Chapter Twenty-seven

Carlo's POV

            "Can you please smile?"

            Hindi ko pinansin si Charlotte habang panay ang ngiti niya sa harap ng camera at panay ang kislap ng flash sa aming dalawa. Dumampot ako ng shot glass mula sa dalang tray ng isang dumaan na waiter at mabilis kong tinungga iyon at ibinalik ang shot glass doon.

            "For Pete's sake, Carlo. Umayos ka naman." Ramdam na ramdam ko ang iritasyon sa boses ni Charlotte. Mabilis siyang ngumiti ng may dumaang bisita sa harap namin.

            "Why do I need to smile? Nakakuha ka na naman ng magagandang shots para sa Instagram mo. And this is your baby shower." Sagot ko sa kanya. Sumenyas ako sa waiter at muli akong nagsenyas na magdala pa ng alak sa akin.

            "Our baby shower." Pagtatama niya. "Anak natin ang ipinagbubuntis ko."

            Tumawa ako ng mapakla at kinuha ko ang iniabot na baso ng alak ng waiter. Tumingin ako sa paligid at parang gusto ko na talagang kumaripas ng takbo mula sa lugar na ito. This is just like our wedding. Staged. Fake. Everybody thinks that we have a perfect and successful married life. Katulad lang din ito ng social media accounts ni Charlotte. Isang malaking fake.

            "Congratulations."

            Hindi ako ngumiti kay Hans at kay Travis ng bumati sila sa akin. As far as I remember, hindi ko naman ininvite ang dalawang ito.

            "What the hell are you doing here?"

            Nagtinginan si Hans at Travis na parang nagulat sa tanong ko.

            "We heard that you are going to be a father so iko-congratulate ka namin," sagot ni Hans.

            Nasilaw ako sa biglang pag-flash ng camera at inis kong itinulak ang photographer na gumawa noon.

            "Get off my fucking face!" Inis kong sabi dito.

            "Hey. Hey. Stop it." Mabilis na awat ni Travis at sinenyasan ang nagulat na photographer. Si Travis na ang humingi ng pasensiya dito.

            "Medyo nakainom na at pagod. Pabayaan muna natin. Pasensiya na." Iyon ang narinig kong sabi niya.

            Napatingin ako sa gawi ni Charlotte at nakita kong seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

            "What?" Baling ko sa kanya.

            "What the hell is wrong with you? Nakakahiya sa mga bisita." Sagot niya sa akin.

            "Anong nakakahiya dito? Ayaw mo bang malaman nila na fake lang 'to? Fine I got you pregnant pero alam mong hindi ko gusto 'yan."

            Gumuhit ang sakit at pagkapahiya sa mukha ni Charlotte. Nangingilid na rin ang luha niya.

            "And you got the shots that you need. May nai-post ka na sa socmed mo 'di ba? Nakita na ng madla na sobrang sweet tayo. Ano pang gusto mo? Halikan pa kita?" Wala na akong pakielam kahit marinig ng magulang ni Charlotte ang mga sinasabi ko sa anak nila.

            "Get out." Narinig kong sabi ni Travis at mabilis akong hinawakan sa balikat at patulak na pinapaalis doon.

            Hindi na ako sumagot at tinalikuran ko na si Charlotte. Painis akong lumabas doon. Bahala sila sa buhay nila. Magsaya sila hanggang gusto nila.

            "What the hell is wrong with you? Ganyan mo tratuhin ang asawa mo? What happened to you, Carlo?" Dama ko ang iritasyon sa boses ni Travis ng makalabas kami ng hall.

            "Para namang hindi mo alam ang totoo." Dumukot ako ng sigarilyo sa bulsa ko at painis na nagsindi noon. Mabilis iyong kinuha ni Travis at itinapon sa lapag.

            "You quit already. Tigilan mo nga ang mga katarantaduhan mo. Buntis na ang asawa mo kaya umayos ka."

