EPILOGUE

Amy's POV

            "'Ma, kailangan pa ba talaga natin na bumili ng mga bagong gamit para sa baby? Meron ka naman na nabili noon 'di ba?"

            Napapangiwi ako sa dami ng mga gamit na binili ng biyenan ko para sa ipinagbubuntis ko. Narito kami ngayon sa Rustan's sa Makati at bumibili ng mga baby essentials. Lampin at onesies lang talaga ang plano kong bilhin dahil next week ay naka-sched na akong magpa-induce.

            "Dapat bukod ang gamit ni baby Aria. Saka panlalaki ang mga gamit ni baby Hunter noon so hindi babagay sa mga gamit ng apo ko. Dapat espesyal. Blush pink and gold are nice combinations," sagot ng biyenan ko sa akin at tinawag pa niya ang isang attendant para kumuha ng gusto niyang crib.

            Tumingin ako kay Bullet at nagkibit-balikat lang siya habang patingin-tingin lang sa paligid. Wala naman siyang pakielam sa mga pinagbibibili ng nanay niya.

            "Hindi mo pipigilan ang nanay mo? Ang dami na nito. Hindi naman ito lahat magagamit ng bata. Marami pang gamit na nasa bahay," bulong ko sa kanya. Tumingin ako sa biyenan ko na nagtuturo sa attendant kung anong crib ang gusto niya. "Saka, hindi natin kailangang gumastos ng marami para dito. Ilang buwan lang 'yan magagamit ng baby. Ang dapat nating pag-ipunan ay 'yung para sa kasal natin."

            Natawa lang si Bullet. "Hindi mo mapipigil 'yan. She'll buy everything for her grandchild. Lalo na at babae 'yan," hinalikan pa ako sa ulo ng asawa ko. "And besides, hindi naman problema ang gastos sa kasal natin. We are already married in civil and the church wedding after you give birth. Ayaw mo kasi na lumakad sa church aisle na malaki ang tiyan mo."

            "Siyempre naman 'no. Minsan lang ako ikakasal sa simbahan so dapat maganda ako doon." Inirapan ko siya kunwari.

            "Gusto mo araw-araw kitang pakasalan sa simbahan? Kahit laylay na ang balat mo sa braso. Kahit marami ka ng wrinkles, papakasalan pa rin kita." Nagniningning ang mata ni Bullet habang nakatingin sa akin.

            Ramdam kong nag-init ang pisngi ko sa narinig kong sinabi niya. Sobra talaga magpakilig ang lalaking ito.

            Natawa ako at napailing sa hitsura ng biyenan ko ng makita ko. Talagang iniinspeksyon niyang mabuti ang crib na para sa apo niya.

            Marahan kong hinimas ang tiyan ko at bahagyang kumislot ang baby ko. Tingin ko natutuwa din siya sa nangyayari sa amin. Alam niya kung gaano ako kamahal ng tatay niya. Ramdam niya na hindi na siya mahintay makita ng lola niya.

            "Are you sure you want to name our daughter Aria?" Nakita kong dumampot ng isang damit na pambata si Bullet at tiningnan-tingnan iyon.

            Malakas na sumipa ang anak ko sa tiyan ko.

            "Gusto ko. Malaki ang utang na loob ko kay Aria. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko kayo makikilala. I want to name our daughter Aria Elizabeth kung okay lang sa iyo."

            Inakbayan ako ni Bullet. "Kahit anong gusto mo okay lang as long as you're happy." Hinawakan ni Bullet ang tiyan ko at gumalaw ulit iyon. Parang nagulat pa si Bullet at nanlalaki ang matang tumingin sa akin. "Ang lakas sumipa."

            "Hindi ka pa ba nasanay? Gabi-gabi mo na nga lang binabantayan 'yan," natatawang sagot ko.

            Napahinto kami sa pag-uusap ng dumadating ang biyenan ko kasunod ang attendant ng department store.

            "Nabili ko na lahat. Playpen, crib, clothes up to first year. Pati ang mga décor sa room niya okay na rin. The stylist will go to the house today."

