Chapter Twenty-two

Carlo's POV

"Hindi ka man lang nag-alala sa akin? Hindi ka man lang umuwi kagabi para malaman mo kung gaano ang hirap ko dito?"

I rolled my eyes and threw my laptop bag on the couch and went straight to the kitchen. I don't want to hear anymore nags from Charlotte kasi pakiramdam ko ay pino-pompyang ang ulo ko sa tindi ng hangover ko. Hindi na ako nakauwi kagabi dahil sa bar na ako nakatulog sa dami ng ininom ko.

"Kung hindi pa nagpunta dito si Mommy Sonia, walang mag-aasikaso sa akin. Sinabi na naman niya sa iyo ang kalagayan ko 'di ba? I am pregnant."

Tinapunan ko lang ng tingin si Charlotte at ipinagpatuloy ko ang pag-inom ng tubig. My mom told me that Charlotte is sick pero parang wala namang mali sa kanya. She still looks good. Normal na itsura niya sa tuwing makikita ko siya.

"Look at this. This is my transvaginal ultrasound. I am six weeks pregnant." Halos iduldol niya sa mukha ko ang resulta ng ultrasound niya.

"Where did you get that fake result?" Iritable kong sagot sa kanya at tinalikuran ko na siya tapos ay dumiretso ako sa kuwarto ko. I am using the guest room of the house dahil ayoko talagang tumabi sa kanya.

"What do you mean fake result? Hindi ka ba naniniwala na buntis ako?"

"We both know that your ovaries are fried because of some childhood disease that you had." Hinubad ko ang suot na t-shirt at dumiretso ako sa banyo pero nakasunod pa rin doon si Charlotte. "Do you mind?" Inis na baling ko sa kanya. Hanggang banyo ba ay hindi niya ako titigilan? "Puwede ba akong maligo?"

"Where did you spend the night?" Tanong pa rin ni Charlotte. Pinabayaan lang niya akong isara ang glass partition ng banyo para may privacy akong makaligo pero hindi naman siya lumabas ng banyo.

Hindi ako sumagot at ninamnam ko lang ang lagaslas ng tubig sa katawan ko. Napaka-refreshing ng pakiramdam. Parehong-pareho sa sayang nararamdaman ng kalooban ko dahil sa good news na nalaman ko tungkol kay Amy.

"Carlo, magkakaanak na tayo. Baka puwede naman na ayusin na natin ang pagsasama natin. Sabi mo kung mabibigyan kita ng anak, papakisamahan mo na ako." Tonong iiyak na si Charlotte habang sinasabi iyon.

Christ. Kailan ba ako titigilan ng babaeng ito?

Inis kong pinatay ang shower at nagtuyo ng katawan ko tapos ay ibinalot ang tuwalya sa katawan ko at lumabas. Naroon pa rin si Charlotte pero dinaanan ko lang siya. Humugot ako ng boxers sa cabinet at kumuha ng slocks at longsleeves para mag-ready sa pagpasok ko sa trabaho.

"Ano ba? Hindi mo ba ako papansinin? Hindi ka ba masaya?" Tuluyan ng napaiyak si Charlotte.

Napahinga ako ng malalim at humarap sa kanya.

"I know you are just faking it. Huwag mo na akong lokohin dahil alam ko naman na kagagawan 'nyo ito ni mommy. I am sorry, Charlotte. You know from the start na hindi ko kayang magmahal ng iba." Malumanay kong sabi sa kanya.

"God damn you! Si Amy pa din? Buwisit na babae 'yan! Patay na nga ginugulo pa rin tayo!" Dinampot ni Charlotte ang isang vase na nahawakan at malakas iyong ibinato sa dingding. Pinabayaan ko lang siya. Magwala siya hanggang gusto niya.

Itinuloy ko lang ang pagbibihis ko at hindi ko na sinaway ang pagwawala niya. Nang makaayos ako ay binitbit ko laptop bag at iniwan na si Charlotte. Bahala na siya kung anong gusto niyang gawin.

Diretso ako sa opisina ng mga Ling. Naipagpasalamat kong hindi na nagpupunta doon ang tatay ni Charlotte dahil ayoko naman talaga itong makaharap. Katulad ng anak niya, Adrian Ling is one manipulative asshole na ang tanging hangad sa buhay ay lumaki pa ang empire niya. Kaya nga niya ginipit ang daddy ko para magkaroon siya ng hold sa business namin. Nagkataon nga lang na gusto rin ako ng anak niya kaya ako ang naging kapalit.

