Chapter Twenty-nine
Tulad 'nyo, hindi rin ako maka-decide kung Team Carlo o Team Bullet.
Carlo's POV
"What do you mean it's already dead end?"
Pigil na pigil ko ang galit na nag-uumpisang sumanib sa akin habang kaharap ko ang dalawang private investigators na humahawak ng case ni Amy. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nilang dead end na ang case ni Amy. They got lead. They showed me the files that Amy was treated in a hospital.
"Sir, we did everything we could. We already bribed the hospital just to release the record of Miss Amy Solomon, but we got nothing." Sagot ng imbestigador sa akin.
"What? Imposible naman iyon. Nung nakaraan lang siguradong-sigurado kayo na na-confined doon si Amy. Now you're telling me you've got nothing?"
"Pasensiya na, Sir. Ginawa namin lahat. Wala talagang records si Miss Solomon doon. Meron na dinala siya. She was treated for some minor injuries then after that wala na. Wala nga siyang record na lumabas ng ospital. Blangko na lahat." Napakamot pa ng ulo ang PI.
This is crap. Napabuga ako ng hangin sa pagpipigil ng galit na nararamdaman ko. Hindi ko na maintindihan kung bakit parang lagi na lang may hadlang sa tuwing malapit ko ng malaman kung ano talaga ang nangyari kay Amy.
Marahan kong hinilot ang ulo ko at napailing. Kinuha ko sa dala kong clutch bag ang isang sobra at pahagis na iniabot sa dalawang PI.
"Get out of my face." Mahina kong sabi sa kanila. Tapos na ang trabaho nila sa akin. I thought I got the best PI and it turned out, basura din pala. Wala ding silbi.
I looked at my phone that keeps on buzzing on the table. I read on the screen the name of my mother, but I didn't bother to answer it. Alam ko naman kung bakit siya tumatawag. I left her precious daughter in law in the middle of their baby shower. I can't stay there. Sila naman ang may gusto noon so sila ang mag-enjoy.
Napasandal ako sa kinauupuan ko at napahinga ako ng malalim ng huminto ang pag-buzz ng phone ko. Maya-maya ay text message na ang na-receive ko. Nanay ko pa rin.
Hindi mo ba sasagutin ang telepono mo, Carlo? May nangyari na sa asawa mo, parang wala ka pa rin pakielam.
Napailing ako at muli kong binitawan ang telepono. I received another message.
Nagka-spotting si Charlotte. Nandito kami ngayon sa ospital. Puntahan mo ang asawa mo kung ayaw mong mga pulis ang dumampot sa iyo at dalhin ka dito.
Napakamot ako ng ulo at napahinga ng malalim.
Hindi ko alam kung blessing talaga itong pagbubuntis ni Charlotte. I still can't believe that she can get pregnant. Hindi ko talaga maintindihan pero wala talaga akong maramdaman man lang kahit na konting pag-aalala para sa kanya. But it is still my child kaya kahit labag sa loob ko ay pupuntahan ko ang babaeng iyon.
Sa labas pa lang ng kuwarto ni Charlotte sa ospital ay naroon na ang nanay ko at naghihintay sa akin. Ang sama ng tingin sa akin ni mommy.
"For real, Carlo? Wala ka talagang pakialam sa magiging anak mo? What were you thinking leaving the event? Ayan ang nangyari kay Charlotte. Sa kagagawan mo muntik pang mawala ang anak 'nyo."
Hindi ako sumagot at pumasok lang ako sa kuwarto. Naabutan kong nakahiga sa kama si Charlotte at may nakakabit na suwero sa braso. Naroon din ang daddy niya at ang mommy niya.
"What happened?" Walang ka-emo-emosyon kong tanong sa kanya. Hindi ko pansin ang masamang tingin sa akin ng tatay niya.
"Because of stress. I almost lost our baby," naiiyak na sagot ni Charlotte at inirapan ako.
"Where have you been, Carlo? You left your wife in the middle of the baby shower? What were you thinking?"
Hindi ko tinapunan ng tingin ang tatay ni Charlotte. Ayoko silang tingnan dahil baka kung ano pa ang magawa ko.
"Look at the stress you gave to her. I know there is something in your marriage but if something happened to my daughter and my grandchild, I am telling you, hindi ako magdadalawang isip na ipakulong ang tatay mo at isasama kita." Matigas na sabi ni Mr. Ling.
Tumingin ako kay mommy at nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. I know she is also worried sa puwedeng mangyari sa amin ni daddy.
"I fixed something important. How's the baby?" Kay Charlotte ako nagtanong.
"It's fine. The doctor said I cannot be stressed," napahinga pa siya ng malalim. "It may trigger miscarriage."
"See? Kaya kung puwede lang, ayusin mo na ang dapat mong ayusin. You don't want to spend your lifetime in jail, right?"
Nagngangalit ang bagang ko at naikuyom ko ang mga kamay ko. Kung puwede kong lang sugurin ang tatay ni Charlotte at durugin ang mukha ay ginawa ko na.