            Napahinga ako ng malalim tapos ay napasigaw ako.

            "This fucking life is bullshit!"

            "Man, you are the one complicating your life. I told you to move on dahil wala ng Amy na babalik. Huwag ka ng umasa." Sabi ni Travis sa akin.

            Tumingin ako sa kanya. "Iyan ang akala mo. Lahat kayo iniisip 'nyo na nababaliw ako dahil umaasa akong babalik si Amy. Umaasa ako kasi alam ko, nararamdaman kong babalik siya. She is not dead."

            Napabuga ng hangin si Travis na parang ayaw maniwala sa sinasabi ko.

            "'Yan na naman ba tayo, Carlo? Just give up kasi may asawa ka na. Kasal ka na. Kung halimbawang buhay nga si Amy, anong gagawin mo? Gagawin mo siyang kabit? Napagusapan na natin 'to." Tinapik ako ni Travis sa balikat. "Your wife is pregnant. What she needs right now is you. Nawala na ang anak 'nyo ni Amy, gusto mo bang pati ang anak mo kay Charlotte mawala na din? Ikaw na ang nagsabi na imposible siyang magbuntis and yet, here she is and pregnant with your child. Why don't you just be happy about that?"

            Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Travis. Totoo naman kasi ang sinasabi niya. Iniisip ko din naman iyon. Alam ko na, na hindi patay si Amy pero bakit hindi pa nga siya bumabalik? Ano ang nangyari sa kanya? Ang mga PI ay na-stuck na sa hospital pinagdalhan sa kanya dahil pagdating doon ay dead end na. Walang record na may na-confine doon na Amelia Solomon.

            "Alam ko mahirap tanggapin ang nangyari pero nandito na, eh. Ikaw lang ang nananakit sa sarili mo. Mahal ka ni Charlotte. Iyon lang naman ang kasalanan niya. Mahal ka niya so why don't you try to work it out. Malay mo naman deserving naman pala siya sa pagmamahal mo." Sabi pa ni Travis.

            Tumingin ako kay Travis at umiling.

            "Hindi man bumalik si Amy, definitely I won't love Charlotte. Kahit kailan hindi ko yata mararamdaman na mamahalin ko siya." Sagot ko kay Travis.

            Parang nanghihinang napaupo ako sa semento at nasapo ang ulo ko. I want everything to be over. Nahihirapan na rin kasi ako.

-------------

Bullet's POV

            "Jean?"

            Ang ganda ng ngiti sa akin ni Jean. Anong ginagawa niya dito? Alam ko ay nasa Manila siya.

            "Bullet. What are you doing here?" Nakangiting tanong niya at parang nagtatakang tumingin sa gawi ni Amy.

            "We are just eating. Sinamahan ko kasi si Aria para mamili ng gamit niya sa baby." Sagot ko.

            Napa-ah lang si Jean at ngumiti kay Amy. Ramdam ko naman na may pagseselos sa pakikitungo ni Jean kay Amy lalo na at alam niyang ito ang asawa ni Hunter.

            "I was calling you, but your phone is off. I asked your secretary kung nasaan and sabi niya nandito ka nga daw sa Quezon so tamang-tama pauwi naman ako dito kaya tinatawagan kita." Kahit hindi ko inimbitahan ay naupo si Jean sa mesa namin tapos ay humarap kay Amy. "You wouldn't mind, right? Joining your table?"

            Umiling lang si Amy at tumingin sa akin tapos ay pinahid ng napkin ang bibig at tumayo.

            "Mag-iikot-ikot lang ako." Paalam ni Amy at ngumiti sa amin tapos ay umalis na doon.

            Kahit gusto kong pigilan si Amy ay hindi ko na ginawa. Ayoko naman na mag-isip si Jean na may something ako kay Amy.

            "How's her pregnancy? Okay naman siya considering that she is going to give birth without Hunter?" Seryoso na ngayon si Jean.