"Sir Carlo, I just received a message that Mr. Bullet Acosta is already in town. We can set a meeting if you want."

Iyon ang bungad sa akin ng sekretarya ko ng makarating ako sa opisina.

Mabuti naman at dumating na ang gagong iyon. We really need to talk about the updates of our shipments.

"Sige. Set a meeting with him today. I need to talk to him." Sabi ko. Dinukot ko ang telepono ko dahil narinig kong may nag-text sa akin.

We found the hospital where Amy was treated. Papunta na kami ngayon para makuha namin ang mga detalye.

Ang ganda ng ngiti ko sa nabasa ko. At last. Nalalapit na talagang matagpuan ko si Amy.

--------------

Bullet's POV

"Sir, office of Mr. Carlo Santos called. He wants to have a meeting with you today."

Iyon ang sabi ng assistant ko habang inilalapag sa mesa ko ang mga folders at envelopes na kailangan kong i-check.

"Tungkol saan daw?" Parang ayokong makaharap si Carlo ngayon. Baka hindi ako makapagpigil at masapok ko lang siya.

"Tungkol daw sa delayed shipments ng Ling-nam Corporation. Actually ilang beses na ring pabalik-balik dito 'yun at gusto kayong makausap ng personal."

"Why don't you let Jim handle this? Department ni Jim ang in-charge dito 'di ba?" Sagot ko.

"Pero kasi kayo daw po ang gustong kausap ni Mr. Santos." Nakita kong bahagyang ngumiwi ang sekretarya ko. "'Yung totoo, Sir nandiyan na siya sa labas at naghihintay sa inyo."

"What?" Napakamot ako ng ulo.

"Sir, hindi ko kasi mapigil. Maghihintay daw siya kasi ilang linggo na siyang pabalik-balik dito at gusto niyang kayo ang makaharap niya."

Halatang kinakabahan ang sekretarya ko pero alam ko naman na ginagawa lang niya ang trabaho niya. Napabuga ako ng hangin at napakamot ng ulo.

"Fine. Send him in."

Alanganing ngumiti sa akin ang assistant ko at lumabas na. Maya-maya ay may kumatok at bumukas ang pinto. Nakita kong sumilip si Carlo Santos at tuloy-tuloy na pumasok.

So this is Carlo Santos. This is the second time na nagkaharap kaming dalawa. Guwapo. May tindig. May dating. No wonder napaikot at nabola niya si Amy. His type is the typical rich boy yuppie na magaling mambola.

Pilit akong ngumiti sa kanya at tumayo para kamayan siya.

"Good morning." Bati niya sa akin habang inilahad ang kamay. Kinuha ko iyon at ramdam ko ang mahigpit niyang grip.

Ewan ko. Pero ang totoo, I don't like this man. Mabigat ang loob ko sa kanya kasi gago siya. Wala siyang kuwentang tao dahil sa ginagawa niya sa mga babae.

"Good morning, Mr. Santos. What can I do for you?" Itinuro ko ang upuan sa harap ng mesa ko na puwede niyang upuan. "Do you want coffee? Tea? Soda?"

"I am fine, thank you." Seryoso niyan sagot sa akin.

"So, what is this about?" Pinapasadahan ko ang kabuuan ni Carlo Santos at talagang iniisip ko kung ano ang nagustuhan dito ni Amy. Guwapo nga pero parang pangkaraniwan lang naman ang itsura niya. Mas guwapo pa ako sa gagong ito. Mas matangos pa ang ilong ko sa kanya, mas matangkad ako. Hmm.. well medyo lamang siya ng buhok sa akin. Maganda ang tubo ng buhok niya samantalang ako ipinanganak na kulot.

Shit. What the hell am I thinking? Bakit ko ikino-compare ang sarili ko sa gagong ito?

"We have this shipment that cannot be track for almost how many months. Kailangan namin iyon and your company seems not to take care of it," sagot niya sa akin.

Napatango-tango ako.

"I will personally talk to Jim Carreon since his department is in-charge with your shipments. I'll get back to you as soon as possible." Iyon na lang ang naisagot ko sa kanya.

Nakita kong napangiti ng nakakaloko si Carlo at napailing-iling na parang nakakatawa ang sinabi ko.

