Chapter Twenty-one

Amy's POV

Nanginig yata ang buong katawan ko sa narinig kong sinabi ni Bullet.

Tinawag niya akong Amy.

"I just want you to tell me everything, Amelia Solomon. Gusto ko sa iyo manggaling kung bakit ka nagsinungaling at nagpanggap na asawa ng kapatid ko."

Seryosong-seryoso ang mukha ni Bullet kahit hindi siya nakatingin sa akin. Nakatutok ang pansin niya sa kalsada at iyon ang mas nakakatakot.

"K-kailan mo pa alam?" Napapiyok na ako ng sabihin iyon.

"From the start." Hindi pa rin siya tumitingin sa gawi ko.

Napalunok ako at hindi ko mapigil ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko.

"M-Mr. Acosta, please, patawarin mo ako. Hindi ko ito ginusto," hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sa paghagulgol ko.

Hindi sumagot si Bullet pero halatang hinihintay niya ang mga sasabihin ko.

"Nagsinungaling ako. Sinamantala ko ang pagkakataon dahil gusto ko ng lumayo at timing naman na napagkamalan akong asawa ni Hunter. Pagkakataon ko na itong makapagtago dahil gusto nilang kunin ang anak ko," sa kabila ng paghagulgol ay nasabi ko.

Takang tumingin sa akin si Bullet.

"Who? Who wants to take your child?"

"'Yung tatay ng anak ko. Ang pamilya niya. Mr. Acosta, I am a nobody. Kayang-kaya akong ipabura sa mundo ng pamilya ng nakabuntis sa akin. Sinubukan nilang bayaran ako ng milyon pero hindi ko kayang ipamigay ang anak ko. Mahirap kami, oo pero hinding-hindi ko ipamimigay ang anak ko."

Hindi sumagot si Bullet at muli siyang tumingin sa kalsada.

"S-sir, please. Kung papaalisin mo ako, aalis naman ako. Huwag mo lang akong ipakulong kasi-" napasinok-sinok pa ako sa sobrang pag-iyak. "Maawa ka naman sa anak ko."

Napahinga ng malalim si Bullet at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.

"S-si Mrs. Acosta. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat sa kanya. Napakabait niya at sobrang naku-konsensiya ako sa mga kasinungalingang sinabi ko. Umaasa siya na apo niya ang dinadala ko pero hindi. Ang totoo, isang beses ko palang nakita si Hunter. Nakasabay ko lang siya at ang totoong niyang asawa na si Aria sa bus papuntang Sagada hanggang sa magkaroon ng aksidente. Pareho kaming buntis ni Aria. Napagkamalan ako ni Mrs. Acosta na ako si Aria dahil suot ko ang family heirloom necklace 'nyo," hinawakan ko ang suot kong kuwintas at hinubad iyon tapos ay iniabot ko kay Bullet. "Ibinigay ito sa akin ni Aria habang magkasama kami sa bus."

Tinapunan lang ni Bullet ang hawak kong kuwintas at muling itinuon ang pansin sa pagmamaneho. Bakit wala siyang sinasabi? Ito na nga at inaamin ko na ang lahat. Sinasabi ko na ang totoo pero bakit hindi pa rin siya nagsasalita?

Narinig kong tumunog ang telepono ni Bullet at dinukot niya iyon sa bulsa niya.

"When?" Tanong ni Bullet sa kausap niya. Lalong sumeryoso ang mukha niya.

"Can you do something about it? I don't want him to know the truth. Do everything you can," sabi pa niya.

Sino kaya ang kausap niya? Ano ba naman ito? Gusto kong magsalita siya? Gusto kong magalit siya dahil iyon naman ang normal na reaksyon dahil sa ginawa ko.

"Sige. I'll see you." Sabi niya at pahagis na inilagay sa dashboard ang telepono niya.

Walang nagsalita sa aming dalawa. Tahimik pa rin si Bullet at ako naman ay hindi ko na magawang magsalita dahil sa sobrang pag-iyak. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin pagkatapos ng pag-amin ko.

Lalong tumindi ang kaba ko ng dumating kami sa bahay ng mga Acosta. Pakiramdam ko ay nanginginig ang buo kong katawan sa sobrang kaba. Sumasakit pa ang tiyan ko dahil sa tensyon.

Nakita kong lumabas ng bahay si Mrs. Acosta at nakangiti na nakatingin sa paparating na sasakyan namin. Kinakabahang tumingin ako kay Bullet.

"S-sir, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mrs. Acosta ang totoo. Ayoko siyang masaktan."

"You won't say anything to my mother. Just pretend who you are right now." Malamig pa sa basong may yelo ang boses ni Bullet.

"H-ha?" Tama ba ang narinig ko.