            Tumango ako. "I think so. She is a brave woman and nandito naman kami ni mama to support her and her baby."

            Lumungkot ang mukha ni Jean ng marinig ang sinabi ko.

            "It should be me." Kahit nakangiti siya sa akin ay kitang-kita ko ang pait sa ngiti niya.

            "Hunter chose another life, Jean. And he chose a life without us. He chose to continue it with other people."

            Nakita kong namula ang mata ni Jean at tumango.

            "I just thought that after ten years of being together, I had known him well. It didn't occur to me that he had other plans without me." Nabasag ang boses ni Jean.

            "Three years had passed, Jean. And right now, Hunter is already gone so you better move on." Sagot ko sa kanya.

            "I am trying, Bullet. God knows I am really trying. Alam mong ang tagal kong naghintay na bumalik si Hunter. Bumalik nga siya pero bangkay na tapos may souvenir pang asawa at anak?" Tuluyang nalaglag ang luha ni Jean pero mabilis din niyang pinahid iyon. "I am just trying to be strong. I am just showing to people that I already accepted what happened between me and Hunter. Pero ang hirap lalo na nga nandiyan si Aria. Every time I see her, she reminds me that Hunter didn't love me whole."

            Hindi ako nakasagot. Gusto kong mag-explain kay Jean at ayokong makaramdam siya ng galit kay Amy pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag? Magugulo ang lahat.

            "I know I was wrong when we did something after Hunter left." Tumingin ng parang nahihiya sa akin si Jean.

            Napangiwi ako ng maisip ko kung anong sinasabi niya. Iyon ang paghahalikan naming dalawa.

            "I am so sorry about that. We both know that it was just a spur of the moment. Pareho tayong naghahanap ng sagot noon kung bakit umalis si Hunter. I promise you it won't happen again." Sabi ko sa kanya.

            Ngumiti si Jean tapos ay tumingin sa akin.

            "You know, I miss going to your house. I miss bonding with mama. Okay lang naman siguro if I keep on calling her that. Matagal din naman akong labas-masok sa bahay 'nyo. And I have no intention of ending that."

            Alanganin akong ngumiti. Ayoko man isipin pero iba ang nararamdaman ko sa mga sinasabi ni Jean. Is she hitting on me? Ano ba ang nakain ng babaeng ito?

            "Well, you can still go in our house if you want. Besides ikaw ang doctor ni Aria. Alam ko naman na hindi mo siya pababayaan." I cleared my throat and looked around. Nasaan na nga ba si Amy.

            Napa-oh lang si Jean at halatang parang na-disappoint sa sinagot ko.

            "Oh, yeah. Aria. I'll be with her hanggang makapanganak siya. Hindi ko pababayaan ang mag-ina ni Hunter."

            Tumango-tango ako. "That is good to hear." Muli akong luminga para hanapin si Amy. Saan ba nagpunta ang babaeng iyon?

            Siguro ay nahalata ni Jean na parang hindi na ako interesado sa sinasabi niya kaya tumayo na rin siya.

            "Are you free tomorrow night or are you going back to Manila?" Tanong niya habang inaayos ang medyo nagusot na damit.

            "I might stay here and sasamahan ko si mama. Baka kasi kung anong mangyari kay Aria, so mabuting nandito ako."

            Ngumiti si Jean. "Aria is lucky. She had Hunter for a husband then she got you as a good and caring brother in law. Naiinggit ako sa kanya kasi ako dapat iyon." Napabuga siya ng hangin.

            Hindi ko na alam ang isasagot ko kay Jean. Bakit ba siya biglang naging nostalgic? Akala ko after three years na umalis si Hunter ay naka-move on na siya.

            "If you are not busy, I'll invite you for a dinner sa house. Clinic team will be there and you know them, right? You and Hunter used to hang with them. Just for old times' sake."

            "I'll check, Jean. I'll let you know."