"We'll go ahead. Ikaw na muna ang bahala sa asawa mo, ha?" Sabi ni mommy sa akin at lumapit siya sa mga magulang ni Charlotte at niyayang lumabas ng silid.
"Si Amy pa rin ba ang dahilan kaya ka umalis?" Matigas na sabi ni Charlotte.
"Alam mong ayoko ng baby shower na iyon. It's your event. Palamuti lang ako doon." Pabagsak akong naupo sa naroong couch.
"This is your child, Carlo. Intindihin mo rin naman. Habol ka ng habol sa isang hindi naman babalik sa 'yo. Gusto mo pang ganito? Gusto mo pa bang tinatakot ka ng daddy ko? I never told anyone about how the way you treated me. But there is a child involved now," tuluyan ng napaiyak si Charlotte.
Napahinga lang ako ng malalim. "Magpahinga ka na. I'll sleep here in the couch." Nahiga ako doon at ipinikit ko ang mata ko. I don't want to talk to her anymore.
Alright. I'll try to be a good father for my child, but I can never be a good husband to her.
-----------
Bullet's POV
Mabilis kong naitulak si Jean dahil nagulat ako sa ginawa niya. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya dahil sa ginawa ko.
"H-hey, this is not right." Fuck. She just kissed me. What is wrong with her?
Halatang napahiya si Jean sa ginawa ko. Mabilis akong tumungga sa hawak kong beer kasi hindi ako kumportable sa ginawa niya.
Napatawa siya pero halatang pilit na pilit iyon para mapagtakpan ang pagkapahiya.
"I am sorry. It's just the booze. Kanina pa kasi kami umiinom and you know, I kinda feeling nostalgic already. I remembered the night when we were talking about Hunter and we end up kissing."
Pinilit ko ding ngumiti at umiling.
"I made a mistake that night. Nahihiya ako kay Hunter sa nagawa ko and hindi ko na uulitin 'yon." Sagot ko sa kanya.
"But Hunter is gone. He left us. Don't you think we try something? You know what I mean, Bullet. We've known each other for so long and I am almost a part of your family. I don't want that to end just because Hunter married someone, and he died." Ang pungay ng mata ni Jean habang nakatingin sa akin.
Sasagot na lang ako ng tumunog ang telepono niya. Kitang-kita ko ang disappointment sa mukha ni Jean at parang ayaw nga niyang sagutin ang telepono pero mukhang hindi naman ito titigil sa kaka-ring kaya dinukot na niya sa bulsa at tiningnan. Nakita kong napangiwi siya ng makita ang naka-register na pangalan ng tumatawag.
"I'll just answer this." Tumalikod siya sa akin pumunta sa isang sulok.
"What happened? Where? Wala ako sa Manila." Halatang irritable si Jean sa paraan ng pakikipag-usap sa nasa telepono.
"As in right now? Hindi pa rin ba siya maniwala na buntis ka? What's wrong with that guy? Fine. I'll call someone then she is going to call you. Siya na ang bahala pagdating mo sa hospital. I'll be there tomorrow."
Nailing si Jean ng lumapit sa akin.
"I am so sorry. Complicated patient." Natatawang sabi niya tapos ay huminga ng malalim at napabuga ng hangin. "Just like us. Complicated." Ngumiti siya ng makahulugan sa akin.
Complicated? Hindi kami 'yon. Kami ni Amy ang complicated. Ano ba itong si Jean?
"So, do you want more beer?" Tanong niya sa akin.
Umiling lang ako at inilapag ko ang bote ng beer na hawak ko sa mesang naroon at humalik sa pisngi niya.
"I'll get going. See you some other time, Jean. Enjoy your party."
Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Jean. Mabilis akong bumaba mula sa terrace at lumabas ng bahay niya. Diretso ako sa kotse ko at pinasibad ko pauwi ng bahay.
Pasado alas diyes na iyon. Sigurado akong lahat ng tao sa bahay ay nasa kanya-kanyang kuwarto na kaya dumiretso ako sa kusina at tiningnan ko ang eskaparate doon na puno ng mga hard liquors. Bitin ako sa beer at gusto kong gumaang nag pakiramdam ko. Binuksan ko at kinuha ko ang bote ng Jack Daniels. Hindi ako umakyat sa kuwarto ko. Diretso ako sa sala at pumuwesto sa sofa. Sa likuran kasi ng kinauupuan ko, naroon ang bagong kuwarto ni Amy.
Tahimik na tahimik na sa paligid. Alam kong ako na lang ang taong gising dito. I opened the bottle of Jack Daniels and smelled its aroma. Amoy pa lang nakaka-relax na kaya tuluyan ko na rin iyong tinungga.
Napapikit ako sa pait ng lasa. Siraulo na lang ang nagsasabi na masarap ang alak. Napakasama ng lasa nito pero hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong inumin ito. Ang totoo kasi I am not after for the taste. I am after for the feeling when the alcohol kicks in. 'Yung feeling na magaan ang pakiramdam. 'Yung feeling na walang kahit na anong iisipin kahit sandali lang.
