Chapter Two

Chapter Two

Amy's POV

Hindi na ako makapagsalita dahil walang tigil sa kakaiyak ang may-edad na babae kuwarto.  She keeps on looking at my face tapos hahaplusin niya tapos iiyak na naman siya.  Sino ba ang Hunter na sinasabi niya? 

"M-mam, I think you got the wrong person.  Wala ho akong kilalang-"

"The doctors told me that this is possible that you might forget the accident.  Okay lang, Aria.  Magpahinga ka lang at magpagaling para sa apo ko," putol niya sa sinasabi ko.

"Hindi nga ako si Aria.  My name is - "

"How do you feel, Mrs. Acosta?"

Pareho kaming napatingin sa pinto ng matanda at pumasok doon ang isang doktor kasunod ang isang nurse.

"Hindi nga ako si Mrs. Acosta!  Ano ba ang sinasabi 'nyo!" Hindi ko na mapigil ang inis ko.  Bakit ba nila ipinipilit na ako ang babaeng iyon?

Nag-aalalang tumingin ang matanda sa doctor at kalmadong-kalmado lang itong nakatingin sa akin.  Parang expected na niya ang reaksyon ko.

"Don't worry Mrs. Acosta, that is really normal. She hit her head hard and temporary loss of memory is really possible." Malumanay na pahayag ng doktor habang kausap ang matandang babae.

"What?  Wala akong amnesia! Sinasabi ko nagkakamali kayo.  Hindi ako ang Mrs. Acosta na sinasabi 'nyo.  Hindi ako!" Inis kong tinanggal ang mga nakakabit na suwero sa braso at nagugulat na napatingin sa akin ang matanda.  Magwawala talaga ako.  Baka kaya nila ginagawa ito ay para makuha ang anak ko.  Baka kagagawan ito ng nanay ni Carlo.

Nakita kong sinenyasan ng doktor ang kasamang nurse at mabilis itong lumapit sa akin hawak ang isang syringe.

"Ano 'yan?  No!  Hindi!  Aalis ako dito!  Palabasin 'nyo ako dito!" Nagwawala talaga ako.  Naramdaman ko ng itusok ng nurse ang syringe sa braso ko.

"My son is dead and now his wife doesn't remember anything." Narinig kong sabi ng umiiyak na matanda.

Gusto kong magsalita at mag-protesta sa sinasabi niya pero para na akong inaantok.  Parang bumagal ang lahat tapos nag-uulap ang paningin ko.

Sa nanlalabo kong paningin ay nakita kong bumukas ang pinto ng kuwarto at isang bulto ng lalaki ang pumasok doon.

————->>>>>

Bullet's POV

Naabutan ko ang nanay ko na umiiyak sa isang sulok habang nakatingin sa natutulog na babae sa hospital bed.  Agad akong lumapit sa kanya at inalam kung anong nangyayari.

"'Ma, everything alright?" I could see that my mother was really worried.

Umiling siya sa akin.  "Hindi ko matanggap na wala na ang kapatid mo pero lalong hindi ko matanggap na ganito pa ang nangyari sa asawa niya." Muli siyang umiyak at yumakap sa akin.

Napatiim-bagang ako at hindi kumibo. 

"'Ma, I told you we are not yet sure na siya ang asawa ni Hunter."  I've been telling this to my mom since the beginning of this situation.  Walang may nakakakilala sa itsura ng asawa ng kapatid ko. 

"Hindi pa ba tayo maniniwala?  Paanong nangyari na suot niya ang kuwintas ng kapatid mo?  You know that necklace is a family heirloom.  Alam ni Hunter na tradisyon na iyong ibigay sa babaeng magiging asawa niya.  Nararamdaman ko na siya ang minahal ni Hunter.  Nagsisisi ako at hindi ko man lang nayakap ang anak ko.  Ayokong may mangyaring masama sa kanila at ng apo ko," umiiyak na sabi niya.

Hindi na ako kumibo.  Saka ko na uli kakausapin ang nanay ko tungkol dito.  Sa ngayon, kailangan muna naming ayusin ang libing ng kapatid ko.

