Chapter Twenty-Four
Charlotte's POV
My mother in law is so persistent that I need to do this scheme if I wanted to save my marriage with Carlo. And even if I am not so sure how am I going to pull this stunt, I am going to give it a shot so Carlo won't leave me.
"We better be careful about this, Charlotte. Alam mo naman ang anak ko. Masyadong magaling ang isang iyon. He would know if you are faking this. But I made sure that this doctor is going to help us. Hindi birong halaga ang ibinayad ko sa kanya para lang pumayag siyang gawin ito."
Mrs. Santos is fixing what is inside her bag. Tumingin ako sa paligid ng clinic. Maayos naman ang at maaliwalas ang loob pero pakiramdam ko para akong sinasakal dito.
Tanggap ko na, na hindi na talaga ako mabibiyayaan ng anak. I had a life threatening tumor that grew inside my uterus when I was in my teens. The treatment was so aggressive that it affected my health. The doctors decided to remove the tumor together with my uterus so it won't affect the others parts of my reproductive system.
I was so scared. I was disappointed. I was depressed just by the thought that I won't be experiencing getting pregnant and giving birth to a child of my own. But as they always say, life goes on and my parents made sure that even if I cannot bear a child, I can still get married and be married with Carlo.
Carlo Santos. He is the only one that I loved ever since we were small. I thought he also liked me kasi caring siya. Mabait. Maasikaso siya every time na may family gathering between our families. But when he found out about the arrangement of our wedding, bigla siyang nagbago. Nagalit siya sa akin. Nagalit siya sa pamilya niya and he was asking to call off the wedding. Iyon pala kasi meron siyang ibang gusto.
When I saw that Amy, I asked myself kung anong nakita ni Carlo sa kanya. She was so plain, she was a nobody and she came from a poor family. I hate her and I hate her more when I learned that she is carrying Carlo's baby. Ang kaisa-isang pangarap na gusto kong ibigay kay Carlo na hindi ko magagawa tapos siya, maibibigay niya.
Sa totoo lang, I felt relieved when I learned that she died. I don't feel any remorse at all. Mabuti nga at nawala na siya pati na ang anak niya para wala na silang maghahabol kay Carlo. Alam ko naman na matatapos din ang kagaguhan ng asawa kong iyon sa paghahanap sa isang babaeng patay na. Alam kong darating ang panahon na magbabago siya at magsasama kami ng maayos.
"Mom, I tried to show to Carlo the ultrasound report but he didn't pay any attention to it. Paano tayo makakasiguro na maniniwala siyang buntis ako?" Nag-aalala talaga ako sa plano na ito ng biyenan ko. Mabuti na nga lang at kahit ayaw sa akin ni Carlo ay kasundo ko naman ang nanay niya at gagawin lahat ni Mrs. Santos ang paraan para maging maayos ang pagsasama naming ng anak niya.
"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa anak kong iyon. Patay na nga ang Amelia na iyon, pinipilit pa rin niyang hanapin. We need to divert his attention to your pregnancy. Alam ko naman na kaya siya hoping na buhay ang babaeng iyon dahil sa anak nila. Carlo always wanted to be a father," umirap pa si Mrs. Santos ng sabihin iyon.
Parang gusto kong maiyak sa sinabi niya. Carlo always wanted to be a father and yet hindi ko iyon maibibigay sa kanya.
"This doctor is going to help us. I am sure kapag may doctor na, na humarap kay Carlo at i-explain ang possibility ng pagbubuntis mo, siguradong maniniwala na siya."
"Pero once lang po may nangyari sa amin. Kailangan pa niyang malasing para lang tabihan niya ako," nangingilid na ang luha ko pero pilit kong pinipigil na mapaiyak.
"Kung kailangan mong lasingin ng lasingin ang asawa mo para tabihan ka sa kama, gawin mo. We need to make sure na maniniwala siyang nabuntis ka niya." Napapailing pa si Mrs. Santos. Halata kong nahihirapan na rin siya kung paano gagawan ng paraan ang pagsasama namin ni Carlo.