            Natatawa na lang ako sa biyenan ko. Grabe talaga ang excitement niya sa unang apo niya.

            "If you're done 'ma can we eat? I am starving," sabi ni Bullet sa nanay niya.

            "Oh, sure. Let's go. Baka pagod na rin si Amy. Where do you want to eat, iha?" baling niya sa akin.

            "Kahit saan po."

            "Sige. Let's eat at Mango Tree."

            Hindi naman kalayuan ang restaurant sa department store kaya malapit lang ang nilakad namin. Wala din gaanong tao doon dahil alangang oras naman. Ang alam ko, pagkatapos namin dito ay didiretso si Mrs. Acosta sa Quezon para umattend sa isang pagtitipon tapos babalik din dito sa Manila. Ayaw nga niyang umalis-alis pa kasi baka daw bigla akong manganak. 36 weeks na rin kasi ang tiyan ko. Sabi ng doctor malapit-lapit na rin. Puwede na nga daw kung gusto kong magpa-cs but I want to do the natural birthing method. Kaya ang plan ko ay next week ako magpapa-induce na manganak. Excited kasi talaga kaming lahat sa rainbow baby namin.

            Nagpaalam sa amin si Bullet na may sasagutin munang tawag sa opisina. Magmula ng malaman niyang buntis ako ay hindi na masyadong nagbababad sa opisina si Bullet. Mas gusto daw niyang bantayan ako dahil ayaw daw niyang may masamang mangyari sa anak namin.

            Naiwan kami ng biyenan ko na naghihintay ng pagkain na inorder namin. Nagtaka ako sa kanya dahil kanina lang ay ang saya-saya niya. Excited siyang mamili ng mga gamit tapos ngayon ay bigla siyang nanahimik. Biglang lumungkot ang mukha niya.

            "'Ma, may problema ba? Bakit bigla kang tumahimik?" Nag-aalalang tanong ko.

            Tumingin siya sa akin at pilit na ngumiti. "Naalala ko lang si Hunter. Kahit tanggap ko na wala na ang anak ko at kahit kailan ay hindi na babalik, nalulungkot pa rin ako sa tuwing naalala ko siya." Nakita kong bahagyang namasa ang mata ng matanda kaya hinawakan ko ang kamay niya.

            "'Ma, alam kong masaya si Hunter kung nasaan man siya. Masaya siya na malakas pa rin kayo. Masaya siya magiging lola ka na talaga. Totoong apo mo," nakangiti kong sagot sa kanya.

            Napahinga siya ng malalim. "Isa pa 'yan. Alam ko minsan sumusobra na ako ng pakikielam sa iyo. Hindi na kita nabibigyan ng laya sa mga gusto mo para sa anak mo. Pasensiya ka na. Hindi ko lang talaga matiis. Excited din kasi ako."

            Natawa ako. "Ano ka ba, 'ma? Wala iyon. Alam kong mahal 'nyo si baby Aria. At masaya ang anak ko na kayo ang lola niya."

            "And where is my food? I've been waiting for my food for fifteen minutes already. Tapos sasabihin mo sa akin na sa ibang table ang soup na 'yan?"

            Pareho kaming napatingin ni Mrs. Acosta sa table ng nagwawalang customer. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang dalawang babae na nakaupo doon. Isang medyo bata at isang may-edad na babae na parehong mapustura. Halatang mga socialite. Teka. Si Charlotte ba ito?
             "Ilagay mo ang soup na iyan dito sa table namin. Kami ang unahin mo dahil kanina pa kami umorder," sabi ng may-edad na babae. Napahinga ako ng malalim. Si Sonia Santos ang kasama ni Charlotte. Ang nanay ni Carlo.

            Nagkatinginan kami ng biyenan ko at napapailing siya.

            "Look at her. Iniwan na ng anak hindi pa rin nagbago. Magkasama pa rin sila ng manugang niyang manloloko," paismid na sabi ng biyenan ko.

