Chapter Twenty-six

Bullet's POV

            Did she really mean that? Babalik talaga siya sa Carlo na 'yon?

            I know she is really hurt while looking at the photo of Carlo and Charlotte in Instagram. Kung bakit kasi pinakita pa ni mama ang mga pictures na ito.

            Sumulyap ako kay Amy at pilit na pilit ang mga ngiti niya habang nakatingin sa mga pictures na ipinapakita ni mama sa kanya.

            "Look at this. Look at the cake. Mas maganda pa ang ipinagawa kong cake para sa iyo. Kahit kailan talaga cheap pumili 'yan si Sonia," sabi pa ni mama habang nagba-browse ng mga litrato.

            "K-kailan po ito?" Muntik ng pumiyok ang boses ni Amy.

            "Well, it is happening right now. Ayan at walang katigil-tigil ng kaka-post si Sonia. Naka-tag pa si Charlotte." Panay pa rin ang browse ni mama sa mga pictures.

            Talaga 'tong matatandang 'to. Kung bakit kasi natuto pang gumamit ng social media si mama. Akala ko kapag nandito siya sa Quezon matatahimik siya at matitigil na ang rivalry nila ni Sonia Santos.

            Tingin ko, konting-konti pa ay bibigay na si Amy kaya tumayo na ako at lumapit kay mama.

            "'Ma, puwedeng aalis lang kami saglit ni Aria?"

            Nagtatanong na tumingin sa akin si mama. Pati si Amy ay nagtaka rin.

            "May bibilhin lang ako sa city and para hindi siya mainip dito."

            Ibinulsa ni mama ang telepono niya.

            "Aria, aalis daw kayo. Go with Bullet para makapasyal ka din. Pag-uwi 'nyo saka ko ipapatuloy kay Bullet ang pag-aayos ng kuwarto ni baby Hunter."

            Tumingin ako kay Amy at nakatingin lang siya sa akin.

            "Are you still going to change?" Tanong ko kay Amy.

            "Aria, wear the maternity dress that I gave you last time. 'Yung kulay moss green. I like that." Sabat ni mama.

            Tumango lang si Amy at tumayo para tumungo sa banyo. Halatang hindi na maganda ang mood. Gusto kong mainis kay mama.

"I'll wait for you downstairs." Sabi ko sa kanya at niyaya ko na si mama na lumabas para huminto na ang nanay ko sa pagpapakita ng mga litrato kay Amy.

            "Why are you too clingy?" Nagtatakang tanong ni mama sa akin habang palabas kami ng kuwarto. Nakakapit pa kasi ako sa braso niya.

            "Masama ka bang lambingin?" Balik-tanong ko sa kanya.

            Umingos sa akin si mama. "Inuuto mo ako, Bullet. Anong kailangan mo?"

            Natawa ako. "Anong kailangan? Wala akong kailangan. Masama bang lambingin ang pinakamagandang babae na nasilayan ko sa buong buhay ko?"

            Ang ganda ng ngiti ni mama habang inayos ang buhok ko.

            "Naninibago ako sa iyo. Hindi ka na masungit. Hindi ka na suplado. You became the old Bullet that I know. What happened?"

            "Anong what happened? Nothing happened. This is me." Nagkakamot sa ulong sagot ko.

            Umiling si mama. "No. What you are right now is your old self. The old Bullet that I know before Hunter went away. The happy and jolly Bullet." Tinapik ni mama ang mukha ko.

            "Siguro kasi wala akong stress sa trabaho. I love it here dahil wala akong mga problemang hinaharap araw-araw."

            "Isa pa 'yan. Bihira kang maglagi dito. Magmula ng umalis si Hunter at hawakan mo ang company, lagi ka na lang sa Manila and busy sa trabaho. Pero ngayon, madalas kang nakababad dito. Hindi ko naman puwedeng sabihin na ako ang nami-miss mo."

            Gusto kong mainis sa ngiti ni mama. 'Yung itsura kasi niya ay itsurang nanunukso.

            "Masama bang nandito ako? Ang weird mo 'ma. 'Pag wala ako, hinahanap mo ako. Ngayon na nandito ako, tinatanong mo ako. Saan ba ako lulugar?"

            "Siguro nami-miss mo si Ester." Pinipigil ni mama ang tawa niya.

            Natawa ako at napailing. Ibang klase din manukso itong nanay ko. Dumiretso kami sa sala at inalalayan ko siyang maupo sa sofa.