Pareho kaming napatingin sa doctor na pumasok sa loob ng clinic. Magandang doctor ito. Mukhang smart at nakangiti agad ng humarap sa amin ni Mrs. Santos.
"Jean," nakangiting bati ni Mrs. Santos sa dumating na babae.
"Hi, Mrs. Santos. How are you? Did the ultrasound result that you asked me helped you?" Nakangiti pang sagot niya at tumingin din sa akin.
Napatingin ako sa biyenan ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
"Well, Jean I think I am going to consider your offer. Can you really fake it that she is pregnant?"
Muling tumingin sa akin ang doctor at napailing.
"Mrs. Santos, I've been an OB for so long and I helped many clients who have a problem like that. Of course I can do that." Punong-puno ng yabang na sabi ng doktor.
"I want my son to believe that she is pregnant. He doesn't believe the ultrasound report that we gave him. I just want their marriage to work." My mother in law sounded so desperate this time.
Napahinga ng malalim ang doctor at sumandal sa kinauupuan niya.
"Then bring him here. I will make sure that he will believe that you're pregnant once he is here. Tell him to accompany you on your next doctor's appointment." Nakangiting sabi ng doctor sa akin.
Para yata akong mauubusan ng hininga dahil sa excitement.
"You can do that?" Paniniguro ko. "Paano kung lumilipas ang buwan na hindi lumalaki ang tiyan ko?"
"Ganito. First three months, kaya pang itago. Pero siyempre nga kailangang lumaki ang tiyan mo so I have a contact that can make belly prosthetics. Wala ng imposible ngayon kung pagpaplanuhan ng maayos."
Nagkatinginan kami ng biyenan ko. Kita ko rin ang excitement sa mukha niya.
"What about the baby? When I give birth? Saan ako kukuha ng bata kapag kunwari manganganak ako?" Sa totoo lang kahit nakakaramdam ako ng excitement sa mga plano, kinakabahan pa rin ako.
Natawa ang doctor. "Walang imposible diyan. Araw-araw maraming namimigay na mga nanay na nanganganak sa center. Poverty hits hard in our country kaya karamihan sa depressed areas hindi na kayang buhayin ang mga anak nila. Just leave it to me." Punong-puno ng assurance na sabi niya.
Ang ganda ng ngiti ni Mrs. Santos sa narinig na sinabi ng doctor. Kahit ako ay talagang nabuhayan ng pag-asa.
"Thank you, Jean. Magpapa-schedule agad ako ng consultation sa iyo kasama si Carlo. I'll just wire the money on your account."
Ngumiti si Jean. "Sure, Mrs. Santos. No need to worry. Napakaliit na bagay nito compare sa ibang mga nagawa ko na."
Ngayon pa lang ay talagang parang sasabog na ang dibdib ko sa excitement.
---------------
Bullet's POV
"Hindi ka ba nahihirapan?"
Nilingon ako ni Amy habang nakaupo ako sa mesa at kumakain ng manggang hilaw na naani sa mga puno namin. Isinasawsaw ko iyon sa shrimp paste na ginawa ni Manang Ester. Paborito ko 'to kahit noon pang maliit ako kasi hindi malansa gumawa ng bagoong si manang.
"Ano ang mahirap?" Takang tanong ni Amy at muling itinuon ang pansin sa ginagawa niyang pagluluto. Nagluluto siya ng tortang talong.
"'Yan. Nagluluto ka tapos ang laki ng tiyan mo. Para kang butete," at natawa pa ako ng sabihin iyon.
Ang sama ng tingin sa akin ni Amy tapos ay itinuon niya ang pansin sa ginagawa niya.
"Alam mo minsan, parang mas gusto ko pa na katulad tayo 'nung dati. 'Yung hindi mo pa alam ang totoo sa akin. Kasi noon hindi mo ako inaasar, eh. Kasi ngayon nabubuwisit na ako sa iyo kasi ang lakas mong mang-asar," inirapan pa ako ni Amy.