I remember when I was looking at the remains of my brother lying on the cold metal table of the morgue, hindi ko magawang tanggalin ang nakapatong na puting kumot sa kabuuan niya. Hindi man kami kambal ni Hunter but our resemblance was so uncanny.  He was a year older than me.  Sabi ni mama she had three miscarriages before he was born then I came.  After she gave birth to me, tinanggal na rin ang matres niya due to a pregnancy complication.  Kaya sa amin na lang talaga ni Hunter natutok ang atensyon niya.

Hunter was lying on the metal table lifeless.  Sa isip ko ay inaalala ko ang guwapo niyang mukha dahil iyon ang gusto kong maalala. Ayokong makita ang katotohanan ng nangyari sa kanya. Kapag tinanggal ko ang nakatalukbong na kumot sa kanya, alam kong hindi ko na siya makikilala. Ayokong makita ang sunog na mukha, ang biyak na ulo. Ang mga tama ng bakal sa katawan niya. Autopsy reports revealed that his skull was cracked open and he got a metal lodged in his heart.  He died instantly.  Swerte pa nga siya at kahit sunog ang katawan niya at halos hindi na makilala, nakuha pa namin siyang buo at nakita namin ang birth mark niya sa may hita na nagpapatunay na siya ang kapatid ko. Other fatalities were crushed to death, bodies were burnt na malabo ng makilala.  May nakita pa nga akong sunog na bangkay ng isang buntis na hindi na talaga makilala ang mukha.

A week after the incident that took the life of my only brother, ngayon ko pa lang naiaayos ang mga dapat na ayusin sa libing niya.  I can't rely on mom because up to now, she was still in shock that my brother was dead.  The bus that carries forty passengers on its way to Sagada plunged to a ravine that cost the lives of twenty seven of its passengers and that includes my brother.  Some survivors had multiple fractures and luckily we found his wife alive and just sustained a contussion and some minor bruises.

My mom was really devastated.  Akala ko made-depress na naman siya.  Two years ago, dad died because of a heart attack then this.  Sobrang parusa talaga sa kanya.  Kaya ng tumawag sa amin ang mga pulis na may babaeng survivor na buntis at ipinakita ang litrato ng babae ay talagang nataranta ang nanay ko. Mom saw the necklace that she was wearing kaya naniniwala siyang ito ang asawa ni Hunter.

I don't want to believe that Hunter is gone.  Three years after he left us, wala na akong balita sa buhay niya.  All I know is that he followed what he wanted to do.  He wanted to be a traveller and he did it.  Makaka-receive na lang ako ng postcard kung nasaan siyang lugar.  No notes.  No messages.  Nothing.  Just a postcard with an initial letter H para malaman kong sa kanya galing iyon.  One time I received a postcard and picture of him from Batanes and he wrote, I wish you were here.  Iniwan niya ang maayos na buhay kasama namin para mamundok kasama ang mga kaibigan niya.  I hate him because he left all the responsibilities to me in this family. 

Two weeks ago, I received a postcard from him again.  A photo taken from the mountains of Mt. Pulag.  Then he wrote, I am married and there was another photo of a neck of a woman wearing a necklace with a jade pendant.  He got married.  Shit.  He got married and he forgot to tell us about that?  Saan siya kinasal?  Sa bundok?  Napapailing ako kapag naaalala ko iyon.  I can't forget my mother's reaction when she learned that my brother got married without her consent.  Ang sama-sama ng loob niya.  Kahit naman ako ganoon din ang naramdaman ko.  Parang hindi na niya talaga kami binigyan ng halaga.

"We will talk about this, ma.  Aayusin ko muna si Hunter at pabayaan 'nyo na muna ang babaeng 'yan na makapagpahinga." Sabi ko sa nanay ko.

"I'll bring her to our ancestral house para doon siya makapagpahinga." Sabi ni mama.  Nanatili siyang nakatingin sa babaeng mahimbing na ang tulog sa kama.

"We will talk about that.  Aalis muna ako," iniwan ko na si mama.  Alam kong nabibigla lang naman siya sa desisyon niyang ito.