            "Yeah. I think I am missing Manang Ester's cooking." Umiiling na sagot ko at tumingin ako sa may hagdan. Magsasalita pa sana ako ng makita kong pababa na rin doon si Amy. Nagpalit na siya ng damit. Isinuot niya ang damit na sinasabi ni mama. She is wearing a moss green empire cut dress na above the knee na lalong nagpatingkad ng fair complexion niya. Hindi naman kasi kaputian si Amy pero pantay na pantay ang kulay niya. Medyo plunging ang neckline ng damit at litaw ang makinis na dibdib ni Amy. Isama pa ang parang nagmamalaki niyang boobs na parang gustong makawala doon.

            She is wearing a fucking maternity dress and her belly is too proud, yet she still looks sexy.

            Jesus Christ. Wake up, Bullet. You are lusting for a pregnant woman.

            "Aria! Oh my god! The dress is perfect for you," tumayo pa si mama at lumapit kay Amy. Nakangiti lang si Amy pero halatang hindi umaabot sa mata niya ang ngiti niya. Sobrang lungkot talaga niya.

            "Bagay diyan ang nakalugay na buhok. Let's see." Tinanggal ni mama ang pagkaka-pusod ng buhok ni Amy at lumugay ang mahaba at wavy niyang buhok. Lalo lang siyang naging mukhang seductive. Ano ba naman? Puwede ba talagang maging sexy ang isang buntis? Kasi iyon ang nakikita kong itsura ngayon ni Amy.

            "Ang ganda-ganda mo talaga, iha. Kaya siguro talagang mahal na mahal ka ni Hunter." Bulalas ni mama.

            Parang binuhusan ng malamig na tubig ang nararamdaman ko ng marinig ko ang sinabi ni mama.

            She still thinks that Amy is for Hunter. At kahit wala na ang kapatid ko, ang nasa isip niya ay asawa pa rin ito ni Hunter. If only I can tell my mother the truth but I know she will be devastated.

            Ngumiti lang ng tipid si Amy.

            "Gusto 'nyo po bang sumama, Mrs. Acosta?" Tanong ni Amy sa nanay ko.

            "Mrs. Acosta ka na naman diyan. Ilang buwan ka ng narito hindi ka pa rin masanay na tawagin akong mama. Say it. Mama."

            Parang nahihiyang tumingin sa akin si Amy kaya tinanguan ko siya.

            "M-mama." Pilit na pilit ang pagkakasabi noon ni Amy.

            "See? Better. Mas bagay na tawagin mo akong mama. Kayo na lang ni Bullet. I'll just stay here, and I'll browse my phone. Sasagap ako ng chismis." Parang batang humagikgik pa si mama.

            "We'll go ahead." Paalam ko kay mama at nagpauna na akong lumakad palabas. Kasunod ko naman si Amy.

            Alam kong nagtaka si Amy ng lampasan namin sa garahe ang Jeep ko. Binuksan ko ang passenger door ng white Skyline GTR ko na bihira ko ng magamit at isinenyas na sumakay doon si Amy.

            "Dito?" Paniniguro niya.

            Tumango ko at inalalayan ko siyang makasakay. Kahit amoy ni Amy ang bango. Alam kong meron siyang pabango na gamit but her natural scent is so addicting.

            Huminga lang siya ng malalim at walang imik na sumakay. Tinulungan ko pa siyang ayusin ang seatbelt niya bago ako sumakay sa driver's side.

            Bago ko pinaandar ang kotse ko ay ini-off ko ang sarili kong phone. Ayoko ng istorbo dahil ngayon ang first date namin ni Amy.

-------------

Amy's POV

            Hindi ko makalimutan ang ngiti ni Carlo. Ang saya-saya ng itsura niya habang kasama niya si Charlotte sa baby shower na iyon. Napalunok ako kahit pakiramdam ko ay naipit iyon. Parang naninikip nga nga rin ang paghinga ko kasi pakiramdam ko ay naninikip ang paghinga ko. Gusto kong umiyak pero ayokong gawin iyon sa harap ni Bullet. Siguradong magtatanong siya.

            "Are you alright?"

            Tumingin ako sa kanya. Alam kong naghihintay siya ng sagot sa akin kahit nakatutok ang paningin niya sa kalsada.

             "Okay lang." Pumiyok pa ako ng konti ng sabihin iyon. Pumikit-pikit ako ng mata para mawala ang pamumuo ng mga luha doon.

            "Sure? You don't look okay? Affected ka ba sa Pinakita ni mama? Do you know them?" Sumulyap pa sa akin si Bullet ng tanungin ako.

            Do I know them? Ang tarantadong lalaki ngang iyon ang tatay ng anak ko. Gusto ko iyong isagot kay Bullet.

            "Or do you want another baby shower for your baby." Sabi pa niya.

            "Hindi ko kailangan ng baby shower." Bahagya ng nanginig ang boses ko. Hindi ko na yata mapipigil ang pag-iyak ko.

            "Then why you're like that?"