Pinipigil ko ang pagbunghalit ng tawa ko kasi nakakatawa talaga ang mukha niya. Pikon na pikon ang itsura niya.
"Anong nakakapikon? I am just telling the truth." Pina-inosente ko pa ang mukha ko.
Painis na binitiwan ni Amy ang hawak na siyanse at humarap sa akin. Lalong iniliyad ang tiyan sa harap ko.
"Mr. Acosta, hindi porke't tinutulungan mo ako ay puwede mo na akong asar-asarin. Sinasabi mo na talagang mukha akong butete?" Tingin ko ay kung puwede lang akong tirisin ni Amy ay ginawa na niya. "Hindi ka siguro nagbabasa ng mga articles about pregnancy 'no kaya hindi mo alam na madali kaming masaktan kahit sa mga biro lang." Her voice cracked and she immediately turned her back at me.
Nawala ang ngiti ko sa labi at seryoso akong napatingin kay Amy. Is she crying?
"Hey, are you crying?" Napatayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. Mabilis niyang iniiwas ang mukha sa akin at nagpahid ng luha sa mata.
"Oh my god, I am so sorry. It was just a joke," sobrang nag-aalala ako dahil baka mapaano si Amy.
"Akala mo kasi madaling maging buntis. Ang hirap-hirap kaya. Ang bigat-bigat nito tapos pumangit pa ako tapos ang taba-taba ko pa," umiiyak na sabi ni Amy habang ipinagpatuloy ang pagluluto niya ng tortang talong.
"I smell something good coming from here."
Napatingin ako kay mama na pumasok sa kusina at napakunot na tumingin sa akin.
"What are you doing here? Wala ka bang trabaho?" Taka ni mama. "And kailan ka pa dumating?"
"Last night. Hindi ko na lang kayo ginising," sagot ko at nag-aalalang tumingin ako kay Amy. Sumisinghot pa rin siya.
"Aria, why are you cooking? Baka mapagod ka?" Mabilis na lumapit si mama kay Amy. "You're crying? Why are you crying?" Agad na tumingin sa akin si mama.
Alam kong sisihin na naman ako ni mama.
"I-I was j-just-" nagkakanda-bulol na ako.
"May naalala lang po ako," putol ni Amy sa sasabihin ko tapos ay nakita ko siyang pilit na ngumiti sa mama ko. "Okay lang po ako." Hinango niya ang mga niluluto niya mula sa kawali at inilagay sa plato tapos ay pabagsak na inilapag sa harap ko.
"Enjoy." Matigas na sabi ni Amy tapos ang sama ng tingin sa akin at iniwan na ako doon at dire-diretso siyang umakyat papunta sa kuwarto niya.
"What was that?" Takang tanong ni mama.
Ngumiwi ako ng nakangiti kay mama. "What was what?"
"That. Bakit upset si Aria?" Umupo si mama sa harap ko.
"Wala naman. Naaliw lang akong biruin siya."
Malakas akong hinampas sa braso ni mama.
"Siraulo ka talaga. Nakita mong buntis 'yung tao bibiruin mo. Hindi mo ba alam na ang mga babaeng buntis ay sobrang sensitive? I was like that when I was conceiving." Sagot ni mama.
"Wala naman masama sa sinabi ko. Sabi ko lang mukha siyang butete which is 'di ba totoo naman? Ang laki kasi ng tiyan," napatawa pa ko.
Piningot ako sa tenga ni mama kaya napasigaw ako ng aray.
"Akala ko ba nagbago ka na sa pagiging prankster mo?"
"It didn't mean anything." Reklamo ko. "I was just trying to be friendly with her."
"Friendly? By saying that she looks like a butete? Siraulo ka. And why is that you suddenly became friendly to Aria?"