"And when am I going to get the feedback? After a week? Another month? Kaya nga ako dumiretso sa 'yo dahil incompetent ang mga tao mo. If they are doing their jobs, wala ako dito sa harap mo ngayon."

I bit my tongue para walang lumabas na masamang salita sa bibig ko. So, he is really an asshole. I counted one to ten para makapag-isip ako ng maayos. Ayokong magalit ngayon. Ayokong sumabog dahil mainit talaga ang dugo ko sa kanya. Naiisip ko ang pananakit at panlolokong ginawa niya kay Amy.

Pinilit kong ngumiti kay Carlo.

"I am really sorry about that, Mr. Santos. Rest assured I will personally check on your shipments. I will also call Mr. Adrian Ling about this matter and I will personally apologize to him."

Hindi iyon ang gusto kong sabihin sa kanya. Ang totoo, gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang sumbatan sa ginawa niya kay Amy pero dahil professional ako, kahit nagagalit ako sa kanya, magiging kalmado pa rin ako.

"You better do something about it. I won't think twice to pull out our company here if you don't settle this problem." May himig pagbabanta si Carlo.

Napatango-tango lang ako.

"I am so sorry, again. I will check it ASAP."

Tumayo na siya at inayos ang medyo nagusot na longsleeves.

"How's Charlotte? How's your wife?" Pinaganda ko talaga ang ngiti ko ng tanungin ko siya noon.

Nakita kong biglang nag-iba ang mukha ni Carlo sa narinig na tanong ko.

"Well, Charlotte is a childhood friend and I was really shocked that she got married." Sabi ko pa.

"She's fine." Maiksing sagot niya sa akin.

"Is she pregnant already? The last time that we talked she told me that you two are really trying to have a baby."

Kumunot ang noo ni Carlo at lalong sumeryoso ang mukha.

"I think those are too personal questions. We don't divulge to everyone what's happening to our married life."

Pinilit kong ngumiti sa kanya.

"My bad. Nice meeting you again, Mr. Santos." Tumayo ako at inilahad ko uli ang kamay ko.

Tumango lang siya at tiningnan lang ang kamay ko tapos ay walang imik na tinungo ang pinto at lumabas. Agad na nawala ang ngiti sa labi ko at inis na itinukod ang dalawang kamao ko sa mesa.

That guy is really an asshole. Talagang kumukulo ang dugo ko sa kanya.

------------

Amy's POV

Alam na ni Bullet ang sikreto ko. Ano na ang gagawin ko ngayon? Sasabihin ko na rin ba kay Mrs. Acosta ang totoo? Tumingin ako sa gawi ng matanda at busy siya sa pag-aayos ng mga orchids niya sa garden samantalang ako ay nakaupo lang bench na naroon at nakatingin sa ginagawa niya.

"Nagpaluto ako ng pritong lumpia kay Ester. Gusto mo ba noon?" Narinig kong tanong ng matanda sa akin.

Ngumiti lang ako. "Kahit ano hong pagkain okay lang sa akin." Napalunok ako huminga ng malalim. "Umalis ho si Bullet?" Narinig ko kasi kanina na ipinapa-ready niya ang chopper nila tapos hindi ko na siya nakita.

Kumumpas sa hangin ang matanda.

"Alam mo naman ang batang iyon. Para iyong kabute. Biglang susulpot tapos biglang mawawala din." Tumingin ng makahulugan sa akin si Mrs. Acosta kaya kinabahan ako. "Iniinis ka pa ba ng anak ko?"

Sunod-sunod ang iling ko.

"Hindi po. M-mabait nga po sa akin si Bullet." Sinabi kong mabait kasi hindi pa niya sinasabi kay Mrs. Acosta ang totoo.

Ngumiti ang matanda sa akin at lumapit. Naupo rin sa bench na kinauupuan ko.

"Mabait naman ang batang iyon. Mabiro madalas kaya nga kahit ako nagtaka na bigla siyang nagbago nang umalis si Hunter. Naging seryoso, aloof. Hindi siya ganoon." Napahinga ng malalim ang matanda. "Siguro kasi naisip niya, sa kanya na nakaasa ang buong pamilya namin. The business is in his hands so there is no room for mistake."

"W-wala ho ba siyang asawa? Girlfriend?" Bakit ko ba naitanong 'to?

Natawa si Mrs. Acosta at tumingin sa akin. "Wala pa. Huwag kang mag-aalala at ikaw lang ang manugang ko. Wala kang kaagaw sa atensyon ko."