            Ilang beses akong lumunok. Ayoko talagang umiyak.

            "Saan ba tayo pupunta?" Ayoko na ring pag-usapan ang tungkol sa nakita ko kanina.

            "Sa city. Mamamasyal. Mamimili kung meron kang mga kailangan. Kakain. Or anything na gusto mong gawin. Sabi mo nga, pabago-bago ang moods ng buntis 'di ba?"

            Hindi ako kumibo at tumingin lang ako sa labas ng kotse.

            "And I wanted to cheer you up."

            Tumingin ako kay Bullet at kahit hindi siya nakatingin sa akin ay nakangiti siya.

            "Okay naman ako." Pagsisinungaling ko sa kanya.

            "Sige. Saka stop frowning your face. Nawawala ang ganda mo. Saka sayang ang damit mo. Ang ganda pa naman. It looks good on you."

            Napakagat-labi ko dahil gusto kong matawa sa sinabi niya. Sinabihan nga niya akong mukhang butete tapos ngayon sasabihin niya maganda naman ako.

            "Hindi mo na ako kailangan na utuin. Okay na 'yung sinabihan mo akong mukhang butete. Tanggap ko naman."

            Tumingin sa akin si Bullet. "I said I was sorry about that and it won't happen again. But trust me, the dress looks good on you. I never thought pregnant women can be beautiful and sexy like you."

            Napakunot ang noo ko kay Bullet. Tama ba ang narinig ko? Nakita kong parang nataranta ang itsura niya at naaasiwa na tumingin sa akin.

            "I mean- what I said was- 'yung- shit." Napabuga ng hangin si Bullet kasi parang naubusan siya ng sasabihin. "I said the dress is beautiful. There." Muli ay itinuon niya ang pansin sa pagmamaneho.

            Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Parang nag-aalangan talaga ang itsura ni Bullet. Pero tama ang narinig kong sinabi niya.

            I never thought pregnant women can be beautiful and sexy like you.

            Kahit buntis ako tingin niya maganda ako at sexy? Ano ba itong si Bullet? Naduduling yata ito.

            Aquafresca Hotel Resort ang nakita kong pinasok namin.

            "Akala ko ba may bibilhin ka sa mall?" Tanong ko sa kanya.

            "Kain muna tayo. Medyo nagugutom ako."  

            Inihinto ni Bullet sa tapat ng hotel ang kotse niya at mabilis siyang bumaba doon tapos ay pinagbuksan ako ng pinto. Nakakailang kasi hindi naman siya ganito dati. Naalala ko noong una niya akong sinamahan sa clinic sa bayan, ang sungit-sungit niya. Parang naiinis pa siyang sumakay ako sa kotse niya. Pero ngayon iba talaga.

            Iniabot niya ang susi sa isang attendant ng hotel at sinenyasan niya akong maglakad papasok sa loob ng hotel.

            Dire-diretso kami papasok at tinungo namin ang restaurant na nasa loob ng hotel. Agad na may lumapit na waiter sa amin sa itinuro kami sa isang puwesto na medyo nasa sulok.

            "What do you want to eat?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa hawak na menu.

            "Ayokong kumain. Wala akong gana."

            Seryosong tumingin sa akin si Bullet. Kapag ganito ang paraan ng tingin niya sa akin ay medyo nag-aalala ako. Ganitong-ganito kasi ang itsura niya noon sa tuwing pakikiharapan ako.

            Tumawag ng isang waiter si Bullet at nag-order ng kung ano-anong pagkain. Mexican food ang nandito at narinig kong umorder siya ng tacos, burrito at quesadilla. Gusto ko iyon. 'Yung cheese quesadilla.

            Walang nagsasalita sa amin ni Bullet. Parang pakiramdam ko ay pareho kaming nagkakahiyaan o wala lang siyang masabi? Ewan ko ba naman kasi sa lalaking ito kung bakit inaya pa ako dito.

            "Pasensiya ka na kay mama. Sonia Santos is her ultimate arch enemy. Maliit pa lang kami naririnig na namin ang kuwento tungkol sa kanya." Si Bullet na ang bumasag sa katahimikan namin.

            Ngumiti lang ako ng mapakla kasi parang pumait na naman ang panlasa ko ng maalala ko ang nakita kong litrato kanina.

            "Kilala mo ba sila? 'Yung family ni Sonia Santos?" Tanong ko.

            "Si Sonia Santos, hindi ko siya na-meet personally. But Charlotte's family is a family friend. 'Yung asawa ni Charlotte na-meet ko na rin kasi siya na ang CEO sa company nila Charlotte. I think the name is Carlo?" Itsurang nag-iisip pa si Bullet kung tama ang pangalan na sinabi niya.