Sumimangot ako kay mama habang hinihimas ang tenga kong piningot niya. Nakakahiya. Kung may nakakita sigurong mga tao sa amin, nakakahiya talaga ako. CEO ako ng kumpanya pero parang ten years old akong bugbugin ng nanay ko.
"Nothing. Masama na bang maging friendly sa sister in law ko?"
Napakibit-balikat si mama.
"No. Well, I like that. At least mas magiging palagay si Aria sa pamilya natin." Tumingin uli sa akin si mama. "Are you in a relationship with Jean?"
Kumunot ang noo ko. "Si Jean? No. Why?"
"Sinabi niyang magkikita daw kayo sa Manila."
Ang bilis ng iling ko. "No. Busy ako and I don't have time to meet with her."
Napatango-tango si mama at kumutsara sa kaharap kong tortang talong.
"Ipinagluto ka pa ng paborito mo ni Aria." Komento ni mama.
"Actually para sa kanya talaga 'yan at hindi para sa akin."
"Masarap pa din." Sabi ni mama at patuloy sa pagsubo.
"'Ma, what if one day you will learn that Amy is hiding something from you?"
Tumaas ang kilay ni mama. "Amy?" Paniniguro niya.
Fuck. Nadulas pa ako at nasabi ko ang totoong pangalan ni Amy.
"Aria. I mean si Aria. Sino ba si Amy?" Pinilit kong magpatawa.
Ngumiti ng nakakaloko sa akin si mama.
"Oo nga. Sino ba si Amy? May bago bang inspirasyon ang anak ko?" Nakataas pa ang kilay ni mama sa akin pero tonong nanunukso.
Natawa ako at ipinagpatuloy ko ang pagkain ko.
"May ipapakilala ka na ba sa akin na babae at Amy ang pangalan niya?"
Grabe manukso si mama. Nagtataka pa siya kung bakit ang lakas kong mang-asar samantalang feeling ko naman sa kanya ako nagmana.
"No, 'ma. Walang babae ano ba?" Pinipigil ko ang mapangiti kaya itinuon ko uli ang pansin ko sa pagkain ko.
"Hala! Walang babae pero bakit namumula ka? Halatang kinikilig ka. Ang tanda mo na para mag-blush." Panunukso pa ni mama. "Sabihin mo na sa akin kung sino at ng makaliskisan namin ni Aria."
"Seriously, 'ma. There is no girl." Napailing ako at napatawa. "I was just asking you about Aria. What if she is hiding something?"
Napahinga ng malalim si mama sumeryoso na.
"Ayan ka na naman. Pinag-iisipan mo na naman ng hindi maganda ang hipag mo. Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin sigurado na asawa ni Hunter si Aria?"
Napangiwi ako sa sinabi ni mama. Parang hindi ko ma-take 'yung salitang hipag kasi ayokong maging hipag si Amy. Parang mas gusto ko siyang maging ka-steady.
What? What the fuck am I thinking? Shit.
Hinawakan ako sa balikat ni mama.
"You are not getting any younger, Bullet so be like Hunter. Get married. Have kids para naman magkaroon ng kalaro ang magiging pamangkin mo." Ang ganda-ganda ng ngiti ni mama.
Doon ako sumeryoso at napahinga ng malalim.
I wanted to tell mom the truth but mukhang mahihirapan siyang tanggapin ang totoo. She really thinks that Amy's baby is her grandson.
Napabuga ako ng hangin at ngumiti kay mama.
"Matagal pa akong mag-aasawa. Let's just enjoy this moment with your daughter in law and your grandchild." Parang may bara sa lalamunan ko ng sabihin iyon.
Kinurot pa ni mama ang pisngi ko at tumayo na.
"After mong kumain ng mabahong bagoong, mag-toothbrush ka, ha? Then help Aria to fix the room of baby Hunter. I bought a wooden crib and please paint the room of your nephew."
Sinundan ko lang ng tingin ang papalayong si mama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top