"And stop calling me Sir. Just call me Bullet like you used to call me." Sabi niya at inihinto sa tapat ni Mrs. Acosta ang sasakyan at mabilis siyang bumaba at pumunta sa lugar ko. Ipinagbukas niya ako ng pinto at inalalayan na makababa. Nakita kong agad na napakunot ang noo ni Mrs. Acosta ng makitang namumugto ang mata ko.

"What happened? Are you crying?" Nagtatanong ang tingin niyang bumaling kay Bullet. "What did you do?"

Tumaas ang kilay ni Bullet at tumingin ng makahulugan sa akin.

"W-wala po siyang ginawa. This is just hormones, Mrs. Acosta." Pagsisinugaling ko. Tumingin ako sa gawi ni Bullet at nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Nakakapaso ang tingin niya. Parang katulad lang din ng una kaming magkakilala.

"Let's go inside ng makapahinga ka. Baka mapaano ang bata. And I said, stop calling me Mrs. Acosta. Call me mama."

Muli kong tinapunan ng tingin si Bullet at napailing lang siya at tinalikuran na kami. Dinukot niya ang telepono niya at may tinawagan.

"Fix the chopper. I need to be in Manila immediately." Narinig kong sabi ni Bullet habang papalayo sa amin. Hindi na niya ako tinapunan ng tingin.

Grabe ang kabog ng dibdib ko habang tinitingnan siya paalis.

Ano na ang mangyayari sa akin ngayong alam na niya ang totoo?

-------------

Bullet's POV

Diretso ako sa bahay ko ng makarating ako ng Maynila. Agad kong tinungo ang banyo at ibinabad sa shower ang katawan ko. I am pissed and gusto kong gumaang ang pakiramdam ko bago ako humarap kay Jacob.

I knew from the start that Amy was faking it pero iba pa rin pala na sa kanya na mismo nanggaling na nagpapanggap lang siya. Gusto kong magalit sa kanya at gusto ko siyang sumbatan dahil wala siyang karapatan na gamitin ang pagkamatay ni Hunter para sa pansarili niyang interes pero ng makita ko siyang umiiyak, pakiramdam ko ay pinupunit din ang dibdib ko. Ramdam ko ang paghihirap niya. Ramdam ko ang sakit ng kalooban na dinadala niya.

Alam kong totoo ang sinabi niya sa akin tungkol sa ginawa ni Carlo and I wanted to see that asshole right now and beat him until he is lying on the ground. Sobra ang ginawa niya kay Amy. Binuntis niya at iniwan tapos babayaran na para lang makuha ang anak? Napakagago. Hindi ko akalaing may ganitong klaseng mga lalaki.

Ayoko pa sanang umalis sa shower pero wala ng tigil sa katutunog ang telepono ko. Kahit labag sa loob ay napilitan akong tapusin ang paliligo ko at kinuha ko ang telepono ko. Ang kulit ni Jacob.

"Nandito na ako sa Manila. Kikitain kita." Iritable kong sagot sa kanya.

"Saan? Kanina pa ako naghihintay dito sa opisina mo."

"Sa AVA's."

Hindi agad sumagot si Jacob pero maya-maya ay naririnig kong tumatawa na.

"A dance bar? You want to meet in a dance bar?" Paniniguro nito.

"Yes. Please don't ask. Just meet me there. I have my own room there. Tell them under Bullet Acosta," sabi ko sa kanya.

Napa-tsk si Jacob. "Fine. Sasakyan ko ang trip mo. See you." Pinatayan na niya ako ng telepono.

Napabuga ako ng hangin habang nagbibihis. Nagtataka si Jacob kung bakit doon pa kami magkikita. Gusto ko kasi ng diversion. Gusto kong maliwanagan ang isip ko dahil ibang eksena talaga ang pumapasok sa utak ko ngayon.

Wala ang atensyon ko sa paligid ko habang nagda-drive ako papunta sa AVA's. I can't forget the face of Amy begging me not to put her in jail. And why would I do that? Hindi naman ako ganoon kasama. She just lied but she didn't steal anything. I had her background checked so I know what kind of a person is she kaya lalo lang akong nalilito at naiinis sa sarili ko.

"Fuck." Mahina kong sabi habang nakahinto ako sa traffic papuntang Makati. I can't forget the first time that I saw her lying on the hospital bed. She really took my breath away that instant. I felt something about her that I immediately dismissed because I thought she is my brother's wife. Nagsisi ako sa nagawa ko noon kay Jean na hinalikan ko siya kahit alam kong girlfriend siya ni Hunter tapos ito na naman ako? Asawa naman ni Hunter ang aaswangin ko? Naisip ko noon na lahat na lang ba ng magiging babae ni Hunter magugustuhan ko din? Kaya ba wala akong nagiging matinong girlfriend kasi ang mga babaeng nagugustuhan ko ay naka-pattern sa babaeng gusto rin ng kapatid ko?