            Na-meet na niya si Carlo? Para yatang kinabog ang dibdib ko.

            "Nice guy." Komento pa niya.

            "You think?" Hindi ko natiis na sabihin iyon kaya nagtatanong siyang tumingin sa akin.

            "Why? Do you know him?" Balik-tanong niya.

            Huminga ako ng malalim at yumuko. Siguro kailangan ko na rin na sabihin kay Bullet ang totoo tungkol pagkatao ng tatay ng anak ko. Naintindihan nga niya kung bakit ako lumayo, eh. Mas lalo siguro niyang maiintindihan ang lahat kapag ipinagtapat ko ang tungkol kay Carlo.

            "Remember the rich guy?" Ngumiti ako ng mapakla sa kanya. Napalunok ako kasi sumasakit na ang lalamunan ko sa pagpipigil na mapaiyak.

            "What about the rich guy?"

            Napalunok ko at huminga ng malalim. "Si Carlo Santos ang tatay ng anak ko."

            Sabay ng pagtatapat kong iyon ay tuluyang tumulo ang mga luha ko. Napayuko at talagang napahagulgol ako ng sobra. Ang lahat ng kinikimkim ko sa dibdib ko ay biglang lumabas. Hindi ko mapigil ang emosyon ko.

            Wala akong sagot na narinig kay Bullet. Nang tumingin ako sa kanya ay nakita kong nakatingin lang siya sa akin.

            "Nagmahal ako sa isang lalaki na malayo ang agwat sa akin. Ibinigay ko lahat pero hindi niya ako nagawang ipaglaban sa pamilya niya." Muli akong napasubsob sa mga palad ko. Naghahalo na ang sipon at luha ko. Nang mag-angat ako ng mukha ay nakita kong inaabutan ako ng panyo ni Bullet.

            "You don't need to cry over someone who doesn't deserve you." Seryosong sabi niya sa akin.

            Pinahid ko ang mga luha ko gamit ang panyo na ibinigay niya.

            "Umasa kasi ako. Umasa ako para sa magiging anak namin pero sa huli, I was never his choice." Humihikbing sabi ko. "Alam mo bang kinausap ako ng nanay niya? Pinamukha sa akin na hindi ako bagay kay Carlo. Binabayaran niya ako ng isang milyon kapalit ng anak ko. Kukunin nila ang anak ko kapalit ng isang milyon dahil hindi daw kailanman mabubuntis si Charlotte. Binibili nila ang pagkatao ko at ang anak ko."

            Kumunot ang noo ni Bullet sa narinig na sinabi ko pero hindi siya nagsalita. Patuloy lang siyang nakikinig sa akin.

            "Tapos ngayon malalaman ko na magkakaanak na sila. Lalo akong naawa sa anak ko. Kahit kailan hindi siya ginusto ng tatay niya," at napaiyak na naman ako.

            "I said stop crying. Stop wasting even a single drop of tear for that asshole."

            Tumingin ako kay Bullet at ang seryoso pa din ng mukha niya. Inayos ko ang sarili ko ng makita kong papalapit na ang waiter dala ang pagkain namin. Wala siyang imik ng ibaba ang mga pagkain sa mesa. Nang makaalis ang waiter ay dinampot niya ang quesadilla at inilagay sa plato ko tapos ay dinampot niya ang kaharap na burrito.

            "You will find someone who will accept you what you are. That someone will love you and will love your son. Hindi mo kailangan iyakan ang isang walang kuwentang tao. Mas intindihin mo ang anak mo so eat." Sabi ni Bullet at kumagat sa hawak niyang pagkain.

            Darating kaya iyon? Sa ngayon siguro hindi ko na muna iisipin kung may lalaki pang darating sa buhay ko na mamahalin at tatanggapin ako. Ang importante sa akin ay ang anak ko.

            "Mahal mo pa ba?"

            Tumingin ako kay Bullet. Patuloy siya sa pagkain pero hinihintay niya ang sagot ko.

            "Si Carlo. Mahal mo pa ba? Kasi kung mahal mo pa, may problema ka diyan. The guy is married and he will be a father soon. Kahit lumitaw ka at ipakita mo ang anak mo, legitimate ang anak niya kay Charlotte dahil kasal sila."

            Napalunok ako. Mahal ko pa ba si Carlo? Hindi ko alam kasi nagagalit ako sa kanya.

            Napatango-tango si Bullet. "Well, I guess I know your answer." Napahinga siya ng malalim at ipinagpatuloy ang pagkain.

            "Bullet?"

            Pareho kaming napa-angat ng tingin ni Bullet para tingnan ang kung sino ang tumawag sa kanya.

            "Jean?"

            Si Doctor Jean Baltazar. Ang ex-girlfriend ni Hunter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top