bumagsak ng card na kulay ginto sa counter. Napatitig lamang ako roon at napakunot ang aking noo. Isang pamilyar na pabango ang bumalot sa aking pang-amoy. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya sa aking likod. Prenteng-prente itong tumabi sa akin. Dahan-dahan akong napalingon sa taong iyon. Suot ang itim na pilot shades sa kanyang mga mata kasama ang nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi.
“Miss me, Kitten?”
Oh, shit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top