That's why I distanced myself from Amy. Ayoko na kasing magkamali. Ayoko ng magkasala kay Hunter kaya talagang pinipilit ko sa sarili ko na nagpapanggap lang siyang asawa ng kapatid ko kasi deep inside iyon ang gusto kong mangyari.

But what will I do now? I should feel relieved na nalaman kong hindi nga siya asawa ni Hunter pero sa tingin ko lalo lang naging kumplikado ang lahat. How will I explain this to my mom? Umaasa siyang apo niya ang nasa tiyan ni Amy pero paano niya tatanggapin ang katotohan na apo pala ito ng mortal enemy niyang si Sonia Santos?

Ipinarada ko sa tapat na AVA ang sasakyan ko at iniabot ang susi sa valet attendant na naroon. Agad na may sumalubong na usherette sa akin at dinala ako sa rented room ko. Naabutan kong naroon na si Jacob at tahimik na nanonood sa seductive na pagsasayaw ng dancer. Pabagsak akong naupo sa harap niya at tinapunan ko ng tingin ang babaeng nagsasayaw na tanging bra at panty lang ang suot.

"Are you sure we are going to have our meeting here? Taglibog ka ba, Acosta?" Seryoso na ngayon ang mukha ni Jacob sa akin.

"Ang dami mong tanong. Nag-eenjoy ka naman," sagot ko sa kanya at ininom ko ang beer na nasa harap ko. "What are you going to show me?" Tiningnan ko ang babaeng nagsasayaw at nakita kong lalo lang niyang ginalingan ang paggiling sa harap namin ni Jacob. She is sexy, seductive and every man who is going to watch her dance will be aroused. Pero bakit wala akong maramdamang kakaiba sa katawan ko? Wala akong maramdamang libog?

"Carlo Santos made a huge step on finding Amy. He found out that she is really not dead." Iniabot ni Jacob sa akin ang isang folder at binuksan ko iyon. Naroon nga ang report na nalaman ni Carlo na ibang tao ang nakalibing sa libingan ni Amy. Nakalagay doon na sinusuyod ng mga P.I. na kinuha ni Carlo ang mga ospital na pinagdalhan sa mga survivors ng bus accident.

"Did you do something about this?"

Wala akong sagot na narinig kay Jacob. Nang tingnan ko siya ay nakita kong nakatitig lang siya sa nagsasayaw na babae at nakikipagngitian.

"Ramirez. I am asking if you did something about this."

Napakamot ng ulo si Jacob at naiiritang humarap sa akin. "Of course. Siyempre pina-pull out ko na ang mga files ni Amy doon sa ospital na pinanggalingan niya." Dumampot siya ng beer at ininom. "Seriously, Bullet what are your plans? You know that Amy is faking it so okay lang sa iyo?"

"I don't know how will I tell my mother about her and she needs a place to stay," sagot ko at tiningnan din ang babaeng nagsasayaw sa harap namin. She is dancing wildly to the tune of an alternative music. Her hips are swaying sexily and when I look at her face, automatic na mukha ni Amy ang nakita kong nakangiti sa akin. Amy is smiling seductively at me while she is swaying her body wearing her sexy black underwear. She is so sexy even if there is a bump in her belly. Pakiramdam ko ay naninikip ang pantalon ko habang nakatingin sa kanya.

"'Tang ina, tigang ka talaga?" Narinig kong sabi ni Jacob kaya tumingin ako sa kanya. Nakita kong tawang-tawa siya sa akin.

"What? Of course not," inayos ko ang sarili ko at muling tumingin sa dancer. Parang nainis pa ako kasi hindi na mukha ni Amy ang nakikita kong nagsasayaw doon. Shit. What the fuck is wrong with me? Amy is pregnant kaya hindi ko na dapat pinagnanasaan. Am I fucking sick? Buntis na babae ang ini-imagine kong sumasayaw sa harap ko?

"If you can see your face while looking at her. You are drooling," natatawa pa ring sabi niya.

Napakamot ako ng ulo. Kaya nga dito ang sinabi ko kay Jacob na magkita kami kasi gusto ko ng distraction. Gusto kong mabaling sa iba ang atensyon ko dahil ayoko ng maisip si Amy pero ang tingin ko sa babaeng nagsasayaw sa harap ko ngayon ay isang babaeng buntis na gumigiling.

"If you want to screw her, then go for it. Mukhang type ka rin naman," sabi pa ni Jacob.

Umiling ako at inubos ang laman ng bote ng beer na hawak ko at tumayo.

"Do the honors. I need to go home. Akin na 'to," sabi ko at ipinakita ko ang folder sa kanya.

Tinawanan lang ako ni Jacob at itinuon na ang pansin sa babaeng sumasayaw sa harap niya.

Napabuga ako ng hangin ng makalabas sa entertainment bar.

I don't want to admit it but I think I really like Amy at hindi ako papayag na magkita pa sila ulit ng Carlo na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top