            Hindi ako nakasagot at muling tumingin sa gawi nila Charlotte. Masinsinan silang nag-uusap na magbiyenan. Kahit hindi naman namin intensyon na makinig ay naririnig namin ang pinag-uusapan nila.

            "Hanggang ngayon wala pa rin silang lead kung nasaan si Carlo? Mag-iisang taon ng wala si Carlo. Pinabayaan mo na ba talaga ang asawa mo?" Tonong naiinis si Mrs. Santos. Grabe talaga ang pagiging dominante niya. Kahit si Charlotte ay talagang nirerendahan niya.

            "Ginagawa ko naman lahat, mommy. Ang dami kong private investigators na na-hire pero hindi talaga nila makita si Carlo. And I don't know what to do kasi bago siya nawala, nag-file siya ng annulment. Kakasuhan pa niya ako dahil niloko ko siya," naiiyak na sabi ni Charlotte.

            "He cannot do that. Huwag kang papayag na maghiwalay kayo dahil kahit anong mangyari ikaw ang may karapatan sa anak ko. Ikaw ang tunay na asawa. Ngayon ka pa ba bibigay?"

            "Pero wala na siya at hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. I don't think Carlo is coming back." Tuluyan ng napaiyak si Charlotte.

            Nagkatinginan kami ng biyenan ko at napapailing-iling ito.

            "My dad is telling me to give up. Sabi niya there are so many men who are going to accept me kahit anong nangyari sa akin. Huwag ko daw ipilit ang sarili ko sa lalaking kahit kailan hindi ako mamamhalin." Humihikbing sabi ni Charlotte.

            "And you're just going to give up like that? After what you've been through? After all I did para mapunta sa iyo ang anak ko." Napasandal si Mrs. Santos sa kinauupuan niya at napailing. Agad kong ibinaling ang tingin ko sa iba ng makita kong tumingin siya sa gawi namin.

            "I think they saw us," mahina kong sabi sa biyenan ko. Muli akong sumulyap sa lugar nila Charlotte at pareho na silang nakatingin sa amin ngayon. Kinabahan ako ng makita kong tumayo si Mrs. Santos at si Charlotte at lumapit sa table namin.

            "Well, well. Look what the cat dragged in. The great pretender is here." Mrs. Santos voice has full of sarcasm. Nakangisi din ng nakakainis si Charlotte.

            Tumingin ako sa gawi ng biyenan ko at nakita kong umiling lang siya. Parang sinasabi sa akin na huwag ko ng patulan.

             "And you're pregnant? Sino naman ang tatay niyan ngayon? Pagkatapos ng anak ko, talagang pinanindigan mo na ang panloloko mo sa kanila." Kinalabit pa ni Sonia Santos si Mrs. Acosta. "Akala ko pa naman matalino ka, Frances. Pero naloloko ka pa rin. This woman is a user."

            "Tell me, Amy. Who is the father of your child? Imposibleng si Carlo pa rin. And imposibleng si Hunter naman because we all know that you just pretended to be his wife." Sabat ni Charlotte.

            "I am the father of her child."

            Pare-pareho kaming napatingin kay Bullet na seryosong nakatingin kay Charlotte. Tingin ko ay kayang kumain ng tao ni Bullet ng mga oras na iyon.

            "What? What are you talking about? Pinatulan mo ang babaeng iyan? We all know that she is a user. A con artist," sagot ni Charlotte.

            Napahinga ng malalim si Bullet at lumapit sa akin.

            "If you don't have anything good to say, please stop harassing my wife. Kasi kapag hindi pa kayo huminto, pareho ko kayong idi-demanda ng harassment." Nakakatakot ang itsura ni Bullet kaya agad ko siyang inawat.

            Nakita ko naman na parehong parang natigilan ang dalawa. Kinalabit ni Charlotte ang biyenan niya.

            Tumayo si Mrs. Acosta at humarap kay Sonia Santos.

            "Sonia. When are you going to change? You ruined your son's life for your own sake. And because of you, a precious life was lost." Seryosong sabi ng biyenan ko.