——————->>>>>

Carlo's POV

I wanted to know the truth kaya nandito ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Amy.  It's been a week magmula ng hindi na siya pumasok.  It's been a week ng huli kaming magkita.  She's not even answering my calls tapos ngayon unattended na ang phone niya.

I learned from Travis that something bad happened to Amy pero ayokong maniwala.  Hindi totoo ang sinabi niya sa akin.  Hindi patay si Amy.

"I just want to know what really happened to Amy Solomon."

Kaharap ko ngayon ang boss niya at ang may-ari ng restaurant na ito na si Pablo Constantino.  Kakilala namin siya nila Travis dahil nakakasama din namin siya sa mga group get together.

Lumungkot ang mukha ni Pablo ng marinig ang tanong ko.

"Bro, I am sorry.  Kahit kami sobrang nabigla sa nangyari.  She was one of my best employee here kaya hindi rin ako maniwala na wala na siya."

Pakiramdam ko ay nagbara ang lalamunan ko sa nalaman ko.  Hindi yata ako makahinga.

"Police went here to know if she's really employed here.  They showed her id's and some of her personal belongings.  I saw the crash site photos, her photos from the crash and it was not a good sight.  Her face is badly burnt.  Hindi na makilala.  Her right hand was cut and nawawala pa.  The hardest part, she was also pregnant."

Masusuka yata ako sa sobrang tensyon na nararamdaman ko.  Nanginginig ang buong katawan ko.

"How can they be so sure that, that was her?" Ayokong maniwala sa naririnig ko.

"Her things.  Nakasabit pa sa katawan niya ang sunog na sling bag.  Doon nila nakuha ang mga gamit niya."  Napapikit ako sa sinabi ni Pablo.  "Her sister was really devastated.  Travis called me and they were preparing for her wake." Napapailing pa siya.

Hindi na ako makapagsalita. Hindi ko na mapigil na mapaiyak kaya lumabas na ako ng hindi man lang nagpapaalam sa kanya.  Paglabas ko ng restaurant ay patakbo akong pumunta sa gilid at doon sumuka ng sumuka tapos ay napaiyak na ako.  I can't believe she's gone.  I lost her and I lost our baby.

Kasalanan ko.  Kasalanan ko lahat 'to.  Nangako ako sa kanya na aayusin ko pero pumayag ako sa mga gusto ni mommy.  Naging sunud-sunuran ako para mailigtas ko ang pamilya namin sa matinding kahihiyan. 

"Carlo."

Kilala ko ang boses na iyon at matalim ko siyang tiningnan.  Nakatayo malapit sa akin si Charlotte at nasa itsura niya ang kinakabahan.

"You bitch.  Hindi mo talaga ako titigilan?  Ano pa ang gusto mo?  Ipapakasal na sa iyo.  Hanggang dito ba susundan mo pa rin ako?" Galit na sabi ko sa kanya.

"Carlo, I am sorry about what happened to her.  I am so sorry that she's dead." Napapaiyak pa si Charlotte.

Mabilis akong lumapit sa kanya at mariin kong hinawakan ang mukha niya.

"Fuck you!  Fuck you and your fucking family.  She's all I had and because of you and mom, he ran away from me.  And now, she is dead together with my baby.  You can never bring her back.  You can never bring them back," hindi ko na napigil ang sarili ko.  Parang mababaliw na yata ako.

"Carlo," umiiyak lang si Charlotte.

Marahas kong binitiwan ang mukha niya.

"Get away from me.  Oo, magpapakasal ako sa iyo.  You can have my name but trust me, you can never have my love.  Because its dead when Amy died."  Tinalikuran ko na siya at dire-diretsong tinungo ang kotse ko.  Kahit patuloy siya sa pagtawag ng pangalan ko ay hindi ko siya pinakinggan. 

Para akong nanghihina ng makasakay sa kotse.  Malabong - malabo ang paningin ko dahil sa walang patid na pag-agos ng luha.  This is all my fault.  Kasalanan ko kung bakit namatay si Amy at hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top