            "I'll see you." Ngumiti pa siya sa akin bago tuluyang umalis.

            Napabuga ako ng hangin at inis na inilapag ang table napkin sa mesa. Bad trip. Nasira pa tuloy ang pag-uusap namin ni Amy. Dumukot ako ng pera sa wallet at iniwan ko sa mesa tapos ay umalis na doon. Saan ko ba hahanapin si Amy?

            Dinukot ko sa bulsa ang telepono ko at ini-on iyon. Hinahanap ko ang number niya sa phone book pero naalala ko na wala nga pala siyang phone. Mama was trying to give her one but she declined.

            Saan ba siya nagpunta.

            Naglakad-lakad ako paloob at napansin ko na may mga taong nagkukulumpon hindi sa kalayuan ko.

            "Naku. Buntis pa naman. Masama ba ang bagsak?" Narinig kong sabi ng isang attendant ng hotel.

            Buntis? Something happened to Amy?

            Mabilis kong pinuntahan ang pinagkakaguluhan at sumilip ako sa nakapaikot na tao. Nakita kong nakaupo sa semento si Amy at nakangiwi habang hawak ang tiyan niya. Marahas kong hinawi ang mga tao at dinaluhan ko siya.

            "What happened?" Nag-aalala kong tanong.

Parang nahihiyang tumingin sa akin si Amy.

"Aksidente lang naman. Hindi ko nakita 'yung sign na wet floor. Naglakad pa rin ako kaya nadulas ko." Napangiwi pa siya.

"What? What did you hit? May masakit?" Nag-aalala kong tanong. Talagang chini-check ko siyang mabuti.

"Nakakapit naman ako sa handrail so hindi masyadong malakas ang pagkakabagsak ko. Tingin ko okay naman ako."

"No. That is not okay. Dadalhin kita sa ospital." At kahit gustong magprotesta ni Amy ay binuhat ko na siya. Nakarinig ako ng ugong mula sa paligid. Hindi ko pinansin ang ibang mga natatawa.

            "Bullet, ibaba mo na ako nakakahiya. Kaya ko naman maglakad." Halatang hiyang-hiya si Amy sa ginawa ko. Nang tingnan ko ang mukha niya ay kitang-kita kong pulang-pula iyon.

            "Baka kung mapaano ka saka ang baby mo. I won't allow that to happen." Isinenyas ko sa isang attendant na kunin ang kotse ko. Kilala naman ako dito kaya alam kong alam na nila kung ano ang kotse ko.

            "Bullet, ano ba? Nakakahiya sa mga tao. Saka ang bigat-bigat ko. Ibaba mo na ako."

            Tumingin ako sa mukha ni Amy at nakita kong parang maiiyak na siya habang nakatingin sa akin. Lalo ko lang hinigpitan ang pagkakabuhat ko sa kanya. Kung hindi nga lang baka magulat ang babaeng ito, gusto ko na siyang halikan kasi ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko.

            Gago ka, Bullet. Naaksidente na si Amy puro kamunduhan pa ang naiisip mo.

            Shit. Gago talaga ako.

Pumarada ang kotse sa harap namin at mabilis kong isinakay doon si Amy.

            Papunta na ako sa driver's side ng marinig ko ang mahinang pagbubulungan ng ibang staff ng hotel.

            "Ang bait ng asawa 'nung buntis 'no? Sobrang alalang-alala sa asawa niya."

            "Aba siyempre naman. Baka mapaano ang anak nila. Siguradong maganda lahi. Guwapo si mister tapos maganda si misis."

            Pinigil ko ang mapangiti sa mga naririnig kong komento. Napagkamalan pa akong asawa ni Amy? Parang kinilig yata ako doon kaya kahit nag-aalala ay may pigil na ngiti akong sumakay sa kotse ko.

------

Salamat sa patuloy na pag-aabang ng update sa story na ito.

Please like Helene Mendoza Stories page in fb for more news and updates.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top