I slouched on the sofa looking at the bottle of Jack Daniels in front of me. Feeling ko nakikipagtitigan din ang bote sa akin. I know may kalalagyan akong kung uubusin ko ito. Hindi ko naman gagawin dahil baka akalain ng nanay ko na may maligno dito sa bahay kapag sinapian na ako ng espiritu nito.
Napabuga ako ng hangin at dinampot uli ang bote saka tumungga doon. Ngayon lang sumakit ang ulo ko dahil sa babae. Kahit kailan hindi ako nagkaganito dahil lang sa kanila. Wala nga akong babaeng dinala dito sa bahay. Wala akong babae na ipinakilala kay mama. Sigurista ako. Kapag alam kong wala akong pag-asa tinitigilan ko na iyon. Kung alam ko sa sarili kong hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko, titigilan ko rin iyon. Pero ngayon, nag-aaway yata ang right and left hemisphere ng utak ko. I know Malabo akong magustuhan ni Amy dahil ang tarantadong Carlo pa rin na iyon ang gusto niya pero parang gusto ko naman na subukan kung baka sakaling magkaroon ako ng pag-asa. 'Tang ina, hindi naman ako pangit. Mas guwapo ako sa gagong iyon, ah. Well, lamang lang siya dahil siya ang tatay ng ipinagbubuntis ni Amy saka maganda ang buhok niya pero sigurado ako mas guwapo ako sa kanya.
Mayaman din ako. Marami akong pera. Marami akong investments. Marami akong properties. Kayang-kaya kong buhayin si Amy at ang anak niya. Kaya ko silang bigyan ng magandang buhay at magandang kinabukasan ang anak niya. I can be a good husband and a father. Like Carlo, I also love her.
Fuck.
Tama ba ang naisip ko? I love her? Putang ina talaga. Puwede ba iyon? Sandaling panahon pa lang siyang nandito sa amin minahal ko na? Inis akong napakamot ng ulo at inis na dinampot uli ang bote ng alak at tumungga doon. Hindi nga alam ni Amy na gusto ko siya tapos pag-aasawa na ang iniisip ko?
Napahinto ako sa pag-inom sa bote ng marinig kong may bumukas na pinto. Napalingon ako pero siniguro kong hindi ako makikita mula sa sofa. Nakita kong ang kuwarto ni Amy ang bumukas. Lumabas siya doon. Natawa ako kasi nagkakamot pa siya ng tiyan habang nakaliyad na nakatayo sa harap ng kuwarto niya. Parang nag-iisip kung anong gagawin tapos ay nakita ko siyang dumiretso sa kusina.
Shit. She is still awake? Pupuntahan ko ba? Muli akong tumungga sa bote ng alak at pinahid ang bibig ko. Bumuga-buga ako ng hangin at ipinilig-pilig ang ulo ko. Umeepekto na yata ang espiritu ni Pareng Jack sa akin kasi gumagaang na ang pakiramdam ko.
Nakakarinig ako ng mga kaluskos sa kusina. Mukhang nagugutom si buntis. Tumayo ako at pumunta din sa kusina.
Naabutan ko siyang may hinahanap sa ref tapos ay napangiti ng makita ang hinahanap. Pagsara niya ng ref ay nakita kong may hawak siyang karton ng gatas.
She opened the carton of milk. She smelled it and she smiled like a child looking satisfied with what she smelled. Then she drank directly from the carton of milk.
I smiled while looking at her. She is so lovely. I just love everything she does.
"Sarap 'no, baby? Dalhin na lang natin 'to sa kuwarto." Sabi niya at isinara ang karton ng gatas at lumayo na sa ref para lumabas sa kusina. Muntik pa siyang mapatalon ng makita ako doon.
"Bullet! Grabe ka! Ginulat mo ako." Napahawak pa siya sa dibdib niya dahil sa sobrang kaba.
"Can't sleep?" Tanong ko sa kanya at humakbang ako palapit sa kanya. Even her smell is so good. Hindi ko alam kung dahil sa nakainom ako at napabango niya. I know its her natural scent and I love the way she smells.
"Gusto ko lang ng gatas." Sagot niya sa akin at ipinakita ang karton ng gatas sa akin. Kumunot ang noo niya at umamoy-amoy sa hangin tapos ay tumingin sa akin at inamoy-amoy ako. "Lasing ka ba?"
"Lasing? Ako? No." Sunod-sunod ang iling ko. Nakainom ako at alam kong may alcohol sa sistema ko pero hindi ako lasing alam ko ang ginagawa ko.
Inamoy niya ulit ako at napangiwi siya. "Amoy alak ka, eh." Parang nandidiri pa ang itsura niya.
"Nakainom pero hindi lasing. I still know what I am doing. Can I taste the milk?" Shit. Sana walang mag-landing na sampal sa mukha ko sa gagawin ko.
"Ah. Ito? Sige," iniabot niya sa akin ang karton ng gatas.
Umiling lang ako.
"I want to taste it from you."
And before Amy could say something, I pulled her closer to me and kissed her lips.
Alam kong mas masarap ang lasa ng gatas galing sa bibig niya kesa sa karton ng gatas na ibinibigay niya sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top