            "'Ma," awat ko sa kanya. Tumaas ang kilay sa akin ni Charlotte sa narinig na sinabi ko.

            "Wala kang alam sa nangyari sa amin. Narinig mo lang ang version ng babaeng iyan." Sagot ni Sonia.

            "Walang ibang sisisihin sa lahat ng nangyari kundi ikaw. But you now, I should thank you for letting this woman go." Tumingin siya sa gawi ko bago muling tumingin kay Sonia Santos. "You just wasted a gem and you let other people to treasure it. And we are determined to keep it." Tiningnan ni Mrs. Acosta si Charlotte mula ulo hanggang paa. "You settle for second best. Dahil ba mayaman akala mo nakatisod ka na ng ginto? But hey, bagay naman kayong mag-biyenan. You both love to ruin other people's lives. Look what you did to Jean. Kasabwat din kayo doon 'di ba? And yet she's the only one suffering for all your mistakes."

            Sinenyasan na ni Bullet na umalis doon ang nanay niya. Tingin ko naman ay hindi na rin kami makakakain dahil sa sa nangyari. Inalalayan ako ni Bullet tumayo para makaalis na kami doon.

            "Oh, well. As much as I wanted to stay and have a chat, we are busy preparing for my grandchild. A grandchild that she can never give to you. I hope you both sleeps well at night. Nice meeting you two." Kumapit sa braso ko ang matanda at pilit akong pinasabay na maglakad sa kanya palabas ng restaurant.

            Grabe ang kabog ng dibdib ko habang palabas kami. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.

            Lumingon ako kina Charlotte at Sonia at nakita kong pareho sila nakatingin sa amin. Pero instead na magalit ako sa kanila, mas nakaramdam ako ng awa lalo na ng makita kong parang naiiyak na nakatingin sa akin si Charlotte. Alam kong nagsi-self pity siya dahil kahit kailan ay hindi siya maaaring magkaroon ng anak.

             Biktima rin naman si Charlotte. Biktima siya ng maling pagmamahal kaya niya nagawa ang mga iyon. Tapos napaligiran pa siya ng maling tao kaya lalong nagkamali ang mga desisyon niya. Ipinagdadasal ko na sana, tulad ko ay makatagpo rin siya ng lalaking magmamahal sa kanya.

            "Are you okay?" Tanong ni Bullet sa akin.

            "Huwag mong pansinin ang dalawang bruha na iyon." Inis na sabi ni Mrs. Acosta.

            Ngumiti ako sa kanila.

            "Wala na po iyon sa akin. Lahat ng nangyari sa buhay ko, maganda o pangit, pinasalamatan ko iyon. Kasi kung hindi dahil doon, hindi ko kayo makikilala." Naiiyak na sabi ko.

            Natawa si Bullet at niyakap ako.

            "Talaga 'tong mga Mrs. Acosta na 'to ang hilig 'nyo sa drama."

            Natawa lang din ako at sumubsob ako sa dibdib ni Bullet. Napa-aray ako ng maramdaman kong sumiksik ng todo sa puson ko ang baby ko at para akong naihi.

            "Shit. I think my water broke." Nanlalaki ang matang sabi ko kay Bullet.

            "What?!" Parehong nataranta ang mag-ina at tiningnan ako. Totoo nga, may clear liquid na umaagos sa mga hita ko.

            Mabilis akong binuhat ni Bullet at parang si Superman na naghanap ng elevator para makababa kami sa parking. Ang biyenan ko naman ay natatarantang nakasunod din sa amin.

            Instead na kabahan ako ay natutuwa akong tingnan silang dalawa. Manganganak ako pero hindi ako natatakot dahil alam kong kasama ko sila.

            Mga taong minahal ako kahit ano pa ako at nagsinungaling sa kanila.

---- END

Read next 👇🏻👇🏻👇🏻
BECOMING MRS. ACOSTA (Hunter's story)
THE BUCKET LIST (Carlo's story)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top