Natawa din ako sa sinabi niya. "Wala naman pong ibig sabihin ang tanong ko. Naitanong ko lang po kasi parang wala siyang isinasamang babae dito." Parang napahiya yata ako sa tinanong ko sa kanya.

"Malihim ang batang 'yun. Pabayaan na natin siya. Kung may magugustuhan man siyang babae, siguradong tayong dalawa ang unang makakakilala at kakaliskisan natin." Parang highschool teenager na bumungisngis si Mrs. Acosta kaya natawa din ako. Sa totoo lang, nawawala ang kaba ko kapag si Mrs. Acosta ang kasama ko. Napakagaang niyang kausap at parang walang problema sa lahat.

Naisip ko nga, kung sabihin ko na kaya ang totoo sa kanya? Pero baka mabigla naman siya at hindi niya matanggap ang totoo. Namatayan na nga siya ng anak tapos ginamit ko pa.

"Manang Frances, may bisita si Aria." Pareho kaming napalingon kay Manang Ester at nakita kong may kasunod siyang babae. Si Jean ang nakilala kong naroon. Bisita ko? Hindi ko naman close ang babaeng ito.

"Hi, mama." Narinig kong bati ni Jean at mabilis na lumapit sa matanda at humalik sa pisngi nito. Bahagya lang na ngumiti si Mrs. Acosta at nakita kong medyo tumaas pa ang kilay sa narinig na tawag sa kanya ni Jean.

"What brings you here?" Halatang pilit na pilit ang ngiti ni Mrs. Acosta kay Jean.

"Gusto ko lang dalawin si Aria. I checked on my patient's record that it is her seventh month already and ako na nag-initiate na pumunta dito kasi baka walang maghatid sa kanya sa center. I heard that Bullet is in Manila," nakangiti nitong sagot at bahagyang kumaway sa akin.

Paano naman niya nalaman na nasa Maynila si Bullet?

"Nagkita ba kayo ni Bullet? How did you know that he is in Manila?" Tanong ni Mrs. Acosta.

Ngumiti siya sa akin. "Dumaan kasi siya sa clinic bago siya umalis. Well, pabalik din naman ako ng Manila today kaya doon na lang uli kami magkikita." Sabi pa ni Jean at bumaling na sa akin. "How are you?"

"Okay naman." Maiksing sagot ko.

"I personally went here just to check on you. Medyo matatagalan kasi ako sa Manila and baka may mangyari or emergency sa iyo, ibinilin na kita sa reliever ko. Her name is Dra. Ruby Genio. She will be the town's OB while I'm gone."

Napa-ah lang ako at tumango.

"Are you drinking your vitamins?"

Muli akong tumango sa kanya.

"I guess everything is fine here. Call me if something happened to you," sabi niya at muling tumingin kay Mrs. Acosta. "I'll go ahead, 'ma." Paalam ni Jean.

Tumango lang si Mrs. Acosta at muling itinuon ang pansin sa mga orchids niya.

Ngumiti din sa akin si Jean at tuluyan ng umalis. Malayo na ito ay sinusundan ko pa ng tingin.

"Ang lakas pa ng loob na tawagin akong mama."

Parang sa sarili lang iyon sinabi ni Mrs. Acosta.

"Baka nakasanayan lang ho niya kasi matagal ho yata silang steady ni Hunter," sabi ko.

Romolyo ang mata ng matanda at sumimangot ang mukha.

"Matagal nga silang steady ng anak ko pero alam kong niloko lang niya si Hunter."

Kumunot ang noo ko at muli kong tinapunan ng tingin ang dinaanan ni Jean. Sinigurado kong wala na siya doon kasi baka marinig niya ang sinasabi ng matanda.

"Niloko ho ni Jean si Hunter?" Paniniguro ko.

Napahinga ng malalim si Mrs. Acosta at pilit na ngumiti sa akin.

"Forget what I said. Ang mahalaga, ikaw ang pinili ni Hunter at pinakasalan. Ramdam kong totoong tao ka at hindi mo kami lolokohin."

Pakiramdam ko ay nalulon ko ang dila ko sa narinig na sinabi ni Mrs. Acosta. Parang lalong ayokong sabihin sa kanya ang totoo kasi siguradong hindi niya matatanggap na niloko ko siya. Worse, baka atakihin pa siya sa puso at may masamang mangyari sa kanya.

Baka tuluyan na akong multuhin ni Hunter kapag nangyari iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top